Chapter 18
Chapter Eighteen
Have you already felt the dramatic pause? It was a sudden pause you feel everytime you discover something truly unexpected and this dramatic pause thing tends to happen to me everytime I'm reading a so damn good book. Akala ko'y hanggang sa libro ko lang iyon mararamdaman pero hindi ko inaasahan na mararamdaman ko iyon sa realidad. In moments like this. It was like the whole world pause for a while for me to think on what to say next but I still couldn't find those words.
I can't still get over even though moments had passed by. Gusto kong ulit-ulitin sa aking isipan ang tinig ni Ryden habang sinasabi ang mga katagang iyon. Siguro nga ay malalim na ang aking nararamdaman sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano nga ba ang mararamdaman ko. There's something in my head that tells me to be happy but I don't know why... I don't even know if I had already think about it. However, at the same time, I couldn't and wouldn't like to feel anything. Ang gulo ko di'ba? Kasi naman, hindi ko alam kung paano ako tutugon kay Ryden!
“Hey Aye, I'm sorry I probably shocked you. Uh, I'm sorry about that, dapat dinahan-dahan ko muna di'ba.”
Nakakahiya tuloy dahil bigla nalang akong natula. Anong gagawin ko? I know there are times that I feel happy seeing him and I miss everytime we don't see each other. I am happy waiting for his replies at night and him calling me before I sleep. I like all of those... uh, are those things the perks of falling inlove though? I'm not sure because the last time I checked, I don't feel anything at all towards him—well I often got pissed at him before. Pero dati pa 'yun!
I tried to smile. “Sorry, for the first time kasi may umamin sa'kin.”
I was about to slap myself because of my reason. Tsk, baka isipin nito masyadong lonely ang buhay ko kasi wala ako masyadong manliligaw. Tsk, hindi lang talaga ako lumilingon sa lalaki dati.
“Na-touch ka ba ng sobra?” Ginulo niya ang buhok ko sabay tawa.
“Panira ka!”
Pareho kaming nagtatawanan at inaasar pa niya ako sa iba-ibang bagay. May part sa'kin na kinikilig pero may part naman na naiirita ako sa mga pang-aasar niya. Argh, Aye ang gulo mo.
I don't know but I'm comfortable being with him because he brings such comfort to me. Makita ko lang siya, parang nanghihina ako na sumisigla. Is this also one of those perks?
“Kailan lang 'yan?” Wala sa sariling tanong ko.
“Ang alin?”
“Iyang uh—nararamdaman mo?”
“I don't know either.” He shrugged. “Bigla ko nalang nararamdaman and I don't want to deny it. Para saan pa? Denying your true feelings isn't helpful at all.”
Ang lakas ng pintig ng aking dibdib. May nararamdaman akong mga paru-paru na naglalakbay sa aking tiyan at pilit akong kinikiliti. Hindi ko alam na ganito pala talaga ang mararamdaman. Sa mga libro ko lang to nababasa dati e.
“Baka naman pagkatapos nito hindi mo na'ko papansinin?”
Umangat ang aking tingin sa kaniya. “Bakit ko naman gagawin iyon?”
I don't think na hindi ko na ulit siya papansinin. Eh gustong-gusto ko nga siya makita lagi, eh!
“Ayokong masira kung ano man ang meron sa atin ngayon, Aye. I'm not asking you to like me back but please respect my feelings.”
Ang lakas na ng pintig ng dibdib ko. I don't want this moment to end yet. Gusto ko munang makasama siya sa ganito. Talk about a lot of things.
“H-Hindi naman ako iiwas.”
He smiled, staring at the sunset infront. “Good because I don't know how to handle the pain of being avoided by you again.”
That day really means a lot to me. Kung pwede lang i-ukit ko pa iyon sa kalendaryo ay matagal ko nang ginawa. After watching the sun goes down, Ryden and I went to the nearest store to find something to eat. Tataba yata ako nito kasi sa tuwing kasama ko siya'y laging napaparami ang kain ko. I wouldn't mind though.
Nang gumabi na, as usual nags-scroll ulit ako sa newsfeed ko Twitter. I saw some retweets of Arin about those Koreans. Seryoso nga yata siya roon. May bago na namang kinababaliwan ang pinsan ko while ako, still into books pa rin.
Ryd:
Any plans to go to sleep?
Good evening! :))
Sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundo ng twitter, biglang may nag-notify sa screen. Obviously, may nag-chat. I saw this chat from 'ryden_caleb21’.
I typed a reply for him.
Aye:
Nah, hindi pa'ko inaantok eh
You?
Pagkasend ko pa lang, may nakita na agad akong three dots sa gilid which means nagtitipa siya ng reply.
Ryd:
Plano lang, hindi gagawin.
Napakunot ang noo ko sa naging reply niya. Is this a kind of joke? It's so corny!
Aye:
Matulog ka na, matutulog na rin naman ako e. Tsaka may pasok pa tayo bukas.
Ryd:
You sleep first.
Aye:
Why? malalaman mo ba na talagang natutulog na nga ako?
Ryd:
Depende kung nagsisinungaling ka -_-. but don't worry, I trust you enough.
Hindi ko alam ang irereply ko. Gosh! seriously hindi ako magaling magpahaba ng conversation eh.
Kaya ayon, wala na akong nagawa. I ended our conversation at nagpaalam na akong matutulog na. May pasok pa pala bukas. At gusto ko na ding matulog kasi inaantok na talaga ako.
Wala yatang mapaglagyan ang saya na aking nararamdaman ngayong habang kausap ko siya. It's always the happiness with him that I don't want to lose. It was like a huge and rare treasure for me. Kahit hindi niya naman ako pinapatawa, basta't kasama ko siya'y sumasaya talaga ako.
But then, happiness really means there's pain afterwards because when I woke up the next day, the happiness I felt the night before vanished.
I woke up early as usual naligo ako at nagbihis na ng school uniform. I tried to blow-dry my hair and nang matuyo na, pinusod ko ito ng pa-ponytail.
Bumaba na ako ng hagdan at nagulat pa nga ako ng makita ang Mommy at Daddy ko na sabay na kumakain sa hapag. This is not a usual thing. Feel ko tuloy ang awkwardness nila sa isa't-isa.
"Good morning Mom, Dad."
Matabang kong bati sa kanila. Tumango lang si Mommy sa akin at si Daddy naman ay pinadaan lang sa kabilang tenga ang aking sinabi.
Seriously, what's up with them?
Mabilis kong natapos ang aking breakfast and I stood up when I realize that I need to pee.
"H'wag mo ngang madamay-damay ang pakikitungo mo kay Ayezza sa galit mong iyan!"
"What me?! I am not mad at her at lalong hindi ako galit sa'yo! Napapagod din akong sumubok na kausapin ka Harriette and you didn't even throw your attention at me. Kapag galit ka lang!"
I paused from where I am when I heard them arguing again. Inisip ko tuloy kung saan ba ako pwedeng makakatakas dito. I don't want to hear them fighting! Don't tell me mas malala pa sa conversation nila kung wala ako sa paligid? Damn, I don't wanna imagine that.
“Baka nga dahil nawawalan kana ng gana sa pamilyang ito kasi may nahahanap kanang bago?”
“Please, Harriette can you calm down first? You're being so paranoid!”
“I'm not! Baka nga'y nambabae kana eh kasi palagi ka nalang sa madaling araw umuuwi? Ano, Chester? Pinagpalit mo na kami ng anak ko?”
“Goodness, Harriette! If you are doubting me then go and ask Dad and Cadence. Kung ayaw mo na talaga akong paniwalaan, go on ask them because they were always with me the whole time! And Papa will never tolerate incase I'm doing something stupid.”
Now, I heard mom's sobs. Napaawang ng kaunti ang aking bibig ng mapagtanto ko iyon. If Dad would cheat, it would gonna be the death of me. I couldn't imagine my family slowly cutting ties with that kind of reason. I don't want to experience it.
“Bakit ba palagi ka nalang ganyan? Binibigyan mo ako ng rason para mag-isip ng masama at kung ano-ano. You're lacking assurance now, Chester and that makes me paranoid. With that book of yours, I even doubt if you even love me the moment you married me.”
Natahimik ng saglit ang kusina at ang tanging maririnig lamang ay mga singhap ni Mommy. Hindi ko alam kung anong tunay na nangyayari sa loob at ayoko pang alamin pa. Dad's lacking assurance and I can feel that too. He even fails to assure me things. Sa tingin ko'y bumabawi lang siya sa financial responsibilities niya sa'kin. I know I want money but it doesn't matter to me all the time. I want Dad. I want Dad's presence just like the old days. When we usually spends time together and him telling a lot of stories to me. He was the one who brought me to the world of fictions but he left me there all alone.
“I'm... I'm really sorry. I'm just... just so devastated, Harriette. Please stop thinking that I'm cheating—I couldn't do that. The moment I saw Cadence crying because of that word, it broke me. I don't want to see you in pain Harriette.”
“But why do you keep on hurting me?!”
“I know... I couldn't justify it. I'm sorry, from now on I'll try to fix this mess. Please, Harriette. We'll talk again about this matter tommorow, once you've calm down.”
Hindi ko alam ang buong istorya ng pinag-aawayan nila kaya hindi ko rin alam kung sino nga ba ang may kasalanan. Kaya sino ang masisisi ko?
Dinig na dinig ko ang usapan nila sa labas at kung paano sila magtalo. Gosh, I don't want to hear any of it. Siguro mala-late ako ngayon dahil ayoko munang lumabas. This past few days, hindi ko naman na sila naririnig ng ganito. I thought na tapos na, na naayos na nila ang lahat.
Why are they being like this? Naiipit na kasi ako eh, siguro matutuwa nalang ako na may pasok araw-araw para maiwasan ko ang gulo dito sa mansion. Nakakapagod din na ganito nalang palagi eh, they are always fighting and arguing. Do they really love each other? Baka naman ang isa lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa?
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Nakasandal ako sa tiles dito sa CR. Pinunasan ko ang luha ko para hindi masira ang ayos ko. Nang marinig kong medyo humupa na ang sagutan, dahan-dahan kong sinilip ang labas. Nakita ko si Daddy na naglalakad palabas and Mommy? I don't know where she is. Dali-dali akong lumabas gamit ang backdoor para lumabas nalang rin. Nang makarating na ako sa gate, naroon na ang kotse na maghahatid sa akin sa school.
Hindi pa rin ako nakakaget-over sa narinig kanina. May dapat ba akong gawin? What if I will try to find out kung anong dahilan ng away nilang hindi matapos-tapos? Pero dapat ba talaga akong manghimasok? Of course I don't want to lose my family! I want to give back the sparks that they've lost.
Hindi naman kasi sila ganoon dati eh, they are so sweet to each other. Now, I'm starting to think that old days are always better.
***
"If you think that you have nothing to talk with about your problems then try to talk to your self. People may think that you're crazy because you're talking with yourself alone, atleast you have your way to solve everything. Don't let your problems sink you. Let yourself sink the boat of problems under the ocean instead."
Tiniklop ko na ang librong binasa ko ng nakaramdan ako ng antok habang nagbabasa. Tahimik lamang akong nagbabasa dito sa bandang sulok ng library. Hindi kasi pumasok ang isang subject namin kaya narito ako. Mag-isa lang ako dito dahil ayoko munang may makakakita sa mugto kong mga mata.
Bakit ba kasi ako naiyak kanina.
Nakita ko lang itong libro sa mga bookshelves kanina habang naghahanap ako. This cought my attention kaya binasa ko. Somehow, it cheered me up.
"Psst Aye, gumising ka diyan."
Nakaramdam ako na may kumalabit sa akin sa tabi ko sabay angat ko ng tingin. Bigla akong na-conscious sa itsura ko ng makita itong lalaking nakaitim na hoodie. Galing ako sa pagkatulog kaya akala ko si kamatayan na ito, si Ryden lang pala.
"May klase na ba?"
I simply asked sabay sulyap sa wrist watch ko.
"I don't know, baka wala lahat na subject ngayong umaga."
Umupo ito ko at halos dumikit pa sa'kin. Chansing, ah. Hinablot niya ang libro sa harapan ko. "Ano 'to?"
Napairap naman ako. Obvious naman na libro iyan, nagtatanong pa.
"Nakita ko lang 'yan sa may banda roon." Turo ko sa direksyon na pinagkukuhanan ko n'on.
"Ganyan ka ba talaga kapag bagong gising? Namumugto ang mata?"
I don't know if he's trying to make fun of me pero seryoso naman ang expression niya. Gosh! bakit ba kasi kailangan pang mamugto! Nakakahiya naman na sabihin ko sa kaniya na ganito nga ang mata ko everytime na bagong gising.
Parang may pumalo sa aking dibdib ng biglaan dahil sa pagwawala nito. I tried to hide it and never tried to answer his question.
"Unless umiyak ka each either kagabi or kanina di'ba?"
Manghuhula ba itong isang 'to?! Hindi nalang ako nagsalita kasi alam ko na ang susunod nito eh, he will ask me what's the problem.
Nagnginginig na ang aking kabuuan dahil sa presensya niya. May pumasok na idea sa akin bakit ako nagkaganoon pero iwinaksi ko na lang.
"But if you're not comfortable to talk about it, edi h'wag nalang." Matabang niyang sagot habang nagbabasa sa tabi ko. He has a nice view beside of me right now. Hindi ko mapigilan na tumitig sa kaniya from he's peircing eyes, mahahabang pilikmata, pointed nose and thin lips.
Hindi na ako magtataka kung bakit marami akong naririnig na nagkakagusto sa kaniya rito, first day niya pa lang, nakuha niya na agad ang atensyon ng halos lahat. Pero parang wala siyang pakialam roon. Minsan nagpapaka-feelingero siya pero minsan naman he's acting like wala talaga siyang pakialam.
"Baka maubusan ako ng kagwapuhan kung tititigan mo lahat."
Bigla akong napabalik sa aking ulirat. "Feelingero, hindi naman kita tinititigan!" I defended. Kasing-pula na ng mga kamatis ang mga pisnge ko ngayon! Gosh Ayezza! Nahalata niya ba 'yon?
"Tinatanggi pa eh kanina ko pa nahahalata." He gently laughed while looking at my face. Nagtagpo ang dalawang kilay ko. Gosh, kung hindi lang to library kanina ko pa siya sinabunutan.
"Sige na, titigil na po ako namumula kana po kasi."
Kahit sa sinabi niyang iyon, I can still see the amusement in his face. Minsan ko lang 'to nakikitang tumatawa pero ako pa talaga ang tinatawanan.
"Dapat lang na tumigil ka kasi problemado ako ngayon." Umirap ako sa kaniya.
Biglang naging seryoso ang ekspresyon niya. Ugh, sana di ko nalang sinabi iyon.
"Ayezza, you can always count on me. Alam mo naman iyon, di'ba?" He's voice now become deep.
"H'wag na, baka iiyak pa ako tapos tatawanan mo ulit." Pagtatampo ko pa.
"No, I won't laugh. Promise."
"Talaga?"
Tumango siya roon without any amusements on his face. His freakin' serious nga. Tumikhim ako dahil naramdaman kong parang may bumabara sa lalamunan ko nang magsimula akong mag-isip ng sasabihin.
Wala naman sigurong masama kung mag-o-open up ako sa kaniya kahit ito lang, di'ba?
"Alam mo, medyo corny itong question ko but, sa tingin mo ba? Love doesn't fades kahit ilang taon pa ang lilipas?" I asked him. Sana naman makakatulong ang magiging sagot niya.
"Yes? Maybe. Nangyayari iyon sa mga tao kadalasan eh, lalo na sa mga mag-asawa.” Ngumiti siya ng bahagya at tumikhim saglit. "You know why I believed it? Kasi iyon ang nakikita ko sa mga magulang ko. Though, they are not acting so sweet but you still can see the love through their eyes."
Tama nga naman. Paano kung puro sweetness nga ang meron kayo pero wala namang pagmamahal. It's still nonsense. Si Mom and Dad? They are so sweet before but it slowly fades. I don't want to judge their relationship kasi ayokong masaktan. Pero sana, totoo nga ang sinabi ni Ryden.
“Paano naman nila iyon nagagawa?”
“Respect, assurance, and faith. That three words are so powerful so that love will be successful. Hindi dapat hinahayaan na magkalabuan at nawawalan ng respeto at tiwala sa isa't-isa. Kasi kung ganoon, may posibilidad hindi sila magwo-work. When the time comes and they will realize that they don't know how to save their relationship anymore, they'll finally separate ways.”
Separation. I don't want that to happen to my parents. Nang marinig ko ang kaniyang mga sinabi ay hindi ko mapigilang mapayuko at pinunasan ang isang patak ng luha na umagos nalang bigla.
“Hey Aye, are you okay? Is there something bothering you?”
Naramdaman ko ang kamay ni Ryden na umaalo sa akin. Umiiling nalang ako dahil patuloy na dumadaloy ang aking luha. “N-No, it's just... I just don't know what to do anymore, Ryd.”
I continued sobbing beside him and he let me cry there with him. Until a moment passed, I felt my chest being buried in his chest while I continued crying. That day, I was hoping that if I'd open doors for Ryden, he wouldn't let me experience the same pain. I couldn't withstand it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro