Chapter 16
Chapter Sixteen
Until the most anticipated day came, it was already exam for first quarter. Yes, fast as that. Parang nung una lang ay kaka-start pa lang ng klase. Nakapag review ako sa subjects ko kagabi kaya hindi na ganoon kahirap lalo na't I and Ryden was reviewing together last night.
“I sent the summaries and the pointers of our lessons to your email, Aye. Sana makatulong,” ani nito.
Nasa notes ko lang ang focus ko at nang sabihin niya iyon sa akin, I diverted my attention towards my laptop. Binuksan ko ang aking email account and saw something there. Isang document tungkol sa subjects na i-exam bukas.
Wow, the notes was so organized, every bit of it has examples pa kaya mas lalong maiintindihan mo talaga.
“Naka-highlight na ang mga topics? Wow! Thanks for this, Ryd.”
“No problem. Uh, ilang lessons na pala ang nareview mo?”
“Half of it pa lang. Nawala kasi ang atensyon ko, goodness.”
“You should drink water and eat chocolate while reviewing, Aye. It could help. Don't be hard on yourself, hmm?”
Hindi ko rin alam bakit biglang naging ganito ang samahan namin ni Ryden at kailan nagsimula. Basta, bigla nalang niyang hiningi ang number ko through Instagram at nag-aya agad ito ng study together. Of course, it makes my heart flutter. Also the things that he's doing to help me reviewing. All this time, he didn't act selfishly. He always drag me with him and both of us striving upwards. And it matters a lot for be because I've
never been in this kind of treatment before.
“Hating-gabi na pala, Aye. We should rest, especially you. Huwag mong i-stress ang sarili mo sa pag-review.”
“Can we stay a little longer?” Hindi ko alam kung saan ko galing ang mga salitang iyon but... I'm just voicing out what's in my mind.
“Of course but... I think we should take a rest from reviewing. Pwede pa naman tayong mag-usap at magkatawag kahit walang nire-review, di'ba?”
I bit my lower lip. I silently thanking all the heavesn kasi hindi niya naisipan mag-video call kami. I swear, hindi ko kakayanin kapag nakita niya ang pulang-pula kong mga pisnge!
“Of course, Ryd. Wala naman akong problema sa ganoon.”
And then, I smiled while looking at the screen on my phone.
I can say that parang naka-close ko na si Ryden ngayon. Though, hindi kasing close kina Ashton but our conversation is improving! Pero hindi ko alam kung saan ito hahantong, but all I could say is, I like him being like this for me... I like us for what we are today. Hindi na siya ganoong rude sa'kin at hindi na rin sumasakit ang ulo ko sa kaniya. Buti naman!
Napabalik ako sa aking diwa. I almost scold myself kasi sa mismong araw ng exam, ang kapal-kapal ng mukha kong isipin si Ryden imbes itong solutions sa GenMath ang aking poproblemahin.
However, after taking the exam and our scores were revealed, para akong sinasayaw sa ulap habang nakatingin sa test paper ko sa GenMath.
45/50. Wow, samantalang dati ay hirap na hirap akong tungtungin ang 30+ na scores sa math. But now, it seems easy. Thanks a lot to Ryden.
Maagang natapos ang klase namin pagdating ng hapon kaya ngayon, kasama ko si Arin na naglibot-libot sa field. Kanina pa ako nagpaalam kay Ryden and I told him na bukas nalang muna kami magsabay kasi Arin wants to go home with me.
"Ang tahimik mo ngayon ah.” Iyon ang napansin ko kay Arin ngayon. Palagi lang siyang nakayuko na parang batang pinagalitan ng Nanay. She even looks so gloomy and I noticed that for the whole day.
She shrugged. "Wala, may iniisip lang ako."
"Scores mo?"
"Yeah,"
"Wow! Nag-alala ka na ngayon?" I joked.
“Hmp! Grabe ka, ha. Pero okay na 'yun, atleast nakatungtong man lang ako ng 35 sa GenMath. Isang malaking himala at nakatungtong ako sa trenta pataas!”
Seriously, ang importante sa kaniya ay pumasa lang. No one's pressuring her in her studies that's why she is taking it to lightly. Basta walang palakol sa grading sheet, okay na 'yun para sa kaniya. I didn't thought na nako-conscious na siya ngayon but it's better to be like that. Atleast, mentally safe siya sa acads niya.
"Hoy pangit na Arin at magandang Ayezza!"
Napalingon kaming pareho nang marinig namin ang boses si Ashton mula sa likod. Literal na pinagbagsakan ako ng balikat ng bigla siyang umakbay at ang bigat ng braso niya! Mabuti naman at nagkalaman na 'to! Nagbibinata masyado, ah.
"Ashton!!! Ang bigat mo, malaking damulag!"
"Gwapong damulag kamo! Di'ba, Aye?" Tumawa si Ashton. Pabagsak kong binitawan ang mabigat niyang braso.
"Bumitaw ka nga Ashton, ang bigat!" reklamo ko. Sumunod naman siya agad.
"Kayo ha, nakaka-hurt kayo ng feelings. Alam ko naman na gumu-glow-up na'ko wag niyo namang ipamukha sa'kin."
"Ewan ko sayong feelingero ka! Panget mo! Alis nga! Nai-stress ako sa kapangitan mo!"
“Buti hindi ka na-stress sa sarili mong mukha?” Ashton fired back. Kaya naman, ayon, sinapak siya ni Arin.
“Tumahimik ka diyan, ang ganda ko kaya. Mas pogi pa nga yata ako sa'yo kapag ako naging lalaki, eh!”
Sumabay na sa akin sina Ashton at Arin pauwi nang araw na iyon. Ililibre nalang daw nila yung driver namin para ipahatid sila sa kanila. Buti naman.
***
“I mean, I didn't expect that I could reach something this high!” sabi ko rito nang sabay kaming maglakad pauwi at papalabas na sa gate. “Those notes that you sent me last night, it really helped a lot, Ryd.”
Today's the last day of exam at sobrang saya ko dahil makaka-relax na rin ako sa wakas. Mabuti nga. Mabuti naman at natapos rin ang exam at weekend na naman bukas. I can't wait to unwind at the sea and bring a book with me!
“You deserve that, Aye. Kahit hindi kita napapanood kagabi, alam na alam kong pinagsikapan mong aralin iyon. It was your hardwork that made you what and where you are right now.”
I smiled. “Thanks,”
“No problem. I'm so proud of us, Aye."
Eh kasi naman, para bang sobrang effective ng review kagabi kasi we both got high scores. Though, walang papantay kay Ryden kasi he got 50/50. Hindi ko na iyon kikwestyunin pa, for someone who's smart as him and even hardworking as him, he deserves the academic validation.
***
Nang dumating ang weekend na pinakahihintay ng lahat, as what is planned a week ago, the family went out for an outing. Narito kami ngayon sa isang private resort. Lolo rented the whole place for the whole week kaya naman walang ibang tao rito kundi kaming mag-pamilya lang. I prefer that too, perfect way of unwinding for such an exhausting week.
Medyo malayo ito sa siyudad kasi nasa probinsya na ang resort na ito kaya naman pagod na pagod kami sa biyahe. Nang makarating kami ay dumiretso agad kami sa kanya-kaniyang suites para matulog. Nakarating kami rito after lunch time na at natulog ako sa suite namin kaninang tanghali and now, it's already five o'clock. Napagdesisyunan kong bumaba sa hotel habang suot-suot ang aking white flowing dress and white flats.
Lumabas ako ng hotel dala ang cellphone at isang libro ko. I want to take a photo of the sunset mamaya. Pero since, alas singko pa at mamaya pa yatang alas sais ang sunset, iyong pool at dagat nalang ang kukunan ko.
I also take a selfie with my self habang may red na rose na nakasabit sa tenga. I am planning to post this in my Instagram account mamaya. It has been months since I didn't post something that reveals my face closely there, I think this might be the time for that.
Nang tinahak ko ang puting buhanginan ay agad na humalik sa akin ang hanging-pandagat. I closed my eyes and feel the breeze that embraces my whole system. It was quite comforting even though it messily flies away some of the strands of my hair.
When I opened my eyes, the blue sea water welcomed me. It is an open sea kaya naman ay may kalakasan ang bawat alon. It's probably nice to take a dip pero later nalang. Habang dala-dala ang cellphone ko, I went to take some selfie doon sa sun lounger kung saan ako pumwesto.
"You should pose pa, Tita. Ayan! Ang ganda mo dito Tita, as in."
Rinig ko ang hagikhik ni Tita Cadence. "Aww, really? Should I take some pa? Uh teka lang ayusin ko lang ang buhok ko na kakarebond lang." She smiled genuinely to Arin. Kinuhanan siya nito ng picture habang ang back ground nito ay ang sunset sa dagat.
Tita Cadence was wearing her navy blue sleeveless top and partnered it with a skirt na hanggang talampakan ang haba pero may slit sa bawat gilid. She even curled her light brown hair. She was just so gorgeous with that kind of look. The thing about Tita Cadence, her beauty never gets old.
Pose lang ng pose si Tita at kitang-kita ko pa kung paano siya pinagti-tripan ni Arin for taking some epic stolen pictures. Kaya naman ay palagi siyang pabirong binabato ni Tita Cadence noong flats na suot niya.
"Ayeee!!! Wuhooo!!! Ngayon lang kita nakita! Kanina ka pa ba?”
“Yeah but I stayed at the sun lounger for a while to watch the sunset.”
Naglakad ako patungo sa kanila and Tita Cadence took a selfie with me and Arin. She's already in her thirties but she looks like a teenager now.
“Oh, here's Ashton! The three of you should take a picture!” Pag-aaya pa ni Tita Cadence.
“Huh? Ang alin? Sige ba, payag ako diyan!”
And then, just like that, we had another pictures. I want to ask for a copy of our pictures dahil ilalagay ko iyon sa photo albums ko na kung saan mukha lang naming tatlo ang naroon. It was a lot of pictures hanggang sa nag-suggest si Tita Cadence na magyakapan kami for the next pose.
"Aray! Hindi ako makahinga!"
"Ganoon kami ka-sweet sa'yo, papatayin ka namin ng pagmamahal."
Bigla tuloy sinapak ni Arin si Ashton sa braso. Ang lakas n'on! Rinig ko ang tunog ng sapak!
"Umalis ka dito nandidilim ang paningin ko sa'yo, kaya hindi nagkakagusto sa'yo ang crush mo eh kasi napaka-corny mo!" Tumawa ng malakas si Arin
"Bakit? Ikaw nga di pa rin pinapansin ni Caerro eh." Ganting asar pa ni Ashton.
Anong ginagawa nila dito? Ang iingay nila as in.
"Atleast ako hindi corny, di'ba, Aye?"
Parang batang pinulupot ni Arin ang kaniyang braso sa akin. Hinila niya ako paalis roon pero nasundan naman kaagad kami ni Ashton. Pareho nilang pinulupot ang kanilang braso sa akin. Hindi ko na tuloy maimagine kung anong itsura ko ngayon.
We spend the whole moment taking pictures hanggang sa dinner time na, tinawag nila kami doon sa restaurant na kung saan nakahanda na ang dinner na halos seafoods lahat ng pagkain.
"You should continue enjoying later, magdi-dinner muna tayo." Dad told us.
"Ay oo nga pala Tito, kanina pa po talaga kami nagugutom." Hinimas-himas pa ni Ashton ang kaniyang sikmura. Nakaramdan din tuloy ako ng gutom. Unti-unting nagsidatingan ang iba. There were a lot of food displayed infront that I barely recognize what are the specific names of some dishes. Basta there were lobsters, crabs, grilled fish and also shrimps. It was all seafood.
"Kaya gustong-gusto ko talaga ang mga ganito eh, pagkain is everywhere."
"Marami din namang pagkain roon sa inyo ah. " sabi ni Ashton habang ngumunguya ng shrimp. Tahimik lang akong kumakain dito and enjoying my own food. Actually ay kumain ako ng chips kanina before I went to the sand and even yogurt kaya naman ay medyo busog ako.
"Eh wala namang mga ganito kaya nakaka-umay pa rin.” Sagot ni Arin at masiglang kumakain. Tahimik lamang akong nakisali sa kanila.
***
"Anong gagawin natin ngayon?" Paninimula ko. I feel like an outcast kasi eh, I know na sobrang tahimik ko dito.
Nang mag-gabi na, we all went to our own suites. Pumayag naman si Mommy na kaming tatlo ang magsasama sa isang suite. Isasama na rin sana namin si Rianne kaso doon siya kay ate Ashley. They're pretty close, though.
"Honestly, I wanna introduce you guys to K-pop. Grabe, ang ganda kasi ng comeback nila kahapon! Tas alam niyo ba, may emcee sa isang music show na shini-ship ko. Wala eh, ang cute nila."
Napasapo sa sariling noo si Ashton. "Ano na namang sakit iyan Arin?"
"What group ba?" matabang kong tanong.
"Kahit ano! You know, I'm a multistan!"
To be honest, I'm not into music and songs kaya wala akong masyadong alam diyan. Lalong-lalo na sa K-pop. I don't know anything about them at parang hindi rin ako interesado.
"Mas gwapo naman ako sa mga iyan, eh." Umismid si Ashton.
"Excuse me? Tumahimik ka nalang kung ayaw mong sakalin kita diyan. Porque na-attract crush mo kay Bang Chan." Umirap sa kaniya si Arin.
"May Kpop ka na pala, paano na si Caerro niyan? Kalimutan mo nalang iyon, wala namang paki sa'yo 'yon eh." Biro ko sa kaniya.Halata namang napikon siya kaagad.
"Hindi noh! Gagawin ko pa rin lahat para mapansin ako ni Caerro. Multi-stan nga ako, di'ba. I can stan both of them naman, eh."
“Kaya ka siguro ayaw i-crush back kasi hindi ka loyal sa crush mo.”
“Hoy, 'di kaya. Iba si Caerro, iba rin ang kpop. Basta, bahala na kayo kung hindi niyo gets.”
Tawang-tawa kaming dalawa ni Ashton sa defensive na itsura ni Arin.
"Bahala na nga kayo, mabuti pa magmovie marathon nalang tayo."
"Ayon! Iyan pre gusto ko 'yan."
Para mas maganda ang panonood, Ashton ordered french fries and popcorns para meron kaming makakain. Pagkatapos n'on, ay dumiretso na kami sa kwarto ko para manood ng movies.
"Anong panonoorin?"
"Mas maganda kung action movie nalang pero h'wag naman iyong pulis na hindi namamatay." Suggest pa ni Ashton.
"Ano?! No! Mas mabuting iyong romance nalang. Iyong parang KathNiel ang kilig ba, mas maganda kaya iyong may kilig, Ash" pakikipagtalo ni Arin.
"Nakakabakla naman iyan."
“Tss. Manood ka dapat, para naman magkaroon ka ng ideas paano bumanat sa crush mo ng hindi corny!”
Madami pa silang pinagtaluhan. Hanggang kailan ba to sila ganito? Kailan ko kaya sila makakasama ng payapa at walang pagtatalo? Ako na nai-stress sa kalagayan ng dalawang 'to.
"Okay, okay fine. Horror movie nalang. Ang umangal, pikit." Pagpigil ko sa kanila. Ang ingay na kasi eh, nakakarindi.
Hindi sila umangal sa suggestion ko kaya pumili na ako ng horror movie. Nakaupo lang kami rito sa sahig sa ibaba ng kama habang nanonood. Pero sa tingin ko, mas pinalala ko lang ang sitwasyon. Tili ng tili si Arin sa tuwing lalabas iyong multo sa palabas at kahit na sound effects pa lang.
"Hala! Ang bobo'ng babae naman nito! Hoy nasa likod mo tumakbo ka nga, tanga!"
"Hoy nabangga lang iyang hinliliit mo roon sa pader napilay kana? Umalis ka diyan tumataas dugo ko sa'yo!"
"Lintek na babae 'to, ito namang multo, kulang sa pansin. Nanggugulat pa!"
“Bwiset na sound effects iyan!”
"Malapit na kayong mamatay at lahat, harot pa rin ang inuuna niyo? Luh, bahala kayo. Ang harot-harot, yuck!"
Kulang na lang ay susuntukin na ni Ashton ang screen ng laptop ko para lang ipaalam roon sa bida kung ano ang dapat na gawin.
"Hoy Ashton tumigil ka nga diyan! Ang ingay-ingay mo sipain kita palabas diyan eh!"
"Hay nako, Aye, bakit napaka bobo ng mga characters diyan?"
"Kasi, kung hindi sila magpapakabobo, walang movie na mabubuo?" Obvious kong tanong. Gosh, nakakarindi ang bangayan ng dalawang 'to.
Lumipas ang ilang oras at natapos din ang pinanood namin. Sabay rin ng pagkaubos ng pagkain na aming inihanda. Nang matapos ang movie, hindi pa rin natapos ang litanya ni Ashton tungkol sa tanga daw na bida. Natatawa nalang ako kasi pawang badtrip pa ito nang matulog.
The suite has two rooms pero gusto ni Arin na makatabi kaming dalawa ni Ashton kasi daw baka may multo. Hay. Pero hindi nalang ako umangal at ganoon rin si Ashton. Wala naman akong problema roon kasi malaki naman ang kama kaya hindi na rin masikip. Iyon nga lang ay pinaggitnaan ko silang dalawa kasi baka mamaya niyan may hinulog na sa kama. This is for the peace.
When the three of us lays to the bed, feeling ko ay agad nakatulog silang dalawa maliban sa akin. At this moment and evey night like this, Ryden always flashes into my mind. Hindi ako nakapag-chat sa kaniya ngayon kasi masyado akong abala rito. Tsaka ngayong gabi ko lang rin nai-charge ang phone ko. I wonder how he's doing right now. Isang araw pa nga lang kaming naghiwalay ay hindi ko alam bakit para akong nangungulila.
And there is something in my mind that I hope he feels the same too. I hope he misses me the way I misses him. I hope he also thinks about me at night just like me. I hope he could, atleast.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro