Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter Twelve

"... You just need a lot of rest, Miss Acosta and also, you need to avoid drinking cold drinks. Maybe, mamayang pagkatapos ng lunch break you can go back to your class na."

Iyon lang ang bilin ng school nurse sa akin at nagpaalam na itong lumabas.

Lumapit sa akin si Ryden at umupo sa tabi ng aking hinihigaan. Hindi ko alam kung dapat bang may sabihin ako, hindi ko din alam kung paano ko ba siya pasasalamatan kasi I was so scared lately. Call me overreacting pero grabeng takot ko kanina. Even though posibleng may papasok na ibang estudyante roon at matutulungan ko but thanks to Ryden. I will start to stop thinking the worst of him now. Sana titigil na siya sa pagyayabang niya para hindi na ulit titibok ang ugat ko sa ulo dahil sa kaniya.

"Uh, thanks nga pala kanina. I was just so scared that's why," seryoso kong pasalamat.

"Hmm, you should be careful next time."

I sighed. Inayos ko ang sarili ko sa pagkahiga para hindi niya masyadong mahalata na kanina ko pa tinititigan ang face features niya. Damn, ilang araw na kaming magkatabi pero ngayon pa lang ako naka-a-appreciate sa itsura niya. I mean, he was indeed attractive the first time I saw him pero iba kasi ang realization ko ngayon. It was like I was being awake for a long nightmare for the first time. Grabe, gwapo rin talaga siya, 'no?

"Sinabi mo kanina, alam mo kung sino ang nag-lock sa'kin doon?" I ask him out of my curiosity, diba? may sinabi siyang ganon? di ko na masyadong maalala.

"Yeah? Iyong babaeng papansin."

"Sino?"

"Alam mo na iyon."

Tsk. There he goes again.

"Huh? pinagsasabi mo? Paano ko malalaman kung di mo naman sasabihin ang mismong pangalan?" Napairap ako sa irita. Kahit kailan nakakairita talaga siya eh.

"Sino ba ang kilala mong papansin? Imposibleng wala, Ayezza."

Napaisip ako. Sinong papansin ba? Ang alam ko lang naman ay si Arin. Palagi niya akong pinipilit para maki-agree ako sa mga pinagsasabi niya kahit hindi naman ako maka-relate. Pero imposibleng siya ang nag-lock sa akin doon. Bakit naman? Pero teka, sino pa bang papansin na kilala ko? Nag-isip ako ng nag-isip. Ang laking logic naman nito! Ayaw pang sabihin ng lalaking 'to!

"Si Alice?" I shyly answered. Pumasok lang iyon sa isip ko out of nowhere! Nakakakonsensya naman ang pamamaratang ko!

"Oo, grabe ang tagal mong makasagot." Napailing pa siya na para bang napaka-slow ko na ngayon.

My world stop. Oo nga pala! Sila Alice ang huling pumasok sa CR! Bakit di ko agad naisip iyon?

"What? Pero bakit naman nila iyon gagawin sa'kin? wala naman akong ginawang masama!"

"Wala nga pero naiinggit sila sa'yo eh."

"Bakit naman?"

"Aside sa magka-seatmate tayo, ikaw lang ang palagi kong nakakausap dito, except kay ate Dara."

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Nang dahil lang sa kaniya? My gosh! ang babaw naman. Diko tuloy alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi niya.

"Nang dahil sa'yo? Luh ang kapal.” Umirap ako sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya.

"Matulog ka nalang. Bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria."

Walang ano-ano ay sinunod ko nalang siya. Kaya nga, mas mabuting matulog nalang ako kesa makikinig sa mga mahangin niyang salita. Buti hindi pa ako nalipad.

Kahit nakainom na'ko ng gamot kanina, I can't deny na masakit pa nga talaga ang puson ko pero di na masyado. I feel better now. Medyo lang kasi nakarinig na naman ako ng mahangin na salita ng isa diyan. Tumayo na si Ryden and I just ignore him. Ilang minuto siguro dahil sa pagod, nakatulog ako kaagad.

***

"Nakalimutan ko kasi, at saka kaya ko naman siyang bantayan!"

Nagising ako sa ingay dito sa loob. Nag-unat ako ng katawan na para bang nasa bahay lang namin kami ako natutulog.

"Di ako ganoong nagtitiwala sa'yo, Saldivar!"

"Aba! eh anong pake ko?!"

Sinulyapan ako ni Arin. Namalayan niya siguro ang pag-unat ko. "Ay hala, Aye! Nagising ka ba namin? Ito kasing Ryden na'to, napaka-ingay!" Lumapit sa akin si Arin at umupo doon sa inupuan ni Ryden kanina.

"Hiyang-hiya naman ako sa bunganga mong parang aabot sa ibang planeta ang lakas."

Nanatiling nakatayo lang si Ryden doon. Baka kung lalapit siya, sasabog na talaga itong clinic. Bigla ko tuloy naalala si Ashton. What if, mag-abot ang tatlong ito? Naku, I can't imagine it anymore. I'm just hoping that time will never come.

"H'wag mo nang pagalitan Arin, siya talaga ang nagbabantay sa'kin kanina dito." Pigil ko sa kanila.

Pareho naman kaming napatakip ng tenga ni Ryden ng bigla itong tumili. As in, para siyang siren grabeng tili.

"TALAGAAA??? Walang halong fake news, mere facts lang?" Makahulugan niyang tinakpan ang kaniyang bibig. Pinangkunutan ko lamang siya ng noo.

Ano namang nangyari sa pinsan ko? Exaggerating mag-react. Ryden saved me kasi there's 30% of him na mabait naman talaga. That's isn't shocking.

"Alam niyo, parang hindi naman talaga ako kailangan dito. Alam mo Ryden, nagjo-joke lang talaga ako, tsaka sige na ha, bye ipinagkakatiwala ko na sa'yo pinsan ko! Alagaan mo iyan ng mabuti, babyeee!!!"

Pati si Ryden ay nakakunot na ang noo ngayon habang sinundan si Arin ng tingin. Para bang nagtataka ito na may ganoon palang tao mag-react ng ganoon ka-exagge. Bigla kasing tumayo si Arin at patakbong tumakbo palabas.

"At siya nga pala Aye, ako na bahala sa attendance mo, ah! Pati ikaw Ryden, ipapalista na rin kita. Pakasaya kayo, enjoy!" Habol nito at patuloy nang umalis.

What? we have attendance? Eh paano yan? Paano si Ryden?

"Hindi ka talaga pumasok kanina?" tanong ko sa kaniya at umayos na ako ng upo.

"What do you think?" malamig na sagot nito.

Napa-urong ang dila ko. Wala na, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Tsk, why did I even talk to him.

“Anong subject ang attendance?”

“Nothing. Nagkaroon lang ng drug symposium kanina sa covered court. The reason why walang estudyante na nadayo sa cafeteria kasi naroon ang lahat sa covered court.”

"Eh paano yan? may attendance daw tayo. Tsaka di'ba may ipapasa tayong assignment sa GenMath?"

"Sa talino ko ba namang 'to, sa tingin mo mahirap iyon sa akin?"

"Tss, yabang naman." Umirap ako sa kaniya. Nakakairita talaga ang lalaking 'to.

"Kasi, may maipagyayabang naman." Napaismid ako sa ganting sagot niya sa'kin.

Binilhan niya pala ako ng burger and mineral water. Hindi pa ako hinayaan ng nurse na lumabas kasi hindi pa raw ganoon ka-better ang nararamdaman ko. Just like what she told a while ago, I could go after lunch. Kahit naiinis ako kay Ryden ay nakonsensya ako ng kaunti because he had to stay here looking out for me. He can go out though, I don't know what makes him stay here for hours.

“How are you feeling?” Ryden checked his phone and after a few minutes, he diverted his gaze to me.

“Medyo okay. Well, hindi naman talaga agad-agad nawawala ang sakit sa puson.” I opened the mineral water and took a sip. “Okay lang ba sa'yo na hindi um-attend sa drug symposium? Baka hinahanap ka roon.”

“I don't like it.”

“Ah, baka kasi adik ka?”

“What the...” Tila nagulat pa ito sa sinabi ko. Isa nalang talaga at makukumbinse ko na ang sarili ko na adik ang isang 'to tapos may galit sa buong mundo. “Ayoko sa crowded area.”

“Tss, pakipot. Ang dami mo ngang fans sa crowded areas, eh.”

“Iyon nga. I don't like any attention from them.”

“Hmm, bakit naman? Parang halos lahat yata ng tao gusto sumikat.”

He sighed. “It doesn't mean that I'm ungrateful if that bothers you. It's just that, once you take yourself there in the spotlight, maaaring magbago ang ilang parte sa sarili mo. That has been what my mother said to me. May kilala rin daw kasi siyang tao noon na nasilaw sa kasikatan at nakalimutan na ang mga tao sa kaniyang paligid.”

Well, that's awful to know. I could imagine myself getting popular. Though, I wasn't dreaming of it. If ever lang. Maybe I would be greatful especially when I got popular because of good things and my passion. Ang saya kaya nun na maraming tao ang nakatingala sa'yo at hinahangaan ka. Though, the thing why I dislike it because sometimes it could invade your privacy.

“Bakit ba kasi ang daming nagka-crush sa'yo? Ano bang ginawa mo?”

“Nagpa-pogi lang.”

Muntik na akong masuka sa sinabi niya. “Tangina, feelingero, oh.”

“I didn't know you could cuss.”

I squinted my eyes at him. “Hindi naman ako anghel para hindi marunong sa mga ganoon.”

“Well, you looks like... one.”

Halos tumaas ang kilay ko dahil sa narinig ko. I don't know if I heard it right but maybe, no. Halos bulong na rin kasi iyon. But then, kahit ganoon ay parang namumula ang aking mga pisnge. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa inis—oh gosh, naiinis lang ako sa kaniya, okay? There's no other meaning to that.

“Aren't you happy? A lot of people appreciates you.”

He shrugged. “I don't know. Siguro, oo pero mas gusto ko na na-a-appreciate din ako ng taong pinaka-gusto ko.” Then, he glued his eyes to me. It was all a sudden, his usual clouded eyes has now filled with various emotions that I'm not sure if I could read it right. Nakahalukipkip lamang siya roon sa tabi ko habang ang mga mata'y hindi winawalay sa akin. Adik nga siguro ang isang 'to.

I don't know but this day, I have seen a lot from Ryden. Though, I wouldn't deny that he's so very mayabang but fine, he saved me after all. I couldn't thanked him enough kasi sobrang takot ako sa CR. Siyempre, napapanood ko rin kasi sa mga horror movies ang mga ganoong scene tapos biglang may lilitaw na nakakatakot na nilalang.

But then, come to think of it. He seems ungrateful for the attention that girls have given him. Kung iyon ang kaniyang dahilan, grabe ang advance niya naman mag-isip.

Hanggang sa lunch time ay hindi na ako binalikan pa ni Arin. Tsk, baka i-ship na naman ako nun dito sa lalaking 'to. Kaya naman, I keep on telling myself na never ko siyang pagsasabihan kung ano man ang nangyari ngayon. Godness, baka tumili na naman siya!

Lumabas na kami sa clinic kasi sinabi ko sa nurse na okay na'ko. I don't want to stay there for another hour. Nakakapagod rin naman kasi humiga ng ilang oras, feeling ko may 50/50 ako na sakit! (OMG, I hope that wouldn't happen).

I spent my lunchtime with Ryden. He even insisted to pay for our lunch. Kung tutuusin, ang laki ng utang ko sa kaniya. He payed for my food kanina na dinala niya sa clinic, and now for dinner. Okay fine, I'll just convince myself that he's a good guy para kunware mababawasan utang ko sa kaniya.

"Hi Ayezza!--oh, ngayon ka lang? Nasan ka ba kanina?"

Nakakagulat nga ang biglaang daldal ni Alice ngayon. Sinulyapan ko nalang siya at naglakad diretso sa seat ko. Pagkatapos kasi ng lunchtime ay sabay na rin kami ni Ryden naglakad papuntang classroom. Buti walang ‘fangirls’ niya ang humarang sa daan.

"Tss." Rinig ko kay Ryden.

Hindi ko na lamang inisip ang ginawa niya sa akin. Ayaw ko nang palakihin ang gulo. Hindi ko na rin pinaalam ang nangyari kanina kina Arin at Quinn. Alam kong magagalit talaga sila kapag nalaman nila iyon. Baka mangyari ulit iyong nangyari noong isang araw.

Mabilis na natapos ang klase namin. Simpleng discussions lang naman at sabi, kailangan na daw naming mag-study kasi nalalapit na ang exam namin. That's a month from now. Medyo malayo pa.

Hindi ko na nakita si Ryden ng pauwi na kami, hindi ko alam kung asaan na siya. Sayang, magth-thank you pa ulit sana ako.

Nang makita ko ang driver naming nakasandal sa pintuan ng kotse, naalala ko kung bakit hindi niya ako nahatid kanina. Tinatakasan ko ang mga magulang ko kasi, parang guilty ako sa mga narinig ko kahapon. I just hope that they will fix whatever bothers them kasi ayoko nang makarinig pa ng another away.

Wala sa sarili akong sumakay sa kotse habang iniisip ang mga nasasaksihan ko. Pagkarating ko sa bahay, plano ko sanang tumakbo papunta sa kwarto ko pero nakita naman agad ako nina Mom and Dad. Naka-formal suit silang pareho. Mommy with her long sleeves peach colored dress, her hair is perfectly bun. She is wearing her fresh make-up. Habang si Dad, naka black tuxedo with peach necktie.

"M-Mom, dad, saan po kayo pupunta?"

"Oh, here you are!” She then went to me. “If you don't mind, may pupuntahan sana tayong 18th birthday noong isa sa mga colleagues ng Dad mo."

"Hindi na namin nasabi sa'yo kanina kasi nagmamadali ka raw sabi ng Mom mo, so ano? you wanna come with us? Kung ganoon, magbihis ka na."

Napaisip naman ako. Bumalik na naman iyong nararamdaman ko. I feel bad because si Dad, he's willing to attend that birthday party. While sa'kin, he's always absent. Pumait tuloy ang buong pagkatao ko. Hays, parang ang babaw lang naman niyang problema mo, Aye. Ano naman kung a-attend sila ng birthday party ng ibang tao?

I forced my self to understand his reasons, to believe me but I can't do it anymore. I think my mind will burst thinking of this. I'm overreacting, I know. At the back of my mind, I want to say all those thoughts but I'm scared. Baka masabihan pa akong OA at kulang sa pansin. So I'll just let it slide.

Dapat ba akong sasama? Baka lamunin lang ako ng inggit roon.

"Uh no, may assignments po kami."

"Are you sure? Uh, okay. Basta matulog ka lang ng maaga dito mamaya, ha"

Tumango ako sa bilin ni Mom. Pinagmasdan ko silang naglakad palabas ng gate.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro