Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter Eleven

Hoo! It's gonna be this day! Sana effective iyong almost last minute review ko para mamaya sa summative test namin sa ELS. Wala pa naman masyadong pumasok na information sa utak ko pero sana mag-himala ang buong sanlibutan at makakakuha ako ng perfect score.

"Hi Aye, good morning! tara sa cafeteria wala daw si Miss Saldivar ngayon! Yes! Alam mo, bet ko naman si Ma'am kaso nakakapagod ang subject niya! Iyong tipong nakakahaggard kaagad.” Nagpatianod na lamang ako sa kaniyang hila. “And by the way, hindi ako nakapag-breakfast eh.”

Napailing nalang ako. Minsan kung hindi iyong crush niya ang bukambibig, pagkain naman. Wala akong nagawa kaya nagpatianod nalang. I know, libre ko na naman ito.

"At dahil hindi ako nag-breakfast, bili tayo ng burger, fries, milktea, at sige ano pa? "

"Ikaw nalang bahala diyan. Bakit ba hindi ka kumain sa bahay niyo?" Walang gana kong tanong.

"Na-late ako ng gising. Kainis, ayoko talagang mag-oral recitation eh! palagi akong naiitlog pagdating doon!"

Damn it, may oral recitation pala kami mamaya sa EAPP. Though, confident naman ako roon so carry lang.

Umupo na kami sa nakasanayan namin na table at nagsimulang kumain. Actually, busog naman sana ako ngayon kaso nakakagutom tignan si Arin na kumakain eh, kaya kumain nalang din ako.

Nang matapos ay bumalik kami sa classroom. Nakasabay pa naming pumasok ang next subject teacher namin, buti nalang di kami nahuli.

"Akala ko absent ka." Nilingon ko si Ryden.

“Hi, uh, kumain lang kami ni Arin sa labas saglit.”

“Bakit? Hindi ka ba nag-agahan?”

I raised my brows, is he really interacting with me? “Uhm, nag-agahan naman. Siya lang iyong hindi.”

Pumwesto na sa harap ang teacher namin at nagsimulang mag discuss. I listened to her intently and nagti-take down notes na din para sa future quizzes.

"...for this activity, you will answer this by pair and it's up to you, kung sino ang gusto ninyong maka-partner. You have to answer the process questions together, and then give it to Ms. Mendoza after. That's all goodbye everyone." Matapos magligpit ng mga gamit niya sa lamesa, lumabas na siyang classroom.

"Yay! by pair na naman, partner tayo, Aye--"

Hindi natapos ni Arin ang kaniyang salita ng biglang hinarang ni Ryden ang kamay niya dito. "No, ako ang magiging partner niya. Hanap ka ng sa'yo." Malamig na sambit nito.

"Wow, desisyon ka?” She exchange her gazes to us. “Pero sige na nga." Mapanuyang sumulyap si Arin sa akin kaya pinandilatan ko siya. Hindi na lang ako aangal kay Ryden. Mas mabuti din na siya ang partner ko kasi matalino siya.

"Um, Ryden, can I be your partner? kahit ito lang please?"

Nagprepare na kami ng papel at ballpen para sa isusulat namin. Pero biglang natigil ang mapayapa naming pagsasagot ng may nararamdaman akong presensya. Biglang lumapit sa direksyon namin si Alice na naka black ribbon na headband at pulang pula ang cheeks at lips. Grabe naman to makalagay ng liptint.

"No."

Medyo napatigil siya sa narinig na sagot ni Ryden dahil siguro sa pagkapahiya, pati ako rin kaya nilingon ko si Ryden. Alice bit her lower lip at umirap saka umalis na na matalas ang tingin.

"Bakit mo tinanggihan?" taka kong tanong. Napansin ko kasi na ang harsh niya naman kay Alice.

"Because why not? nakasimula na tayo kaya, no."

“Pinahiya mo iyong tao, Ryden.” Napailing na lamang ako. Kahit ganoon si Alice ay naaawa pa rin ako sa kaniya dahil sa mga inaasta ni Ryden. Sobrang feelingero talaga.

“Hindi naman siya mapapahiya kung marunong lang siya tumanggap ng rejection. Kita mo 'yun, inirapan ka pa.” It was indeed true. Ang sama ng tingin ni girl sa akin.

That day indeed well. I was so happy to the point na muntikan ko nang sakalin si Ryden—oh, don't worry. I didn't let him see my happiness baka sabihin pa childish ako kasi nananakal ako kapag masaya ako. It was just feels like heaven. Just like what I've been wanting for, nakakuha ako ng perfect score sa ELS! Ang sarap nun ipagmalaki!

But then, a good day usually follows up with a bad one. Dahil pagkalipas ng ilang araw ay napansin kong unti-unti nang lumalayo ang loob ng mga magulang ko sa isa't-isa.

I don't know if I should feel like it seems new to me so I should stop thinking about it negatively. But each days and weeks that had passed by, both my parents are having silent treatment towards each other. They only talk to each other unless they had to or else, they would act like one of them is a ghost; not visible.

It keeps bugging me for the past weeks. Hindi ko na sila naririnig pa na nag-aaway pero sobrang nakakapanibago ang katahimikan nila sa isa't-isa. It was like they doesn't give a damn towards each other anymore. That makes me sad. Witnessing my parents both losing their interest and affection towards each other bothers and kills me the most.

Nang matapos ang klase sa araw na iyon ay sinundo ako ng driver at lumulan na dito. Binuksan ko ang gate ng mansion at mula rito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang liwanag sa loob ng bahay. Nakatayo si Mom and Dad roon at parang serysusong nag-uusap.

"Ano pang silbi kung sasabihin pa natin sa kaniya? Wala na Mirieth. Don't be jailed by the past, magmove-on ka na—"

"I'm not jailed by the past! Really? Sino kaya itong pilit na hinahalungkat ang nakaraan ha? Seriously Chester?"

"Kasi pinaparamdam mong mahal mo pa rin siya! Na nagsisisi ka kung bakit ako ang pinili mo! Na si Ayezza na lang ang pinanghahawakan mo kung bakit narito ka pa rin sa'kin ngayon!"

Wait, what's with that conversation? Hindi nila napansin ang presensya ko kaya maingat akong nagtago na lang sa gilid ng hamba ng pintuan. Hindi din naman ako pwedeng biglang dumaan roon sa harapan nila.

"You're wrong! Please Chest, wag namang ganito please nakakapanghina eh, hindi mo ba napapansin? Unti-unting lumalayo ang loob ng anak natin sa'yo! Kasi wala ka nang oras sa kaniya!"

Parang may punyal na tumama sa dibdib ko. Mom noticed it? Gusto kong pigilan ang sigawan nila but I can't just meddle up there. Napapikit si Dad out of frustration. Natatakot ako na baka may magawa siyang masama kay Mom pero hindi naman siguro siya ganoong tao.

"It's about our business! kailangan kong magtrabaho Harriette para matustusan ang pamilya natin, what do you want? itatapon ko iyong libro?"

Business, business. I have all I want materially but not everything. My Dad, he's my everything, sila ni Mommy. Pero si Daddy ay para ngang wala nang oras sa akin. Even though I see him often, there's still something in my heart that seeks him. I miss him so bad and the thought of it breaks me. Nawawalan na rin ba ng gana sa akin ang sarili kong ama? Napayuko ako kasi anytime parang tutulo ang luha ko.

"I will find it tomorrow right away. I will throw it right away, don't worry. Lecheng libro 'yan." padabog na tumalikod si Mommy at umakyat na. Sumunod sa kaniya si Dad kaya malaya na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Anong itatapon? anong ibig sabihin nila doon sa libro? konektado ba yon kung bakit sila nagkagulo ngayon? It seems like it takes a huge part for both of them. Eh anong libro? Bumuntong-hininga ako. Parang sasabog na ang utak ko kakaisip.

Ayoko munang makita silang dalawa ngayon kaya kinabukasan, maaga akong umalis at doon nalang ako kakain ng breakfast sa cafeteria. Sinabi ko kay Mommy na may pagpapractice-an lang kaming activity kaya maaga akong aalis, I just texted her at si Daddy, sanay naman na siyang hindi ako kinakamusta sa umaga, hindi ko siya maabutan eh.

"Uy, early si Madame ah, asan driver mo?"

Nang pagkabukas kong gate, hininto ni Ashton ang kaniyang bike. Hindi ko din alam kung asan na si Manong driver.

"Hmm, ewan. Pasabay nalang ako sa'yo Ash, pwede?"

Parang nag-aalinlangan siyang sumagot kaya nahiya tuloy ako bigla. "Ha? O-Oo ba, sige sakay kana."

Sumakay na nga ako roon sa likuran. First time kong makisakay sa kaniya kasi sanay akong hinahatid-sundo ng driver namin dati pa. Kaya para akong naiignorante sa bawat dinadaanan namin. Nadaanan din namin ang apartment nina Quinn at nakita ko siyang nakatayo sa labas nito. Nagtaka naman ako ng bigla siyang binati ni Ashton ang ngiti lamang ang isinukli ni Quinn.

Nang makarating kami sa campus, walang Arin ang naghihintay sa'kin sa gate pero nakita ko doon si Ryden na nakapamulsa at nakajacket na itim. Nakatitig siya sa'kin pero bigla naman siyang naglakad paalis.

“Thanks, ah!” I thanked Ashton.

“Welcome po!”

Didiretso na sana ko sa room kaso naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom kaya dumiretso nalant ako sa cafeteria. Umorder ako ng dalawang sandwich at pineaple juice. Medyo napaaga ako ngayon kaya di ko na kailangan na magmadali.

Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang nakikita kong estudyante rito sa loob ng cafeteria kaya naman ay habang kumakain, in-open ko ang aking social media to check it if something's new.  Tumambay ako ng ilang minuto roon sa cafeteria hanggang sa matapos akong kumain, I felt something jelly inside me. Tumayo ako pero may naramdaman akong biglang bumulwak.

Damn, this always occur in wrong timing.

Gosh! Alam ko na to! Buti nalang may dala ako! Dali-dali akong tumakbo papuntang CR dahil takot na baka matagusan ang palda ko. Iisa lang ang cr ng boys and girls pero magkaiba ng cubicle. Naabutan ko roon ang grupo nina Alice pero di ko na sila pinansin. Nagbihis ako kaagad at umihi na rin. Napansin kong ako nalang yata ang nasa loob ng CR dahil wala ng bulung-bulungan nina Alice.

Nakahinga ako ng maluwag nang okay na ang pakiramdam ko. I'm comfortable now. Pero may bumubulwak pa rin. Minsan talaga mapapasabi ka nalang na nakakapagod maging babae lalo na't ganto ang mararanasan mo. Kumikirot kasi ng konti ang puson ko at namamanhid ang legs ko.

Nang matapos ay pipihitin ko na sana ang pintuan pabukas para makalabas na, niyugyog ko ito ng ilang beses pero ayaw mabukas! What the hell, ilang kamalasan na ang nangyayari sa'kin sa school na'to ah! I think na-lock ako dito sa loob! tinignan ko ang wrist watch ko pero oras na ngayon ng klase! madalang lang na may papasok dito sa panahong ito! Lalo na't first period, wala masyadong tumatambay sa canteen kasi busy sa klase. Gosh, nakaka-tangina naman.

"Help! pakibukas please! I'm being locked inside, please kung sinong nasa labas diyan, please po, tulong po!" Mangiyak-ngiyak na ko sa panic pero wala pa din! It was like I was asking a help for a non-existent person.

Anong gagawin ko? Maliit lamang ang butas ng pintuan nito kaya halatang hindi ako kakasya, wala ding balde dito na pwede kong mapatungan sa pag-akyat! At isa pa, ayokong magkaroon ng absent dahil lang dito.

"PLEASE, HELP!!!" I knocked the door multiple times already and I also failed for multiple times.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko habang kinakatok ng malakas ang pintuan. Natatakot na'ko, lalo na't ako lang mag-isa, takot akong mag-isa sa isang lugar kaya ganito nalang ang pagpapanic ko. What if walang makakarinig sa boses ko? Hopefully someone will get inside but it was minutes already and seems no one hears me.

"TULONG PO! PAKIBUKAS!"

Lukso ako ng lukso para makita kung ano na, pero wala pa din. Pinagpapawisan na'ko sa takot at kaba. Tumigil ako sa pagtatalon-talon ng biglang kumirot ang puson ko na para bang sinuntok ito. Kasabay din nun ang matinding pag-ngalay ng aking mga paa kaya halos mapaupo ako.

Ugh, bakit ba kasi nakisabay pa to! Sino bang may gawa sa'kin nito? aksidente lang ba to? Hindi kaya sina Alice? eh ano namang kasalanan ko sa kaniya para gawin niya 'to? Tsaka shuta, ang babaw naman!

Maya-maya pa ay may narinig akong kaluskos ng pintuan sa labas kaya nabuhayan ako ng loob. Ayoko nang tumalon kaya hinintay ko nalang ito. Ang sakit na kasi ng puson ko! Mas lalong tumitindi ito kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Napasandal nalang ako sa pintuan habang himas-himas ang aking puson na kanina pa sumasakit. Hindi man lang nawala ang kirot kahit isang segundo lang kaya mas lalo akong napaluha.

"Sino yan? tulungan mo'ko please!"

"Aye?"

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pamilyar na boses.

"Yes, please paki-unlock ng pintuan please di'ko mabukas," tugon ko rito.

"Oh! Shit!”

Naramdaman ko naman siya na pilit binubuksan ang pintuan ngunit pumilipit ako sa aking bandang puson kaya napapikit ako sa sakit. Para akong mahihimatay sa sakit nito. Grabe why do even have to experience this every month? Nakakapagod talaga maging babae!

Nang mabuksan ang pinto, bigla niya akong dinaluhan. Halatang nagulat si Ryden nang makita ako sa ganoong sitwasyon. "Aye, anong nangyayari sa'yo? namumutla ka, ah."

Mahigpit akong humawak sa kaniyang braso para hindi matumba. "Ryden...s-salamat.." I winced because it still aches.

Ngunit hindi niya ako pinansin. Sa halip ay bigla niya akong binuhat na pa-bride style at sinukbit ang bag ko sa kaniyang balikat. "Anong gagagawin mo?" tanong ko sa mahinang boses.

"Wag kang mag-alala, dadalhin kita sa clinic." Hinayaan ko lang siya na buhatin ako. The only thing that matters to me right now is getting out of here at kung ano pa, mawala lang itong sakit sa puson ko. Feeling ko kasi lahat nalang ng kasu-kasuan ko'y nanghihina at probably, hindi ko na kakayaning maglakad pa.

Habang buhat-buhat niya ako, may naramdaman naman akong kalabog sa dibdib ko. Eh kasi ba naman, kitang-kita ko sa malapitan ang features ng lalaking ito! I noticed that his face was almost perfect—I mean, I don't see any pores there. Ano kaya skincare nito? Pero wala akong pakialam roon no! mas nag-aalala ako sa sumasakit kong puson.

"Alam ko na kung sino ang may gawa nito sa'yo,” Bigla niyang sabi kaya nangunot ang noo ko doon.

“Sino naman? Wala namang may galit sa'kin dito…” sagot ko habang buhat-buhat niya ako.

“Basta,” Because I am closer to him, I clearly noticed how his jaw clenched. “Don't worry from now on, hinding-hindi na kita hahayaang mapahamak. Hinding-hindi ko hahayaan na gagawin pa nila ito ulit sa'yo." Sambit niya nang pihitin niya ang pintuan sa clinic.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro