Doll 8
Maingat pa rin ang ginawa naming paglabas para hindi makagawa ng anumang ingay. Nang makalabas kami nang walang hadlang ay naglakad kami ng ilang kanto mula sa bahay.
Isang masikip na eskinita ang aming tinahak. Paglabas namin sa kabilang bahagi ay bumungad sa amin ang isang bahay na napakaliwanag. Maraming ilaw ang nakabukas.
Nandito kami sa lamayan. Base sa nakasulat sa may entrance ay nasa kuwarenta'y anyos ang edad ng lalaking namatay.
Binati namin ni Kian ang sa tingin namin ay maybahay na nakaupo sa tabi ng kabaong. Nakasuot ito ng itim na damit. Mugto ang mga mata.
"Kayo ho siguro si Aling Rosie, ang asawa ni Mang Teban, tama ho ba?" tanong ko.
Tumango-tango ang babae. Sumilip ako sa kabaong, ganoon din naman si Kian. "Napakabuti po niyang tao. Nakakapanghinayang ang maaga niyang pagkawala."
Kahit papaano ay napagaan ko ang loob ni Aling Rosie. Nagkuwentuhan pa kami nang kaunti at pagkatapos ay pinadiretso niya kami sa kusina para kumuha ng mainit na sopas at tinapay.
Umupo kami ni Kian sa isang monoblock chair sa labas na medyo may kalayuan sa mga taong nagto-tong its. Inilapag namin ang mga pagkaing dala namin sa monoblock na table.
Nagsimula na akong kumain pero si Kian ay nanatili lang na nakatitig sa sopas niya.
"Kumain ka na. Masarap 'yan, peksman."
Tiningnan ako ni Kian. "Wala akong dalang pera e. May bayad ba ito?"
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatawa nang kaunti. "Libre 'yan. Sige na, kumain ka lang. Sagot kita." Kinindatan ko siya at pagkatapos noon ay itinuloy ko na ang pagkain ng sopas.
Kauubos ko lang ng akin nang tanungin ako ni Kian.
"Saan mo nakilala 'yung namatay, Sarah? Para kasing malapit ang loob mo sa kanya eh."
Tiningnan ko siya habang nagpipigil ng tawa. "Woi, sa totoo lang hindi ko naman talaga kilala si Mang Teban. Kunwari lang 'yon para makalibre tayo ng pagkain."
Kumunot ang noo ni Kian. "Pero bakit—"
"Ah oo." Napatingin ako sa may kabaong. "Nakikita mo 'yung mga nakadikit na pangalan sa gilid ng kabaong?" Tumango-tango si Kian. "Nando'n 'yung pangalan ni Aling Rosie."
Tiningnan niya ako na may amusement sa mga mata. "Iba ka." Nginitian niya ako habang umiiling-iling.
"Ako pa ba?" Napatawa kami parehas.
Nanatili lang kami ni Kian doon. Kakaunti na lang din naman ang tao dahil masyado nang malalim ang gabi.
Humiram ako ng isang set ng baraha para may mapaglibangan kami. Dahil wala akong alam na card game ay ini-stack na lang namin ni Kian 'yung mga baraha para makagawa ng pyramid.
Habang ginagawa namin 'yun ay kumuha ako ng isang bowl saka sampung piraso ng Dragon Sid para may panlaman sa tiyan.
Kumuha si Kian ng isa at binuksan 'yun. Diretso niyang kinuha ang isang piraso ng squash seed at nginuya niya 'yun.
"Kian, hindi ganyan ang pagkain niyan." Napatigil si Kian at naibuga niya yung nginunguya niya nang ma-realize niyang hindi pala ganu'n ang tamang pagkain.
Nagbukas ako ng isa at kumuha ng isang Dragon Sid. Inipit ko 'yun sa pang-ibaba at pang-itaas kong ngipin para lumikha iyon ng crack. Pagkatapos ay kinuha kong muli para ihiwalay ang laman sa balat. Nang magawa ko iyon ay saka ko nginuya ang nakuhang laman.
"Ahhhh. Ganyan pala." Napakamot si Kian sa batok. Pagkatapos nun ay ginaya niya ang ginawa ko sa lahat ng laman ng hawak niyang Dragon Sid.
Sa huli ay isahan niyang isinubo iyon at nginuya. Tiningnan ko lang siya habang nangingiti.
Ang cute cute niya.
"Uy, Sarah. In love ka na naman sa akin ha?" natatawa niyang sabi. "Kanina mo pa ako tinititigan."
Paulit-ulit kong iminulat-pikit ang mga mata ko nang matauhan. Umahon ang init sa pisngi ko sa hiya.
Wala akong naisip na salita para isagot sa kanya. Sa halip ay idinaan ko ang pagkatorete ko sa paglilihis.
"Kukuha ako ng kape natin. Teka lang."
Madali akong tumayo para kumuha ng dalawang disposable styro cup saka tumungo sa water dispenser.
Pinindot ko ang 'hot'.
Inisip ko ang senaryo kani-kanina lamang.
Doon ko lubos naisip na napakaganda pala talaga ng mga ngiti niya. Totoong nakaka-inlove. Nakakawala sa sarili.
Nilingon ko ang kinauupuan namin at nakita ko siyang tinatapos ang huling lebel ng pyramid. Seryosong-seryoso siya.
Kahit hindi man siya nakangiti, napakaguwapo niya pa rin.
Nakaramdam ako ng pagpilipit ng bituka sa mga tiyan ko. Halos pumalirit ako kung wala nga lang mga tao rito e.
At nang..
"Ouch!"
Nabitiwan ko ang styro cup na hawak ko dahil napaso ako. Hindi ko kasi namalayan na puno na pala ang laman noon na mainit na tubig. Ayan, titig pa more.
Pinapaypay ko gamit ang isa ko pang kamay ang apektado kong kamay nang mausisa kong tinakbo ni Kian ang distansya papunta sa akin. Pag-aalala ang nakapinta sa kaniyang mukha.
"What happened, Sarah?" Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang pamumula nito. Hinipan niya ito sa pag-asang makapapalis ito ng kirot na nararamdan ko.
Okay, magaling na ako. Haha
"Okay ka lang? Lagyan natin ng ointment para hindi magkaroon ng paltos."
Halos tumalon ang puso ko habang pinagmamasdan ang nag-aalala niyang mukha. Hay sana lagi na lang ganito.
I can feel his hand pressing mine. Ang lambot-lambot. Parang hindi kamay ng isang lalaki.
Nakaka-turn on. Dagdag pogi points.
"Sarah?"
"Ah eh.." Naalala ko 'yung ointment na tinatanong niya. "Oo, may ointment ako sa bahay. T-Tara?"
Tumango siya bilang pagpayag.
Nagpaalam na kami nang maayos sa kamag-anak ng namatay at muli naming nilandas ang daan pabalik sa bahay.
Pero umiba kami ng daan.
"Sarah, parang hindi ito 'yung dinaanan natin kanina," usisa ni Kian.
"Tumpak." Humakbang muna ako ng dalawa bago nagpatuloy. "Sabi kasi ng matatanda, kapag daw galing ka sa lamay e huwag daw munang didiretso sa bahay kasi susundan ka raw ng kaluluwa."
Tumango-tango siya.
Gusto ko lang talagang layuan ang lalakarin natin para mas matagal kitang makasama. nais ko sanang isatinig.
"E di iligaw natin 'yung kaluluwa."
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagtataka. Paano naman namin 'maliligaw' yung kaluluwa?
Humakbang si Kian papunta sa may side. May hinawakan siyang arrow signage na nakapinta ng kulay itim. Ang background nito ay kulay dilaw. It was meant for people who would like to go to the municipal hall kaya may ganoon. For directions kumbaga.
Nakaturo ang arrow sa left. Ikiniling iyon ni Kian papunta sa kanan. Tiningnan niya yun nang ilang segundo saka niya ako binalikan.
"Ayan, maliligaw na siya. Hindi na tayo masusundan ng kaluluwa," nakangiti niyang sabi sa akin. "Let's go to the left."
Napagtanto ko ang ginawa niya kaya isang malakas na tawa ang pinakawalan ko to the point na nanakit ang tiyan ko katatawa na akala mo ay mapupugto na ang hininga. Pati si Kian ay natawa na rin. Nahawa sa katatawa ko.
"Nakakainis ka, Kian!" Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya.
"Ayos ba?" tanong niya sa akin habang itinataas-baba niya nang paulit-ulit ang mga kilay niya.
"Sobrang benta, Kian. Mamamatay ako katatawa sa 'yo."
"Haaaaay.." sabay pa naming sabi pagkahupa ng pagtawa namin. Nagkatinginan kami at saka muling napatawa. This time e medyo mahina na. Naubos na ang energy namin kanina.
Gumaan ang pakiramdam naming dalawa. Para bang sa puntong iyon ay nagkapalagayan lalo ang loob namin. Nakakatuwang isipin na lalo kaming napapalapit sa isa't isa.
Sana laging ganito.
Dalawang kanto na lang bago kami makarating sa bahay ay tumigil muna kami ni Kian sa gitna ng kalsada.
"Sarah."
"Hmm?"
"I enjoyed being with you tonight." Sa tulong ng poste ng ilaw ay nakita ko ang kaningningan ng asul niyang mga mata. Kung may pagkakataon lang na makita ko iyon sa umaga ay sigurado akong mas makikita ko ang taglay na ganda ng dalawang mga matang iyon.
"I feel like I'm a normal person again. And that is because of you." Tinapik niya ang balikat ko. "Sana maulit muli ito."
"Na makikain tayo sa lamay ng patay?" biro ko.
"Uy, haha. Hindi. Ang ibig kong sabihin ay 'yung ganitong bonding. Kasama ka. Ang saya mo kasing kasama."
Kahit kinikilig ay nagawa ko pa ring umakto nang normal. "Siyempre. Hayaan mo, mag-iisip pa ako kung saan puwedeng pumunta sa susunod nating pagkikita."
"Excited na ako, Sarah. Sana bumilis pa ang oras para makasama ulit kita."
Tumibok nang malakas ang puso ko. Parang may tumatakbong kabayo. Ewan ko ba rito kay Kian. Masyadong pa-fall eh.
Tingin ko naman ay walang halong pagkukunwari niyang sinabi ang mga yun. He sounds genuine.
Pagpasok namin sa bahay ay agad niyang ginamot ang nabanlian na parte ng kamay ko. Pinanood ko lang siya hanggang sa balutin niya ng gasa ang kamay ko.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglukob ng kaantukan sa sistema ko.
Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko ay nagawa ko pang iusal ang pasasalamat ko sa lalaking nasa harap ko.
"Salamat, Kian." Pagkasabi ko noon ay bumigat na ang mga talukap ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro