Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Doll 6

Nagising ako sa marahang pagyugyog sa aking mga balikat.

"Sarah, gising."

Nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yun ay saka lang ako nagising nang tuluyan. Iniunat ko ang katawan ko sa pagkakaupo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako nang nakasubsob sa study table ko.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nang makapag-adjust ang mga ito sa ilaw ay sinulyapan ko si Kian na nakatayo sa may tabi ko lang.

"Nandito ka ulit, Kian." Hindi ko alam kung napansin niya na sinadya kong pababain ang boses ko para magpa-cute.

"Yup. It's midnight." Ngumiti siya sabay ngumuso sa alarm clock na nakapatong sa may desk ko.

Limang minuto na ang lumipas matapos ang alas dose ng gabi.

Kinuha ko 'yung alarm clock at kinausap ko na parang tao. "Sabi ko sa 'yo, gisingin mo ako ng saktong alas dose eh." Nakasimangot kong ipinatong 'yun pabalik sa mesa.

"Kanina pa 'yan tunog nang tunog, Sarah." Napukaw ni Kian ang atensiyon ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ikaw lang talaga ang hindi magising."

Tumawa siya nang marahan. Ang cute cute niya!

Ipinitik niya ang mga daliri niya sa harap ko. "Tulala ka na naman diyan. Oo na, alam kong guwapong-guwapo ka sa akin." Kinindatan niya ako.

Para bang gustong kumalas ng puso ko sa pagkakakabit dahil sa tindi ng epekto ni Kian sa akin. Lalo ko tuloy siyang naka-crush-an!

Naglakad-lakad si Kian sa kuwarto ko. Para bang nag-uusisa. Naku, kinakabahan ako sa mga maaari niyang makita eh!

"T-Tara sa kusina. Mag-midnight snack tayo."

Hindi naman siya tumanggi. Nagugutom na rin daw naman siya.

Ngayon nga ay nasa kusina na kaming dalawa. Medyo kinakabahan pa ako kasi baka biglang bumaba sina Tiyang Cynthia at Jodie. Pero mukha namang hindi. Sa tagal na nakasama ko sila ay bihira silang bumaba ng alanganing oras. Parehas silang malalim ang pagtulog. May tig-isang aircon ang kuwarto e. Samantalang ako e nagtitiyaga sa bentilador.

"Kain na." Tiningnan ni Kian ang inihain kong pancit canton, corned beef, gatas at 'yung ininit kong pandesal na natira kanina sa almusal.

Ilang segundo pang tinitigan niya 'yun. Medyo pinapawisan na ako nang malamig kasi baka hindi niya nagustuhan 'yun. Nakakahiya. Bisita ko pa naman siya.

"A-Ayaw mo?" lakas-loob kong tanong sa kanya. "S-Sige. Ipaghahanda na lang kita ng cereal." Akma kong iaangat ang pinggang may laman na pancit canton pero pinigilan niya ako.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan!

Nanginig ang mga kamay ko na hindi naman nalingid sa kanya kasi gumalaw-galaw 'yung hawak ko. Binitiwan niya agad iyon.

Sayang. Epal kasi no'ng kamay ko e. Imbes na matagal kong nadarama ang pagkapit ni Kian e umeksena pa. Hay!

"Did I scare you, Sarah?"

Umiling ako. "Naba-bother lang ako kasi baka hindi mo gusto 'yung pagkain. Nahihi—"

Kinuha niya 'yung pinggan na hawak ko at sinimulan niyang kainin ang canton. Pinanood ko lang siya habang nilalantakan ang una niyang pagsubo. Hanggang sa nasundan pa ng pangalawa... pangatlo hanggang sa 'di ko na mabilang. Namalayan ko na lang ay ubos na ang laman ng plato niya.

"Ang sarap! Anong flavor no'n?"

"Sweet and spicy." Umupo ako sa salungat na upuan. Kumuha ako ng ininit na pandesal at ipinalaman doon ang corned beef na ginisa ko.

Naningkit ang mga mata ni Kian lalo na nang makita niyang kinain ko 'yun. Nang makita niya ang reaksiyon ko ay nagpalaman din siya ng para sa kaniya at mayamaya ay kumagat na siya.

"Ito rin, ang sarap!" Nagningning ang mga mata niya na para bang naka-jackpot sa lotto.

Parang nabalutan ng init ang puso ko dahil sa naririnig na papuri kay Kian sa niluto ko. Lalo tuloy akong na-inspire mag-aral ng kung ano-ano pang luto.

Panghuli ay nilagok naman niya ang gatas na tinimpla ko para sa kanya. Napadighay siya kaya napatakip agad siya sa bibig niya.

"Sorry. Nakakahiya."

Itinaas ko ang kanang hinlalaki ko para ipaalam sa kaniyang ayos lang 'yun. Hindi naman kasi nakaka-turn off e. Ang cute cute kaya niya!"

Habang hinuhugasan ko ang mga kinainan namin ay nagsisimula na siyang magkuwento. Pangiti-ngiti lang akong nakikinig. Nakatalikod naman ako sa kanya kaya malaya kong nagagawa 'yun.

"Alam mo ba, Sarah. Ang lakas-lakas humilik ni Brian. Ang likot-likot pang matulog. Kaya 'pag nagtu-tour kami, hindi talaga ako tumatabi sa kaniya eh." Napatawa siya. "Kay Nicky ako laging tumatabi. Chill lang 'yun e. Kung ano ang puwesto noon bago matulog e gano'n pa rin pagkagising."

"At saka alam mo ba..."

Nagulat ako dahil nandiyan na siya sa tabi ko. May hawak na tinidor. Nalimutan ko yatang kuhanin kanina.

"Ako na niyan." Kukuhanin ko sana 'yung tinidor pero itinaas niya 'yung kamay niya kaya hindi ko naabot.

Sinalubong niya ang tingin ko kaya nanghina ako.

"Hindi. Ako na," pagmamatigas niya.

Nahihiya akong yumuko at hinayaan na lang siya.

Kinuha niya 'yung esponghe at nilagyan iyon ng kaunting dishwashing soap. Pinanood ko siyang hugasan ang tinidor na hawak.

"Sina Shane at Mark naman, pag nakakatabi ko sa higaan e ginigitgit ako. Kaya ayokong pumagitna sa dalawa eh. Hindi ako nakakatulog nang maayos." Umiling-iling si Kian habang nangingiti.
"Ikaw ba? Magkuwento ka naman. Tutal, wala pa tayong ideya kung hanggang kailan magpapatuloy ang hiwagang ito e sa palagay kong matagal pa kitang makakasama."

Talagang makakasama mo ako nang matagal. Panghabambuhay. Hehehe. Dyok onli!

"Sino pala 'yung mga kasama mo sa bahay? Parang hindi maganda 'yung pagtrato sa 'yo." Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Kian.

Ipinunas ko ang basang kamay ko sa tuyong tuwalya na nakasabit sa ref handle. Ginaya naman 'yun ni Kian. "Tiyahin ko 'yun. Nanay ni Jodie. 'Yung pinsan ko."

Umupo kami sa upuan sa may lamesa. "Bata pa lang ako, namatay na ang mga magulang ko. Train accident. Nabalita pa nga 'yun sa TV eh."

"Ohh... I'm sorry to hear that." Tumigil siya nang ilang saglit. "It must've been a traumatic experience for you. I hope you'll heal completely."

"Salamat, Kian."

Natahimik kami nang ilang sandali. Nagsisimula nang maging alanganin ang paligid kaya pinutol ko na ito. "Tara sa labas. May pupuntahan tayo."

"Wow! Makakalabas na rin ako!"

Tahimik naming nilakad ang backdoor sa kusina.

---

Ilang kanto ang nilakad namin at napadpad kami sa may dagat. Niyaya ko si Kian na umupo sa dalawang naglalakihang bato na nakabaon ang kalahati sa buhanginan. Mga sampung hakbang ang layo noon mula sa tubig ng dagat.

Hindi gaanong madilim sa may puwesto namin dahil maliwanag naman ang sinag ng buwan. Kahit papaano ay nasisinagan namin ang dagat na pinaitim ng panggabing kalangitan.

"Dito ako pumupunta kapag nami-miss ko ang mga magulang ko o di kaya'y kapag ginagalitan ako ni Tiyang." Kinuha ko ang dalawa kong tuhod at itiniklop yun sa may harap ko. Hindi ko pa rin iniaalis ang pagtitig sa dagat.

"Makita ko lang kasi ang dagat o 'di kaya marinig ko ang pagpagaspas ng mga alon e gumagaan na ang pakiramdam ko."

"Same thing with me," ani Kian. "Kaya nagtuto rin ako kung paano mag-surf. It is my way to release stress and keep off negative thoughts."

"Wow, na-i-stress ka rin pala 'no?"

"Oo naman." Iniangkla ni Kian ang dalawang kamay niya patalikod saka ini-stretch niya ang mga binti niya sa buhanginan. "I am also a human like you. Nakaka-stress din kaya na maging celebrity. Parang lahat ng galaw mo e mino-monitor. Bawal kang magkamali. And that's what makes us stressed."

"Kaya ipinagpapasalamat ko itong kung anumang hiwagang mayroon ngayon. Kahit papaano kasi e nakakakilos ako nang normal nang walang iniisip na judgment mula sa ibang tao— except you."

"Ha? Bakit ako?"

Nagbuntong-hininga siya. "Di ba kanina, napadighay ako nang hindi sinasadya. Na-conscious talaga ako kasi nga hindi ako sanay na nakikita ng ibang tao 'yung side kong ganoon."

"Sus! Wala 'yun 'noh. Ang cute cute mo kaya kanina." Sinadya kong hinaan ang huling sinabi ko para hindi niya marinig.

"Ano'ng sabi mo? Ang cute cute ko?"

Shocks! Narinig niya pala!

Nagpipigil ng tawa si Kian. Kinulit-kulit pa rin niya ako.

"Puwede namang umamin. Tayo-tayo lang ang makakarinig e."

Iiling-iling lang si Kian na noo'y itinigil na ang pangungulit sa akin.

"Sana makapunta ulit tayo rito sa mga susunod na gabi pa." Tumayo si Kian at inapakan ang batong tinatapakan niya. "Ang sarap maging normal na tao!" sigaw niya.

Ngingiti-ngiti akong pinagmasdan lang siya habang sumisigaw.

Masaya akong komportableng naipakikita ni Kian ang side niyang ito.

Unti-unting namungay ang mga mata ko at mayamaya pa ay naramdaman ko ang paglapat ng pisngi ko sa bato bago ako tuluyang gupuin ng antok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro