Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Competition

Maaga akong nagising kinabukasan dahil hindi ako sanay na nakikitulog sa ibang bahay. Kahit na malambot naman itong kama dito sa guest room sa apartment ni Koleen, hindi pa rin talaga ako nakatulog nang maayos.


Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na agad si Koleen na nasa kusina.


"Hail, breakfast na tayo," bati ni Koleen sa akin.


Umupo naman ako sa tapat ng counter nila at kumuha ng plato. Nagluto na pala siya ng bacon at scrambled eggs.


"Kumusta ang tulog mo?" Tanong niya habang kumakain.


Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Okay lang."


"Parang hindi ka naman nakatulog. Dahil ba kay Kuya Fike?" Nang-aasar na sabi niya.


Pinanliitan ko siya ng mata.


"Sorry na. Ang cute niyo lang kasing tignan. Bagay kayo."


"Ah, parang kayo ni Kell?"


Nanlaki ang mga mata ni Koleen. "Hail!"


"Sorry, ikaw naman kasi."


Bumuga ng hangin si Koleen. "May girlfriend na si Kell. Tsaka, masaya akong nakikita siyang masaya."


"So, si Kell nga ang crush mo?" Tanong ko ulit.


Tahimik na tumango si Koleen. Sabi ko na nga ba.


"Huwag kang mag-alala. Sigurado akong may darating rin para sa'yo, K," sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya. Tsaka, kung hindi si Kell ang destiny niya, baka either si Logan or André talaga ang para sa kanya. Hindi lang niya alam sa ngayon.


"Sana nga. Anyway, manonood ka ba ng event mamaya sa field? May game kasi si Logan," pag-aya ni Koleen sa akin.


"Ah, oo. Papanoorin ko si Fike. May event rin siya sa oval."


"Ah ganun ba. Sige sabay nalang ulit tayong pumunta sa field mamaya."


Ngumiti nalang ako sa kanya at tinapos namin ang pagkain ng breakfast. Pinahiram pa niya ako ng uniform niya para hindi na ako bumalik sa dorm para magpalit ng damit. Buti nalang at halos parehas naman kami ng tangkad at body build.


Mabilis namang natapos ang araw na puro lectures ulit sa isang major subject namin na Theoretical Foundations in Nursing at sa isa pang hate ko na College Algebra.


Agad naman kaming nagtungo ni Koleen sa field pero naghiwalay na rin kami dahil sa kabila ang baseball field.


Nang marating ko ang oval, umupo ako sa bakanteng bleachers habang hinahanap ang anino ng lalaki. Mas marami nga ang mga estudyante ngayon dito para manood ng track and field event.


Habang fino-focus ko ang aking mga mata sa mga nag-wa-warm-up sa gilid ng field, nakita ko ang matangkad na lalaking pawisan ang mukha. Kasabay nito ang pag-whistle ng isang coach sa harapan.


Teka, tapos na ba ang team nila?


"Go, Fike!" May isang sumigaw na babae mula sa bleachers malapit sa tabi ko.


Napatingin ako sa lalaking nakapikit ang mga mata habang ginugulo ang kanyang buhok gamit ang isang tuwalya.


Napalunok ako nang paulit-ulit habang umiiling nang ma-realize kong kanina pa ako nakatitig.


Maya't maya pa ay nakita ko ang paglingon ng lalaki sa aking direksiyon kaya nagtama ang tingin namin. Nakita ko rin ang paglapad ng kanyang labi kaya agad kong binaba ang aking ulo.


Bakit ba ako biglang nailang?


Huminga ako nang malalim bago ako nagpasyang tumingin ulit sa lalaki. Nakatingin pa rin siya sa akin habang may malaking ngiti sa kanyang labi.


Pumunta siya sa kanyang pwesto sa likod ng starting line kasama ng mga players sa iba't ibang universities na kalaban namin.


Teka, tatakbo ba siya? Akala ko ba trainer lang siya ng mga players?


Nang tumunog ang isang whistle, nilingon ako ng lalaki kaya kinawayan ko agad siya. "Goodluck," I mouthed silently. Ngumiti naman siya kaya alam kong naintindihan niya ang sinabi ko.


Pinagsama ko ang aking dalawang kamay at nagdasal nang tahimik sa aking kinauupuan. "Dear God, kayo na po ang bahala kay Fike."


Nang marinig ko ang pagputok ng parang isang baril, nagsimula na silang tumakbo sa field. Nakakuyom ang mga kamay ko habang pinapanood ang lalaking nakasuot ng red na jersey na tumatakbo ngayon.


"Please, please, please..." Pakiramdam ko ay ako ang tumatakbo ngayon sa adrenaline rush na nararamdaman ko.


Matapos ang ilang minutong pag-ikot nila sa oval, unang nakarating si Fike sa finish line.


"Yes!" Napatayo ako sa aking kinauupuan at nakitang nakataas na ang mga kamay ng lalaki habang ina-announce nila ang pagkapanalo niya.


"Flynn Ikerson Villacristo bagging first place in the 10,000 meter-run, finishing in 32:12.89."


Napatayo ako mula sa aking kinauupuan nang makita kong nakaluhod na si Fike sa field. Nakahawak siya sa kaliwang parte ng kanyang dibdib kaya may ilang medics na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.


Ano ang nangyayari?


Agad akong tumakbo pababa ng bleachers habang nakatingin pa rin sa lalaking ina-assist ng mga medics. Hindi naman ako makalapit dahil may barricade sa field.


"Fike." Lumunok ako nang paulit-ulit at hindi mapakali sa kinatatayuan ko.


Naghanap ako ng daan para makalapit sa kanya sa field. Sinita pa ako ng isang coach pero binalewala ko nalang ito at tumakbo ako patungo sa lalaki.


"Fike!" Sigaw ko habang nakita kong binubuhat na siya ng medics papunta sa stretcher.


"Miss, bawal ka dito," sabi ng isang medic sa akin nang marating ko sila.


"Teka, bestfriend ko po siya," sagot ko sabay hablot sa kamay ng lalaking nakahiga sa stretcher. "Fike, okay ka lang?"


Ngumiti naman siya sa akin habang nakita kong may oxygen mask na pala sa ilong at bibig niya.


"Ano po ang nangyari sa kanya? Okay lang ba siya?"


"Dadalhin lang namin siya sa ospital para ma-monitor siya," sabi ng isang medic sa akin.


"Sasama ako."


"Sige na, miss."


Wala na silang nagawa pa nang sumama ako sa ambulansiya. May ospital naman dito sa loob ng university kaya mabilis kaming nakarating sa emergency room.


Hindi naman ako makalapit kay Fike habang kausap siya ng isang doktor. Dumating na rin ang kapatid niyang si Flora kanina kaya hinayaan ko nalang muna sila.


Tinext ko na rin si Koleen na nandito ako sa ospital. Sabi niya dadaan rin siya dito mamaya.


Maya't maya pa ay nakita kong dumating ang isang may edad nang babaeng magara ang suot at hinalikan si Flora. Mukhang siya ang nanay nila.


Huminga ako nang malalim at naisipang lumabas na muna saglit. Nang makarating ako sa labas ng ospital, umupo na muna ako sa gilid kung saan may sementadong upuan.


Hindi talaga ako mapakali sa nangyayari ngayon. Sana talaga ay okay lang si Fike.


Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang isang boses ng babae.


"Hailey," bati ni Flora.


"Flora, okay lang ba si Fike?"


"He's stable na. Thank you pala sa pagdala sa kanya dito sa ospital."


"Wala 'yun."


"Flo..." Someone with a deep voice caught my ears.


Napatingin kami ni Flora sa lalaking dumating. Nakasuot siya ng oversized na gray shirt, baggy pants at Timberland boots habang nakatali ang kanyang buhok. "Kuya Ford."


Ford? Teka, pamilyar ang mukha ng lalaking ito ah. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.


"Mom is looking for you," saad ng lalaki.


Flora sighed. "Sorry, Hailey. Pasok lang ako sa loob," paalam niya sa akin.


Tumango lang ako. Nang makaalis na ang babae, akala ko ay aalis na rin ang lalaking dumating, pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko.


"Ikaw ba ang nag-encourage kay Kuya Fike na sumali sa competition?" I was taken aback by his question.


"Hindi ko siya pinilit ah-"


"Next time, try not to cross the line, kid," he suddenly muttered under his breath. He turned his back at me after that, leaving me in shock.


Kid? Teka, ngayon naaalala ko na ang lalaking ito. Siya yung gagong ex-boyfriend ni Trinity. Tsaka, sino siya sa tingin niya para pagsabihan ako? Tsk.

A/N: Sunday update! Thank you sa 700+ reads 💛

Pavote and comment na rin 🥹

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro