Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chemistry

"Hail, punta ka ba ulit sa field?" tanong ni Koleen sa akin matapos ang last class namin nang araw na iyon.


"Ha? Hindi. Uwi na ako sa dorm," sagot ko naman habang tumatayo na sa aking upuan.


"Bakit? Walang practice si Kuya Fike ngayon?"


Nagkibit-balikat ako habang palabas kami sa classroom. "Meron, pero hindi ako pupunta."


"Teka, nag-away ba kayo?"


Napatigil ako sa paglakad. "Hindi ah. Gusto ko lang tapusin 'yong research paper natin."


Pinaningkitan ako ng mata ni Koleen. "Talaga lang ha?"


"Oo nga. Sige na. Una na ako. Bye, K!"


"Okay. See you bukas, Hail!"


Naglakad na ako palabas ng building habang binabasa ko ang mga text messages mula kay Fike. Matapos ang nangyari kahapon sa museum, hindi ko pa siya nakakausap ulit.


From BBF:

Haly

Are you mad at me?

Please reply


Umiling ako sabay balik ng aking cellphone sa bulsa ng aking slacks. Hindi naman ako galit sa kanya. Gusto ko lang ng oras para mag-isip. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin kahapon. Pero kung anuman 'yon, hindi pa ako handang marinig ito.


Nang makarating ako sa tapat ng dorm, napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa gilid ng pintuan. Napaawang ako ng labi nang ma-realize kong si Fike ito. Teka, huwag mong sabihing hinintay niya ako dito?


Tahimik akong naglakad patungo sa kanya habang tumatayo na siya. "Haly..." Siya ang unang bumati sa akin.


"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa? Wala kang practice?" Nanatili akong nakatayo ng ilang metro ang distansiya mula sa kanya.


Humakbang siya palapit sa akin. "Hindi ka nag-reply sa akin. Iniiwasan mo ba ako?"


Humakbang naman ako palikod. "Hindi ah. Busy lang ako. Tsaka marami kaming assignments at exam. Kailangan kong mag-review."


"Haly, stop ignoring me." Kinuha niya ang aking kamay kaya napatigil ako.


I let out a fake laugh. "Hindi nga kita iniiwasan."


"Then, why do I feel like you are... avoiding me?" Pinisil niya ang kamay kong hawak pa rin niya.


"Ano ba ang gusto mong gawin ko para patunayang hindi kita iniiwasan?"


"Act normally. Mag-reply ka sa text ko. Manood ka sa training ko."


"Hindi na nga pwede."


"Bakit hindi pwede?"


"Kasi nga... busy ako." Agad akong tumingin sa kabilang direksiyon para hindi makita ang ekspresiyon ng mukha niya. Bakit ba ako nag-iinarte?


"Nawawalan na ako ng ganang mag-training kasi wala ka," biglang sabi pa ng lalaki.


Binalik ko ang tingin sa kanya. "Hala siya. Nakaya mo naman noong wala ako, di ba?"


"It's different now, Haly," seryosong saad niya.


Bumuga ako ng hangin. Hindi ko rin naman siya matiis. "Oh, sige na nga. Manonood na ulit ako ng practice mo."


Napangiti ang lalaki. "Start na ng season at first event namin sa Friday. Gusto kong makita kita sa bleachers."


Tumango ako. "Copy po. Manonood ako sa Friday. Okay na?"


"Okay na," nakangiti pa ring saad niya.


"Oh, balik ka na sa training." Tinulak ko ang lalaki para makadaan ako sa pintuan kung saan siya nakaharang.


"Hindi mo na ako iiwasan?" Nilingon ako ni Fike habang nakalagay ang dalawang kamay ko sa likuran niya.


"Hindi na nga. Ang kulit mo naman."


"Kung manalo ako sa Friday, pwede ba kitang ayaing mag-dinner?"


Napaubo ako sa tanong niya. "Dinner?"


Tumango naman siya.


Wala namang malisya na kumain kaming dalawa. Bakit ba ako nag-o-overthink? "Oo naman. Basta libre mo."


"Wala kang babayaran kapag ako ang kasama mo."


"Alis na." Tinulak ko ulit ang lalaki para makaalis na siya at para maalis rin ang nararamdaman kong tensiyon at kaba. Ganitong-ganito ang naramdaman ko kahapon habang nasa museum kami. Normal lang naman siguro 'to kasi lagi kaming magkasama. Wala lang 'to.


The next day, binati kami ng prof namin sa Chemistry ng isang moving quiz. As usual, hindi na naman ako prepared. Hate ko talaga ang balancing of chemical equations.


Tumayo ako kasama ng mga kaklase kong katapat ko ng row at pumunta kaming apat sa harap para sagutin ang equation na ibibigay ng prof namin. Ito ang equation, "V(s) + O2(g) → V205."


Siyempre hindi ko alam ang tamang sagot, pero nagsulat pa rin ako sa blackboard para naman hindi nakakahiya.


"Time's up."


Oh shi... May timer pala?


"Miss David, can you explain to us your answer?"


I swallowed hard, habang nakatingin sa answer kong alam kong mali. "Uh, so to balance this equation, I... uh..."


Dapat talaga hindi nalang ako nag-Nursing. Hindi naman ako magaling sa Math. Tsaka, hindi ko alam na pati dito sa Nursing may Math pa rin.


"Anyone who can help Miss David?" Tanong ni Prof sa mga kaklase ko. "Yes, Miss Fernandez?"


"To balance the equation, we just need to add 5 next to Oxygen and 2 next to Vanadium Pentoxide."


"Yes, the correct answer is this, V(s) + 5 02(g) → 2 V205(s)."


Bumalik ako sa aking upuan habang nakayuko ang aking ulo. Napahiya na naman ako.


Matapos ang klase namin, inaya ako ni Koleen sa dating tambayan namin sa The Grounds para mag-lunch. Kasama ulit namin sina André at Logan. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nilang magkakaibigan.


"Bro, hindi ka ba hinahanap ng girlfriend mo?" tanong ni Logan kay Kell.


"She's busy," simpleng sagot ni Kell.


"Kell, brother, if you don't like Flora, why are you still with her?" sabi naman ni André habang tinatapik ang likuran ni Kell.


Napansin kong tumahimik rin si Koleen nang mapunta ang usapan kina Kell at Flora. Mukhang si Kell na nga ang crush niya sa kanilang tatlo.


"Wala nga kasi siyang choice," komento ni Logan.


"You always have a choice, bro," saad ni André.


"Hail, may tattoo ka pala?" Biglang hinawakan ni Koleen ang kaliwang braso ko habang nakatingin sa maliit na tattoo sa aking palapulsuhan.


"Ah, noong nakaraan lang 'to," sagot ko.


"Nice. Sino ang tattoo artist mo?" Tanong ni André.


"Hindi ko siya kilala. Dinala lang ako ni Fike doon. Pero Rance ata ang pangalan nung artist," sagot ko.


"I knew it was Rance. Ang pangit ng gawa oh," puna pa ni André.


"Di ba nagpagawa ka rin sa kanya noon?" tanong ni Logan sa kaibigan.


"Hindi ko tinuloy," ani André.


"Ah hindi ba? Akala ko nagpa-tattoo ka sa singit mo eh," tumatawang saad ni Logan.


"Ass!" Sinuntok ni André si Logan habang tumatawa na rin si Koleen.


Maya't maya pa ay nilingon ako ni Koleen. "Hail, okay ka lang?"


Tumango naman ako.


"Dahil ba 'to sa quiz kanina? Sorry, hindi ko naman sinadyang ipahiya ka sa klase-"


"Koleen, okay lang. Tsaka, deserve ko naman 'yun kasi hindi talaga ako nag-review."


"Kailangan mo ba ng tulong? Pwede kitang i-tutor for free," alok pa niya.


Umiling ako. "Okay lang talaga ako. Salamat."


"Baka gusto mong ako nalang ang mag-tutor sa'yo, Hailey? May free food at free boyfriend ka pa." Tinaas ni André ang mga kilay niya sa akin.


"Ikaw talaga, kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Tigilan mo nga 'tong si Hail," pagsuway ni Koleen sa lalaki.


"Alright, fine! I'm out." Tinaas ni André ang mga kamay niya sabay tayo sa kinauupuan niya. "May gig kami mamaya. Nood kayo?"


"Busy ako sa practice," ani Logan.


"Mag-a-advance reading ako," sabi ni Kell.


"Mag-re-review rin kami ni Hail para sa exams," excuse naman ni Koleen.


"Fine." Nag-pout pa si André bago siya tuluyang umalis.


Pagdating ng hapon, sumama ako kay Koleen sa apartment niya. Hindi ko na tinanggihan ang offer niyang maging study buddy ko para sa exams namin. Malapit na ang midterms kaya kailangan kong makapasa sa mga major subjects namin.


"Wala si papa ngayon kaya feel at home ka lang," saad ni Koleen habang nagtungo siya sa kanynang kwarto.


Naiwan ako sa sala kaya umupo na rin ako sa sofa at nilabas ang makapal na libro namin sa Chemistry. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimulang mag-aral. Parang wala naman akong natutunan simula noong nagsimula ang first semester namin. O baka hindi lang talaga ako nakikinig nang mabuti sa klase.


Bumuntong-hininga ako habang nakatingin lang sa mga letra sa pahina ng libro. Wala talagang pumapasok sa isip ko.


Maya't maya pa ay nakita kong may nag-text sa cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa mesa at nakita ang pangalan ni bestfriend.


From BBF:

Haly

Where are u?

Hindi ka manonood ng practice?


Nag-tipa ako ng reply.


To BBF:

Nandito ako sa apartment ni K

Nagrereview lang

Sorry bawi ako next time


Wala na siyang reply matapos nito. Binalik ko ang aking atensiyon sa librong hawak ko.


Pagbalik ni Koleen, nakasuot na siya ng simpleng tshirt at shorts na pambahay. Gusto ko nalang ring humiga at matulog, pero kailangan ko ng kasamang mag-aral dahil kung hindi, babagsak na talaga ako.


"Hail, start na natin?" Tanong ni Koleen sa akin.


Tumango naman ako kaya sinimulan na niyang i-explain sa akin ang pag-balance ng chemical equations. Nakakahiya man ang magpa-tutor sa kaibigan ko, wala akong ibang choice. Good thing na mahaba ang pasensiya ni Koleen.


Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas, pero nakatulog pala ako dito sa sofa. Inayos ko ang aking upo at nakita si Koleen na nakaupo sa kabilang sofa at nag-aaral pa rin.


"Gising ka na?" Nakangiting tanong ni Koleen sa akin.


"Sorry,"pabulong kong sabi while rubbing my eyes with one hand.


"By the way, kanina ka pa ata tinatawagan ni Kuya Fike." Ngumuso si Koleen habang tinuturo ang phone kong nasa mesa gamit ang bibig niya.


Agad ko itong kinuha at nakita ang ilang missed calls galing kay Fike. "Sinabi ko namang nandito ako sa apartment mo ah."


"Hail, tanong ko lang, hindi ba talaga kayo?" May ngiti pa rin sa labi ni Koleen habang nakatingin sa akin.


"Ha? Hindi ah. Tsaka, hindi ko siya type."


"Bakit? Sino ba type mo?"


Napatigil ako habang nag-iisip. May type ba ako? "Hmm... hindi ko alam."


"Pero, wala kang nararamdaman sa kanya?" Usisa pa ulit niya.



"Wala nga." Tumayo na ako sabay pindot ng numero ni Fike para tawagan siya. Wala pang isang minuto ay sinagot naman ng lalaki ang tawag ko.


"Haly, finally!" Parang nakahinga siya nang maluwag nang tumawag ako.


"Di ba sabi ko naman sa'yo na kasama ko si Koleen?"


"I know, pero hindi ka na sumagot sa reply ko after that."


"Nakatulog kasi ako."


"I see. Anyway, tapos na ba kayo? Matutulog ka ba diyan?"


"Hindi ko pa alam." Napatingin ako sa orasan sa aking phone at nakitang malapit nang mag-hating-gabi. "Baka nga matulog na ako dito." Napatingin ako kay Koleen na tinaas ang kanyang hinlalaki sa akin para sabihing okay lang na matulog ako dito.


"Are you still busy?"


"Hindi naman. Bakit?"


"Pwede ka bang lumabas saglit?"


Napatigil ako sa sinabi niya. "Ha? Bakit? Nasa labas ka ba?"


Agad kong sinenyasan si Koleen na lalabas lang ako saglit at tumango naman siya. Nagtungo ako sa pintuan at naglakad nang mabilis papunta sa elevator.


Nakarating ako sa labas ng building matapos ang ilang minuto at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng isang kotse habang hawak ang cellphone sa tapat ng kanyang tainga.


"Bestfriend!" Tinaas ko ang aking kamay at nakita siyang naglalakad na rin palapit sa akin.


Nakasuot pa rin siya ng kanyang training shirt at shorts at mukhang kakatapos lang niyang tumakbo. "Haly," bati niya sabay baba ng kanyang cellphone.


"Bakit ka nandito? Anong oras na ah."


"I..." Bahagya siyang napatingin sa baba. "Just want to make sure you're okay."


"Fike, okay lang ako. Kasama ko nga si Koleen, di ba?"


Tumango naman siya habang nakatingin na sa aking mga mata. Napaawang siya ng labi na parang may gusto siyang sabihin, pero wala namang lumabas sa kanyang bibig.


"Ang late na. Di ba may game pa kayo bukas? Umuwi ka na para makapagpahinga ka," saad ko.


"How was your day?" tanong niya na parang hindi narinig ang sinabi ko sa kanya.


"Okay naman. Same lang as usual." Hindi ko nalang sinabi na napahiya ako kanina sa klase.


Tumango ulit siya. "May event kami bukas."


"Alam ko. Di ba nga sinabihan mo akong manood sa event niyo bukas?"


Napangiti siya. "Manonood ka naman, di ba?"


"Oo naman, kaya umuwi ka na para may lakas ka bukas. Kasi kapag hindi ka mananalo, itatakwil na kita bilang bestfriend."


Sumimangot siya na parang bata. Napangiti ako. Ganito pala siya magtampo.


"Pero siyempre sigurado namang mananalo ang team mo, di ba?"


"Mananalo ako kapag nandoon ka."


Tinapik ko ang braso niya. "Okay po. Goodnight na po."


Mabagal siyang humakbang patalikod habang nakatingin pa rin sa akin. "Goodnight, Haly," he mumbled as he brushed his quiff dark hair with one hand.


Kinawayan ko siya habang unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang pintig sa aking dibdib. Agad akong tumalikod para hindi ko na makita ang mukha ng lalaki. Dear God, parang iba na 'to ah.

A/N: Parang iba na nga yan Hailey 👀

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro