Chapter 7
Dragonfly
"Koleen, ayaw ko nang sumali sa Gen L na yan," sabi ko kay Koleen habang hinihila niya ako patungo sa building kung saan gaganapin ulit ang meeting ng society.
"Kinausap ko na si Brianna. Tsaka kinonsider na rin nila yung suggestion natin na babaan nila yung fee para sa members."
"Sigurado kang hindi ako pagdidiskitahan ng Brianna na yun?"
"Hindi na nga," ani Koleen habang hinahatak pa rin ako sa braso.
"Bakit ba gustung-gusto mong sumali sa society na yan? Di ba sabi rin ng papa mo na mag-iingat tayo sa pagsali?"
Bumuga ng hangin si Koleen. "Gusto ko lang namang ma-experience na magkaroon ng maraming kaibigan na babae."
Napatigil ako. Minsan ko na ring ginusto na magkaroon ng maraming kaibigan. But, I learned the hard way. Mas mabuti pang wala nalang akong kaibigan kung hindi naman pala sila totoo.
"Alam mo namang puro lalaki yung mga kaibigan ko ngayon. Nung high school, yung mga babaeng nakipagkaibigan sa akin eh puro may crush kay Kell. Tapos nalaman ko pang pinagchi-chismisan nila ako."
"Hindi ba mas mabuti na kaunti lang ang kaibigan mo basta alam mong true friends sila? Kahit nga isa lang okay na."
"Thankful naman ako na nakilala kita, Hail, pero gusto ko pang magkaroon ng mas maraming babaeng kaibigan."
Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi ko nga talaga mapipigilan si Koleen.
Nang makarating kami sa loob ng auditorium, medyo puno na rin ang mga upuan. May nahanap kaming bakante sa may last row kaya doon nalang kami umupo.
Nakita namin si Flora na nakatayo na sa stage at may hawak na microphone. "Is everyone here?" panimula niya. "Okay, I think we can start. Good afternoon everyone. Thank you again for coming to this meeting. So, our agenda today is mainly focused sa napag-usapan natin last time, which is about the masquerade ball and the fees involved with it..."
"I know that Gen L Society has always promoted equality and integrity. Hence, the Executives and I have decided to lower the fees na kailangang bayaran per member. We'll mostly rely on the sponsors to fund the event and to those who are willing to shell out more money are very welcome to do so."
Hinawakan ni Koleen ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin kaya binalik ko ang ngiti sa kanya.
Maya't maya pa ay may isang nagtaas ng kamay sa grupo.
"Yes?"
"Pero hindi ba exclusive rin dapat ang society na ito? We can't always just rely on sponsors. Equality means giving the same amount of money for the advocacies we represent. We're not a charity institution. We are an exclusive society."
"I agree."
"Tama."
"Girls, we already talked about this before. We do value exclusivity, but we value equality more, which means no discrimination based on age, gender, social status among others..." The President emphasized.
Nang matapos ang meeting, nagpaalam si Koleen na uuwi siya sa bahay nila dahil wala raw shift ang papa niya ngayon. Naisipan ko namang bisitahin ulit ang bestfriend ko na siguradong nasa oval field na rin sa oras na ito.
Habang naglalakad na ako sa may parking lot sa tapat ng building kung saan ako galing, napansin kong may sumisigaw sa may di kalayuan. Hindi ko naman dapat papakialaman ito pero napansin kong parang sinasaktan ng lalaki ang babaeng kaharap niya.
Lumapit ako kaunti sa kanila at doon ko na-realize na si Brianna pala yong babae.
"Sinabing hindi nga ako yon!" giit ng lalaki.
"Tyler, ano ba? You're hurting me!" ani Brianna habang hawak ng lalaki ang braso niya.
"Diyan ka na nga!" Binitawan siya ng lalaki.
"Wait! Hindi mo ako ihahatid?"
Tumalikod na ang lalaki sabay pasok sa loob ng kanyang kotse. Naiwan si Brianna na mangiyak-ngiyak na ngayon habang papaalis na ang kotse ng lalaki.
"Asshole!" sigaw pa ulit ni Brianna sabay talikod at doon na rin niya ako napansing nakatingin sa kanya. "What are you looking at?" Diretsong tanong niya sa akin.
"Sinasaktan ka ba ng boyfriend mo?" simpleng tanong ko.
Agad na kumunot ang noo niya. "Were you eavesdropping?"
"Eavesdropping? Hindi ah. Narinig ko lang na sumisigaw ka."
Tinaasan niya ako ng kilay habang papalapit sa akin. "Mind your own business, recruit."
"Okay, sorry," tanging sabi ko. Huling beses akong nakialam sa buhay ng kaibigan ko, ako pa ang nagmukhang masama. Hinding-hindi na talaga ako makikialam ngayon.
Naglakad na si Brianna palayo matapos nito. Nagtungo na rin ako sa oval field at nakita ko agad si Fike na nakaupo sa bleachers habang umiinom ng tubig mula sa water jug niya.
"Fike!" Isang babaeng nakasuot ng parang sports bra at leggings ang lumapit sa lalaki.
Napatigil ako habang pinapanood ang babaeng panay ang pagpapa-cute kay Fike. Halatang may gusto ito sa lalaki.
"I have a party on the weekend. Make sure to come ha?" Pag-imbita ng babae kay Fike.
"I'll try, Mags," sagot ni Fike.
The girl pouted, touching the guy's arm. "Fike, promise me you'll come. Ngayon lang naman ako mag-aask ulit ng favor sa'yo. Hindi ka na nga pumunta sa debut ko last year."
Hindi sumagot si Fike habang patuloy pa rin ang paghimas ng babae sa braso niya. Mukha naman silang close. Sigurado namang hindi papayag si Fike na haplusin siya nang ganun kung hindi.
"Okay, I'll come," biglang sabi ni Fike. Hindi rin talaga siya makatanggi.
"Great! I'll see you then." The girl tiptoed and gave a peck on the guy's cheek.
Teka, bakit ba ako nagtatago? Makaalis na nga.
Tumalikod na ako at naisipan kong magtungo nalang sa library para tapusin ang research paper kong nasimulan ko naman noong nakaraan. Dinala ko na rin ang laptop ko para makapag-type ako nang maayos kaysa naman sa cellphone ako mag-type.
Nang makarating ako sa library, nagtungo ulit ako sa second floor at umupo sa may sulok kung saan may bakante at malapit sa bintana.
Ilang minuto rin akong nagmuni-muni habang nakatingin sa labas ng bintana bago ako nagkaroon ng motivation sa paggawa ng paper.
Habang nagta-type ako sa laptop, bigla nalang nag-hang ang screen. Ang galing. Kung minamalas nga naman. Ilang taon ko na ring gamit itong laptop na ito. This was my first laptop na regalo sa akin ni mommy. Pangarap ko kasing magkaroon nito noong nasa grade five ako. Agad namang pinagbigyan bilang consistent honor student naman ako noon.
Bumuntong-hininga ako sabay patong ng aking ulo sa mesa. Ayaw ko mang pakawalan ang laptop kong ito, pero mukhang kakailanganin ko na ata ng bago.
"No sleeping here in the library, remember?"
Napaayos ako ng aking upo at biglang may nabunggo ang likod ng aking ulo.
"Aahh-"
Paglingon ko, nakita ko si Fike na hawak ang kanyang ilong habang nakangiwi. "Hala. Sorry. Ikaw naman kasi. Bakit ka ba nandito?"
The guy rubbed his nose gently before facing me. "Nasa field ka kanina, di ba?"
Napatigil ako bigla. Nakita pala niya ako kanina? "Ahhh, oo, pinuntahan kita kanina doon, pero busy ka kaya pumunta nalang ako dito."
Napatingin siya sa laptop kong nakabukas sa harap ko. "Are you still writing your research paper?"
Tumango ulit ako.
"Still need ideas?"
"Bakit? Tutulungan mo ako?"
Tumango naman siya saka niya nilahad ang kanyang palad sa aking harapan.
"Ano yan?" Tanong ko habang nakatingin pa rin ako sa kamay niya.
Ngumiti siya sabay kuha ng aking kamay. "May pupuntahan tayo."
"Saan?" Hinila na niya ako patayo. "Teka, yung laptop ko." Agad ko itong kinuha at nilagay sa loob ng aking tote bag. Sinundan ko ang lalaking humihila sa aking kamay hanggang sa makarating kami sa isang building na ilang metro ang layo mula sa library.
Napatingin ako sa signage sa tapat ng building na may nakasulat na "Museum of National History." May ganito pala dito?
"Let's go," pag-aya ng lalaki sa akin at hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.
"Ano ang gagawin natin dito sa museum?" Tanong ko sa kanya habang papasok na kami sa loob. Bukas pa rin naman ang museum dahil wala pang alas-singko. Binati pa kami ng guard na nakabantay sa harap ng entrance.
"Baka makakuha ka ng inspiration dito," saad ng lalaking kasama ko.
"Inspiration? Tungkol sa history ng Pilipinas?"
"It's natural history, not Philippine history," he corrected me.
Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa amin ang mga naka-display na buto ng isang hayop na parang dinosaur sa laki.
"Nasa kabilang side yata ang mga insects," sabi pa ng kasama ko.
Nakatingin pa rin ako sa skeleton sa harap namin. "Teka! Si Lolong ba 'yan?"
"Lolong?" Nalilitong tanong ng lalaki.
"Hindi mo kilala si Lolong? Yung largest crocodile?"
Umiling si Fike.
"Wala ka pala eh. Nasa Guinness World Record kaya yun."
"Never heard of it."
"Tara na nga. San ba dito ang kailangan ko?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa section ng mga insects. Namangha ako sa collection nila dito. Maraming naka-preserve na insekto at nakalagay sa mga transparent glass boxes. May ladybird, dragonfly, butterfly, bee, caterpillar, butterfly at iba pa.
"Hindi ko alam na may ganito pala dito sa university."
"Kahapon ko lang rin nalaman."
Napatingin ako sa lalaki. "Talaga?"
Tumango siya. "Favorite mo talaga ang insects?"
"Hmm..." Napatigil ako habang nag-iisip. "Parang oo. Pero gusto ko naman lahat ng hayop."
"I see."
"Ikaw? Ano ang favorite mo?"
"You."
"Ako? So, sinasabi mong hayop ako?"
Napatawa nang mahina ang lalaki. "No, I mean... same as yours..."
Inirapan ko siya. "Ginaya mo lang naman ako."
Nakangiti lang ang lalaki habang nakatingin sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin? May tinga ba ako?" Pinakita ko ang ngipin ko sa lalaki.
Tumawa naman siya. "Nothing. May naisip lang ako."
"Ano?"
"A design for my tattoo."
"Tattoo? May tattoo ka?"
"Still planning."
"Okay. So, anong design ang naisip mo?"
"You'll see." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng museum.
"Teka, saan mo na naman ako dadalhin? Hindi pa nga natin nalibot 'tong museum."
Hindi na ako pinakinggan ng lalaki at patuloy lang sa paghila ng aking kamay. Nakarating ulit kami sa kotse niya at nag-drive na ulit siya.
"Huwag mong sabihing magpapa-tattoo ka ngayon?" Tanong ko ulit habang nagmamaneho na siya.
"I've always wanted to get one," usal niya.
"Bakit ngayon mo lang naisip? At talagang dadalhin mo pa talaga ako?"
"Because you inspired me to get one."
"Ang sabihin mo natatakot ka talagang magpa-tattoo at gusto mo lang ng kasama."
Napatawa ulit siya. "Alam mo naman pala."
Tumawa na rin ako.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa tapat ng isang tattoo shop. Medyo mausok ang lugar at may mga lalaking nakatambay sa harap ng shop. Mukha silang mga ka-edad namin na naisipang gawing hideout ang tattoo shop.
Hinila ulit ako ni Fike habang papasok kami sa shop.
"Kuya Fike!" Bati ng isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin. Hawak niya ang isang tattoo gun habang may nakaupong kliyente sa harap niya.
"Rance," sambit ni Fike.
"Kuys, bat ka nandito? Ire-recruit niyo ba ulit ako sa frat?"
Umiling ang kasama kong lalaki. "Magpapa-tattoo ako."
Nanlaki ang mga mata ni Rance. "Ikaw? Magpapa-tattoo? Umuulan ba ng snow sa labas?"
Tumawa si Fike. "Seryoso ako, Rance."
Tumango naman si Rance sabay sulyap sa akin. "Ah, mukhang seryoso nga."
Pinanliitan ko ng mata si Rance na ngumiti naman sa akin.
"Ano'ng design ba ang gusto mo, kuys?"
Tinignan ako ni Fike. "Pilian mo ako."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Bat ako?"
"Miss, baka gusto mong mag-drawing dito tapos yun nalang ang ipa-tattoo ni kuys," suggestion ni Rance habang inaabot ang papel sa akin.
Kinuha ni Fike ang papel at ballpen at inabot ito sa akin.
"Hindi ako artist. Baka magsisi ka sa ipa-tattoo mo," sabi ko pa.
Umiling naman siya. "Never."
"Ikaw bahala." Hinablot ko ang papel at ballpen mula sa kamay niya sabay upo sa bakanteng upuan. Sinimulan kong mag-drawing sa puting papel ng isang maliit na dragonfly.
"Why a dragonfly?" tanong ni Fike habang nakatingin sa drawing ko.
"Para hindi ka na ulit matakot sa kanila," tumatawang sagot ko.
He smiled, nodding. "Got it."
"Ano? Ready na?" Tanong ni Rance.
Binigay ko ang papel sa kanya at umupo na rin si Fike sa bakanteng upuan. Napansin ko na panay ang paghinga niya nang malalim kaya tinapik ko ang braso niya.
"Sigurado ka dito?" tanong ko sa lalaki.
Tumango naman siya. "Like I said, matagal ko nang gustong magpa-tattoo."
Bumuga ako ng hangin. "Okay, sige. Pero hindi ka naman hihimatayin dito 'no?"
Napatawa ang lalaki. "I'm sure I can manage."
Nang simulan na ng tattoo artist ang pagguhit sa palapulsuhan ni Fike, kumapit siya sa aking kamay. Nakapikit rin nang kaunti ang mga mata niya na parang natatae na siya.
"Akala ko ba kaya mo?" panunukso ko sa lalaki.
"Kaya ko," mariing sabi naman niya.
"Mabilis lang 'to, parang kagat lang ng dinosaur," natatawang saad pa ni Rance habang hinahanda na ang tattoo gun.
"Fuuuuudge!" Panay ang pagpigil ni Fike sa pagmura nang simulan na ang pag-tattoo sa kanya. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko.
"Okay lang 'yan, baby. Malapit na." Hindi ko napigilan ang pagtawa habang tinutukso ang lalaki.
Matapos ang ilang minuto, tapos na ang tattoo niya. Medyo namumula na ang palapulsuhan niya pati na rin ang mukha niya.
"Parang gusto ko rin," sambit ko.
"Oh, upo ka na dito. Libre ko na," ani Rance.
Agad akong tinignan ni Fike. "Bakit ka magpapa-tattoo?"
"Eh ang ganda kasi oh." Kinuha ko ang kamay niya at tinitigan ito. Kuhang-kuha ni Rance ang ni-drawing kong maliit na dragonfly. Parang bigla akong nainggit.
"Hindi ba magagalit ang parents mo?"
"Hindi ba magagalit ang parents mo?" Binalik ko ang tanong sa kanya.
"Alam nila na matagal ko nang gustong gawin ito."
Nagkibit-balikat ako. "Wala na silang magagawa kapag nakita nila. Tsaka, baka hindi rin naman nila mapapansin. Maliit lang naman."
"Ano, miss? Kailangan mo pa ba ng parents' consent form?" Tanong ni Rance sa akin na obvious na nanunukso.
"Hindi na. Ready na ako," saad ko.
Huminga ako nang malalim at sinimulan na rin ni Rance ang pagguhit sa palapulsuhan ko. Pinalagay ko rin ito sa kaliwang kamay ko para parehas kami ni Fike.
"Oh shiiii-" Pinigilan ko ang sarili kong huwag sumigaw habang ramdam ko na ang sakit mula sa karayom. May ilang patak ng luha na dumaloy mula sa mga mata ko, pero nakayanan ko naman. Hindi rin binitawan ni Fike ang isang kamay ko.
Nanginginig pa rin ako hanggang sa matapos ang pag-tattoo sa akin.
"Haly, okay ka lang?" tanong ni Fike.
Tumango ako sa kanya. "Okay lang ako. Ikaw?"
"Hindi ka na dapat nagpa-tattoo."
"Bakit hindi? Tsaka ayaw mo yun? May friendship tattoo na tayo." Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at pinakita ito sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at hinaplos nang marahan ang paligid ng aking palapulsuhan kung nasaan ang tattoo ko.
"Fike!" Isang boses ng babae ang nakakuha ang aking atensiyon pati na rin kay Fike.
Nang inangat ko ang aking ulo, nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng puting cropped top at low waist na jeans. Pansin ko rin ang tattoo sa may gitna at baba ng kanyang pusod na nakasulat na "Never After."
Ngumiti si Fike sa babaeng dumating sabay tayo. "Roxie."
"Kumusta? Buti nakapasyal ka dito," sabi ng babae.
"Nagpa-tattoo lang," simpleng sagot ni Fike.
The girl squinted her eyes. "Talaga ba? Anong nakain mo at bigla kang nagpa-tattoo?"
"Yan rin ang tanong ko kanina," sambit ng lalaking gumawa ng tattoo ko.
"Kailan mo pala ako ililibre? May utang ka pa sa akin ah."
Natahimik si Fike habang nakangiti.
"Bakit hindi nalang ngayon? Isama mo na rin ang girlfriend mo." Tinignan ako ng babae at umiling naman ako.
"Bestfriend ko nga pala si Hailey," pagpapakilala ni Fike sa akin.
Tumango naman ang babae. "Ah, bestfriend pala. Tara na."
"Rox, huwag mo ngang pinipilit yung tao. Kita mong may kasama eh," sabi ulit ng lalaking tattoo artist.
"No, it's okay. We can all go together, right, Haly?" Nilingon ako ni Fike na parang naghihintay ng permiso ko.
Napakurap ako bago ako nagsalitang muli. "Ah, hindi pa naman ako gutom. Uuwi nalang ako. Kayo nalang."
Tumalikod na ako saka lumabas sa shop. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksiyon ko.
"Haly, wait!" Biglang may humawak sa aking braso.
Paglingon ko, nakita ko si Fike na nakatingin sa akin. "Oh, bakit ka nandito? Okay lang ako," sambit ko.
"Ihahatid na kita," he insisted.
Marahan kong inalis ang hawak niya sa akin sabay tawa para tanggalin ang nararamdaman kong kakaibang tensiyon. "Okay lang ako. Kaya kong umuwi mag-isa, bestfriend."
Mabilis akong naglakad paalis at agad akong pumara sa tricycle na nakita kong paparating. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkaka-ganito ngayon.
A/N: Tampo yan Hailey? hahaha shoutout rin sa special cameo nina Rance at Roxie iykyk 😉
Thank you ulit sa pagbabasa. Vote and comment pwease 🥹
#friendshiptattoo
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro