Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Hypothetical

Pagkagising ko the next day, sobrang bigat ng ulo ko. First time kong uminom ng alak kagabi. Hindi ko naman ni-expect na ganito kalala ang hangover na tinatawag nila.


Kinapa ko ang aking cellphone sa ilalim ng unan pero hindi ko ito mahanap. Napamulat ako ng mata at doon ko na-realize na nasa ibang kwarto ako. Wala ako sa dorm na tinutuluyan ko.


Bumangon ako sa kama at nakita ang cellphone ko sa bedside table.


5 missed calls. 3 text messages. Lahat galing sa bestfriend ko.


From BBF:

Gising ka na?

Let me know

Para masundo kita


Napangiti ako. Ang bait talaga ng lalaking ito. Ilang linggo palang naman kami magkakilala pero pinapanindigan na talaga niya ang pagiging bestfriend niya.


Ni-reply-an ko na rin siya saka ako lumabas ng kwarto. Suot ko pa rin yung long floral dress ko. Hindi pala ako nakapagpalit ng damit kagabi. Nakakahiya kay Koleen na nakatulog nalang ako dito sa kama niya.


Nang makarating ako sa labas ng kwarto, may naaamoy na akong nagluluto mula sa kusina.


"Pa, okay na yan. Baka hindi rin namin mauubos lahat," boses ni Koleen ang sunod na narinig ko.


"Hayaan mo na ako, anak. Minsan na nga lang kita malutuan," si Dr. Fernandez na siguro yon.


Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina at agad naman akong napansin ni Koleen.


"Hail! Good morning!" Bati niya.


"Good morning. Hello po, tito," saad ko sabay tingin sa lalaking busy sa harap ng stove.


"Good morning, hija. Kain na kayo. Pagpasensyahan mo na 'tong niluto ko. Hindi naman talaga ako chef."


Napatingin ako sa nakahanda sa mesa. May scrambled eggs, bacon at garlic fried rice. Tumingin ulit ako sa papa ni Koleen. "Okay lang po, tito. Mukhang masarap nga ang niluto niyo eh."


"Sige na. Kumain na kayo at matutulog na rin ako." Humikab siya sa harap namin. Mukhang galing pa siya sa night shift.


"Salamat po ulit," sambit ko.


"Good night, pa," sabi naman ni Koleen.


Nang makaalis ang papa ni Koleen, nagsimula na rin kaming kumain.


"Kumusta ang tulog mo, Hail?" Unang tanong ni Koleen.


"Okay lang. Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito."


Sumubo si Koleen sa kutsara niya habang umiiling sa akin. "Wala yun. Tsaka, sabi ni papa, dito ka nalang tumuloy para hindi ka na magbayad ng renta mo sa dorm."


"Ha? Hindi na. Nakakahiya naman sa inyo."


"Hail, okay lang. Si papa ang may-ari ng building na ito kaya libre ka na dito. Tanggapin mo na yung offer."


Natahimik ako saglit. Malaking tulong nga ito pag nagkataon. Pero naisip ko na may kontrata pala ako sa dorm at kailangan ko itong tapusin dahil kung hindi ay babayaran ko pa rin yung nasa kontrata.


"Ano, Hail?"


"May kontrata kasi ako sa dorm. Pero pag natapos yon, sana pwede pa ako dito."


"Oo naman. Sige. Ire-reserve ko na agad yung kwarto para sa'yo."


Ngumiti naman ako at nagpatuloy sa pagkain.


"Nga pala, nasa labas na si Kuya Fike. Hinihintay ka."


Lumuwa ang mga mata ko. "Ano?"


Tumango si Koleen. "Ayaw naman niyang pumasok dito. Nahihiya raw siya, kaya nandun lang siya sa labas. Kanina pa yun doon."


"Akala ko wala pa siya. Nag-text nga siya na susunduin ako." Binilisan ko na ang pagkain para makaalis na rin ako.


Agad akong nagpaalam kay Koleen at sinabihan ko na rin na ipaalam ako sa papa niya.


Saktong paglabas ko ng building, bumungad ang isang kulay puting Chevrolet sa hilera ng mga sasakyan sa labas. Kahit pa hindi ko nakikita si Fike, sigurado akong sa kanya ang kotseng iyon.


Naglakad ako patungo sa kotse at kumatok sa bintana nito. Ilang saglit pa ay bumaba ang bintana at nakita ko ang mukha ng lalaking nakatingin sa akin.


"Bestfriend, ang aga mo naman," puna ko.


"Halika na at ihahatid na kita," simpleng sabi niya.


"Okay po." Nagtungo ako sa likod ng kotse, pero agad niya ako sinita.


"Dito ka sa harap uupo."


Ngumuso ako saka naglakad patungo sa kabilang gilid. Nang makapasok ako at makaupo sa passenger seat, napansin ko ang isang parang lunch bag sa may upuan sa likod.


"Ano yan?" Usisa ko.


"Hangover food."


"Para sa akin?"


Tumango ang lalaki saka pinaandar ang kotse.


"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko ulit.


"Pinaluto ko kay mom."


Napaawang ako ng labi. "Hala. Nakakahiya naman sa mommy mo. Pero pakisabi na rin thank you."


Inangat lang niya ulit nang bahagya ang ulo niya, pero naka-focus pa rin ang mata niya sa daan.


Sinandal ko ang aking ulo sa upuan saka ko minasahe ang gilid ng aking ulo. "Ang sakit ng ulo ko," mahinang sambit ko.


"May painkillers ako diyan sa compartment," biglang sabi ng lalaki.


Nilingon ko siya bago ko binuksan ang compartment sa harap ko. Nakita ko naman agad ang ilang naka-boteng painkillers.


"Ang dami mo namang dala. Nagbebenta ka ba?" Nagbibirong tanong ko sa lalaki.


"For emergency lang. Just like today," sagot naman niya.


Kumuha ako ng isang capsule sa isang bote. "Wala pala akong tubig."


Inabot niya sa akin ang tumbler niya sa gilid gamit ang isang kamay. "Here."


"Salamat." Ininom ko ang gamot at uminom kaunti sa tumbler niya. Matapos nito ay pinikit ko ang aking mga mata habang nakasandal ang aking ulo sa upuan. "Bakit ang bait mo, bestfriend?" mahinang tanong ko.


Ilang segundong wala siyang imik. "Nag-iipon lang ng plus points para diretso ako sa langit."


"Plus points?" Nilingon ko ang lalaki. Akala ko nagbibiro lang siya, pero seryoso pa rin ang mukha niya.


Nilingon niya ako saglit at bahagyang tinapik ang ulo ko gamit ang isang kamay. "Just sleep for now. Gigisingin nalang kita pag nandun na tayo."


Tumahimik nalang ulit ako sabay pikit ng aking mga mata.


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. Basta pagbukas ko ng mga mata ko, wala na ang lalaki sa tabi ko. Nandito pa rin naman ako sa loob ng kotse, pero nakahinto na ito sa tapat ng dorm ko.


Inunat ko ang aking leeg sabay ayos ng aking upo. Ang bigat pa rin ng ulo ko. Parang may nakapatong na malaking bato sa ulo ko at gusto ko nalang biyakin ito.


Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Fike na nakatayo sa labas at nakasandal sa hood ng kotse niya. May kausap siya sa kanyang cellphone at mukhang seryoso ang usapan nila dahil sa expression ng kanyang mukha.


Binuksan ko ang pintuan ng kotse at naglakad palabas. Agad naman akong napansin ni Fike.


Kinawayan ko siya. "Thank you," pabulong kong sabi.


"Yes, mom. I know. I won't. I'll see you in a bit. Love you. Bye," dali-dali niyang binaba ang tawag sabay lapit sa akin. "Okay ka na?"


Tumango ako. "Medyo masakit pa rin ang ulo ko, pero itutulog ko nalang ulit. Sige na. Hinahanap ka na ata sa bahay niyo."


"Haly, wait..." Kinuha niya ang braso ko at napatigil siya saglit. "You're warm."


Nakatingin lang ako sa kanya nang biglang nilagay niya ang kanyang kamay sa tapat ng aking noo. "Okay nga lang ako."


"May sinat ka," saad pa niya.


Bumuga ako ng hangin. "Sinat lang 'to. Hindi pa ako mamamatay."


Kumunot ang noo ng lalaki na parang may sinabi akong mali. "Make sure na kainin mo yung niluto ni mom. I-reheat mo nalang."


"Wala akong microwave."


"What?" Umiling ang lalaki. "May stove ka naman?"


Tumango ako. "Pero wala akong gana kumain. Tsaka pinakain na rin ako ng papa ni Koleen kanina."


"Haly, take care of yourself," parang nagmamakaawang sabi ng lalaki.


"Opo. Salamat ulit. Sige na. Ingat ka pauwi." Tinulak ko na ang lalaki pabalik sa kotse niya.


Nang makapasok ako sa dorm, nilagay ko sa maliit kong ref ang binigay na packed lunch boxes ng mommy ni Fike. Muntik na nga ring hindi magkasya ang mga ito sa loob. Buti nalang at wala namang masyadong laman ang ref ko.


Nakatulog naman ako buong gabi matapos kong uminom ulit ng gamot. Paggising ko kinaumagahan, binati ako ng ilang text messages galing sa dalawa kong kaibigan.


From Koleen:

Hail kumusta ka na?

Papasok ka ba ngayong araw?


From BBF:

Good morning

How are you feeling?


Okay naman na ang pakiramdam ko. Effective ang painkillers na bigay ni Fike. Kakainin ko pa sana yung tinago ko sa ref kahapon, pero wala na akong oras. Nagmadali akong nagbihis sa type B uniform naming white short-sleeved collared shirt at burgundy pencil skirt.


Paglabas ko ng dorm, isang pamilyar na lalaki ang nakita kong nakatayo sa harap ng building. Nakatago ang kanyang buhok sa loob ng kanyang puting beanie. May AirPods rin siya ngayon kaya may sarili siyang mundo habang nag-uunat ng kanyang leeg.


Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likuran niya saka ko kinuha ang isang airpod niya sa tainga.


"H-Hey-" Nilingon ako ng lalaki habang tumatawa na ako sabay lagay ng isang airpod sa aking tainga.


"Anong pinapakinggan ng isang Flynn Ikerson Villacristo?" Isang boses ng babae ang narinig ko mula sa AirPods. The music had a slow, steady synth sound and very familiar.


"Haly..." Inangat niya ang kanyang kamay para kunin ang AirPods niya.


"Ssshh..." Nilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang labi kaya napatigil siya.


"Uh oh, I'm falling in love... Oh no, I'm falling in love again..."


Listening to the lyrics of the song, it slowly registered in my head. Napatingin ulit ako sa lalaki. "Teka, Swiftie ka pala?"


Bumuntong-hininga ang lalaki. "It's because of my sister."


Napatawa ulit ako. "No need to be shy, bestfriend. Music is music."


Nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan. "Akin na yan."


Umiling ako. "Pahiram muna. Gusto ko lang naman malaman ang playlist mo." Tinaas ko ang aking mga kilay habang nakangiti sa lalaki.


"Hindi ka nag-reply sa text ko," he suddenly mentioned.


"Kaya ka ba nandito ngayon?"


"I was just going for my morning jog. Maaga talaga ang training ko."


Tumango ako. "Ah. Kaya pala napatigil ka dito sa tapat ng dorm ko."


"Kinain mo ba ang niluto ni mom?" He asked, diverting the topic.


"Tulog lang ako buong gabi. Hindi ako kumain ng dinner. Tapos kakainin ko dapat kanina pero wala na akong time na i-reheat sa stove."


Bumuntong-hininga ang lalaki habang may kinukuha sa bulsa ng kanyang itim na slacks. Inabot niya sa akin ang isang piraso ng parang chocolate bar.


"Chocolate?" Tanong ko habang nakatingin sa bigay niyang pakete. Granola bar pala ito na Quaker brand at peanut butter chocolate chip ang flavor.


Bigla niyang kinuha ulit ang binigay niya sa akin. "Allergic ka sa chocolate o peanut butter?"


"Hindi naman. Favorite mo ba 'to?" Usisa ko ulit habang tumatango ang lalaki at binubuksan ang pakete para sa akin. Inabot niya ito sa harap ng aking bibig na parang sinusubuan ako. I took a small bite from it and I immediately wanted more. "Ang sarap pala nito?"


"Gusto mo pa?" Nakatingin ang lalaki sa akin habang ngumunguya ako.


Tinaas ko ang isang kamay ko. "Okay na 'to. Tara na nga. Male-late na ako sa klase."


Habang naglalakad na kami patungo sa building namin, nakita ko si Koleen na nakaupo sa lagoon malapit sa building namin. Pinalilibutan siya ng kanyang mga kaibigang lalaki as usual. Nakatayo si André habang kinukulit si Koleen na nakaupo katabi ni Logan. Napansin kong wala si Kell ngayon. Pero baka kasama niya ang girlfriend niya.


"Hailey!" Bati ni Koleen nang makita niya akong paparating.


"Morning, sunshine!" Kinawayan ako ni André tapos nagawi ang tingin niya sa lalaking kasama ko. "Fike! Brother! What's up?"


"Teka, bat magkasama kayo ulit? Kayo ba?" usisa ni Logan.


Napaubo si Fike sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya saka ko tinapik ang likuran niya.


"Bestfriends nga kami," sagot ko naman.


Tumango si Logan na nakaismid kaunti. "Ah, bestfriend pala."


"Oo, parang kayo kay Koleen, hindi ba?" Tinaas ko ang kilay ko sa dalawang lalaki na biglang nagkatinginan sa isa't isa.


Napatawa bigla si André. "Of course. We're all bestfriends here."


Pinanliitan ko siya ng mata. "Teka, paano pala kayo magkakilalang lahat?"


"Ah, magkakasama kami sa Omega Phi fraternity. Di ba, bro?" Tinapik ni Logan ang balikat ni Fike. "Nga pala, nood kayo ng practice namin mamaya," pag-aya ni Logan sa amin.


"No way, man! Ang init kaya sa field," reklamo ni André habang inaayos ang snapback sa kanyang ulo.


"Sigurado ka? May practice ang cheerleading team sa field mamaya." Tinaas ni Logan ang kanyang mga kilay habang nakangisi sa kaibigang lalaki.


"Anong oras ang practice? Ngayon na ba? Ready na ako!" Biglang tumayo si André.


"Ayos ah. Kapag may girls, automatic ang sagot," tumatawang sabi ni Logan sabay tingin sa amin. "Kayo? Hindi ba kayo manonood?"


Cheerleading team? Ibig sabihin nandoon si Trinity. Umiling ako sa lalaki.


Tumango naman ang lalaki sa akin. "Punta na ako sa building namin."


"See you mamaya, bestfriend!" Kinawayan ko si Fike saka siya naglakad paalis.


Tumayo na rin si Koleen. "Tara na, Hail."


"Teka, akala ko ba wala pa yung prof niyo?" tanong ni Logan.


"Wala pa nga. Eh kayo? Wala ba kayong mga klase?" Binalik ni Koleen ang tanong sa kanila.


"My innocent Koko, I don't need a professor to learn. I'm self-made," confident na sagot ni André.


Umiling naman si Koleen sabay kuha ng aking kamay.


"K, teka! Ihahatid ba kita after ng practice namin?" pahabol na tanong ni Logan.


"After 7 pm? No thanks. Mag-co-commute nalang ako."


"You can ride on me if you want," nakangising sambit ni André habang nakita ko ang pagsuntok ni Logan sa kanyang braso. "Aww, bro! I meant on my bike!"


"Makaalis na nga! Bye!" Sinundan ko si Koleen sa paglakad papunta sa classroom namin sa second floor. "Pagpasensiyahan mo na mga kaibigan ko, Hail."


"Okay lang. Maswerte ka nga sa kanila."


Napatigil si Koleen sa paglakad sa gitna ng hallway. "Hail, ano ka ba? Magkaibigan na tayo, di ba?" Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat. Halos magkasing-tangkad lang kasi kami kaya kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata niya. Napangiti na rin ako.


"Salamat, K."


Alam kong pinapagaan lang niya ang loob ko, pero na-aappreciate ko naman ang mga ginagawa ni Koleen para sa akin simula noong nakilala ko siya. Siguro kung siya ang una kong nakilala, siya na talaga ang magiging pinaka-bestfriend ko.


"Tara na sa klase at baka ma-late pa tayo!" Magkadikit ang mga braso namin hanggang sa makarating kami sa loob ng classroom.


Nagpatuloy ang mga lectures namin ng umagang iyon. Binigyan pa ulit kami ng research paper sa Communication Skills subject namin. Ang malas talaga.


"Hail, punta lang ako sa field. Sama ka?" tanong ni Koleen matapos ang klase namin ng araw na iyon.


"Hindi na muna. Dun lang ako sa library."


"Ah, sige. Baka dumaan rin ako dun mamaya. Magpapakita lang ako kay Logan. Magtatampo yun pag di ako sumipot sa practice niya."


"Teka, siya ba yung crush mo sa kanilang tatlo?" panunukso ko.


"Hindi ah. Hindi siya," agad na sagot ni Koleen. Ibig sabihin hindi talaga si Logan ang gusto niya. So, may dalawang options nalang... si André o si Kell.


Tumawa ako. "Okay. Sige. Ingat ka."


"Ikaw rin. Bye! See you bukas!" paalam ni Koleen.


Nagtungo ako sa library sa tapat ng lagoon. Wala namang masyadong estudyante ngayon dito. Actually, hindi talaga ako mahilig pumunta sa library, pero dahil sa research paper namin, kailangan ko itong gawin.


Umupo ako sa sulok ng library habang nakatingin sa labas ng bintana. Kita ko ngayon ang kabuuan ng lagoon mula dito sa second floor ng library.


Nilabas ko ang aking cellphone. Wala pa akong idea kung ano ang topic na i-re-research ko. Ang hirap namang mag-isip. Sabi ng prof namin, "write something you know or you want to know more."


Ano ba ang gusto kong malaman? Wala naman.


Bumuntong-hininga ako saka ko binaba ang aking ulo at pinatong sa mesa. Akala ko pa naman magkakaroon ako ng motivation kapag nandito ako sa library. Wala pa rin palang epekto.


Pinikit ko saglit ang aking mga mata. Baka sakaling may pumasok sa kukote ko.


Maya't maya pa ay may naramdaman akong tumusok sa aking pisngi. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang isang pares ng kulay hazel na mga mata.


"You can't sleep here," bulong ng lalaki sa aking harapan.


"Bestfrie-"


Tinakpan ni Fike ang bibig ko gamit ang kanyang kamay kaya napatigil ako sa pagtawag sa kanya.


Kinunot ko ang aking noo habang nakaayos na aking upo. Nakayuko pa rin ang lalaki sa aking harapan. "Paano mo nalamang nandito ako?"


"I didn't know you'd be here. Napadaan lang ako dito."


"Ah, okay."


Umupo siya sa tabi ko habang binubuksan ang hawak niyang bote ng mango juice.


"Mister, bawal uminom dito," sita ko habang nakalapit ang mukha ko sa kanya.


Napaubo ang lalaki at muntik pang mabilaukan sa iniinom niya.


Napatawa ako habang nilalabas ang panyo ko at tinulungan siya sa pagpunas sa kanyang bibig. "Muntik mo pa akong bigyan ng free shower. Mag-ingat ka naman, bestfriend."


"Sorry," mahinang sambit niya habang hindi makatingin sa akin. Mukha siyang bata ngayon na napagalitan.


Napangiti ako habang tinatapos ko ang pagpunas sa kanyang mukha. "Wala ka bang exercise session ngayon?"


"Magpa-practice ako mamaya. Ihahatid lang kita."


"Practice? Hindi exercise?"


"I asked the coach if I can be one of the trainers in this year's track and field event. After a lot of convincing, pumayag naman siya."


Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "Wow! Mabuti naman. Siguradong mananalo ka na niyan ng gold medal, kahit na hindi ikaw ang tatakbo."


Tahimik na nakatitig ang lalaki sa akin. Sana naman kahit papaano ay makatulong ang words of encouragement ko sa kanya.


"Manonood ka rin ba sa games namin?" Biglang tanong niya.


"Oo naman!"


Ngumiti lang ang lalaki at hindi na ako sinagot. Nagpatuloy na ulit siya sa pag-exercise habang pinapanood ko lang siya. Hindi ko alam kung ilang oras ang inabot namin, pero kung hindi ko pa siya inayang umuwi ay baka matatagalan pa kami sa field.


Bumuga ako ng hangin. "Wala pa pala akong topic para sa research paper namin."


Napatigil ang lalaki sa paglalakad saka ako tinignan. "May specific subject bang kailangan?"


Umiling ako. "Sabi ni prof kahit ano, basta yung gusto namin."


"So, what do you want?" Nakatitig pa rin sa akin ang lalaki at seryoso ang mukha.


Napatigil ako saglit. Wala pa rin talagang pumapasok sa isip ko. "Hay, ewan. Isipin ko nalang mamaya. Next week pa naman ang deadline. Tara na para makapag-practice ka na."


Tumayo na ako kaya sinundan na rin ako ni Fike. Alas-singko palang naman kaya may oras pa siyang mag-practice mamaya.


"Fu-" Biglang kumapit sa aking braso si Fike sabay pailing-iling ng kanyang ulo na parang batang gustong magtago sa likuran ko.


"Anong meron?"


Tinaas niya ang kanyang isang kamay at hinampas ang hangin. Napansin ko ang isang parang dragonfly na umaaligid sa amin habang panay pa rin ang pag-iwas ng lalaki dito.


Napatawa ako nang ma-realize ko kung ano ang nangyayari. "Takot ka sa insekto?"


Maya't maya pa ay nahampas ng kamay niya yung tutubi kaya nahulog ito sa lupa.


"Hala, bat mo pinatay?"


"I didn't mean to." Tumikhim ang lalaki saka niya akong binitawan at inayos ang kanyang tayo. Mabilis siyang naglakad palayo at mukhang nainis siya sa pagtawa ko.


"Bestfriend! Teka lang!" sigaw ko habang tumatakbo na para sundan siya. Nang marating ko siya, hinila ko ang braso niya. "Pero takot ka nga?"


Inirapan ako ng lalaki. "Hindi ako takot. Nagulat lang ako."


I raised a brow at him. "Weh? Parang takot na takot ka kanina eh. Kulang nalang mabali tong braso ko sa kapit mo." Pinisil ko ang braso niya para tuksuhin siya.


"Fine. I'm scared of insects," pag-amin niya.


Tinapik ko ang balikat niya. "Hindi mo ba alam na kapag dumapo sa'yo ang dragonfly, ibig sabihin sign of good luck yan."


"According to what? Tiktok Academy?"


"Ito naman, ang KJ mo. Basta isipin mo nalang na may paparating na swerte sa'yo."


Bumuntong-hininga ang lalaki. "I hope so."


"Ah, alam ko na ang isusulat ko sa research paper ko." Tinignan ako ng lalaki. "Tungkol sa insects."


"Insects? Are you sure?"


Tumango ako. "Ang interesting kaya ng insects. Alam mo ba na halos lahat ng insects ay nakakaramdam ng sakit?" Tahimik lang ang lalaki habang nakatingin sa akin. "Tapos most vertebrates ay walang pain receptors, gaya ng mga fish."


"How do you know all these?"


"Ah, mahilig kasi ako sa animals. Tapos Science teacher si lola at lumaki rin ako sa farm kaya ayun."


"I see. Sana sa next life ko maging fish nalang ako."


"Ha? Bakit naman?"


"Para wala rin akong maramdamang sakit."


Napatigil ako sa paglakad. "Senti mode 'yan?"


Nakalayo na ng ilang hakbang ang lalaki bago siya tumigil saka niya ako nilingon. "Nothing. Hypothetical lang." Binigyan niya ako ng maliit na ngiti.


Hypothetical raw? Pero bakit pakiramdam ko may mas malalim pang meaning ang sinabi niya?

A/N: Oh mahabang update yan ah kaya sana nagustuhan niyo. Don't forget to vote and comment pa rin. Happy 500 reads! 💛

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro