Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Safe Space

Ilang araw kong pinag-isipan ang sinabi ni Ford sa akin. Ilang araw ko ring pinag-isipan kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit. Hindi ko rin alam kung may maniniwala ba sa akin.


"I believe in you, Ily." Ito ang mga salitang binitawan ni Ford na siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.



Kung naniniwala siya sa akin, siguro naman maniniwala rin ang ibang tao sa akin.


"Hail, are you still with us?" Brianna snapped her fingers infront of me.


"Bakit hindi nalang tayo umuwi sa apartment at doon nalang natin pag-usapan?" suggestion ni Koleen habang nakaupo kami sa loob ng office ng Gen L Soc.


Kaharap ko ngayon sina Koleen at Brianna na alam kong matagal ko na dapat pinagsabihan nito.


Huminga ako nang malalim bago ako nagsimulang magsalita. "Alam niyo namang kinuha ako ni Flora bilang model noon, di ba?"


Tumango ang dalawang babae.


"Yung photographer..." Biglang nag-flashback sa akin ang mukha ng lalaki na 'yon kaya napatigil ako sabay tingin sa baba.


"Oh yeah, I heard may ni-hire siyang sikat na photographer. What's his name again?" Tanong pa ni Brianna.


Umiling lang ako habang hindi pa rin makatingin sa kanila. Maya't maya pa ay naramdaman ko ang hawak sa aking kamay kaya napaangat ako ng ulo. Nakita ko si Koleen na may pag-alala sa kanyang mukha.


"Hail, may nangyari ba?" Mahinang tanong ni Koleen sa akin at mukhang may hinala na siya.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib. "Noong araw na pumunta ako sa studio, mag-isa lang ako doon. Akala ko darating sina Flora, pero..." Napatigil ulit ako sabay hinga nang malalim. "Pinilit niya ang sarili niya sa akin..."


"What?"


"Hail..."


"Oh my God! Hailey, bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?"


Umiling ako nang paulit-ulit habang nakayuko ang aking ulo. Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Koleen sa akin sabay sabing, "Hail, I'm sorry."


Ilang minutong walang umimik sa kanilang dalawa habang yakap nila ako. Hindi ko alam kung bakit wala pa ring tumutulong luha mula sa aking mga mata kahit na sobrang hapdi na ng mga 'to.


"Hail, nag-file ka na ba ng case?" Tanong ni Koleen sa akin nang bitawan niya ako.


"Hindi pa."


"May nakakita ba sa inyo?"


"Wala."


"That's okay. We can still file a charge for sexual harassment. Or better yet, let's stage a public execution for that pervert."


"Hindi ko alam ang gagawin ko," mahinang tugon ko.


Pinisil ni Koleen ang kamay kong kanina pa niya hawak. "Magpapatulong tayo, Hail. Kilala mo naman kung sino ang mga kaibigan ko, di ba?"


Tumango nalang ako sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag sa pagsabi nito sa aking mga kaibigan.


Matapos nito, sinamahan nila ako patungo sa pinakamalapit na PNP Women's Help Desk at opisyal akong nag-file ng charge.


Akala ko ay madali lang ang proseso. Sasabihin lang naman ang totoo, di ba?


"Miss David, gusto mong sampahan ng kaso ang lalaking muntik nang gumahasa sa'yo?" Inulit ng babaeng officer sa harap ko.


Tumango ako habang ramdam ko ang pagpisil ng mga kamay nina Koleen at Brianna sa magkabilang tabi ko.


"May nakakita ba sa inyo?"


Umiling ako.


"Kilala mo ba ang lalaki?"


"H-Hindi po masyado..." nag-aalangang sagot ko.


"Pero kilala mo? Boyfriend mo?" Usisa ulit ng officer sa akin.


Napalunok ako. "H-Hindi po..."


"Hindi mo kilala? O hindi mo boyfriend?"


Natigilan ako saglit. Bakit ang dami nilang tanong? Hindi ba sila naniniwala sa akin?


"Miss David?" Tawag ulit ng officer sa akin.


"Hindi ko po... boyfriend..." nauutal ko pa ring sagot.


Tumango ang officer. "Saan nga ulit nangyari?"


"Sa private studio po... sa Habit Studios, Quezon City."


Nagpatuloy sa pag-type ang officer sa kanyang computer habang ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay nasa isang malalim na balon ako at unti-unting natatabunan ng malamig na tubig.


"Miss David," tawag ulit ng officer sa akin habang nakatayo na siya. "Pwede bang sumama ka sa akin sa loob ng kwarto para maidetalye mo ang nangyari?"


Nilingon ko ang mga kaibigan ko na parehas namang tumango sa akin. "Nandito lang kami, Hail," sabi pa ni Koleen sa akin bago ko sinundan ang officer.


Nang makapasok kami sa isang kwarto kung saan may table sa gitna, pinaupo ako ng officer kaharap niya at sinimulan kong dinetalye ang mga nangyari sa araw na iyon.


Sa totoo lang, parang naging blurred na ngayon sa aking isipan ang mga nangyari. Nevertheless, that man's breath and touch still haunted every inch of my skin.


"Ang sabi mo may pinainom siyang tubig sa'yo?" Tanong ng officer sa akin matapos kong bisitahin ang masamang karanasan ko.


Tumango habang nakatingin sa nakakuyom kong mga kamay.


"At dahil doon ay bigla kang nahilo?"


Tumango ulit ako.


"Maaari ka ba naming imbitahin na magsagawa ng medical examination?"


Tumango nalang ulit ako hanggang sa makarating kami sa isa pang kwarto kung saan pinaghubad nila ako at sinimulang kunan ng litrato ang katawan ko.


May dalawang babae akong kasama sa loob ng kwarto, yung officer at isang photographer. Habang nakatingin ako sa malaking lens ng camera, narinig ko ang isang malalim at nakakakilabot na boses ng isang lalaki sa aking tainga.


"Miss David, mabilis lang ito..."


"Huwag!" Napasigaw ako kasabay ng nakakasilaw na flash ng camera sa aking harapan.


Tinakpan ko ang aking mga mata sabay upo sa aking mga binti. Hinahabol ko na ngayon ang aking hininga at parang nandoon ulit ako sa mismong araw na iyon.


"Miss David, okay ka lang?" Agad akong sinaklolo ng dalawang officer at naramdaman ko rin ang pagbalot nila sa aking katawan ng isang kumot.


Nanginginig na ako ngayon dahil sa sobrang ginaw na hindi ko alam kung dahil ba sa aircon dito sa loob.


"Mas mabuti pa sigurong gawin nalang natin ito sa ibang araw," suggestion ng isa sa kanila.


Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa presinto, pero pagmulat ko ng aking mga mata, nasa loob na ako ng ospital.


"Hail, gising ka na?" Boses ni Koleen ang una kong narinig na nakatayo na pala sa gilid ng kama ko.


"Bakit ako nandito?" Mahinang tugon ko habang hawak ang aking sentido.


"Hail, you passed out," si Brianna.


Bumuga ako ng hangin at sinubukang umupo sa kama.


"Hail, huwag ka munang umupo kung hindi mo pa kaya," sambit ni Koleen habang inaalalayan na ako.


"What did they do to you? Bakit ka nahimatay? Did they pressure you?" nag-aalalang tanong ni Brianna.


Napapikit ako saglit bago umiling. "Hindi naman. Hindi ko lang talaga... kaya pang idetalye lahat ng nangyari."


"Hail, sasamahan ka namin hanggang sa kaya mo na," sabi ni Koleen na hawak na ang isang kamay ko. "Nga pala, may mga bisita ka pa sa labas. Okay lang ba sa'yo na pumasok sila dito o huwag na muna?"


"Yung mga kaibigan mo ba?" Tanong ko.


Tumango si Koleen. "At si Ford."


Huminga ako nang malalim. "Hindi na muna siguro. Pakisabi sa kanila sa ibang araw nalang."


Tumango ulit si Koleen at alam kong naiintindihan niya ang rason ko. "Sige sabihan ko sila."


Sa ilang araw kong pananatili sa ospital, nagkaroon rin ako ng ilang session ng psychological counselling. At dahil ilang araw na rin akong dinadalaw ng bangungot ng mukha ng lalaking photographer, binigyan ako ng gamot para makatulog ako nang maayos.


Nakatulong naman kahit papaano ang gamot na binigay sa akin ng psychiatrist na mommy ni Logan, si Dr. Eliza Maxwell.


"Hija, how are you feeling these days?" Tanong ni Dr. Maxwell sa akin nang pumunta ako sa session ko isang araw.


"Slowly getting better po, doc," sagot ko.


"That's good to know. I know it's a long and hard process, but I will be with you every step of the way," she reassured me.


"Thank you po ulit," sambit ko bago ako lumabas ng Psych Center nang araw na iyon.


Sinalubong naman ako nina Koleen at Brianna sa lobby na hindi ako nilubayan simula noong nalaman nila ang nangyari sa akin.


"Hail, kumusta?" Bungad na tanong ni Koleen sa akin.


"Okay lang," sagot ko sabay ngiti sa kanila.


"Oh my God, Hail! Namumula ang mga mata mo. Umiyak ka na?" Napansin pa talaga ni Brianna.


Umiling naman ako saka nila ako niyakap pareho. Matapos nito ay nagtungo na kami sa apartment at sinabihan akong mag-impake ng gamit dahil may pupuntahan raw kami.


"Saan ba kasi tayo pupunta?" Usisa ko ulit habang naglalagay ng mga damit sa maliit na duffel bag ko.


"We're going on a healing trip!" Excited na sabi ni Brianna.


"Healing trip?" Siguradong idea ito ni Brianna dahil sa obvious na pananabik niya ngayon.


Tumango naman ang babaeng nakasuot ng vintage khaki pleated shirt dress na mukhang isa sa mga collection niya. "Uh-huh! Ready ka na?"


Tinignan ko ang suot kong simpleng white org tshirt namin sa Gen L Society pati ang denim pants na hinalukay ko pa sa cabinet ko. Matagal na akong hindi nagsusuot ng denim pants, pero naisipan kong suotin ulit ito ngayon para maging komportable ako lalo pa at kasama raw namin ang mga Omega boys.


Gamit ang kotse ni Brianna, sinundo rin namin si Alexis bago kami nagtungo sa glamping grounds.


Lagpas tatlong oras ang inabot ng biyahe namin papunta sa Laguna dahil na rin sa traffic.


"Ah! Finally! Gosh, I'm so tired!" Nakahinga nang maluwag si Brianna nang makarating kami sa glamping ground.


"Thanks, Bri!" Sabay-sabay naming sambit sa driver namin na halatang napagod sa pag-drive.


Pagbaba ko ng kotse, napansin ko ang isang pamilyar na kotse sa may gilid. Isang tao lang naman ang kilala kong may-ari ng army green na G-Wagon.


"Nandito ba sina Flora at Ford?" Tanong ko kay Koleen sa tabi ko habang naglalakad na kami patungo sa entrance ng building.


"Okay lang ba?" Patanong na sagot ng kaibigan ko.


Tumango naman ako.


Habang binababa namin ang mga bagahe mula sa kotse ni Brianna, isang lalaki ang nakapukaw ng aking atensiyon na nakaupo pala sa nakabukas na trangke ng kanyang kotse. Hawak ang kanyang cellphone, napatingin siya sa aming direksiyon kaya nagtama ang tingin namin.


Bahagya kong tinaas ang isang kamay ko para batiin siya. Lumawak ang ngiti niya sa labi sabay taas rin ng kamay niyang may hawak na cellphone. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa akin.


"Hi," he greeted, his upturned lips curling on one side when he reached me. Nanatili siyang nakatayo na may dalawang metro ang layo sa akin kaya napakunot ako ng noo.


"Hi," simpleng tugon ko sa lalaki. Ilang araw rin kaming hindi nagkita simula noong naospital ako.


"Hail, una na kami?" Rinig ko ang boses ni Koleen kaya nilingon ko siya saka ako tumango. Pinanood kong maglakad ang mga kasama ko palayo hanggang sa naiwan na kaming dalawa ng lalaki.


"Ily..." tawag ni Ford sa akin.


Tinignan ko ulit siya at napansin ko ang maingat na galaw ng kanyang mga paa palapit sa akin.


"Okay lang ba 'to?" biglang tanong niya sabay tigil ulit sa kanyang kinatatayuan.


Pinanliitan ko siya ng mata. "Okay ang ano?"


"This distance," he stated, looking at the invisible space between us.


Napatingin na rin ako sa espasyo sa pagitan naming dalawa. Doon ko na-realized na baka nag-aalala siyang makaramdam ako ng ilang o takot kapag mas lumapit pa siya.


Tinaas ko ang isang kamay ko at pinatong ang aking hintuturo sa kanyang balikat. Eksaktong isang metro ang layo namin sa isa't isa ngayon. "Okay na 'to," nakangiting sabi ko.


Agad naman siyang tumango. "One meter is your safe space. Got it."


"Kuya! Hailey!" A resounding greeting from someone caught my ears. Napatingin kaming dalawa ni Ford sa babaeng paparating. Si Flora.


"Flora," bati ko sa babae nang marating niya kami.


Niyakap naman ako agad ni Flora. "Hailey, how are you?"


"Okay lang," sagot ko habang nakita ko ang mukha ni Ford sa harap ko na may ngiti pa rin sa kanyang labi.


"I'm so glad to see you," Flora mentioned as she linked her arm on mine. Sabay kaming naglakad patungo sa may mga tents kung saan nakita ko ang mga kasama naming busy sa pag-unpack ng mga gamit namin.


"Hailey Bailey!" Bungad ni André nang makita niya ako. Nakita ko pa ang akmang pagtakbo niya patungo sa akin, pero pinigilan siya ni Logan sa braso.


"Musta, Hail?" Nakangiting bati ni Logan.


Tumango naman ako sa kanila pati na kay Kell na ngumiti lang sa direksiyon ko. "Hi, Hailey," simpleng bati niya.


Matapos ang ilang minutong pag-aayos, nagsimula na kaming mag-divide ng mga tasks na gagawin. Bilang si Andre ang nag-appoint sa sarili niya bilang leader, siya ang nag-assign sa mga gagawin namin.


"Koko, Logan and Kell, kayo ang in-charge sa pagluluto," panimula ng kunwaring leader namin na si André. "Flo, Lexi and Bri, you're the cleaning team. And, Ford, brother, you're security. Now, go work your asses, folks!"


Tinaas ko ang aking kamay. "Teka, anong gagawin ko?"


André just wiggled his brows at me. "Ikaw ang special guest for today. So, just enjoy, Hailey Bailey!" Iniwan na ako ng lalaki at nagtungo sa kung saan.


Matapos ang ilang minutong pag-upo ko sa tabi ni Koleen sa tapat ng mga tents namin, nakaramdam na ako ng pagkabagot.


"K, may maitutulong ba ako?" tanong ko sa kaibigan kong busy na sa paghiwa ng mga patatas sa mesa.


"Hail, mag-relax ka na nga lang doon." Tinulak pa ako palayo ng babae.


Napatingin ako kay Kell na tumango naman sa tabi ni Koleen. "Hailey, okay na kami dito," saad pa ng lalaki.


Bumuga ako ng hangin saka ako naglakad patungo kay Logan na busy sa pag-grill ng barbecue. "Logan, tulungan na-"


"Oh eto, prinsesa! Kumain ka nalang diyan!" Inabutan ako ni Logan ng isang plato na may tatlong stick na barbecue.


"Hindi pa ako gutom," sabi ko sa lalaki.


"Kain na," pilit pa ni Logan sa akin.


Hindi na ako nakipagtalo pa at kinuha nalang ang isang stick ng barbecue saka ako naglakad patungo sa may lawa.


Habang naglalakad ako, may narinig akong mga yapak na parang sumusunod sa may likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Ford na nakatayo ng ilang metro ang layo mula sa akin. Hawak ulit niya ang kanyang cellphone at kunwari ay busy siya dito.


Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya. Nang mapatingin siya sa akin, pinanliitan ko siya ng mata. "Ford, sinusundan mo ba ako?"


Tinuro niya ang kanyang sarili na parang gulat na gulat sa akusasyon ko. "Ako?"


Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at nakitang wala namang ibang taong malapit sa akin kung hindi siya lang. "Oo, ikaw."


"Hindi kita sinusundan. Binabantayan lang kita," depensiya pa niya.


Umiling lang ako saka ako nagpatuloy sa paglakad palapit sa lawa. Napansin kong may ilang kayak na nakatali sa may gilid ng rampa. Naglakad ako sa kahoy na rampa hanggang sa marating ko ang dulo nito. Umupo muna ako saglit saka ako kumagat sa hawak kong barbecue.


Maya't maya pa ay narinig ko ulit ang mahinang yapak mula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita si Ford na napatigil ulit sa paglakad.


"Naglalaro ba tayo ng Red Light, Green Light?" panunukso ko sa lalaki.


Napatawa na rin siya sabay hawi sa kanyang nakalugay na buhok gamit ang isang kamay niya.


"Umupo ka na nga," sabi ko sabay tapik sa espasyo sa tabi ko.


Naglakad siya palapit sa akin, pero imbes na umupo sa tabi ko ay umupo siya sa may kabilang gilid kaya magkaiba kami ng direksiyon ng tinitignan ngayon.


"Ang ganda dito, 'no?" komento ko habang nakatingin sa kulay berdeng gubat sa tapat ko.


"I hope okay lang sa'yo na inimbita ako ng mga kaibigan mo dito," biglang sambit ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.


Tumango ako nang mabagal. "Okay lang naman."


Nakatingala na siya ngayon sa langit habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Maswerte ka sa mga kaibigan mo."


"Sinabi mo pa. Eh ikaw? Wala ka bang mga kaibigan?" usisa ko.


"Not really. Si Kuya Fike lang ang bestfriend ko," mahinang sagot niya habang nakapikit pa rin at para bang inaalala ang kanyang kapatid.


Lumapit ako sa kanya at umupo sa aking mga binti katabi niya saka ko tinaas ang aking kamay sa tapat ng kanyang mga mata. "Kaibigan mo naman ako, di ba?" tanong ko sa lalaki.


Napamulat siya ng kanyang mga mata at nang makita ang kamay ko sa tapat ng kanyang mukha, binaling niya ang kanyang tingin sa akin. Ngayong magka-level na ang mga mata namin, doon ko napansin kung gaano kabilog at kalinaw ang mga ito.


Kung dati ay naaalala ko si Fike sa tuwing tinitignan ko si Ford, ngayon ay mas nakikita ko na ang inosenteng mukha ng lalaking nawalan ng hindi lang kapatid, kung hindi pati ng isang matalik na kaibigan.


Binigyan ko siya ng ngiti saka ko tinapik nang marahan ang tuktok ng kanyang ulo. "Kayak tayo?"


Tumango na rin ang lalaki at sabay kaming tumayo at naglakad patungo sa may kayak sa baba ng rampa.


Tinanggal ni Ford ang tali ng isa sa mga kayak bago siya lumusong dito. Tinulungan rin niya akong makasakay sa maliit na kayak at nagsimula na kaming mag-paddle.


Magkaharap kami ngayon ng upuan habang nagpa-paddle kaya nahirapan pa kami sa una kung paanong direksiyon ang pag-paddle namin.


"Ang hirap pala nito," reklamo ko nang makaramdam ako ng ngalay sa aking mga braso.


Napatawa naman si Ford. "Kailangan mong mag-exercise."


Ngumuso ako sa kanya. "Oo na. Nakakahiya naman sa mga muscles mo."


"Joke lang. Ako na ang bahala sa pag-paddle," pagbawi niya sabay tali sa kanyang buhok gamit ang itim na hair tie niya sa kanyang palapulsuhan. Napansin ko rin na suot niya ang binigay kong bead bracelet sa kanya noong birthday niya.


"Sinuot mo pala yan?" Tanong ko sabay turo sa kanyang kamay.


Napatingin na rin siya sa tinuturo ko saka siya tumango. "Di ba sabi ko aalagaan ko 'to?"


Napangiti nalang ako saka hinayaan ko na rin siya sa pag-paddle tutal at parang wala naman akong lakas na maiambag sa pag-paddle. Nilabas ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon saka ko sinimulang kumuha ng mga litrato sa paligid namin.


Nang mahagip ng camera ko ang mukha ni Ford, napansin ko ang malawak na ngiti niya habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko rin ang prominenteng cheekbones niya ngayong nakataas ang buhok niya.


"Ang pogi naman ng kaibigan ko," puna ko sabay click ng phone camera ko.


Napansin ko ang pagkurap ng kanyang mga mata na parang nagulat sa komento ko. Hindi ko alam kung hindi niya alam na may itsura siya o hindi lang siya sanay sa mga compliments.


Tinaas ko ang cellphone ko sa aking harapan. "Selfie tayo!" Nakita ko ang paglapit kaunti ni Ford sa akin saka ko pinindot ang screen. "Ayan, may picture na tayo." Nakangiti akong nakatititig sa litrato namin sa aking cellphone at doon ko rin unti-unting na-realized na wala kaming ni isang picture ni Fike noon.


"Ily..." tawag ni Ford sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya.


"Hmm?"


"Pasend ng picture," sambit niya habang nakalabas na rin ang cellphone niya.


Napangiti na ulit ako saka ko sinend ang picture namin sa kanya. Nagpatuloy na ulit kami sa pag-paddle habang hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng paligid namin. Nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan dahil sa papalubog na araw.


"Forrest," sambit ko kaya napatingin ulit sa akin ang lalaki. "Yun ang first name mo, di ba?"


Tumango naman siya. "Forrest Idris."


"Ayaw mo bang tinatawag kang Forrest kaya ginawa mong Ford?"


Tumango ulit siya. "Forrest sounds weird."


"Ang unique kaya..." komento ko. "Forrest."


"What about you? Just Hailey?" He asked.


"Hailey Annrose," I answered.


"Hailey Annrose," he repeated slowly, as if encrypting it in his mind. "Favorite color mo yellow. Favorite food, burger. Birthday, October 10."


Napakunot noo ako. "Teka, paano mo alam lahat yan?"


"Yung mga gamit mo..." he paused in hesitation. "Most of them may touch of yellow. Tapos nag-order ka ng burger sa drive-thru at naubos mo ang tatlo. Also, narinig kong sinabi mo ang birthday mo kay Flo noon sa condo."


Tumango ako. "Eh ikaw, favorite color mo ang gray, di ba?"


"Gray, blue and white," he corrected me.


Napatingin tuloy ako sa suot niyang sky blue na long-sleeves polo tapos puting sando sa loob. Nakasuot rin siya ng gray cargo pants at ang paborito niyang Timberland na boots. "Kaya pala," komento ko.


"Ily," tawag ulit niya.


"Hmm?"


"I want to know more about you," biglang naging seryoso ang tono ng boses niya.


Tumango ako. "Okay, Forrest Idris, ask me a question."


"What's your favorite childhood memory?"


"Noong bata ako, dinadala ako nina lolo at lola sa peryahan tapos sumasakay kami sa carousel ng ilang beses kasi yun lang naman ang kaya kong sakyan doon," nakangiting sambit ko.


"Dati ka na palang close sa kanila?"


Tumango ako. "Oo naman. Sila na kasi ang nagpalaki sa akin. Ikaw? Close ka rin ba sa grandparents mo?"


"Yeah. But lolo died during a mission, then lola died shortly after that," malungkot na kwento niya.


Napaawang ako ng labi. "Mission? Sundalo ang lolo mo?"


"Yeah. That's why gusto kong maging sundalo gaya niya. But, mom and dad are against it."


Tumango ako. "Naiintindihan ko naman ang mga magulang mo. Ayaw ka lang nilang mapahamak."


He let out a faint chuckle. "You think so? Cause they barely even talk to me."


"Kahit na hindi kayo masyadong nagkakausap, alam kong mahal ka nila gaya ng pagmamahal mo sa kanila, hindi ba?"


Ilang segundo siyang natahimik sabay tingin sa malayo. "I guess."


"Ako nga rin, kahit na hindi kami nagkikita o nagkakausap ni mommy, naniniwala akong babalik siya."


Binalik ng lalaki ang tingin sa akin. "Nasan ang mommy mo?"


"Sa ibang bansa. OFW simula five years old ako. Huling beses kaming nagkita noong tenth birthday ko. Kahit nga noong elementary at high school graduation ko, hindi siya umuwi. Pero, naiintindihan ko naman."


"And since then, hindi ka na ulit umiyak?"


Tumango ako. Naaalala pa pala niya. "Nabanggit ko nga pala sa'yo noon."


Tumango rin ang lalaki. "I hope you will cry again... in a good way."


Nanatili pa kami sa kayak ng ilang minuto bago kami bumalik sa grounds kung saan nakahanda na ang hapunan namin. May grilled chicken, pork belly at barbecue. Napansin ko rin ang buns at burger patties na nakalagay sa isang tray pati ang mango cake sa gitna ng table.


"Happy birthday, Hailey!" Bati ng mga kaibigan ko sa akin nang makaupo kami ni Ford.


"Hindi ko pa naman birthday ah," saad ko.


"Malapit na rin naman kaya advanced celebration na," sabi pa ni Koleen.


"Sige na nga. Salamat sa inyong lahat," sagot ko nalang saka nila akong kinantahan ng birthday song.


Nagsimula na kaming kumain nang makita kong inabutan ako ni Ford ng plato na may lamang burger patty, lettuce, patatas at kamatis. "Kumain ka ng gulay," paalala niya sa akin kaya kinuha ko nalang ang plato mula sa kanya.


"Okay po," sabi ko nalang sabay subo sa lettuce kahit na napipilitan lang ako.


Nakita ko ang pag-side-eye ni Koleen sa akin na nakaupo sa aking harapan. Kinunot ko naman ang aking noo sa kanya kaya umiling na rin siya.


Matapos naming kumain, nag-set-up ang mga boys ng bonfire kaya umupo kaming lahat sa palibot nito. Hawak ni Kell ang kanyang gitara habang tumutugtog siya ng isang hindi pamilyar na kanta. Busy naman sina Koleen at Brianna sa paglagay ng marshmallows sa mga sticks.


"Let's play two truths and a lie?" biglang suggestion ni Alexis sa grupo.


"Okay, you start!" André challenged her.


Tinaasan ng kilay ni Alexis si André sabay halukipkip. "Fine. First, I'm an only child. Second, I can play the violin. Third, I hate someone here."


Agad na tinaas ni André ang kanyang kamay. "The third one is a lie. You can't possibly hate anyone here."


"Wrong. The first one is a lie," Alexis corrected. "Next, Flora."


Inayos ni Flora ang kanyang upo bago nagsalita. "Okay, first, I'm allergic to dogs. Second, I hate Taylor Swift's songs. And lastly, I only had one boyfriend," she ended, glancing at Kell.


Bigla kong naalala ang sabi ni Fike noon na kaya siya nakikinig sa music ni Taylor Swift dahil kay Flora. Agad kong tinaas ang aking kamay. "Lie yung second!"


"That's correct! Paano mo alam, Hailey?" Manghang tanong ni Flora.


Napangiti ako. "Uh, nabanggit ni Fike noon sa akin."


Tumango naman si Flora. "I see."


"Okay, my turn!" Excited na sabi ni Brianna. "First, I actually don't want to be a fashion designer. Second, I love cinnamon. Third, I'm dating someone now."


Napaawang ako ng labi at napansing nagulat rin si Koleen sa sinabi ni Brianna dahil wala naman siyang sinasabi sa amin na may bago siyang kinikitang lalaki.


"Can I guess?" Tanong ni Alexis kaya tumango naman si Brianna. "The first one is a lie. I'm pretty sure gusto mong maging fashion designer."


"You got it right!" Nakangiting sambit pa ni Brianna habang hindi pa rin ako makapaniwalang may bago na talaga siyang boyfriend. "K, you're next!"


Napatigil si Koleen sa paggawa ng smores. "Uhm, sige ito nalang... Una, favorite ko ang dinakdakan. Pangalawa, takot ako sa injections. At pangatlo, pinangarap kong maging journalist noon."


"Ang dali naman!" Komento ni Logan.


"Easy peasy!" André remarked.


"The second one is the lie," sagot ni Kell.


"Oh, Hail, ikaw na." Tinuro ako ni Koleen na katabi ko kaya napatingin ako sa mga kasama kong nakatingin na rin sa aking direksiyon.


"Hmm..." Nag-isip ako saglit ng pwede kong sabihin. "Una, favorite music ko ay rock. Pangalawa, mahilig ako sa mga hayop. Pangatlo, huling beses akong umiyak ay kaninang umaga."


Wala agad sumagot matapos kong magsalita. Maya't maya pa ay tinaas ni Koleen ang hawak niyang stick ng smores. "Lie yung unang sabi mo. Di ba jazz ang favorite genre mo?"


Napangiti ako. "Tama."


"Boo! Boring!" Komento ni André sa akin kaya pinanliitan ko siya ng mata. He stuck his tongue out at me, teasing me like a child. Pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya. "My turn! First, I've had my first kiss when I was five. Second, I've had exactly seven girlfriends. Third, I've never let any of them go down on me."


"Eew! Gross!" Alexis rolled her eyes at him.


Nagkibit-balikat naman si André sa kanya. "Then, cover your ears, honey."


"Alam ko na! Yung second ang lie, kasi imposibleng nabilang mo lahat ng naging ex at ka-fling mo," sagot naman ni Logan.


Tinuro ni André ang kanyang kaibigan saka siya pumalakpak na naglakad patungo kay Logan. "Congratulations! You just won a kiss from me, brother!"


"Gago! Layuan mo nga ako! Kadiri ka!" Tumatawa naming pinanood si Logan na tinataboy palayo si André na pilit gustong halikan ang pisngi ng mas matangkad na lalaki.


Pumalakpak ng kamay si Alexis sabay turo kay Kell. "Okay, next!"


"Well, first one, I have a collection of astronomy books. Second, I built a telescope once. Third, I can play the flute," seryosong sabi ni Kell sa kanyang kinauupuan habang inaayos ang salamin sa kanyang mga mata.


"Bro, ang obvious naman niyan!" Tinapik pa ni Logan ang balikat ni Kell na katabi niya.


"You can't play the flute," sagot ni Flora.


"Oh, he actually can," saad naman ni André.


"Really? I never saw you play before," sambit ulit ni Flora.


Tinaas ni Koleen ang kamay niya. "Pwede ba akong sumagot?"


Nilingon ko ang babaeng katabi kong busy na sa pagpasa ng mga sticks ng smores sa amin. "Sagutin mo na, K."


Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan sa harap ni Alexis. "Yung una ang hindi totoo. Wala siyang collection ng astronomy books, kasi sa lolo niya yun."


"Ako na ba?" Parang excited na sabi ni Logan sabay ayos sa suot niyang jacket. Tumango naman kaming lahat. "Okay, una, may secret crush ako simula high school. Pangalawa, dalawa ang naging girlfriend ko. At pangatlo, marunong akong tumugtog ng piano."


"Bro, sino ang secret crush mo?" Biglang naging curious si André.


"Secret nga, di ba?" Tumatawang sabi ni Logan.


"Ibig sabihin may secret crush ka nga?" Tanong naman ni Koleen. "Bakit hindi namin alam 'yan?"


Napalingon ako kay Kell na tahimik lang na hawak ang gitara. Napaisip tuloy ako kung tama ang hinala ko noon palang na may gusto rin si Logan kay Koleen, pero umiling nalang ako dahil alam kong masaya na ngayon si Koleen kay Jale.


"So, which one is the lie?" Nalilitong tanong ni Alexis.


"Isa palang ang naging girlfriend ko," sagot naman ni Logan.


"Okay, Ford, you're up! And please, for the love of God, make it spicy!" Agad na tinuro ni André ang lalaking nakaupo sa kabilang side na katapat ko.


Napansin kong nakatingin sa baba si Ford at mukhang pinag-iisipan niya nang mabuti ang sasabihin niya.


Nang iangat niya ang kanyang ulo, nagtama ang tingin namin. "First, I have a fear of heights. Second, I don't trust people easily. Third, I've never fallen in love before."


Napatigil ako saglit habang iniisip kung alin ang kasinungalingan sa sinabi niya. Sigurado namang wala siyang fear of heights. Tapos mukha ngang may trust issues siya sa mga tao. Pero imposible ring hindi pa siya na-inlove dahil alam kong ex niya si Trinity.


"Third one is the lie. We all knew you've had girlfriends, bro," nanunuksong sabi ni André.


"Di mo kami maloloko," umiiling pang sambit ni Logan.


Tinaas ko ang aking kamay kaya binalik ni Ford ang tingin sa akin. "Yung una ang lie, di ba?"


His lips curved up on one side, smiling at me like a proud dad. "That's right. Wala akong fear of heights."


Alexis gasped. "No way! So, that means hindi ka pa nagka-girlfriend?"


"He had one," biglang sabi ni Flora kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Right, kuya?"


Nilingon ni Ford ang kanyang kapatid saka siya tumango. "Yes, but I've never felt the kind of love that everyone is talking about," sagot niya.


"Well, how would you define love?" Alexis questioned again.


"Something that you can only feel when you're with that specific person..." Ford paused, his eyes slowly finding mine. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ang nabuo sa kanila ni Trinity, pero sa mga salita niya ngayon, parang ayaw na niyang ungkatin pa ito.


"Why is this getting cringe all of a sudden?" Agad na sambit ni André habang kunwari ay naduduwal pa sa kinauupuan niya.


"Parang nangangati na nga rin ako sa ka-corny-han niyo," saad pa ni Logan.


"Why don't we call it a night?" Suggestion ni Kell habang tumatayo na siya sa kinauupuan niya.


Tumayo na rin kaming lahat at nagtungo sa kanya-kanya naming tents. Magkasama kami ni Koleen sa iisang tent. Si Brianna naman ay may sariling tent kasi hindi siya nakakatulog na may kasama. Tapos nasa kabilang tent naman sina Flora at Alexis.


Akala ko ay mahimbing na ang tulog ko nang biglang may narinig akong parang sigaw mula sa labas ng tent namin.


Nilingon ko si Koleen na mukhang kasama na si Jale sa panaginip niya dahil sa mahigpit na yakap niya sa kanyang dalang na stuffed panda na unan.


Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang aking cellphone para silipin kung sino ang nasa labas. May mga ilaw naman sa paligid namin, pero binuksan ko pa rin ang flashlight sa cellphone ko bago ako naglakad.


Maya't maya pa ay may napansin akong silhouette ng isang tao na naglalakad na rin patungo sa may lawa. May hawak rin siyang flashlight mula sa cellphone.


Habang papalapit ako sa likuran ng taong naglalakad sa harapan ko, napansin ko ang suot niyang boots. "Ford?"


Hindi ako nilingon ng lalaki at mukhang hindi ako napansin. Sinundan ko nalang siya hanggang sa marinig ko ang pag-splash ng tubig mula sa baba ng rampa.


"Ford!" Napatakbo ako sa may gilid ng rampa at doon ko nakita ang lalaking lumalangoy na ngayon pabalik sa kayak.


"Shit!" Rinig ko ang pagmura niya nang itapat ko ang ilaw ng flashlight na hawak ko sa kanyang direksiyon. "Ily?"


"Ford, ano'ng ginagawa mo diyan sa oras na 'to? Bumalik ka na nga dito!" Pagsuway ko sa lalaki habang nakaupo na ako sa may gilid ng rampa para hintayin siya.


"Hindi pwede!" Pasigaw na sagot niya habang patuloy siyang lumalangoy sa lawa at parang may hinahanap.


Tumayo ako sa aking kinauupuan. "Sige, kung hindi ka aahon, tatalon rin ako."


Agad siyang napatigil sa paglangoy sabay tingin ulit sa akin. "Huwag kang tatalon!" utos niya habang lumalangoy na pabalik sa may rampa.


Humalukipkip ako habang pinanood ko ang lalaking umahon mula sa tubig. Basang-basa na siya pati ang nakatali niyang buhok. Sinalubong ko ang lalaki habang hawak ang boots at cellphone na iniwan niya sa gilid ng rampa.


"Ford, ano ba ang nangyayari? Kung gusto mong maligo, pwede namang bukas nalang. Bakit sa hatinggabi pa?" Litanya ko sa lalaki habang napansin kong nanginginig na siya ngayon sa lamig.


"Ily... I'm sorry," mahinang sambit niya habang nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin.


"Bakit ka nagso-sorry?" Nalilitong tanong ko.


Tinaas niya nang bahagya ang isang kamay niya, pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.


"Bakit nga?" Tanong ko ulit.


"Nawala ko... 'yong bracelet na bigay mo," sagot niya habang napansin ko ang pagbaba ng magkabilang gilid ng kanyang labi. Para siyang bata na nawalan ng laruan ngayon kaya napangiti ako sa itsura niya.


"Ford, yun lang ba? Kaya ka nandito para hanapin yun?"


Tumango ang lalaki habang hindi naalis ang balisa sa kanyang labi.


Nilahad ko ang aking palad sa harap niya. "Akin na."


"Hmm?" Napakurap siya sa akin kaya kinuha ko ang isang braso niya saka ko nilusot ang isa sa mga suot kong bead bracelet sa kanyang palapulsuhan.


"Okay na po?" Tanong ko sa lalaki habang hawak pa rin ang kamay niya.


Ilang segundo siyang walang imik habang nakatingin pa rin sa kamay namin. "Ily..."


Tinignan ko ang lalaki sa mata at nakitang nag-iba ang ekspresiyon ng kanyang mukha. "Bakit?"


"Your safe space," he pointed out.


Napakunot ako ng noo bago ko napagtanto ang ibig niyang sabihin. "Ah, yung one meter?"


Mabagal na tumango ang lalaki. "Bakit hindi ka lumalayo? Bakit hindi mo ako tinutulak palayo?"


Napatingin tuloy ako sa kamay niyang hawak ko. Kahit na ilang buwan palang kaming magkakilala ni Ford, pakiramdam ko ay matagal na rin kaming magkakilala. Parang mas matagal na nga rin kaming magkakilala kaysa sa kuya niya.


"Ily, do you really trust me that much?" He asked again, still waiting for my answer.


Tumango ako sabay tingin ulit sa kanyang mga mata. "Wala ka namang gagawin sa akin, di ba?"


"In that case..." Ilang segundong natigilan ang lalaki habang naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay. "Can I keep holding your hand then?"


Napatango nalang ulit ako habang nakatingin sa kumikislap niyang mga mata. "Okay."

A/N: Hello fsquad! Grabe ito na ata ang pinakamahabang chapter na sinulat ko sa buong buhay ko lol hindi naman masyadong mahaba para sa inyo? Boring ba o saks lang? Sana nagustuhan niyo 'to kasi so far, ito ang favorite chapter ko sa story na 'to hehe

Salamat sa 5.7k reads pati na rin sa 16k followers huhu mahal ko kayong lahat 💛

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro