Chapter 24
(TW: contains scenes involving SA and r*pe that might be triggering to some, so please read with care and if you're not comfortable reading in any way, please just skip. *hugs with consent*)
Lost
Matapos ang klase namin ngayong araw, nagtungo ako sa studio kung saan raw ulit kami magkikita para sa photoshoot.
Nang makarating ako sa loob ng studio, wala akong nadatnang tao. May mga gamit naman dito sa loob, pero mukhang napaaga ako ng dating. Akala ko nandito na sina Flora, pero wala pa pala.
Umupo na muna ako sa bakanteng upuan sa gilid saka ko binuksan ang dala kong notes para sa exam ulit namin bukas. Parang wala nang katapusan ang pagpapahirap sa amin ng mga prof namin.
Maya't maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan kaya napatingin ako sa dumating.
"Miss David, nandito ka na pala," sabi ng photographer sa akin.
"Hello po," bati ko.
"Magbihis ka na sa fitting room para sakto mamayang pagdating nila ready ka na," utos niya sa akin.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at iniwan muna ang bag ko doon.
Inabot sa akin ng photographer ang nakahandang damit na nakasabit sa isang clothes rack. Isa itong red na halter backless tank top at bag skirt na set.
Habang sinusukat ko ito sa loob ng fitting room, hindi ko alam kung kaya ko ba itong suotin sa labas. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang nakalabas ang pusod ko pati na rin ang kahabaan ng mga legs ko. Sa sobrang iksi ng top at skirt, pakiramdam ko halos wala na nga akong saplot eh.
"Miss David, ready ka na?" Rinig kong tanong ng photographer mula sa labas.
Inayos ko ang buhok ko para takpan ang boobs kong lumilitaw sa masikip na pang-itaas ko. Lumabas ako ng fitting room at nakita ang photographer na naghihintay na sa akin.
"Oh, uminom ka muna ng tubig bago natin simulan ang solo shots mo para matapos ka agad," suggestion pa ng photographer sa akin habang inaabot ang isang bote ng mineral water.
"Sige po. Salamat." Kinuha ko ang binigay niyang tubig at uminom kaunti bago ko siya sinundan patungo sa shooting area. Napansin kong wala pa ring dumadating na ibang tao dito sa studio. Gusto ko sanang i-text si Flora pero nasa bag ko yung cellphone ko.
Bakit wala pa rin sila?
Umiling nalang ako at sinimulan na namin ang photoshoot.
"Miss David, pakitaas naman ang mga kamay mo," utos ng photographer.
Tinaas ko naman nang bahagya ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano ang pag-pose dahil hindi ako sanay sa ganito. Kung nandito lang sana sina Koleen at Brianna, mas magiging komportable ako.
"Hindi ganyan, Miss David." Lumapit sa akin ang photographer saka niya kinuha ang mga braso ko at tinaas ang mga ito.
"O-Okay po," naiilang kong sambit dahil sa sobrang lapit ng photographer sa akin.
Humakbang palayo sa akin ang photographer at nagpatuloy na ulit kami sa shoot.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas, pero nang wala pa ring dumadating na ibang kasamahan namin, naisipan kong mas mabuti pang tawagan ko na si Flora at baka may nangyaring hindi maganda sa kanya.
Medyo nahihilo na rin ako dahil na rin siguro sa pagod kaya umupo muna ako saglit sa gilid. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bag nang biglang narinig ko ang mga yapak mula sa di kalayuan.
"Miss David, okay ka lang?"
Hinigpitan ko ang hawak sa aking cellphone nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay sa aking balikat.
"Sino yang tinatawagan mo?" Diniinan niya ang paghawak sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya.
"A-Aalis na po ako," nagmamadaling sabi ko sabay kuha ng aking bag.
Maya't maya pa ay hinila niya ang aking kamay na siyang dahilan nang pagkaparalisado ng aking katawan.
"Dito ka muna, Miss David. Hindi pa tayo tapos." Nakita ko ang ngisi sa mukha ng lalaki saka niya ako kinaladkad patungo sa loob ng fitting room. Nanghihina ako dahil sa pagkahilo kaya hindi ako makapalag.
"Aray! Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya habang inaalis ang hawak niya sa aking braso.
"Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sa'yo dito." A sinister chuckle echoed in my ears.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sinubukan ko pa ring sumigaw hanggang sa mapaos ako.
Tinakpan ng lalaki ang bibig ko saka niya ako tinulak sa pader kaya tumama ang ulo ko dito. Nahilo ako saglit sa pagkakabunggo ko hanggang sa maramdaman ko ang paghalik ng lalaki sa gilid ng aking mukha habang nakatakip pa rin ang bibig ko gamit ang isang kamay niya.
"Mmm... mmm..." Gusto kong sumigaw at masuka sa ginagawa ng lalaki ngayon. Nawalan na ako ng lakas dahil sa laki ng katawan niyang nakadikit sa akin.
"Hindi naman kita sasaktan. Basta tumahimik ka lang," usal pa niya habang pinipisil na ang isang dibdib ko gamit ang kamay niya.
Ramdam ko na ang pag-init ng aking mga mata kasabay nito ang pagbigat ng aking ulo. Sa sobrang hilo ko ngayon, parang mahihimatay na ako.
Patuloy pa rin ang lalaki sa paghalik sa akin habang naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang kamay papunta sa pagitan ng aking mga binti. Mabigat at magaspang ang kamay niyang humahaplos sa ibabaw ng pinaka-iniingatang parte ng aking katawan.
"Huwag..." Nanghihina kong sambit. Gustung-gusto ko siyang itulak, pero nawawalan na ako ng balanse at hindi ko na alam kung paano pa ako makakaalis dito.
Pero kung hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya, siguradong hindi na ako makakabalik sa dati kong sarili. Kailangan ko siyang labanan hangga't kaya ko.
Gamit ang aking binti, buong lakas kong tinadyakan ang pagkalalaki niya kaya nabitawan na rin niya ako.
"Putangina!" Malutong na mura ng lalaki sa akin habang nakayuko na siya sa iniindang sakit.
Agad akong tumakbo palayo at nang marating ko ang pintuan, binuksan ko ito saka ako nagmadaling lumabas ng studio.
"Bumalik ka dito!" Rinig ko ang boses ng lalaking sumusunod sa aking likuran.
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo sa kabila ng sakit ng katawan ko. Nadapa pa ako ng ilang beses dahil sa pagkahilo ko. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang tumakbo palayo.
Nang marating ko ang labas ng building, isang pamilyar na lalaki ang nakasalubong kong nakakunot ang noo sa akin.
"Ily?" Tawag niya sa akin pero nagpatuloy ako sa paglakad. Hinawakan niya ang aking braso kaya agad ko siyang tinulak palayo.
"Bitawan mo ako!" I yelled at his face, shoving his arm away. Agad naman niya akong binitawan.
"Sorry... Hey, what happened?" Malumanay na tanong ni Ford sa akin.
Umiling ako nang paulit-ulit habang pakiramdam ko ay napapaso ang mga paa ko sa malamig na bloke ng yelo. "Ayaw ko na dito. Gusto ko nang umalis. Please, gusto ko nang umuwi..."
"Okay, okay. Calm down. Ihahatid na kita," pabulong na sambit niya saka niya ako sinamahan sa paglakad sa aking tabi.
Humalukipkip ako habang nakatingin sa baba. Hindi ko nadala ang bag at cellphone ko. Naiwan ko rin ang suot kong sandals kanina kaya wala akong suot ngayon sa aking mga paa.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko habang sinubukan kong maglakad. Agad akong nawalan ng balanse, pero nahawakan ako ng lalaking katabi ko.
"Wait..." Yumuko ang lalaki sa aking harapan sabay alis sa sintas ng suot niyang boots. Nang maalis niya ang dalawang sapatos niya, inangat niya ang kanyang ulo para tignan ako sa mata.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya na nakaluhod sa harapan ko.
"Lift your leg," utos niya sabay turo sa isang paa ko. Walang imik kong sinunod ang sinabi niya at hinayaan siyang hawakan ang mga paa ko para maisuot ang sapatos niya. Tinirintas niya nang mahigpit ang mga ito bago siya tumayo ulit. "Let's go."
Naglakad na kami pareho papunta sa kotse niya habang ramdam ko ang bigat ng boots sa magkabilang paa ko. Samantalang wala namang reklamo ang lalaki sa paglalakad habang naka-medyas lang siya.
Nang makarating kami sa loob ng kotse ng lalaki, pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaupo ako sa harap. Wala pa rin akong imik habang pinoproseso ko ang mga nangyari.
"Can I ask... about what happened?" The guy asked in hesitation, glancing at me from the driver's seat.
Umiling lang ako sabay iwas sa kanyang tingin.
"I know we're not close. And I know I'm not supposed to care, but you can tell me-"
"Pwede bang dito muna ako?" Mahinang tanong ko sa lalaki.
"Sabi mo gusto mo nang umuwi." His tone was delicate as if he was talking to a toddler.
Umiling ulit ako. "Hindi nila ako pwedeng makitang ganito."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Saglit niyang inalis ang suot niyang hoodie at inabot ito sa akin. "Okay, pero suotin mo muna 'to."
Hindi ako gumalaw. Wala na akong lakas para gumalaw.
The guy leaned over to my side, placing his hoodie over my chest to cover me up. "Just rest for now."
Sinandal ko nalang ang aking ulo sa bintana at pinikit ang mga mata ko. Gusto ko nalang matulog.
Pagmulat ko ng aking mga mata, nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Medyo madilim ang paligid, maliban sa maliit na ilaw na galing sa kung saan. Wala naman akong night light sa kwarto ko ah.
Teka, nasaan ako?
Agad akong napabangon nang ma-realize kong wala ako sa aking kwarto. Nilibot ko ang aking tingin at bumungad sa aking harapan ang isang shelf kung saan may mga naka-display na figures ng iba't ibang klase ng eroplano.
Kaninong kwarto ito?
Tumayo ako mula sa kama at inayos ang buhok ko. Napatingin ako sa suot kong hoodie. Sinilip ko pa ang suot ko sa loob ng hoodie at nakitang suot ko pa rin ang cami top at mini skirt, pero dahil sa laki ng hoodie sa akin, parang wala akong suot na pang-ibaba.
Naglakad ako patungo sa pintuan, pero bago ko pa ito mabuksan, narinig ko ang mga boses galing sa labas.
"Kuya, I can't just go accusing the man for something we didn't see. And I've been friends with him for a while." Si Flora...
"I don't fucking care! Clearly, that son of a gun did something to her. If you're not going to do anything about it, I'll do it myself."
"Kuya Ford! Stop! Don't do anything stupid!"
"I won't. I'm just going to rip his eyes out and make his balls bleed."
"Kuya, please. Let's handle this properly. Gusto mo bang mas lalo pang magalit si dad sa'yo?"
"I don't care anymore. The old man already hates me. Let him hate me until I die."
Binuksan ko na ang pintuan saka ako naglakad patungo sa dalawang nagtatalo sa labas.
"Hailey?" Sambit ni Flora nang makita niya ako.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti.
"How are you?" she asked me.
"Okay lang ako," I lied.
"Are you sure?" Tanong ulit ng babae na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.
Tumango lang ako sabay tingin sa lalaking nakakunot ang noo sa akin. It seemed like he wasn't convinced with my answer either.
"I'm sorry I didn't tell you about the change of the photoshoot schedule earlier. Nakita ka raw ni kuya doon sa studio," saad pa ni Flora.
Umiling ako. "Kasalanan ko rin kasi napaaga ako ng punta doon."
"So, what exactly happened?" Seryosong tanong ni Ford sa akin.
Huminga ako nang malalim, nag-iisip kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari. Kapag sinabi kong may ginawa sa akin yung photographer, maniniwala ba sila? May ebidensiya ba ako?
"Hailey, you can talk to me if you want." Lumapit si Flora sa akin.
Umiling ulit ako. "Wala. Wala naman. Pinasuot lang sa akin itong damit. Tapos kinuhanan ako ng solo shots nung photographer..." Napatigil ako nang maalala ko ang mukha ng lalaking muntik nang gumahasa sa akin. Kinuyom ko ang aking mga kamay at kinagat ang loob ng pang-ibaba kong labi para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Bakit ako iiyak? Hindi nga ako umiyak noong umalis si mommy. Hindi rin ako umiyak noong nawala si Fike. I conditioned myself to be impassive at times like these. I had tougher days than this. So, bakit ako iiyak?
"Hailey?" Tawag ulit sa akin ni Flora kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Okay lang ako..." Inulit ko pa habang ramdam ko na ang pag-init ng aking mga mata.
Napasinghap si Flora sabay hawak sa aking braso. "Oh my gosh, Hailey, are you okay?"
Kinurap ko ang aking mga mata para pigilan ang mga luhang gustong lumabas sa aking mga mata. "Wala 'to. Ano lang... napagod lang siguro ako..." I forced a chuckle, shaking my head.
"Hailey..." Niyakap ako ni Flora habang nakita ko ang pagtitig ni Ford na nakatayo sa likod niya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya habang nakakuyom na rin ang mga kamay niya.
"Okay lang ba kung umuwi na ako?" Tanong ko habang nakatingin sa lalaki.
Bumuga ng hangin si Ford sabay tango sa akin. "Magpalit ka muna ng damit." Naglakad siya papunta sa gilid ng sala at kinuha ang yellow tote bag na kaparehas ng akin. "This is yours, right?" Inabot niya ito sa akin.
"Salamat," sambit ko sabay kuha sa bag ko.
Binitawan na rin ako ni Flora kaya bumalik ako sa kwarto kung saan ako galing. Nagmadali akong nagpalit ng damit gamit ang uniform na suot ko kanina na nandito sa loob ng bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang ilang texts at missed calls galing kina Koleen at Brianna.
Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanila. Siguro mas mabuti pang huwag nalang.
Maya't maya pa ay narinig kong may kumatok sa pintuan. "Hailey?" Si Flora ulit.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok ang babae.
"Hailey, you can talk to me. Kung may gusto kang sabihin, I'm here to listen."
Tumango lang ako sa kanya. "Salamat, Flora."
Paglabas namin ng kwarto, bumaba na kami sa condo kung saan pala tumutuloy si Ford. Hinatid niya muna si Flora sa bahay nila at naiwan akong kasama ang lalaki sa kotse.
Wala akong balak sabihin ang nangyari lalo na sa lalaking katabi ko ngayon. Pero nang bigla siyang magsalita sa harap ko, parang gusto nalang talagang lumabas ng mga luha kong naudlot kanina.
"Did that bastard harass you?" He asked, almost whispering.
"Wala namang nangyari," mahinang sagot ko.
"So, he did harass you?" His tone went a notch higher. Teka, galit ba siya?
Umiling ako. "Ayaw ko nang alalahanin pa."
"Quit acting nice at times like this," he pressed on.
"Ihatid mo nalang ako," I demanded.
"Damn it, Ily. Stop changing the subject," mariing sabi pa niya.
"Then, stop acting like you care," sagot ko gamit ang mga eksaktong salitang binitawan niya sa akin noon.
Bigla niyang pinahinto ang kotse sa gilid ng daan sabay lingon sa akin na nakaupo sa likod ng kotse. "Are you serious right now?"
"Ford, ihatid mo nalang ako," saad ko sabay sandal ng aking ulo sa upuan at binaling ko na rin ang tingin ko sa labas ng bintana.
Tumahimik na rin ang lalaki at nagpatuloy na ulit sa pag-drive.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment, nilingon ko ang lalaki sa aking tabi. "Salamat." Akmang bababa na ako sa kotse niya nang bigla siyang magsalita.
"Wait..." Nilingon ko ulit ang lalaki. Nakatingin na rin siya sa akin na may bakas ng pag-alala sa kanyang mukha. "Ily, when you're comfortable to talk, you can tell me... or your friends. Don't try to handle it on your own."
Iniwas ko ang aking tingin saka ako tumango. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Hindi ko pa nga napo-proseso sa aking isipan ang nangyari. Basta ang alam ko, hindi ko na maibabalik ang nawala sa akin.
A/N: Bb Hailey 🥺
If you or someone you know has experienced the same incident (or exhibiting signs of abuse), please speak to someone and seek help/report to the appropriate authorities. Also, make sure you have someone with you to support you all the way. It's hard to deal with such problems by yourself. I know it can be hard to share your story, but give it time and let it out to someone you trust. I hope you're healing well. Take care.
Hugs to everyone (again with consent)
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro