Chapter 23
Responsibility
Ilang araw na nanatili sa ospital si lolo matapos ang operasyon niya. Kinailangan ko na ring bumalik sa Manila dahil ilang araw na rin akong umabsent sa klase at duty namin.
Pero pagdating ko sa klase, hindi rin ako makapag-concentrate sa lectures dahil iniisip ko ang kalagayan ni lolo pati na rin si lola na nagbabantay doon sa ospital.
"Hail, kumusta na ang lolo mo?" tanong ni Koleen sa akin habang nasa lunch break kami.
"Nasa ICU pa rin siya," sagot ko sabay buntong-hininga. "Paano kung mag-drop nalang ako? Tutal mukhang hindi na ako papasa sa mga exams natin."
"Hail naman. Fourth year na tayo. Ilang buwan nalang at ga-graduate na tayo. Huwag kang sumuko. Tutulungan naman kita."
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Salamat, K. Ang hirap lang kasi. Kung nandito lang sana si mommy."
"Anong sabi niya? Hindi ba siya makakauwi?"
Umiling ako. "Sabi ni lola hindi raw siya makakauwi." I let out a bittersweet chuckle. "Ano ba naman ang inasahan ko? Ilang taon ko na siyang hindi nakita. Naka-graduate ako ng elementary at high school na may honors, pero ni minsan hindi siya umuwi."
Hinawakan ni Koleen ang isang kamay ko. "Alam kong mahirap, Hail. Nagalit rin ako sa mama ko noon. Pero baka may rason rin ang mommy mo kung bakit hindi siya makauwi."
I shrugged. "Siguro. Hindi ko alam."
"Kumain ka na nga. Oh eto, subukan mo masarap 'to." Inalok ni Koleen ang kinakain niyang sandwich sa harap ko.
Umiling ako. "Hindi ako gutom, K. Pero, salamat."
"Gusto mong mahimatay sa klase? Di ba nga noong nawala si papa pinipilit niyo rin akong kumain?" saad ni Koleen.
Tama naman siya. Nakita ko kung paano naapektuhan si Koleen last year sa pagkawala ni Dr. Fernandez. Mabuti nalang at dumating ang Prince Charming niya. "Kumusta na pala si Dok Jale? Wala pa ring paramdam?" I asked, diverting the conversation.
Koleen shook her head, smiling. "Nagsusulat naman siya ng love letters para sa akin."
"Love letters? Ang baduy ha," natatawa kong sagot.
"At least alam kong buhay pa siy-" Napatigil si Koleen nang ma-realize niya ang sasabihin niya sunod. "Sorry, Hail... ang ibig ko lang sabihin ay-"
Ngumiti ako. "Okay lang, K. Basta siguraduhin mo lang na babalik yang si Dok Jale nang buhay. Kung hindi ako ang maghahanap sa kanya para sa'yo."
Napatawa na rin si Koleen.
Nagpatuloy ang mga lectures namin buong linggo. Pagdating ng Biyernes, habang nasa office kami ng Gen L Society at naghahanda ng mga regalo para sa mga bata sa orphanage, dumating si Flora para bisitahin kami. Kahit na hindi na siya ang president namin dahil focus siya sa final year ng college at sa pagiging president rin ng student council, tumatambay pa rin siya dito.
"Oh, by the way, girls, if you need more funds, just let me know and we'll ask for more sponsors," saad ni Flora.
"Flo, thank you sa tulong," sabi ni Koleen na siyang current president namin sa society.
"No worries, K. I'm always happy to help. Tsaka, special sa akin ang orphanage na tinutulungan natin ngayon," Flora mentioned.
"Ano pala ang project natin this year?" tanong ko. "Two years ago, successful ang Lollipop Project." Napatingin ako kay Koleen at nakita kong napatingin rin siya sa akin.
Flora clapped her hands together. "I might have an idea!"
"Anong idea mo, Flo?" tanong ni Koleen.
"I'm doing my final project now and I have some clothing pieces that I want to showcase. So, why not a runway slash auction fundraising event? Then, all the proceeds will go to charity!" excited na sabi ni Flora.
"That sounds amazing!" Biglang dumating si Brianna kaya napatingin kami sa kanya. Agaw pansin ang ganda ng babae dahil maliban sa branded ang mga damit niya, iba rin talaga ang aura niya. Kung dati ay ayaw kong maging kaibigan ang mga ganitong klase ng babae, ngayon ay nag-iba na ang perspective ko sa kanila. Everyone has a story, so we shouldn't judge.
"So, kailan tayo pwedeng mag-start?" Koleen asked, eyes twinkling under her glasses.
"Wait, I'll just finalize my portfolio tapos mag-a-arrange ako ng meeting with the Executives. Okay?" Tinignan kami ni Flora dahil kami ang mga Executive members.
Matapos naming ihanda ang mga regalo, nagtungo na kami sa orphanage. Nakarating naman kami matapos ang ilang oras na traffic. Mabuti nalang at kasama ko ngayon sina Koleen at Brianna.
"Grabeng traffic 'yon ah," usal ni Koleen nang makababa kami ng kotse.
"This is why I hate driving," komento pa ni Brianna.
"Salamat sa pag-drive, Bri," nakangiting sabi ko sa babaeng driver namin.
Bumuntong-hininga naman siya. "Kung hindi ko lang talaga kayo friends..."
Hinila ni Koleen si Brianna patungo sa likod ng kotse. "Tara na, girls. Naghihintay na ang mga bata."
Pagkarating namin sa loob, agad kaming sinalubong ng mga bata lalo na noong nakita nila ang mga dala naming gift bags. Isa-isa naming binigay sa kanila ang mga regalo namin.
Nilibot ko ang aking tingin sa kwarto kung nasaan kami ngayon para hanapin si Trinity, pero mukhang wala siya ngayon dito.
Nagpatuloy ang activities namin kasama ang mga bata nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaking napadaan sa labas ng kwarto. Si Ford ba ulit yun?
Napatayo ako sa aking kinauupuan at lumabas muna saglit para hanapin ang lalaki. Magpapasalamat lang ulit ako sa kanya sa paghatid niya sa akin sa probinsiya last week.
Naglakad-lakad ako sa labas para hanapin siya nang may marinig akong humihikbi sa loob ng kabilang kwarto.
Maya't maya pa ay narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae. "You can't ignore me forever." Sigurado akong si Trinity ito.
"I'm not ignoring you. I just don't want to speak to you." Si Ford.
"Kailan mo ba ako mapapatawad?"
"Napatawad na kita, Trinity."
"Then, why are you treating me like trash?"
"Is that what you think I'm doing?"
"Alam mo naman ang nangyari sa akin."
"And it still doesn't give you any right to hurt anyone."
"I didn't hurt anyone, Ford."
"You destroyed me, Trinity."
Nanatili ako sa aking kinatatayuan sa likod ng nakasaradong pintuan. Rinig ko ulit ang mahinang pag-iyak ng babae mula sa loob. Gusto kong puntahan si Trinity, pero hindi ako makagalaw.
Kung noon ay nagawa kong sugurin ang lalaking ayaw panindigan ang kaibigan ko, this time, alam kong may mga detalye akong hindi alam at hindi na dapat ako mangialam pa.
Agad akong bumalik sa loob ng kwarto kasama ang mga bata bago pa ako makita nina Ford at Trinity.
"Oh, Hail, okay ka lang?" tanong ni Koleen nang makita niya ako.
Tumango ako sabay labas ng maliit na ngiti sa aking labi. "Okay lang ako."
Nagpatuloy na ulit kami sa paggawa ng activities kasama ang mga bata. Habang nandoon kami, hindi ko nakita ang anino ni Trinity. Bigla akong nakaramdam ng pag-alala sa kanya. Baka umiiyak pa rin siya ngayon doon sa kwarto. Balikan ko kaya?
Akmang tatayo na ulit ako nang makita ko ang pagdating ng isang pamilyar na babae. Si Trinity.
"Haly!" Kinawayan ako ng babae nang magtama ang tingin namin.
"Tin..." bati ko.
"Nandito pala ulit kayo," saad niya na may malaking ngiti sa kanyang labi at parang hindi umiyak kanina. Napansin ko ang kaunting pamumula ng kanyang mga mata, pero mukhang tinakpan niya ito ng make-up.
"Ah, oo. May regalo kami sa mga bata."
"Hail, alis na tayo in a few minutes," paalala ni Brianna sa akin sabay lakad papunta kay Koleen sa kabilang table.
Nakatingin pa rin ako kay Trinity habang iniisip ang nangyari kanina. Tatanungin ko ba kung okay lang siya? Pero, malalaman niyang narinig ko ang pag-uusap nila ni Ford.
Bumuntong-hininga ako. "Uh, Tin, okay ka lang ba? I mean, in general..."
Napatawa siya. "Okay lang ako, Haly."
"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."
She flashed me a smile. "Thank you, Haly."
"Hail, ready ka na?" Pagtawag ni Koleen sa akin sabay tingin sa babaeng kausap ko. "Sorry, busy pa ba kayo?"
"Okay lang. Sige, Haly. See you next week," saad ni Trinity.
Tumango ako. "See you ulit next week."
Lumabas na kami ng kwarto at naglakad patungo sa kotse ni Brianna. Umupo ako sa likod sabay labas ng aking cellphone. 6:32 pm. Uuwi pa ako sa Tarlac. Sana maabutan ko yung bus sa terminal para hindi ako masyadong gabihin.
Habang pinapaandar ni Brianna ang kanyang kotse, biglang may pumutok mula sa labas.
"Oh my God! What's that?" Brianna exclaimed.
Napatingin ako kay Koleen sa tabi ni Brianna na nakataas ang mga kamay habang takip ang kanyang magkabilang tainga.
Lumabas kaming tatlo ng kotse habang panay ang reklamo ni Brianna at mukhang nagpa-panic na rin.
"Anong problema, Bri?" Tanong ni Koleen.
"I don't know. Ngayon lang nagkaganito si Bryle." Bryle ang pangalan ng Honda Civic niya.
"It looks like flat ang tire dito sa harap," isang boses ng lalaki ang nakakuha ng aming atensiyon. Pagtingin namin sa gilid, nakita ko ang pamilyar na man-bun ng isang lalaki na nakayuko habang chini-check ang gulong.
"Ford?" Ako ang unang bumati.
Bahagyang tinaas niya ang kanyang kamay sa aking direksiyon. "Ily."
"Ily?" Nagkatinginan sina Brianna at Koleen sabay tingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa kanila.
Inayos ni Ford ang kanyang tayo sabay lakad patungo sa amin. "May extra tire kayo?"
Napatingin kaming dalawa ni Koleen kay Brianna. "Yeah, I think nasa likod."
Nagpunta sa likod ng kotse si Brianna at sinundan naman siya ni Ford.
Nakatayo lang kami ni Koleen sa gilid habang pinapanood ang lalaking sinusubukang ayusin ang gulong.
"Bakit nandito ang kapatid ni Flora?" Mahinang tanong ni Koleen sa akin.
"Nagvo-volunteer rin daw siya dito," sagot ko.
Tumango si Koleen. "Pero, teka, close rin ba kayo?"
Umiling ako sabay halukipkip. "Hindi kami close niyan."
"Eh bakit ka niya tinawag na Ily?" Usisa pa ni Koleen.
Naalala ko pa ulit ang sinabi ni Ford sa akin noon. "I loathe you. Ily."
"Hindi ko rin alam," sagot ko nalang imbes na i-explain ko pa ito kay Koleen.
Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin nila naayos ang kotse. Tumawag na si Brianna ng car service tapos ni-offer ni Ford na ihatid nalang kami.
Kaya nandito ulit ako ngayon sa loob ng G-Wagon ni Ford, pero this time, nakaupo na ako sa harap at katabi ng driver dahil nasa likod sina Brianna at Koleen.
Tahimik kaming lahat sa loob ng kotse kaya medyo awkward. Napatingin ako sa mga kaibigan ko sa likod gamit ang rearview mirror. Nakatingin si Koleen sa labas ng bintana habang si Brianna ay busy sa kanyang cellphone.
"How was your day?" Biglang tanong ni Ford kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa harap at focus sa pagmamaneho. Naalala ko bigla si Fike dahil ganito lagi ang panimulang tanong niya sa akin.
"Ah, okay lang," simpleng sagot ko. Naalala ko pa ulit yung narinig ko kaninang usapan nina Ford at Trinity. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin. Parang galit na galit siya kanina eh.
"Hail, uuwi ka pa ulit sa Tarlac, di ba? Aabot ka ba sa bus mo?" Tanong ni Koleen sa akin.
Nilingon ko siya sabay ngiti. "Okay lang. Hindi naman mauubos yung bus."
"Pero baka gabihin ka na niyan," sabi pa niya.
"I'm really sorry, Hail," Brianna mumbled, looking at me with apologetic eyes.
"Bri, okay lang. Hindi mo naman kasalanan," I assured her.
Matapos ang dalawang oras kasama ang traffic, nakarating rin kami sa tapat ng apartment namin. Bago ako makalabas ng kotse, biglang nagsalita si Ford.
"Pwede kitang ihatid sa Tarlac."
Napatigil ako saglit. "Bakit?"
He smiled at me. "That's what Kuya Fike would have done, right?"
Bumuntong-hininga ako. "Ford, wala kang responsibilidad sa akin."
"I'm not doing this because of Kuya Fike. I'm doing this because I want to, Ily."
Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit bigla naman ata siyang naging mabait sa akin?
Maya't maya pa ay may tumikhim sa amin likuran. Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nakita si Koleen na nakapanliit ang mga mata sa akin. Si Brianna naman ay nakataas rin ang isang kilay na nakatingin sa akin. Umiling lang ako sabay tingin sa labas ng bintana.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment, bumaba na rin sina Koleen at Brianna.
"Salamat ulit, Ford," sabi ng dalawang kaibigan ko.
"Pakihatid nalang si Hail," sabi pa ni Koleen sa lalaki.
Tumango naman si Ford. "No worries."
"Ingat kayo." Kinawayan ako ng mga kaibigan ko bago sila pumasok sa loob ng apartment.
Naiwan na ulit akong mag-isa kasama si Ford sa kotse niya. Humalukipkip lang ako habang nakasandal ang aking ulo sa upuan. Mahaba pa naman ang biyahe kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Bago pinaandar ulit ng lalaki ang kotse niya, naramdaman ko ang malambot at mainit na parang kumot na nilagay niya sa ibabaw ko kaya napamulat ako ng mata. Totoo ngang may kumot siyang binigay sa akin.
"Matulog ka na. Alam kong pagod ka," he suddenly mentioned.
Nilingon ko ang lalaki. "Bakit ka may kumot dito?"
Nagkibit-balikat lang siya sabay paandar ng kanyang kotse.
"Salamat," sabi ko nalang at sinandal ko ulit ang ulo ko sa upuan. Ilang saglit pa ay tumunog ang sikmura ko kaya napahawak ako sa aking tiyan.
"Anong gusto mong kainin?" Biglang tanong ng lalaki.
Hindi ko binuksan ang aking mga mata at nagpanggap akong natutulog nang biglang tumunog ulit ang tiyan ko.
Narinig ko ang pagtawa ng lalaki. "Just tell me what you want. Drive-thru nalang tayo."
Inayos ko ang upo ko sabay tingin sa lalaki. "Kahit ano nalang."
Makalipas ang ilang minuto, tumigil ang sasakyan sa tapat ng Burger King. Sakto at gusto kong kumain ng burger ngayon.
"Anong order mo?" Tanong niya sa akin habang nasa pila na ang kotse.
"Yung double whopper nalang, salamat," sagot ko.
Tumango naman ang lalaki at nang siya na ang susunod sa pila, inorder niya ang sinabi ko at may extra pa siyang binili.
"Bakit ang dami mong inorder? Kakainin mo lahat yan?" Tanong ko sa lalaki nang maibigay sa amin ang limang bag.
"Para sa lola mo," sambit niya.
Natigilan ako ng ilang segundo. "Salamat ulit. Pero, teka, hindi ka kakain?"
Umiling lang siya at nagpatuloy na sa pag-drive.
"Bakit hindi?" Tanong ko ulit habang binubuksan ang burger ko. Inalis ko muna yung lettuce at kamatis na kasama sa loob kasi hindi naman talaga ako mahilig sa gulay.
"Busog pa ako," simpleng sagot ng lalaki.
Tumango nalang ako at nagsimulang kumain. Hindi talaga ako nagsasawa sa burger.
Matapos kong kumain ay mabilis na rin akong nakatulog. Hindi ko ulit namalayang nakarating na kami sa Tarlac kung hindi pa ako ginising ng kasama ko.
Pagbaba ko ng kotse, tinulungan ako ng lalaki sa pagbuhat ng mga pinamili niyang pagkain. Ang dami ba naman kasing binili.
Nang makarating kami sa tapat ng ICU, nakita ko agad si lola na nakaupo sa hallway. "Lola!" Bati ko habang nagmamadaling naglakad patungo sa kanya.
Tiningala naman ako ni lola. "Oh, ley, apo."
"Mano po." Kinuha ko ang likod ng kamay niya at pinatong ito sa aking noo.
"Apo, sino itong binatang kasama mo?" Agad na usisa ni lola nang mapansin si Ford sa aking likuran.
"Uh, la, si Ford po pala..." Napatigil ako saglit sabay tingin sa lalaki. "Kaibigan ko."
Nilingon ako ng lalaki sabay ngiti bago niya tinignan si lola. "Magandang gabi po." Nag-mano rin siya kay lola.
"Magandang gabi rin, hijo. Salamat sa pagsama dito kay Ley," sabi pa ni lola sa lalaki.
"Wala pong anuman," sagot naman ni Ford. "Para sa inyo po pala." Inabot niya ang mga bag kay lola.
Kinuha naman ni lola ang isang bag at nang mapagtanto kung ano ito, agad siyang tumingin kay Ford. "Naku, salamat, hijo. Hindi ka na sana nag-abala pa."
"Kailangan niyo pong kumain," sabi pa ng lalaki.
Tumango naman si lola sabay tingin sa baba. "Gusto ko mang kumain ay wala naman akong gana lalo pa at inaalala ko ang lolo ni Ley."
"Naiintindihan ko po." Yumuko si Ford sa harap ni lola para matignan siya sa mata. "Pero mas mabuti pong alagaan niyo rin ang sarili niyo para paggising ni lolo ay makita niyang malakas kayo."
Napangiti na rin si lola. "Sige na nga. Kakain na ako para sa'yo, hijo."
Napangiti na rin ako dahil kahit ako ay hirap na kumbinsihin si lola na kumain simula noong naospital si lolo.
Tumayo na ulit si Ford at umupo na rin sa tabi ko kasama si lola.
"Alam mo, hijo, hindi pa pwedeng magka-boyfriend itong si Ley," biglang sambit ni lola habang kumakain.
Napaubo naman ako sa sinabi niya. "La naman..."
"Pero kung magkaka-boyfriend siya, sana yung mabait rin katulad mo," patuloy ni lola habang nakangiti sa lalaki.
Umiling lang ako. "Si lola talaga."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ford sa aking tabi. "Sana nga po," sagot pa niya kaya napalingon ako sa lalaki. Pinanliitan ko siya ng mata habang patuloy lang siya sa pagngisi.
Buong magdamag kaming sinamahan ni Ford sa ospital. Wala akong narinig na kahit anong reklamo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin at bigla siyang bumait sa akin. Pakiramdam ko tuloy matagal ko na siyang kakilala. Gaya ni Fike.
A/N: Friday update! Thank you sa walang sawang support. Happy 3.3k reads! 🥹🫶🏻
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro