Chapter 22
Emergency
Pagdating ng Biyernes, pumunta kami sa orphanage kasama ang ilang mga members ng Gen L Society para sa volunteer activity namin. Dalawang oras lang naman ang ilalaan namin para sa mga bata. Kahit na pagod na ako sa lectures namin buong araw at may duty pa ako bukas, naisip kong mas mabuti na ring libangin ko ang sarili ko dito kahit ilang oras lang.
Habang gumagawa kami ng bead bracelets ng mga bata, nakita ko si Trinity na papalapit sa table namin. "Tin..."
"Haly, kumusta ka na?"
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Okay lang. Ikaw? Nagvo-volunteer ka pa rin pala dito?"
"Oo. Actually, halos everyday na rin ako pumupunta dito, para na akong staff." Napatingin siya sa bead bracelet na hawak ko. "Gumagawa ka pa rin ng ganyan?"
Tumango ako. "Alam mo namang mahilig ako sa ganito noon, di ba?"
Napangiti siya. "Nakatago pa rin yung mga bracelets ko sa bahay."
Napagawi ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan nakita ko ang isang matangkad na lalaking nagtuturo ng basketball sa mga bata.
"May iba pa palang nagvo-volunteer ngayon dito?" tanong ko.
"Ah, si Ford yan."
Kumunot ang noo ko. "Si Ford?"
Tumango si Trinity. "Matagal na siyang nagvo-volunteer dito. Actually, dito ko rin siya unang nakilala."
"Ah, talaga?" Napatingin ulit ako sa lalaki na busy pa rin sa pagba-basketball sa labas. Parang wala naman sa ugali ng lalaking yun na mag-volunteer.
"Mahilig si Ford sa mga bata," biglang sabi ni Trinity habang nakatingin sa lalaki sa labas.
Naalala ko yung unang pagkakataon kong nakita si Ford. Nasampal ko pa siya dahil hindi ko maatim na makita si Trinity na nagmamakaawa sa harap ng isang lalaki. But, seeing the way she looked at the guy right now, masasabi kong sobrang mahal niya siguro talaga si Ford.
"Ibig bang sabihin okay na kayo ni Ford?" tanong ko.
"Haly, the truth is..."
"Ate Hailey, okay na ba ito?" tanong ni Erin sa akin, isa sa mga batang naka-assign sa akin ngayon. Katabi nga pala namin ngayon ang mga bata.
Bahagyang nabaling ang atensiyon ko sa batang babaeng pinapakita sa akin ang ginawa niyang beads gamit ang mga colored papers. "Okay na yan. Ang galing mo nga oh. Ang dami mo nang nagawa."
"Pwede na bang gawing bracelet, ate?"
"Pwedeng-pwede na yan. Ganito lang ang gawin mo..."
Nagpatuloy kami sa activity hanggang sa dumating ang break time. Gusto ko pa sanang kausapin si Trinity, pero hindi ko na siya mahanap. Lumabas nalang muna ako saglit habang hawak ang aking cellphone nang biglang makita ko ang isang unknown number na tumawag sa akin kanina.
Sinubukan kong tawagan ulit ang number, pero walang sumasagot. Maya't maya pa ay nakita ko ang pangalan ni lola sa aking screen. Agad ko naman itong sinagot. "Hello, 'la?"
"Apo!"
"Lola, anong nangyari? Okay lang kayo?"
"Nandito ako sa ospital ngayon. Ang lolo mo, na-stroke siya..." umiiyak na sabi ni lola sa telepono.
Napatigil ako saglit sa aking narinig. "L-Lola... san po kayo? Uuwi po ako."
"Dito sa St. Agnes Medical Center, apo. Sigurado ka bang makakauwi ka?"
"Opo, lola. Aalis na po ako ngayon na. Darating po ako diyan. Sasamahan ko kayo. Huwag na kayong mag-alala."
"Sige, apo. Salamat. Mag-iingat ka."
"Kayo rin po." Binaba ko ang tawag at agad akong nagpaalam sa mga kasamahan ko.
Hindi ko alam kung may bus pa ba akong sasakyan pauwi sa Tarlac. Pero, kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ko pwedeng hayaang mag-isa sa lola doon. Kailangan ko ring makita si lolo at masiguro na okay siya.
Nang makalabas ako ng kwarto, nakita ko si Ford na nakaupo sa may bench malapit sa basketball court. Nakayuko siya habang nakalagay ang mga kamay sa kanyang ulo.
Dinaanan ko lang siya hanggang sa makarating ako sa tapat ng orphanage. Doon ko naalala na madalang ang sasakyan dito. Sinubukan kong mag-book ng Grab pero walang tumatanggap na driver sa akin.
Bumuntong-hininga ako. Paano ako makakauwi nito?
Ilang saglit pa ay isang pamilyar na kotse ang biglang lumabas mula sa gate ng orphanage.
Huminto ito sa harap ko at unti-unting bumaba ang bintana nito. Lumapit ako sa kotse at doon ko nakita ang mukha ng driver.
"Ikaw?" Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Ford.
The guy tilted his head, looking at me. "Need a ride?"
"Huwag nalang, thanks." Humalukipkip ako sabay tingin sa kabilang direksiyon.
"Ayaw mo? Fine, I'll go ahead-"
"Teka lang!" Pinigilan ko siya habang nakahawak ako sa bintanang nakabukas halfway. "Pwede mo ba akong ihatid?"
"Saan kita ihahatid?" He asked.
"Sa... terminal ng bus pauwi sa probinsiya."
"Terminal?"
Tumango ako sabay bukas ng pintuan ng kanyang kotse.
"Sa likod ka pa rin uupo," paalala ng lalaki sa akin.
Bumuga ako ng hangin bago ako nagtungo sa likod ng kanyang kotse.
Ilang minuto ang lumipas at biglang tumawag si Koleen. Ayaw ko sana itong angatin dahil kasama ko ngayon si Ford, pero wala na rin akong nagawa pa. "Hello, K?"
"Hail, anong oras ka uuwi?"
I let out a sigh. "K, hindi ako uuwi diyan ngayon."
"Ha? Bakit?"
"Si lolo kasi..." Napatigil ako sabay tingin sa lalaking nasa driver's seat. Ayaw ko sanang marinig pa niya ito. "Nasa ospital siya kaya kailangan kong umuwi."
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Hindi na, K. Tsaka, may duty ka rin bukas, di ba?"
"May duty ka rin," saad niya.
"Sasabihin ko nalang na may sakit ako. Kailangan ako nina lolo at lola ngayon."
"Okay, sige. Ako na ang bahala, Hail. Sana okay lang ang lolo mo. Update mo nalang ako."
"Sige, K. Thank you."
Matapos kong ibaba ang tawag, tahimik na ulit sa loob ng kotse. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan sabay tingin sa labas ng bintana.
"Pwede kang matulog," biglang sabi ng lalaki.
Napatingin ako sa kanya. "Hindi na. Matutulog nalang ako sa bus."
"Ihahatid na kita sa probinsiya. What's the address?"
Napaawang ako ng labi. "Anong sabi mo?"
"You heard me. Now, tell me the address," his tone was soft, yet authoritative.
"St. Agnes... Medical Center." Ayaw ko sanang magpahatid pa, pero malaking tulong rin ito. Mukha namang seryoso siya sa pagtulong sa akin. Tsaka, hindi naman ako type nito para manyakin niya.
"Matulog ka na," sabi pa ulit ni Ford. "I'll wake you up once we're there."
Sinunod ko nalang rin ang utos niya bilang inaantok na rin naman ako. Maaga ang klase namin kaninang umaga tapos sunud-sunod ang lectures namin maghapon. Tapos dumiretso na agad ako sa orphanage.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, pero nang maramdaman ko ang pagtapik sa aking braso, napamulat ako ng aking mga mata.
"Nandito na tayo," sabi ng lalaki sa akin na nakatayo na sa labas ng kotse sa tapat ng aking upuan.
"Hmm..." I rubbed my eyes, looking at the guy. "Anong oras na?"
Tinignan ni Ford ang kanyang relo sa kamay. "9:40 pm."
Inayos ko ang aking upo at nakitang may nakatakip na gray hoodie sa aking katawan. Parang ito rin yung hoodie na inabot niya sa akin noon sa club ah.
"Gamitin mo na muna 'yan," sabi pa niya nang mapansin niyang iniwan ko ang hoodie sa upuan.
"Huwag na." Bumaba ako ng kotse sabay lingon ulit sa lalaking nakabalik na sa driver' seat. "Salamat ulit."
Bago ako makaalis, hinawakan niya ulit ang kamay ko. "I hope your lolo will recover soon."
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti saka ako tumalikod sa lalaki. Binilisan ko ang paglakad patungo sa loob ng ospital at nang mahanap ko ang nurses' station, tinanong ko agad kung saan nila dinala si lolo.
"Nasa OR pa po ang pasyente," sagot ng isang nurse sa akin.
Tumango ako saka ko sunod hinanap ang Operating Room. Nakailang liko pa ako bago ko nakita ang aking lola na nakaupo sa labas ng OR.
"Lola!" Tumakbo ako papunta sa matandang tahimik na nakayuko sa kanyang upuan. "Lola..." tawag ko ulit nang marating ko siya saka ako lumuhod sa harap niya para mapansin niya ako. Hinawakan ko ang kamay ni lola at doon lang niya inangat ang kanyang ulo para tignan ako sa mata.
"Ley, apo..." Mahinang sambit ni lola habang napansin ko ang mugto niyang mga mata.
"Lola..." Niyakap ko siya nang mahigpit at doon na ulit siya umiyak sa aking balikat.
Wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin at haplusin ang likuran ni lola.
Ilang minuto kaming magkayakap bago siya napagod sa kakaiyak. Umupo na rin ako sa tabi ni lola habang hawak ko pa rin ang isang kamay niya.
"Apo, paano ka nakauwi agad?" Tanong ni lola sa akin nang mahimasmasan siya.
"Uh, may naabutan pa po akong bus," sagot ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihing may lalaking naghatid sa akin.
"Salamat sa pagsama sa akin dito, apo."
"Wala po 'yun. Gusto niyo po umuwi na muna kayo at ako nalang ang maghihintay dito. Hindi po natin alam kung gaano katagal ang operasyon."
Umiling si lola. "Okay lang ako, apo. Hindi rin naman ako makakatulog kahit na umuwi ako."
Tumango nalang ako at tahimik na umupo at naghintay sa labas ng Operating Room.
Makalipas ang ilang oras, may lumabas na ring doktor mula sa loob kaya napatayo kami ni lola.
"Kayo po ba ang pamilya ni Mr. Norman David?" Tanong ng doktor sa amin.
Tumango naman kami ni lola.
"Natapos na po ang ginawa naming operation at ililipat na siya sa ICU."
"Okay lang po ba si lolo?" Tanong ko.
"Sa ngayon ay medyo mahina pa siya at hindi natin masisiguro kung paano ang magiging recovery niya, at malaki pa rin ang chance niyang magka-stroke ulit in the future."
Napalunok ako. "S-Sige po. Salamat, dok."
Iniwan na rin kami ng doktor habang tahimik lang si lola sa aking tabi. Alam kong mahirap ito para sa kanya. Kaya kailangan kong patibayin ang aking loob.
Nang maihatid kami ng isang nurse patungo sa ICU, bumungad sa amin ang isang malawak na kwarto kung saan maraming pasyenteng nakahiga sa hilera ng mga kama. Maya't maya pa ay nakita na rin namin si lolo na wala pa ring malay.
Katulad ng ibang pasyente dito, puno ang kanyang katawan ng mga linya ng dextrose at monitor pati na ang mukha niyang may oxygen mask. Parang lantang gulay ang kanyang katawan at mukhang wala na talaga siyang buhay.
"Norman..." mangiyak-ngiyak na sambit ni lola habang nakatingin kay lolo.
Ilang minuto lang kaming pinayagan ng nurse na silipin si lolo at pinalabas na rin kami matapos nito.
"Lola, may gusto ba kayong kainin? Bibilhan ko kayo sa labas," sabi ko habang nakaupo lang kami sa may lobby ng ospital.
"Okay lang ako, apo."
"Pero, 'la, kailangan niyong kumain. Wala pa kayong tulog simula kagabi."
"Apo, wala akong ganang kumain."
"Noodles po. Bibilhan ko kayo ng noodles." Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Dito lang kayo, 'la. Balik ako agad."
Habang naglalakad na ako palabas ng ospital, hindi maalis sa aking isipan ang nakita kong kalagayan ni lolo. Masaya akong naging successful ang operasyon sa kanya, pero malungkot ako dahil wala pa ring kasiguraduhan ang kondisyon niya.
BEEP. BEEP.
Napatigil ako nang marinig ko ang isang busina ng sasakyan. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako sa parking lot kung saan may sasakyang dadaan sa harap ko. Agad akong naglakad papunta sa gilid para padaanin ang kotse.
Hinawakan ko ang aking dibdib sabay buga ng hangin. Madaling araw pa lang kaya medyo madilim pa rin dito sa labas. Nakasara na rin ang cafeteria sa loob ng ospital kaya maghahanap nalang ako ng bibilhan dito sa labas.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang pamilyar na malaking kotse sa labas ng ospital.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung kotse kanina ni Ford.
Lumapit ako sa kotse para kumpirmahin ang kutob ko. Nang marating ko ang tapat ng bintana, kinatok ko ito ng dalawang beses. Nagulat pa ako nang biglang bumaba ang bintana kaya nakita ko ang mukha ni Ford na nakatingin sa akin.
"Ford? Nandito ka pa?" Tanong ko sa lalaki.
Hindi niya ako sinagot agad. Napatingin siya sa kabilang direksiyon sabay buga ng hangin. "Ayaw ko lang mag-drive ulit sa gabi. Anyway, how's your lolo?" Binalik na rin niya ang tingin sa akin at nakita ko ang pag-alala sa kanyang mata.
I let out a sigh. "Nasa ICU na siya. Kakatapos lang ng operation niya."
"That's good to hear."
Tumango ako. "Uh, sige, maghahanap pa ako ng bibilhan ng pagkain." Tumalikod na ako sa lalaki at naglakad na ako palayo nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kanyang kotse. Maya't maya pa ay naramdaman ko ang kamay na humawak sa aking braso kaya napatigil ako.
"Samahan na kita," he suddenly told me habang hawak pa rin ang braso ko. "Sorry." Binitawan niya ako agad nang mapansing nakatingin ako sa kamay niya sa akin.
Nagtataka lang ako kung bakit nandito pa rin siya. Tapos ngayon, sasamahan niya ako?
"May convenience store malapit dito," saad pa niya.
"Okay," sabi ko nalang at nagpatuloy na rin kami sa paglakad.
Tahimik lang kaming naglalakad sa gilid ng daan. Wala naman ako sa mood ngayong makipag-small-talk sa lalaking ito kaya hindi na rin ako nag-effort magsalita.
"Close ka sa lolo at lola mo?" biglang tanong ng lalaki sa akin.
Tumango ako habang nakatingin ako sa kanya sa aking tabi. Ford was really tall, maybe even taller than his Kuya Fike. Siguradong nasa lagpas six feet siya. He had the same facial profile as Fike. Chestnut eyes, high-bridged nose, plump and natural pink lips.
Ang kaibahan lang nila, mas malapad ang mga balikat ni Ford. He was definitely way more muscular than his older brother. His long, wavy dark locks framed the sides of his face, almost hiding his cheeks. Parang ayaw niyang ipakita ang mukha niya dahil sa side bangs niyang laging nakababa.
Ilang saglit pa ay nilingon niya ako kaya nagtama ang tingin namin. His eyes glistened, reminding me of Fike.
"What are you thinking?" biglang tanong niya kaya napahakbang ako patalikod. Muntik pa akong mapaupo sa lupa kung hindi ako nahawakan ng lalaki sa aking likuran. "Hey, be careful," paalala pa niya sa akin.
Agad kong inayos ang aking pagkakatayo saka ako lumayo kaunti sa lalaki. "Wala. Okay lang ako."
Tumango siya at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Sinundan naman ako ng lalaki hanggang sa makarating kami sa tapat ng convenience store.
Nagtungo ako sa section kung saan may cup noodles at kumuha na rin ako ng juice para sa amin ni lola. Tinignan ko ang lalaking tahimik lang na nakabuntot sa akin.
"May gusto ka ba?" tanong ko.
"Bibilhan mo ako?" He asked back.
"Oo nga. Kuha ka na."
Naglakad ang lalaki patungo sa likod ng aisle at nang makabalik siya ay may hawak na siyang cone na ice cream. "I want this."
"Yan lang?"
Tumango ang lalaki kaya nagpunta na ako sa counter para magbayad. Habang naglalakad na ulit kami pabalik sa ospital, tahimik pa rin kaming dalawa. Kumakain na siya ngayon ng chocolate ice cream na pili niya.
"Okay na ba kayo ni Trinity?" tanong ko.
"What did she say?" He asked, seemingly uninterested.
Napatigil ako saglit habang naalala ko ang sinabi sa akin kanina ni Trinity. "Uh, wala naman. Hindi pa ba kayo nagkabalikan?"
Napaubo ang lalaki. "What?"
"Hindi ba? Akala ko kasi-"
"I don't want to talk about someone who gave me nothing but a painful memory," he quickly dismissed me.
Tumahimik ako saglit. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Naalala ko ang sinabi ni Trinity kanina. Gusto ko pa sana siyang tanungin kanina, pero naudlot lang kami. Ngayong narinig ko ang side ni Ford, mukhang may nangyari sa kanilang dalawa na may mas malalim pang dahilan.
"Why are you quiet now? Nagi-guilty ka ba dahil sinampal mo ako noon?" biglang tanong ulit ng lalaki. Tinuro pa niya ang kaliwang pisngi niya kung saan ko siya sinampal ng dalawang beses. Then, I noticed the small freckles on the top part of his cheeks.
Habang nakatitig ako, napansin ko ang naiwang mantsa ng chocolate sa gilid ng kanyang bibig. "May baon ka pa."
"What?" Nalilitong tanong niya habang ngumunguya sa cone niya.
Kinuha ko ang panyo mula sa aking bulsa saka ko pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Maya't maya pa ay hinawakan niya ang aking kamay kaya binaba ko ito agad at inabot nalang ang panyo sa kanya. "Oh, ikaw na nga. Ibalik mo yang panyo ko ha, mister."
Nang makabalik na kami sa tapat ng ospital, hinarap ko ang lalaki para magpaalam sa kanya.
"Ingat ka sa pag-drive pauwi," sabi ko.
Tumango siya. "I will."
Tumalikod na ako, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa lalaki. "Bakit?"
He flashed me a small smile. "Thanks for the ice cream, Ily."
I squinted at him. "Ily na naman?"
"Goodnight, Ily." Ngumiti lang ulit siya saka siya naglakad patungo sa kotse niya.
A/N: Thank you ulit sa mga team abangers ng updates. Shoutout rin kay ahanamarie salamat sa pagcomment last chapter 🥹
Ano sa tingin niyo ang nangyari kina Ford at Trinity?
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro