Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Photoshoot

Matapos ang isang linggo, tinext ako ni Flora na kailangan ulit niya ako para sa project niya. At dahil nga hindi ko siya matanggihan, siyempre pupunta ako.


"Hail, san ka pupunta?" tanong ni Koleen matapos ang klase namin.


"Sa classroom nina Flora."


"Ha? Bakit?" Nalilitong tanong ni Koleen.


"Kinuha rin niya akong model sa project niya."


Tumawa si Koleen. "Akala ko ba ayaw mong maging model?"


I exhaled a breath. "Hindi ko naman siya matanggihan."


"Pero natanggihan mo si Bri?"


"Ano pa nga ba? Sige na. Hinihintay na ako."


"Sige. See you bukas."


Nang makarating ako sa classroom, nakita ko ang likuran ng isang matangkad na lalaki na nakaharap sa bintana at mukhang nakatingin sa labas ng building.


Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya. "Nasan si Flora?" tanong ko sa lalaki.


Hindi niya ako sinagot at hindi rin ako hinarap.


Umiling nalang ako sabay upo sa isang bakanteng upuan. Nilabas ko ang aking notes sa Nursing Leadership and Management dahil may quiz kami bukas.


"What the hell?" sigaw ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang magtama ang tingin namin na parang gulat na gulat. "Kailan ka pa nandito?"


"Hindi mo ako narinig na pumasok?" Tanong ko.


Inalis niya ang AirPods sa magkabilang tainga niya. Hindi ko rin ito napansin dahil nakatalikod siya kanina.


"Wala pa si Flora?" Tanong ko ulit.


Inayos niya ang kanyang mahabang buhok saka niya ito tinali gamit ang hairband sa kanyang palapulsuhan.


"Hello? Naririnig mo naman na siguro ako, di ba?" Tinaas ko ang aking kamay at kinawayan ang lalaki.


Naglakad ang lalaki patungo sa aking direksiyon. "Let's go."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong let's go?"


"Hindi mo nabasa ang text ni Flo?" Tanong pa niya.


Nilabas ko ang aking cellphone at nakita ang message mula kay Flora. "Hi Hailey. Sorry for the short notice. I moved my stuffs in a private studio. Kuya Ford will drive you here."


Bumuntong-hininga ako at sinundan ko nalang ang lalaki hanggang sa marating namin ang kotse niya sa labas ng building. Bumungad sa akin ang isang army green na G-Wagon.


Akmang bubuksan ko ang pintuan sa harap ng kotse nang biglang sabihin ng lalaki sa akin, "Sa likod ka uupo. We're not close, remember?"


"Eh di sa likod." Inirapan ko siya sabay bukas ng pintuan sa likod ng kotse.


Hindi na ako umimik pa buong biyahe namin patungo sa studio. Nang makarating kami doon, nakita ko ang malawak na kwarto kung saan may mga naka-hilerang damit, mannequins at mood boards. May naka-set-up ring camera at green na background sa harap na parang katulad sa mga photoshoots.


"Anong meron? Bakit ganito?" Tanong ko sa lalaking naglalakad sa harap ko. Hinila ko ang baba ng kanyang oversized na puting tshirt kaya napatigil siya sa paglakad. "Pst!"


Nilingon ako ng lalaki sabay tingin sa pagkakahawak ko sa baba ng tshirt niya. "What?"


Binaba ko agad ang kamay ko. "Bakit nga may ganito? Akala ko ba magsusuot lang ng damit?"


"Wala ka bang alam sa fashion design projects?"


"Siyempre wala, kaya nga nagtatanong, di ba?"


"Hey, you two!" Biglang dumating si Flora na nakasuot ng brown mini dress. "Hailey, sorry kung hindi kita nasabihan agad."


"Anong gagawin dito, Flora?" Tanong ko.


"We're doing a photoshoot!" Anunsiyo niya.


Napaawang ako ng labi habang may isang babaeng humila sa aking braso. "Dito ang fitting room."


Kahit na litong-lito pa rin ako sa nangyayari, sinundan ko nalang ang babae habang inaabot niya sa aking ang isang mustard yellow na cami top, brown long skirt at ankle boots. Pinasuot rin sa akin ang brown na hairband sa aking ulo.


Paglabas ko ng fitting room, hinatid ulit ako ng isang babae patungo sa main studio.


"Hailey, you look amazing!" Komento ni Flora habang nakaawang ang labing nakatingin sa akin. "Don't you think so, kuya?" Biglang tanong niya sa kanyang kapatid.


Humalukipkip ako para takpan ang dibdib kong medyo exposed ngayon nang mapansin kong nakatingin na rin sa akin si Ford na nakasuot ng brown na parang Victorian vest, itim na pants at combat boots. Kinulot rin nila kaunti ang mahabang buhok ng lalaki. Nagmukha na nga siyang totoong model lalo pa at matangkad rin siya.


"Oh wait, hold this, Hailey," inabot sa akin ni Flora ang maliit na puting bulaklak na hindi ko sigurado kung anong specific na specie.


"Okay, let's do the first set!" Utos ng lalaking photographer kaya tinulak ako ni Flora patungo sa harap kung saan nakatayo si Ford. May hawak rin siyang maliit na bulaklak katulad ng hawak ko.


"Bakit hindi mo naman ako sinabihan na ganito ang gagawin?" Pabulong kong sabi sa lalaki.


"Nagtanong ka ba?" sagot pa niya sabay irap sa akin.


I pressed my lips together, holding my frustration in.


"Miss David, pumwesto ka sa likod ni Ford," the photographer ordered.


Tumayo ako sa likod ng lalaki na ilang pulgada ang tangkad sa akin.


"Ford, bend your knees a bit, para maabot ka ni Miss David," sabi pa ulit ng photographer.


Sinunod naman ito ng lalaki, pero masyado pa rin siyang matangkad.


"Wait!" Tumakbo si Flora patungo sa amin na may hawak na maliit na stool. "Stand here, Hailey."


Binaba niya ang stool sa harap ko saka ako tumayo dito. Nakayuko pa rin ang lalaki kaunti pero abot ko na siya hanggang sa halos magka-level na ang mga mukha namin.


"Hailey, can you rest your chin a bit on kuya's shoulder?" Si Flora naman ngayon ang nag-suggest.


Bumuga ako ng hangin at sinundan ang sabi ni Flora. Pinatong ko ang aking baba sa kaliwang balikat ng lalaki kaya nagkadikit ang gilid ng aming mukha.


"Okay, now hug him from behind."


Napakurap ako sa sabi ng photographer. "Hug?"


Ilang segundo akong hindi nakagalaw nang biglang kinuha ni Ford ang isang kamay ko at pinatong ito sa gitna ng kanyang dibdib.


"Teka, anong ginagawa mo?" Reklamo ko sa lalaki.


"Gawin nalang natin para matapos na 'to," Ford muttered under his breath, his hand still holding mine.


Nagpatuloy ang photoshoot ng halos isang oras. Nakailang palit rin ako ng damit at nakailang palit ng matulis na tingin sa lalaking kanina ko pa kaharap at kasama.


Obvious naman na parehas kaming napipilitang gawin ang photoshoot na ito. Pero parehas rin kaming hindi makatanggi kay Flora.


"Bakit hindi ka nalang mag-back out?" tanong ng lalaki sa akin habang nakayuko sa harap ko at isang pulgada nalang ang layo ng aming mga mukha.


"Bakit hindi ikaw ang mag-back out?" sagot ko habang nakatikom ang aking bibig.


"You know this will last for days, right?" Biglang saad ng lalaki habang nakangiti sa harap ng camera.


Napakurap ako ng mata. "Anong sabi mo?"


"Kaya habang maaga pa, mag-back out ka na," sabi ulit ni Ford sa akin.


"Guys, that's a wrap for today!" Rinig kong may pumalakpak sa gilid kaya agad akong humakbang palayo sa lalaking kaharap ko.


Sa wakas at makakaalis na ako dito.


Lumapit si Flora sa akin. "Hailey, thank you for doing this."


Binigyan ko siya ng ngiti. "Walang problema."


"I'll text you the details sa next shoot natin," saad pa niya.


Tumango nalang ako. Tama nga si Ford, pero hindi naman ako pwedeng mag-back out nalang. Ayaw ko namang ma-disappoint si Flora.


"Kuya, ihatid mo na si Hailey. I'll stay here for a bit pa," biglang utos ni Flora sa kapatid niya.


"Hindi na, Flora. Kaya kong umuwi mag-isa," sambit ko.


"Please. It's the least I can do. By the way, you can keep the clothes rin na gagamitin mo sa shoots natin," Flora mentioned, smiling at me.


"Oh, sige na nga. Salamat," sabi ko nalang.


Nang makarating na ulit kami sa kotse ni Ford, sinandal ko ang aking ulo sa upuan dahil sa sobrang pagod. Magre-review pa pala ako mamaya.


"Bakit ka pumayag dito?" The guy asked me again.


Tinignan ko ang lalaki sa rearview mirror. Hindi siya nakatingin sa akin habang nagmamaneho.


"Kasi tinanong ako ni Flora," simpleng sagot ko.


"You could've just said no," usal niya.


"Teka nga, galit ka ba sa akin kasi sinampal kita?"


The guy let out a faint chuckle. "Is that what you think?"


"Sinampal kita kasi sinaktan mo ang kaibigan ko noon," pag-explain ko.


"Sinampal mo rin ako noong lasing ako," he mentioned.


"Sinampal kita noon para matauhan ka sa sinasabi mo," I told him.


"Stop acting like you care," he muttered, gritting his teeth.


"Acting? Wala ka bang alam sa basic human decency? Tsaka, kapatid ka ni Fike kaya natural lang na tulungan kita," saad ko.


The guy let out a scoff. "Wala na si Kuya Fike kaya hindi mo ako kailangang tulungan. Besides, I never asked for your help, so next time na makita mo ako, just look away and mind your own damn business. Got it?"


Bumuga ako ng hangin sabay tango sa kanya. "Okay, fine. Sirain mo lang ang buhay mo ha?" Tinapik ko ang balikat niya. "Ibaba mo na nga ako dito. Uuwi nalang ako mag-isa."


Hininto nga niya ang kotse at bumaba na ako. Hindi man lang nag-sorry.


Tsk. Mas gugustuhin ko nalang maglakad pauwi kaysa tiisin kong makasama ang isang lalaking nakasarado ang utak.

A/N: Happy Valentine's Day sa inyo! Sana masarap ang ano niyo... ulam niyo... 😚 Si Hailey kasi walang ka-v-day eh. Pero baka next year meron na haha

Salamat ulit sa 6 readers ng story na to sana maging masaya palagi ang (love)life niyo 🫶🏻

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro