Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Model

"Hail, ilan na ang assists mo sa delivery room?" tanong ni Koleen sa akin matapos ang duty namin ngayong araw. Parehas kaming naka-assign this semester sa FU Hospital kaya mas madalas kaming nagkikita ngayon kumpara noong last year.


"Isa palang," nanlulumo kong sagot. Lima ang kailangan naming mai-assist na mga nanay sa pagpapaanak sa kanilang mga anak sa delivery room. Parte ito sa subject namin sa Care of Mother, Child and Family.


"Buti may isa ka na. Ako nga wala pa," saad ni Koleen habang tinatali ang kanyang buhok.


Palabas na kami ng ospital ngayon. Pasado alas-tres natatapos ang shift namin, pero kahit na gusto ko pa sanang gumala, wala na rin akong energy para dito.


"Pupunta ka ng orphanage bukas?" Tanong ulit ni Koleen.


Tumango ako. "Hindi kayo sasama ni Bri?"


"May pupuntahan kami ni mama bukas. Tapos busy rin ata si Bri sa project nila."


Bumuntong-hininga ako. "Akala ko pa naman makakasama ko kayo."


"Ngayon ikaw naman ang clingy?" Natatawang sabi ni Koleen sabay hablot ng braso ko.


"Eh wala tayong duty sa Sabado kaya naisip ko pwede tayong gumala bukas ng gabi after ng activity sa orphanage," suggestion ko.


"Sige, sabihan ko si Bri, pero no promises." Kinuha ni Koleen ang cellphone niya mula sa kanyang tote bag. "Oh, may text pala si Bri."


Dinikit ko ang aking katawan kay Koleen para mabasa ang text sa phone screen niya.


"Punta raw tayo sa building nila," ani Koleen.


"Bakit raw?" Tanong ko.


Nagkibit-balikat lang si Koleen. Sabay kaming nagtungo sa building ng Fine Arts students at nang mahanap namin ang classroom nila, nakita namin si Brianna na busy sa pagtatahi ng damit sa gilid ng kwarto.


Kumatok kami ni Koleen sa pintuan nila dahil ayaw rin naming makaistorbo sa ibang estudyante sa loob.


"Bri..." mahinang pagtawag namin sa babaeng nakasuot ng black tube dress, black headband at knee-length boots.


Nang mapatingin siya sa amin, agad siyang tumayo at kinawayan kami para pumasok. "Girls! Come in!"


Yumuko kami ni Koleen habang naglakad papasok at patungo sa table ni Brianna.


"Bakit mo kami pinatawag?" Si Koleen ang unang nagtanong.


"I need you as models," simpleng sagot ni Brianna.


"Mukha ba kaming models?" Natatawang sambit ko.


"Anyone can be a model, Hail," biglang naging seryoso si Brianna.


"Bri, alam mo namang busy kami sa duty," sabi pa ni Koleen.


"Once a week lang naman," hirit pa niya.


"Si Koleen nalang. Mas mukhang model yan kaysa sa akin." Tinulak ko si Koleen paharap.


"Please, K?" Nagmakaawa pa si Brianna. "Also, I think this could be a good project for the society this year," biglang suggestion niya.


"Paano naman?" Parang naging interesado na si Koleen dahil involved ang Gen L Society bilang siya ang acting president.


"Pwede kong ibenta ang collection ko and then the proceeds can go to charity."


Tumango si Koleen. "Mukhang magandang idea nga."


Tinapik ko ang balikat ni Koleen. "Kaya pumayag ka na. At uuwi na ako."


"Hail, iiwan mo ako?" Tanong ni Koleen sa akin.


"Kaya mo na 'yan. Bye girls!" Paalam ko sa dalawa.


Habang naglalakad ako sa hallway, isang matangkad na lalaki ang namataan ko sa di kalayuan. May kausap siyang babae at parang nag-aaway pa ang dalawa.


Ayaw ko sanang dumaan sa harap nila, pero wala namang ibang daanan kaya yumuko ako at nilabas ko ang aking cellphone para kunwari ay busy ako.


Maya't maya pa ay narinig ko nalang ang boses ng babae na tumawag sa akin. "Hailey?"


Inangat ko ang aking ulo at nilingon ang may-ari ng boses. Naapawang ako ng labi nang ma-realized kong si Flora pala ito. Kasama rin niya ang kuya niyang si Ford na nakapanliit ang mga mata sa akin. Kung makatingin naman, parang may ginawa akong masama ah. Tinulungan ko nga siya noong nalasing siya sa party. Pasalamat talaga siya at mabait ako.


"Oh, Flora, ikaw pala," bati ko.


Lumapit naman ang babae sa akin at niyakap ako. "It's nice to see you ulit."


"Nice to see you rin." Ngumiti ako kay Flora saka pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nakatayo sa likod niya. Kahit na nakatago ang gilid ng noo ng lalaki dahil sa medyo mahabang buhok niya, kita ko pa rin ang mga linya na nakadikit sa kanyang noo.


"Busy ka ba?" Biglang tanong ni Flora sa akin.


"Uh, kakatapos lang ng duty ko," sagot ko naman.


"So, free ka na ngayon?" Parang excited na tanong ng babae.


Napatigil ako saglit bago ako tumango. Bakit kaya niya tinatanong kung free ako?


"Great! Pwede ka bang maging model ko sa project?"


Namilog ang mga mata ko. Paano ko ngayon tatanggihan si Flora?


"Hailey?" Tawag ulit niya sa akin.


"S-Sige. Mabilis lang ba?" Siyempre hindi ako nakatanggi. Pero, baka mamaya magtampo si Brianna kapag nalaman niyang pumayag ako dito kay Flora.


"Yes. We'll make it quick. Let's go na, kuya!" Hinila na rin niya ang braso ng kanyang kapatid kaya wala na ring nagawa ang lalaki kung hindi sundan ang babae. Mukhang hindi rin makatanggi ang lalaki.


Naglakad kami papasok sa isang kwarto sa parehong building. Walang ibang tao dito sa loob at medyo mas malinis dito kumpara sa kwarto nina Brianna kanina. May mga damit nang naka-display sa mannequins at may mood boards rin na naka-pin sa white board sa harapan.


"I don't have time for this, little brat," inis na sambit ni Ford na nakatayo na ngayon sa gilid.


"Kuya, come on! Wala ka namang gagawin sa condo mo," ani Flora habang kinukuha ang tape measure sa kanyang mesa.


"Maglilinis pa ako," excuse ng lalaki habang nakahalukipkip.


"As if. You're hiring a cleaner kaya." Lumapit si Flora sa kuya niya at sinimulang sukatin ang katawan nito.


Nakasuot ang lalaki ng royal blue na hoodie, khaki shorts at Timberland boots. Mukha siyang skater boy sa outfits niyang palaging oversized.


"Kuya, can you tie your hair up?" Utos ni Flora sa kapatid.


"No," simpleng pagtutol ng lalaki.


"Why not? I can't see your face," reklamo ulit ng babae.


"Just deal with it. Kung ayaw mo, aalis na ako-"


"Wait!" Pinigilan ni Flora ang lalaki sa pag-alis kaya nanatili nalang ulit si Ford sa kinatatayuan niya.


Tahimik lang akong nakatingin sa kanila nang biglang napatingin sa akin si Ford. Naalala ko yung gabing nagpakalasing siya sa club. Buti nalang at nakita ko siya doon. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.


Habang nakatitig kami sa isa't isa, parang may gustong sabihin ang lalaki sa akin, pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya.


"You know each other naman na, di ba?" biglang tanong ni Flora kaya nabuwag ang tingin ng lalaki sa akin.


"Oo naman," sagot ko.


"But, we're not close," sabat ni Ford at bahagyang tumaas ang kilay niya sa akin.


Touché. Mabuti naman at nagkakaintindihan kami sa part na 'yon.


"Kuya, why so harsh?" Flora slapped her brother's arm.


"Hey, masakit yun ah," reklamo ng lalaki habang hinihimas ang braso niya.


"Well, from now on, you two can be closer," sabi pa ni Flora.


"No way," diretsong pagtutol ni Ford.


Kung maka-"no way" naman siya parang diring-diri sa akin. "Okay lang. Ayaw rin naman kitang maging close," sumbat ko.


"Kuya, stop being mean to Hailey," Flora told her brother off.


Natahimik na rin ang lalaki habang masama pa rin ang tingin sa akin.


Ano ba ang problema nito? Wala naman akong ginagawa ah.


Matapos ang ilang minuto, natapos rin si Flora sa pagsukat kay Ford. Lumapit siya sa akin at ako naman ang sinukatan niya.


"Hailey, I love your morena skin pala. It suits you well," komento ni Flora sa akin habang nakataas ang dalawang braso ko sa magkabilang gilid habang busy ang babae sa pagsukat sa akin.


"Salamat," mahinang sambit ko. Parang ngayon lang may nag-compliment sa skin color ko kaya nakakapanibago. Dati ay ayaw na ayaw ko sa kulay ko, pero ngayon ay mas nagiging confident na rin ako sa sarili ko.


"Favorite mo ba ang yellow?" Biglang tanong ni Flora habang nakatingin sa kulay yellow na tote bag ko.


"Ah, medyo," sagot ko.


"I see. Kaya pala naging favorite na rin ni Kuya Fike noon ang yellow," banggit pa ni Flora.


Natahimik ako sa sinabi niya. Isang taon na ang nakalipas simula noong nawala si Fike. The truth was, pakiramdam ko ay nasa States lang siya at pwede pa rin siyang bumalik any time.


"Pwede bang huwag na nating pinag-uusapan si kuya? Nananahimik na siya." Napatayo si Ford sa kanyang kinauupuan.


"Kuya, where are you going?" Reklamo ni Flora nang makita niyang naglalakad na palabas ng kwarto ang lalaki.


"Tapos na ako, di ba? So, pwede na akong umuwi," saad ni Ford bago siya tuluyang makaalis.


Flora let out a sigh, facing me again. "He's so annoying sometimes."


Tumahimik lang ako.


"Hindi naman siya ganun dati. He's extra grumpy after everything that happened," Flora stated.


"Mukha ngang affected pa rin siya sa pagkawala ni Fike," sambit ko.


"I mean, lahat naman tayo affected. But, right now, he's just taking it out on anyone."


"Intindihin nalang natin siya," tanging sabi ko.


"I understand him naman. He was really close with Kuya Fike, they're practically inseparable..." Flora explained. "But, sometimes, he's just too much."


I flashed her a reassuring smile. "Magtitino rin yan. Tiwala lang."


Matapos ang araw na iyon, akala ko iyon na ang huling beses kong makikita ang magkapatid. The next thing I knew, this project would be the turning point of my life.

A/N: Salamat po ulit sa apat na readers na laging nakaabang sa updates ko. Kayo talaga ang nagpupush sa akin na magsulat eh haha anyway, sana nagustuhan niyo pa rin tong chapter kahit na walang masyadong ganap. Vote and comment po ha? Salamat 😚

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro