Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Black Sheep

"Hail! Bilis na! Male-late na tayo!" Kanina pa kumakatok sa labas ng aking pintuan si Koleen. Meanwhile, nandito pa ako sa harap ng salamin at inaayos ang kilay ko. Naglagay rin ako ng eyeliner sa aking mga mata at tinakpan ko ang aking eyebags ng sandamakmak na concealer.


"One minute nalang!" I yelled back as I smiled at my reflection in the mirror. Nakalugay ang kulot at mahaba kong buhok. Suot ko rin ang bead bracelets sa aking kanang kamay.


Ilang linggo palang simula noong nagsimula ang fourth year namin sa Nursing. Umabot naman ang grades ko sa cut-off at hindi ako natanggal sa program. Akalain mo at umabot ako dito.


Paglabas ko ng kwarto, nakita ko ang dalawang babaeng nakapanliit ang mga matang nakatingin sa akin.


"What took you so long?" Si Brianna ang unang bumati ng tanong sa akin. Sa loob ng mga taong nawala si Fike, doon naman kami mas naging close ni Brianna sa tulong na rin ni Koleen. Lalo pa noong nagsama-sama na kaming tatlo dito sa iisang apartment.


"Sorry na." Tinaas ko ang aking mga kamay. "Let's go?"


Bumuga ng hangin si Koleen saka kami lumabas ng apartment.


May kotse si Brianna kaya siya ang driver namin papunta sa university. Iba rin kasi talaga kapag pinanganak kang mayaman eh.


"So, girls, where are we going later this afternoon?" Tanong ni Brianna habang nagmamaneho siya.


"Bri, kakagaling lang natin sa isang party last week, di ba?" Paalala ni Koleen.


Brianna sighed. "Always so KJ."


"K, first day palang naman. Huwag ka munang masyadong ma-stress," sambit ko.


"Exactly. Kaya we have to let loose!" Brianna exclaimed.


Nagtinginan kami ni Koleen. Alam ko na ang iniisip niya. Official nang nakipag-break si Brianna sa two-faced at asshole na boyfriend niyang si Tyler. Sa totoo lang, parehas kaming nakahinga nang maluwag ni Koleen noong si Brianna na ang mismong nakipag-break, knowing na sobrang martyr niya sa Tyler na 'yon.


"Fine. Pero uuwi tayo nang maaga," Koleen finally gave in.


Umiling lang ako sa kanya, pero wala na rin akong nagawa. Kahit na ayaw na ayaw ko talaga sa mga party na 'yan, kailangan naming samahan si Brianna.


"Yay! Thank you, girls! Love you!" saad ni Brianna.


Nang makarating na kami sa university, nagtungo kaming dalawa ni Koleen sa building namin. Sa kabilang building naman si Brianna bilang Fine Arts Major in Fashion Design and Merchandising ang course niya.


Buong araw, natadtad na naman kami sa lectures. Akala ko talaga mas magiging madali na kapag fourth year, pero, hello, wala palang madali pagdating sa Nursing. Tapos, nagsimula na rin kaming mag-duty sa ospital twice a week. God. Iniisip ko palang ang duty ko this week, pagod na ako.


"Hail, san ka naka-assign mag-duty this week?" Tanong ni Koleen sa akin habang nasa lunch break kami sa "The Grounds."


"Pedia Ward. Ikaw?"


"Hindi ulit tayo magka-duty. Sa Surgical Ward ako ngayong first sem."


"Ano ba yan, akala ko pa naman magsasama na tayo sa duty," usal ko.


Koleen sighed. "Kaya nga eh."


Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain ng lunch.


Matapos ang klase namin that day, sinundo kami ni Brianna kaya mabilis kaming nagpalit ng damit sa apartment tapos sabay-sabay kaming pumunta sa Club Zenith kung saan niya gustong mag-party.


Walang sinayang na oras si Brianna sa pag-inom at pagsayaw habang panay ang pag-awat namin ni Koleen sa kanya.


"Bri, lasing ka na," Koleen stated, habang kinukuha ang bote ng alak mula sa kamay ni Brianna.

"No, I'm not!" Pasigaw na sagot ni Brianna.


Agad kong kinuha ang bote mula sa kanya saka ako naglakad palayo sa dance floor kung saan sumasayaw si Brianna.


Umupo muna ako saglit sa table namin habang pinapanood si Koleen na nahihirapan na sa pag-awat kay Brianna. Simula noong nag-break sila ni Tyler, halos everyday nang gustong pumarty ni Brianna.


Sinandal ko ang aking ulo sa upuan at napatingin ako sa isang table kung saan may isang lalaking umiinom at napapalibutan ng mga babaeng obvious na inaakit siya. He didn't seem fazed by it though. Parang wala siyang pakialam sa mga babaeng umaaligid sa kanya ngayon.


Aalisin ko na dapat ang tingin ko sa lalaki nang biglang magtama ang tingin namin. He was sitting about thirty feet away from our table, and yet, he noticed me looking at him in this crowded and noisy room?


I squinted as he continued to do a staring contest with me. Then, I suddenly realized that he looked familiar.


"Hail, mukhang kailangan na nating tumawag ng tulong," biglang bumalik si Koleen sa table namin kaya naputol ang tingin ko sa lalaki.


"Ha? Bakit?"


Tinuro ni Koleen ang babaeng sumasayaw pa rin ngayon sa gitna ng dance floor.


"Sino ang tatawagan mo? Sino ang available?" Tanong ko.


Koleen sighed, sabay scroll sa cellphone niya.


"OMG! Girls, may target na ako!" Narinig ko isang boses ng babae mula sa kabilang table.


"Di ba si Ford 'yan? Yung younger brother ni Fike?"


Just the mere mention of Fike's name suddenly made me miss him even more.


"Siya nga! Anong ginagawa niya dito?" Patuloy pa rin ang conversation ng kabilang table tungkol kay Ford.


"Isn't he supposed to be in the States?"


"Baka tapos na ang studies niya."


"Ano nga ulit ang couse niya?"


"Not sure eh. We know nothing about him, aside from the fact that he's the black sheep in their family."


"Oh, yeah. I heard he's got a bad reputation."


Black sheep? Bad reputation? Mukhang hindi nga maganda ang tingin ng mga tao kay Ford. Bigla kong naalala yung family dinner kung saan naimbita ako sa bahay nila. It was obvious that Fike was the better brother out of the two.


"Chinat ko na sila. Sana may makabasa agad," sabi ni Koleen sabay upo sa tabi ko.


Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. "Magpahinga ka muna. Ako naman aawat kay Bri."


"Thanks, Hail," ani Koleen.


Nagtungo ako sa gitna ng dance floor at sinamahan si Brianna na ngayon ay pinalilibutan na ng mga lalaking hindi namin kilala.


"Oh, Hail, you're here!" Masayang bati ni Brianna sa akin.


"Miss, mukhang kailangan ka na naming ihatid pauwi," sabi ng isang lalaki.


"Wala kang ihahatid," I warned the guy.


"Hail, stop. They're just being friendly," saad ni Brianna.


"Oo nga naman. Sino ka ba?" Sabat pa ulit ng lalaki.


I raised a brow at him. "Girlfriend niya ako, ikaw? Sino ka?"


"Girlfriend? Tibo pala mga 'to eh. Tara na, mga pre." Umalis na rin ang mga lalaki at naiwan kami ni Brianna.


"Hail, why did you say that? Umalis tuloy sila!" Brianna protested.


I squinted my eyes at her. "Kung gusto mong sirain ang buhay mo, huwag mo kaming idadamay, okay Bri?"


Tumahimik bigla ang babae saka siya sumama sa akin pabalik sa table namin.


"Ano? Nagsawa ka na sa pagsayaw, Bri?" tanong ni Koleen nang marating namin siya.


Walang imik pa ring umupo si Brianna sa tabi ni Koleen. Umupo na rin ako sa tapat nila sabay inom sa juice na order ko.


Napatingin ulit ako sa table kung saan ko nakita si Ford kanina. Nandoon pa rin siya at parang may sariling mundo. He looked like he didn't want to be here.


"Nandito si Ford," sambit ko sa dalawang kasama ko.


"Ford? Flora's brother?" Brianna asked.


Tumango ako.


"Akala ko nasa States na siya," Logan suddenly appeared, waving his hand at us.


"Captain L!" Bati ni Koleen sa lalaki.


"Hi, girls!" Logan waved his hand, sitting next to me.


"Wait, why are we talking about Ford? And why is this guy here?" Tinuro ni Brianna si Logan habang nakataas ang kilay.


"Kasi kailangan niyo ng driver pauwi, hindi ba, mga prinsesa?" Saad naman ni Logan. "Pasalamat kayo libre ako."


Tinapik ko ang balikat ng lalaki. "Salamat po."


Maya't maya pa ay napansin ko ang likuran ni Ford na naglalakad na palabas ng club. I suddenly had the urge to go talk to him. Gusto ko lang malaman kung kumusta na siya dahil alam kong sobrang apektado niya noon sa pagkawala ni Fike.


"Babalik ako." Tumayo ako sa aking kinauupuan.


"San ka pupunta?" tanong ni Koleen.


"Magpapahangin lang."


Nang makarating ako sa labas ng club, may ilang mga lalaking nakatambay at naninigarilyo dito. Napaubo pa ako saka ako naglakad papunta sa gilid kung saan may masikip na alley.


Napansin ko ang isang lalaking nakatayo at nakasandal ang likuran sa pader habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin. That's him.


"Ford!" Bati ko sa lalaki.


"Do I know you?" He suddenly muttered.


Lumapit ako sa kanya. "Huwag ka ngang magpanggap na hindi mo ako kilala."


The guy tilted his head, studying me. "Ahhh, right. I remember you now."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah, talaga ba?"


"You're the nosy kid who slapped me in the face, right?" He was wearing a smile right now, which was both irritating and confusing.


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Can you stop calling me kid? Hindi na ako bata. Halos magka-edad nga lang tayo, di ba?"


Ford chuckled. "Kid, I'm still two years wiser than you."


This guy was really getting on my nerves. But, I had to calm myself down. Baka coping mechanism lang niya 'to sa pagkawala ng kuya niya.


"Let me guess, nandito ka para tanungin kung okay lang ako?" he asked, lighting the cigarette in between his lips.


"Matalino ka naman pala," saad ko sabay tanggal sa sigarilyong nasa bibig niya.


"Hey! What's your problem?" Tumaas ang tono ng kanyang boses habang nanlilisik ang mga mata sa akin.


"Alam mo hindi magugustuhan ng kuya mo yang pinaggagawa mo."


"Are you my mom? Pwede bang umalis ka na?" pagsuway niya sa akin habang napansin kong hindi na niya mabalanse ang kanyang sarili.


Lumapit ulit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang isang braso. "Lasing ka na, Ford."


"Why do you fucking care? Just leave!" He lashed out on me, trying to shove my arm away.


Umiling lang ako. "Paano ka uuwi? May kasama ka ba sa loob?" tanong ko habang hirap na ako dahil sa bigat ng lalaki sa tabi ko.


"Hindi ako lasing! I can manage myself," he firmly stated, pushing me away.


Napaupo ako sa lupa dahil sa pagtulak niya sa akin. "Aray!"


"Fuck..." he suddenly mumbled, bending down to face me. Nakatingin na siya sa akin ngayon at mukhang sincere naman siya sa pag-sorry niya.


"Bakit ka ba naglalasing? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo?"


Bigla siyang napatawa na siyang ikinagulat ako. "Tingin mo may pakialam sila sa akin?"


"Bakit naman hindi? Wala na si Fike, kaya ikaw nalang at si Flora ang-"


"They don't fucking care about me!" his voice cracked as he looked down the ground.


Ilang buwan pa lang ang nakalipas mula noong nawala si Fike. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ni Ford. Wala akong kapatid kaya hindi ko alam ang ganitong pakiramdam, pero isa lang ang alam ko... kapag walang pakialam ang mga magulang sa isang anak, mararamdaman ito ng isang anak.


Nakayuko pa rin siya habang nakaupo ako sa lupa. Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Fike, huwag kang magsalita nang ganyan. Imposibleng hindi ka mahal ng mga magulang mo."


"You don't know that. All they cared about was Kuya Fike because he was the nice one. Maybe deep down they wished I was the one who got sick. Sana nga ako nalang ang nawala at hindi si kuya. Maybe then they will actually care about me"


I suddenly had the urge to slap him in the face, so I did. Agad kong naramdaman ang sakit sa palad ko matapos kong sampalin ang lalaki.


"What the hell?" He yelled, his eyes burning in rage. Hawak na rin niya ang pisngi niyang nasampal ko.


"Naririnig mo ba ang sarili mo? Gusto mong ikaw rin ang magkasakit para lang makuha ang atensiyon ng mga magulang mo? Napaka-selfish mo naman!"


Umigting ang panga ng lalaki. "You don't have the right to judge me."


Bumuga ako ng hangin. "Alam mo ba noong sinabi ko kay Fike ang tungkol sa inyo ni Trinity, sinabi niya sa akin na hindi mo magagawang iwan ang responsibilidad bilang ama ng dinadala niya," sambit ko.


Natahimik ang lalaki at unti-unting inangat ang kanyang ulo kaya nagtama ang tingin namin.


Pinisil ko ang braso niya. "Naniniwala si Fike na mabuti kang tao, Ford."


"But, he's gone now. He's the only one always taking my side..." saad pa ulit ng lalaki.


"Kahit pa wala na si Fike, alam kong proud pa rin siya sa'yo at hindi niya magugustuhan na ganito ang ginagawa mo ngayon sa buhay mo."


Umiling ang lalaki. "Easy for you to say."


"Siguro nga. Pero-" Napatigil ako nang ipatong ng lalaki ang kanyang ulo sa aking balikat. "Ford?"


"Blurgh..." Biglang dumuwal ang lalaki sa aking harapan.


"Ford!" Agad akong napatayo habang nakatingin sa mantsa sa aking blouse. I immediately smelled the stain of vomit left on my shirt.


"Fuck..." tahimik na usal niya habang pinupunasan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.


I sighed, grabbing my handkerchief from my pocket. Lumapit ako sa lalaki at inabot ang panyo sa kanya. "Gamitin mo 'to."


Tinitigan ng lalaki ang panyo sa kamay ko bago siya tumayo at kinuha ito. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mantsa sa suot kong blouse. "Stop being nice to everyone, Haly," biglang sabi ng lalaki.


Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin nito. "Pwede bang huwag mo akong tinatawag na Haly? Hindi tayo close."


"Whatever," mahinang asik niya.


"Pasalamat ka at kapatid ka ni..." I paused, letting out a sigh. "Kaya mo namang umuwi mag-isa, di ba?"


"Why? Ihahatid mo ako—" Napaupo ulit ang lalaki sa lupa dahil hindi niya mabalanse ang kanyang sarili.


"Ford? Ford! Tumayo ka nga!" I shook his shoulders, but he didn't budge. He was really dead drunk.


Sighing, nilabas ko ang aking cellphone at tinawagan ang mga kasama ko sa loob ng club. Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin sila.


"Hail!" Tumakbo si Koleen palapit sa akin habang hawak ko ang isang braso ni Ford.


"Anong nangyari? Sino yan?" Tanong ni Logan.


"Si Ford. Nakita ko dito sa labas na sobrang lasing. Pwede ba natin siyang ihatid?" tanong ko kay Logan.


"Pwede naman. Pero alam niyo ba ang bahay nila?" Logan asked back.


"I know Flora's address," sabi naman ni Brianna.


Tinulungan ako ni Logan na patayuin si Ford saka namin siya hinatak papunta sa kotse. Umupo ako sa likod kasama si Ford at Koleen habang nasa harap ang driver naming si Logan katabi si Brianna.

Nang umandar na ang kotse, nabigla ako nang sinandal ni Ford ang kanyang ulo sa aking balikat. Itutulak ko na dapat siya nang bigla siyang nagsalita. "Thanks for tonight, but next time, you don't have to save me."

A/N: Vote and comment kung nahulaan niyo kung sino ang male lead sa story na ito 🥸

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro