Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Fear

Saying you could move on from a person who was once in your life was way easier said than done.


Saying I could look ahead in life was bull because it was never freaking easy.


"Ley, apo, pwede ka namang manatili nalang dito sa probinsiya kung gusto mo. Dito mo nalang ituloy ang pag-aaral mo," sabi ni lola habang nakaupo kami sa silong katapat ng farm namin. Saktong summer break ngayon kaya naisipan kong bisitahin sina lolo at lola dito sa probinsiya para makalimot dahil parang kahit saan ako lumingon, naaalala ko lang si Fike.


Bumuga ako ng hangin sabay ngiti. "Pag-iisipan ko po."


"Pag-isipan mo na ngayon para maasikaso natin ang mga papeles mo."


Tumango lang ako.


"Ley, apo, may mga bisita ka!" Biglang tawag ni lolo mula sa di kalayuan.


Nang mapatingin ako sa isang grupo na naglalakad na palapit sa amin ni lola, doon ko napansin ang aking mga kaibigan.


"Hailey!" Si Koleen ang una kong nakitang kumakaway na sa akin. Kasama rin niya si Brianna na alam kong napilitan lang siguro sa pagpunta dito dahil kay Koleen.


Napatayo ako sa aking kinauupuan para salubungin sila. "K!"


Agad naman akong niyakap ni Koleen nang marating niya ako. "Hail, sorry sa pagpunta namin dito nang walang pasabi sa'yo."


Napangiti ako. "Okay lang."


"Alam kong kailangan mo ng kasama ngayon," sabi pa ni Koleen sa akin. "Tsaka sinama ko na rin si Bri."


Tumango lang ako. "Ah, lola, mga kaibigan ko po pala, sina Koleen at Brianna."


"Magandang hapon po," bati ni Koleen kay lola.


"Good afternoon po," ani Brianna sabay baba ng suot niyang shades sa mata.


"Oh, halina kayo sa loob mga ineng. Mainit dito sa labas. Kumain na muna kayo at magpahinga." Tumayo na rin si Lola Helen kaya lumapit ako sa kanya para tulungan siya. "Ley, kaya ko pang maglakad, apo."


Napatawa ako. "Alam ko, lola. Pero habang nandito ako, hayaan mong tulungan kita."


"Oh sige na nga," wala nang nagawa pa si lola kaya hinawakan ko ang braso niya at sabay kaming naglakad pabalik sa loob ng bahay.


Nang makapasok kami sa loob, naghanda naman sina lolo at lola nang makakain habang nasa sala kaming tatlo.


"Hail, okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Koleen sa akin na may bakas ng pag-alala sa kanyang mukha. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon dahil nawala rin ang papa niya one year ago.


I flashed a small smile. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako. Pero, iniisip ko nalang na nasa mabuting kalagayan na ngayon si Fike."


Hinawakan ni Koleen ang aking kamay. "Nandito lang kami, Hail."


Tumango ako saka napatingin kay Brianna. "Salamat rin, Bri, sa pagpunta mo dito."


Ngumiti lang rin si Brianna sa akin. "I may not know how it feels like to lose someone, but I know how awful it feels to be alone. So, right now, don't think that you're alone, Hail. We're here for you."


Parang ngayon ko lang narinig na ganitong magsalita si Brianna. Siguro nga nagkamali ako sa first impression ko sa kanya.


Matapos naming kumain ng meryenda, naglakad-lakad lang kami sa farm sa tabi ng bahay. Nakita ko pa si lolo na busy sa pagpapakain sa mga alaga niyang kabayo sa kamalig.


"Ang laki pala ng farm niyo, Hail," komento ni Koleen habang papalapit na kami sa kamalig.


"Kay lolo talaga ito," sambit ko. "Gusto niyo bang makita 'yong mga alaga namin kabayo?"


"Friendly ba sila?" Tanong ni Brianna na mukhang takot sa hayop.


Tumango ako. "Hindi sila nangangagat. Tara na."


Pumasok kami sa loob ng kamalig at agad naman kaming nakita ni lolo. "Oh, Ley, apo. Nandito pala kayo."


"Okay lang po ba, lo na dito muna kami?" Tanong ko.


"Oo naman. Pero, okay lang ba sa mga bisita mo ang amoy dito?"


Tinignan ko ang dalawang babaeng kasama ko. Alam kong hindi sila sanay sa ganito pero mukhang okay lang naman sa kanila.


"Pwede ko po bang subukang magpakain sa kabayo?" Tanong ni Koleen.


"Aba, siyempre naman. Halika dito, hija at kumuha ka ng dayami dito. Tapos ilapit mo lang kaunti sa kabayo," utos ni lolo.


Lumapit naman si Koleen at sinunod ang sabi ng matanda. Hawak ang dayami, nilapit ito ni Koleen sa isang kabayo. "Mukhang gutom na gutom po siya."


Napatawa si lolo. "Lagi talagang gutom itong si Jimmy."


"Jimmy?" Tanong ni Brianna.


Napatawa kami ni lolo. "Lahat ng mga alaga ko dito ay parang kapamilya ko na rin kaya may mga pangalan sila," usal pa ni lolo.


"Si Jimmy ang pinakabata dito," saad ko naman. "Halos magkaedad lang kami nito eh." Lumapit ako sa kabayo at hinaplos ito sa kanyang gilid.


"Lumaki ka pala talagang mahilig sa mga hayop?" Tanong ni Koleen.


Tumango naman ako.


"If that's the case, you can be a vet, then," Brianna stated.


"Hmm... actually, oo nga 'no? Bakit hindi mo ituloy after nursing para sabay tayong mag-medicine?" Suggestion pa ni Koleen.


"Parang gusto mo lang para may kasama kang mag-medicine eh," panunukso ko.


Napatawa si Koleen. "Sige na, Hail. Wala nang iwanan 'to."


"How about me?" Biglang sambit ni Brianna.


Koleen glanced at her. "Bakit? Gusto mo ring mag-medicine? Mag-shi-shift ka from Fashion Design to Medical field?"


Brianna sighed. "I just feel left out."


"Tampo na naman 'to. Tsaka akala ko ba pupunta ka ng States after graduation?" Tanong ni Koleen.


"That's the plan. Pero hindi pa naman definite. We'll see," Brianna answered.


Nagpatuloy lang kami sa pagpapakain sa mga kabayo hanggang sa lumubog ang araw. Matapos naming kumain ng hapunan, nag-aya si Brianna na magpunta kami sa peryahan na nakita nila habang papunta dito sa bahay. Naalala kong may perya nga pala dito ngayong linggo.


Nakarating naman kami agad sa peryahan dahil sa kotse ni Brianna. First time daw nilang dalawang makapunta sa ganito dahil wala namang ganito sa siyudad. Kung meron man, hindi rin sila pumupunta.


"Bili muna tayo ng pancake," sabi ko sabay hila sa dalawa papunta sa aleng nagbebenta ng pancake.


"Pancake yan?" Manghang tanong ni Brianna habang nakatingin sa babaen nagluluto ngayon ng pancake sa harap namin.


"Ang sarap naman ng amoy. Parang kaya kong ubusin ang dalawa," saad ni Koleen.


Brianna snapped her head at Koleen. "Sure ka?" Tumango naman si Koleen.


Napatawa ako. "Ate, apat nga po," sabi ko sa babaeng nagbebenta.


Nang maiabot na sa amin ang mga supot ng pancake, agad na sinubo ni Koleen ang isa habang si Brianna naman ay mabagal na kumagat dito.


Kumain na rin ako habang nakatingin sa dalawa. "Ano? Okay ba?"


Tumango si Koleen habang puno pa ang bibig.


"It's really good," komento ni Brianna habang ngumunguya.


"Sabi na eh. Ito talaga ang lagi kong sadya dito," ani ko.


Matapos naming bumili ng pancake, pumasok na kami sa loob at sumakay sa carousel. Ngayon nalang ulit ako sumakay nito. Parang yung huling beses pa ay noong nasa Grade School ako at si lolo pa ang kasama ko.


"This is so much fun!" Brianna exclaimed nang matapos naming sumakay.


"Dun tayo sa Ferris Wheel next!" pag-aya ni Koleen.


"May fear of heights ako," pag-amin ko.


"Tatlo naman tayo! Tara na!" Hinila ni Koleen ang magkabilang braso namin ni Brianna.


Wala na kaming nagawa kung hindi ang sundan siya. Habang nasa loob ng kami ng gondola, tahimik lang akong nakatingin sa malayo.


"It's beautiful up here," komento ni Brianna.


"Sabi ko na sa inyo eh hindi nakakatakot," sabi pa ni Koleen habang nakalabas ang kanyang cellphone at vini-video-han ang view namin.


Buong gabi kaming nanatili sa perya at sa loob ng mga oras na iyon, nakalimutan ko saglit ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Fike.


Nang makabalik kami sa bahay, agad na nakatulog ang dalawa kong kasama. Sa kwarto ko sila natutulog ngayon dahil ayaw naman nilang matulog sa bakanteng kwarto namin.


Hindi pa naman ako makatulog kaya nanatili muna ako sa sala habang may hawak akong baso ng gatas. Simula noong nawala si Fike, hindi na rin ako nakakatulog nang maayos kahit pa ramdam ko ang bigat sa aking mga mata.


Umupo ako sa may harap ng bintana namin habang nakatingin sa kalangitan. May ilang bituin ngayon na kumiskislap sa taas. Suddenly, I wondered kung nakikita ba ni Fike ngayon ang mga bituin nang mas malapit dahil nasa langit na siya.


Maya't maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa aking kwarto. Medyo luma na rin kasi ang bahay namin kaya bawat galaw dito ay rinig na rinig. Paglingon ko sa aking likuran, nakita ko si Brianna na papalapit sa akin.


"Can't sleep?" tanong niya.


Umiling ako. "Ikaw?"


Umupo si Brianna sa tabi ko. "Hail, I'm really sorry..."


Napatingin ako sa kanya. "Bri, bakit ka nagso-sorry?"


She shrugged her shoulders. "I just feel like a bad person for being rude to you before."


"Wala na yun."


Ilang segundong walang umimik sa amin nang bigla siyang nagsalita ulit. "Must be hard for you, huh?"


Napatingin ako sa baba sabay tango ng aking ulo. "Sobrang hirap, Bri. Akala ko okay na ako, pero bigla-bigla nalang maaalala ko ulit si Fike..."


Niyakap ako ni Brianna nang mahigpit. "It will get better, Hail. I know it will..." She rubbed my back as I rested my head on her shoulders.


That night, I had the most peaceful sleep since the day I last saw Fike.

A/N: Happy 2k reads! Wait niyo lang yung next update in 1 minute ha? 😚

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro