Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

List

"I'm such a bad friend, right?" Humihikbing sambit ng babae sa harapan ko. Kanina pa siya umiiyak dito sa sala habang busy ako sa pagre-review. Hindi ko naman maiwan kasi baka mamaya kung ano ang gawin niya sa sarili niya.


"Masama ka ngang kaibigan," diretsong sagot ko sa kanya.


"Right? I knew it! I don't deserve K as a friend."


"Tama ka. Hindi mo nga siya deserve," inulit ko ulit ang sinabi niya.


"Hailey, can you slap me?" Biglang tanong ni Brianna.


Hinanda ko ang aking palad at walang pasubaling sinampal siya sa pisngi. "Natauhan ka na ba?"


"Awww!" Napangiwi ang babae sa ginawa ko habang hinihimas na niya ang kanyang pisngi namumula na sa sampal ko.


"Sana naman naisip mo yan bago mo hinalikan si Jale," saad ko.


"I know. Gusto ko lang naman i-prove sa sarili ko na kaya kong kalimutan si Tyler."


"Pwede mo namang gawin yan na hindi hinahalikan ang lalaking alam mong gusto ng kaibigan natin, di ba?"


"I know, but I was drunk... and mad and sad," pag-explain pa niya.


Bumuga ako ng hangin. "Alam mo pala, pero ginawa mo pa rin?"


"God! I'm such a bitch." Sinampal pa ulit ni Brianna ang kanyang sarili sa kabilang pisngi naman.


"Tama na nga 'yan." Inawat ko na siya bago pa tuluyang mamaga ang buong mukha niya.


"What will I do, Hail? Paano kung hindi na ako patawarin ni K?"


"Sa bait ni Koleen, siguradong papatawarin ka pa rin nun. Pero kung ako si Koleen, baka hindi na kita kayang kausapin pa."


Umiyak ulit si Brianna. "Hailey, I need your help. I can't lose K."


Bumuntong-hininga ako. "Bri, basta sincere ka sa sasabihin mo at galing sa puso mo. Kung anuman ang sasabihin ni K, tanggapin mo lang kasi ginusto mo naman 'yan, di ba?"


Tumahimik nalang si Brianna. "All right then."


Hindi na umuwi si Brianna sa apartment simula noong nakausap ko siya. Hindi ko alam kung kinausap na ba niya si Koleen at huling balita ko ay nilagay na nila sa rehab si Jale dahil sa kondisyon niya.


Pumapasok pa rin naman si Koleen sa klase, pero halatang wala dito ang isip niya. Siguradong si Jale pa rin ang iniisip niya ngayon lalo pa at ilang linggo na rin siyang nasa loob ng rehab.


"K, kumusta na raw si Jale?" Tanong ko sa aking kaibigan habang hinihintay ang prof namin.


Umiling lang siya. "Hindi ko alam, Hail. Wala pa akong update."


"Wala bang sinasabi si Kell sa'yo?"


"Wala rin siyang contact kay Jale habang nasa loob siya ng rehab."


"Pinagbawalan ba siya ng parents nila?"


"Siguro. Ewan ko."


Tinapik ko nang marahan ang balikat ni Koleen. "Magiging okay rin si Jale."


Tumango naman siya. "Sana nga, hail. Miss ko na siya."


Napatigil ako dahil bigla kong naalala si Fike. Wala na siyang reply sa huling message ko sa kanya. Hindi ko alam kung nabasa ba niya o sadyang kinalimutan nalang niya ako. Sana naman kung may girlfriend na siya, sabihin nalang niya sa akin ng diretso. Mas mabuti pang malaman ko ang totoo kaysa nanghuhula ako dito.


Maya't maya pa ay nakatanggap ako ng isang text mula kay Logan.


Captain Logan

Hail free ka bukas?

Bakit muna?

Malapit na bday ni K

Plano tayo ng surprise party

G!

Pero anong balita kay Jale?

Secret lang to pero makakalabas na siya sa rehab


Tinakpan ko ang aking bibig para hindi sumigaw dito sa loob ng kwarto namin. Tinignan ako ni Koleen, pero umiling lang ako sa kanya. Agad akong nag-reply ulit kay Logan. "Anong plano?"


Pagdating ng araw ng birthday ni Koleen, pinasuot ni Kell ang denim na overall shorts sa kanya kaya nagmukha siyang bata. Pinakita pa sa amin ni Kell yung picture ni Baby Koleen.


"Happy birthday, K!" Bati naming lahat sa kanya. Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Atkinson kung saan namin ni-set-up ang surprise party para kay Koleen. Kami-kami lang naman ang bisita dahil siguradong ayaw rin ni Koleen ang malaking party.


"Ang cute naman ng suot mo, K," sabi ni Alexis na kasama namin sa Gen L Society.


"Ang daya niyo. Bat ako lang ang nakasuot ng ganito? Akala ko ba children's party ang theme?" Reklamo pa ni Koleen habang nakakunot ang noo sa amin.


Napatawa naman kaming lahat.


"Wait, ayusin natin ang buhok mo. Gawin kong pigtails!" saad pa ni Brianna na sa wakas ay bumalik na ulit sa grupo namin matapos ang ginawa niya kay Koleen. Mabuti nalang talaga at hindi nagtatanim ng galit si Koleen eh.


Maya't maya pa ay biglang tumunog ang music mula sa speakers. "Oh, ayan na pala ang mga special guests!" Anunsiyo ko nang makita ko ang pagdating ng apat na teletubbies na naglalakad na patungo sa aming direksiyon.


Agad kong nilabas ang aking cellphone para kunan ng video ang apat na lalaking sumasayaw na ngayon sa kanta ni Bruno Mars na '24k Magic.'


Nagpatuloy ang party at may pa-surprise announcement pa si Jale sa amin habang nakakapit ang kanyang kamay kay Koleen. "Before anything else, I just want to let everyone know that we're engaged!"


"OMG! Totoo ba?" Singhap ni Alexis.


Pumalakpak naman ako. "Congratulations, guys!"


"We're so happy for you!" Rinig kong sambit ni Brianna habang nakatingin sa dalawa.


Sa puntong ito, gusto ko nalang na magkaroon ng happy ending ang aking kaibigan. Alam kong mahirap kay Koleen ang mga nangyari nitong taong ito dahil sa pagkawala rin ng papa niya. Pero, masaya ako para sa kanya dahil dumating naman si Jale sa buhay niya at bumalik na rin ang mama niya.


Akala ko ay matatapos na dito ang lahat. Pero, matapos lang ang ilang linggo ay natanggap ko nalang ang text mula kay Kell na nasa ospital si Koleen dahil sa isang car accident.


Uuwi pa nga dapat ako ng probinsiya para bisitahin sina lolo at lola, pero bibisitahin ko muna si Koleen.


Nagtungo kami ni Brianna sa ospital nang gabing iyon kung saan naka-confine si Koleen. Agad naming nakita sina André at Logan sa lobby habang papasok kami ni Brianna.


"Hailey! Bri!" Bati ni Logan nang makita kami.


Lumapit naman si André sa amin. "Hailey Bailey."


Ngumiti lang ako sa kanila. "Kumusta si K?"


"Stable na siya. Kasama niya si Kell sa kwarto," sagot ni Logan.


Tumango naman ako. "Eh si Jale?"


"Missing in action pa rin. Pero, nag-iwan siya ng liham para kay K," saad pa ni Logan.


"Jesus, this is all getting complicated. Nahihilo na ako sa dami ng problema." Hinawakan ni André ang sentido niya habang umiiling.


"By the way, pwede niyo bang ihatid si Hailey sa probinsiya?" tanong ni Brianna sa dalawang lalaki.


Tinignan ako ni Logan. "Uuwi ka ng probinsiya?"


Tumango ako.


"Sorry, but I can't drive my car. Unless, gusto mong ihatid kita using my bike?" Offer ni André.


"Huwag nalang, André, mahal ko pa ang buhay ko," sagot ko.


"Pwede naman kitang ihatid kaso may training pa kami tapos-"


"Okay lang ako," sagot ko naman kay Logan na nag-offer rin.


"But, Hailey, hindi ka pwedeng umuwi mag-isa," ani Brianna.


"Ipapahatid nalang kita kay Manong Raul. And don't say no, Hailey." Biglang dumating si Kell kaya napatingin kami sa kanya.


"Sige na nga. Salamat, Kell," sambit ko nalang.


André clapped his hands together. "Great. That's one less problem."


Ngumiti ako. "Puntahan lang namin si K saglit."


"Sige. Tawagan ko lang si Manong Raul," sabi pa ni Kell.


"Let's go, then." Sabay kami ni Brianna na nagtungo sa kwarto ni Koleen.


Pagpasok namin sa loob, nakita namin ang malaking basket ng flowers sa bedside table niya. Napansin ko rin ang maliit na envelope na nakasulat ang pangalang "Konstant" sa gitna nito. Mukhang ito na ang liham ni Jale para kay Koleen.


"Hail... Bri..." mahinang sambit ng babaeng nakahilata sa kama na may dextrose sa kanyang  kaliwang kamay.


"K!" Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Sorry, ngayon lang ako nakabisita sa'yo."


Umiling naman si Koleen. "Okay lang. Naiintindihan ko naman. Kumusta ka na?"


"Ikaw ang kumusta na? Okay na ba ang pakiramdam mo? Balita ko wala pa rin si Jale..." Napatigil ako nang ma-realize kong hindi ko na dapat binanggit pa ito.


Ngumiti naman si Koleen. "Okay lang ako. Tsaka, sabi naman ni Jalen babalik siya."


"Ganyan rin ang sinabi ni Fike noon..." sambit ko habang nakatingin sa baba.


Pinisil ni Koleen ang kamay ko. "Hail, promise ko kapag nakalabas ako ng ospital, sasamahan kita."


"K, isipin mo na nga muna ang sarili mo. Okay lang ako," sambit ko.


Tumango naman siya. "Basta, kung may kailangan ka at wala pa ako sa tabi mo, kulitin mo lang si Bri."


"I'll try, but I'm not promising anything," tumatawang sambit naman ni Brianna.


Nanatili pa kami ni Brianna sa loob ng kwarto ni Koleen ng ilang minuto bago kami tuluyang umalis.


Habang naglalakad kami ni Brianna sa hallway palabas ng ward, isang nakatuping papel ang nakita ko sa sahig. Yumuko ako para kunin ito sabay libot ng aking tingin para tignan kung sino ang nakahulog nito. Wala namang ibang tao kung hindi ang mga staff lang na naglalakad ngayon.


Binuksan ko ang papel saglit at binasa ang nakasulat sa taas nito. "My bucket list..."


A/N: Scenes from this chapter happened in the 1st story of this series. Kung gusto niyong mas maintindihan ang mga nangyari dito, basahin niyo na rin yun. Kung ayaw niyo naman, okay lang, pero malulungkot sina K at J kapag hindi niyo yun binasa 🥹

As always, salamat sa paghihintay sa update ko. Mahal ko kayo promise... sana mahal niyo rin ang nagsulat nito emz. 😚

~f

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro