Chapter 13
Truth
"Fike, kelan ka ba talaga uuwi? Parang ayaw mo na atang umuwi ah" Tanong ko sa lalaki habang hawak ang cellphone malapit sa aking tainga.
"Haly, I'm d..." mahinang sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Anong sabi mo?" Tinakpan ko ang isang tainga ko dahil hindi ko siya masyadong marinig dahil sa dami ng tao dito sa penthouse.
May ni-organize kasing party ang Omega Phi na brother fraternity ng Gen L Society kaya nandito kami ngayon sa penthouse ng mga boys. Halos karamihan dito ngayon ay hindi ko kilala lalo na yung mga miyembro ng frat nila.
"Hail, nakita mo ba si Bri?" Tinapik ako ni Koleen kaya napatingin ako sa babaeng nakasuot ng all-black na outfit bilang si Catwoman siya ngayon habang ako naman ay nakasuot ng yellow na fairy dress outfit bilang si Iridessa.
Umiling ako sa kanya. "Akala ko kasama mo lang siya kanina?"
"Kasama ko nga kanina, pero biglang nawala," sagot naman ni Koleen na nililibot na ang tingin sa loob ng penthouse.
Tinaas ko ulit ang phone sa aking tainga. "Hello, Fike? Nandiyan ka pa?"
"Haly, just enjoy the party," mahinang sambit ng lalaki.
"Teka, Fike... Ngayon na nga lang kita makakausap eh..." reklamo ko, pero hindi namalayang binaba na pala niya ang tawag.
Bumuntong-hininga ako at hinanap nalang ulit si Koleen nang biglang may humatak sa braso ko.
"Hail, come here!" Si André ang humila sa akin patungo sa living room kung saan may mga taong nakapalibot na doon.
"Anong meron?" Tanong ko sa lalaki.
"We're playing truth or dare!" Masayang anunsiyo ng lalaki habang pinapakita sa akin ang hawak niyang bote ng alak na walang laman.
Umupo nalang ako sa sahig kasama ang ilang mga hindi ko kilala. Maya't maya pa ay nakita ko na rin si Brianna na paparating. Napansin ko rin si Koleen sa likuran niya pati na ang lalaking nakasuot ng Batman costume na sumunod sa kanya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Koleen habang titig na titig ang lalaking naka-Batman costume sa kanyang tabi. Gusto ko siyang tanungin, pero medyo malayo ako ngayon sa kanya kaya hinayaan ko nalang muna.
"Truth or dare!" Tanong ni André nang matutok ang bote sa aking harapan.
"Truth!" Sagot ko.
"What's your body count?" Nakangising tanong ni André sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Sa tingin ba niya ma-o-offend ako sa tanong niya? "Zero!"
"Boo! Boring!" The crowd chanted in sync.
Umiling lang ako at hindi nalang sila pinansin. Nagpatuloy pa ang game at nag-walk-out na rin si Brianna nang sagutin niya ang tanong tungkol sa feelings niya kay Tyler. Susundan ko rin dapat siya, pero ayaw ko rin naman siyang pagsabihan pa ulit.
Maya't maya pa ay napunta ang bote sa lalaking katabi ni Koleen.
"Kiss any girl that you like here." Si André talaga ang hilig sa mga ganitong dare.
Napatingin kaming lahat sa lalaki nang bigla niyang nilingon si Koleen at akmang hahalikan pa ito. Parang may binubulong pa ito kay Koleen. Ilang segundo pa ang lumipas nang hinalikan nga ng lalaki ang pisngi ng kaibigan ko.
"The hell?" Rinig ko ang pagbitaw ni Kell sa mga salitang ito bago siya tumayo sa kinauupuan niya.
"All hail, Jale Enrico Atkinson!" Sabay-sabay na humiyaw ang mga tao sa paligid namin habang tumatayo na rin si Koleen para sundan si Kell na naglalakad na patungo sa may infinity pool sa labas.
Tinignan ko ang lalaking humalik kay Koleen na nakangisi na ngayon at parang tuwang-tuwa sa ginawa niya. Mukhang playboy rin ang isang 'to ah. Pero teka, Jale Enrico Atkinson ang pangalan niya, so kaano-ano niya si Kell?
Umiling nalang ako at tumayo na sa kinauupuan ko. Pinigilan pa ako ni André sa pag-alis, pero wala na rin ako sa mood ngayong nagkaka-problema ang dalawang kaibigan ko. Kailangan ko na silang hanapin para makauwi na kami.
Habang naglalakad ako patungo sa kusina, nakita ko si Brianna na umiiyak na ngayon sa tapat ng refrigerator.
"Bri?" Tawag ko sa kanya.
Inangat niya ang kanyang ulo at nakita ko ang pagkalat ng mascara sa mga mata niya. "Hail... did I do something wrong? Sinagot ko lang naman ang tanong. I didn't want to lie about it. I still do love Tyler..."
"Bri..." Lumapit ako sa babae at niyakap siya. Naamoy ko ang alak mula sa kanya. Mukhang marami na siyang nainom simula kanina.
"Hans said ayaw na niya akong makita pa," humihikbing saad ni Brianna.
"I'm sure makakakita ka pa ng iba diyan," sabi ko habang tinatapik ang likuran niya.
"What if wala nang magkagusto sa akin, Hail? I don't want to be alone," usal pa ng babae.
"Bri, mukhang kailangan mo na munang magpahinga sa paghahanap ng lalaki. Kailangan mo munang mag-move-on completely kay Tyler," advice ko.
"But, I'm trying and it's so hard!" Pasigaw na sagot ni Brianna.
"Kaya mo 'yan. Nandito naman kami ni K. Tutulungan ka namin-"
"Blurgh... blurgh..." Biglang dumuwal ang babae sa balikat ko.
"Oh God! Hail! Sorry! I'm so sorry! I'm so fucked!"
"Sshh, okay lang ako. Tara na sa cr." Tinulungan ko si Brianna na maglakad patungo sa comfort room para makapaghilamos siya.
Nang makarating kami sa loob, hinayaan ko na muna siya doon habang pinupunasan ko na rin ang balikat kong nasukaan niya.
"Hail, okay ka lang?" Dumating si Logan na nakasuot ng jersey at mukhang kakagaling lang sa baseball practice.
"Oh, Logan, ikaw pala. Okay lang ako. Hinihintay ko lang si Bri." Tinuro ko ang tapat ng cr nila.
"Amoy suka ka ah," komento ng lalaki sa akin.
"Ang lakas ng pang-amoy mo ah," sabi ko. "Pero, oo, nasukaan ako ni Bri."
"Teka, bigyan kita ng tshirt," ani Logan at iniwan ako saglit. Pagbalik niya, may dala na siyang kulay maroon na shirt at inabot ito sa akin. "Bago pa yan ha, pero sa'yo na."
"Salamat," sabi ko nalang.
"Palit ka nalang sa kwarto ko. Bantayan ko muna si Bri dito," suggestion ni Logan kaya sinunod ko nalang siya.
Matapos kong magpalit ng damit sa kwarto niya, bumalik ako agad sa tapat ng cr at nakitang nakabukas na ang pintuan. Teka, nasan na si Logan?
"Bri?" Pumasok ako sa loob at nakitang wala nang malay ang babae sa floor. Agad akong tumakbo patungo sa kanya at tinapik ang balikat nito. "Bri! Gumising ka! Naririnig mo ba ako? Tulong!"
Paulit-ulit ko pang sinampal ang pisngi niya, pero wala pa rin siyang malay. Nilapit ko ang aking tainga sa kanyang ilong at hinawakan ko rin ang tiyan niya para masigurong humihinga pa siya. Pero bakit hindi pa rin siya gumigising? Nakatulog na ba siya dito?
Agad akong tumayo at nagtungo sa labas para hanapin si Koleen. Nakita ko naman siyang nakaupo sa may pool katabi si Kell.
"K, si Bri!" Sigaw ko at nilingon naman ako ng dalawa.
Napatayo na rin si Koleen at nagmadaling nagtungo sa akin. "Ano'ng nangyari kay Bri?"
"Nahimatay siya sa cr," sambit ko habang naglalakad na kami pabalik sa loob.
Nang makarating kami sa loob ng cr, nakahilata pa rin doon si Brianna.
"Bri! Gising!" Sinubukan rin ni Koleen na gisingin ang babae habang sinasampal siya nang mahina sa mukha.
"Buhusan kaya natin ng tubig?" Suggestion ko nang may makita akong baso sa gilid dahil napag-aralan naming may effect ang cold water sa nerve endings ng skin na pwedeng mag-stimulate sa Autonomic Nervous System.
Tumango naman si Koleen at alam kong iniisip na rin niya itong gawin. Hindi lang ito magugustuhan ni Brianna, pero kailangan naming gawin ito bago namin siya dalhin sa ospital o tumawag ng ambulansiya. Alam rin naming ayaw ni Brianna na ma-ospital siya dahil malalaman ito ng mommy niya at siguradong mapapagalitan siya.
Habang pinupuno ko na ng tubig ang baso mula sa faucet, biglang gumalaw ang babaeng nasa sahig. "Nasan ako?"
"Welcome to hell," birong sagot naman ni Koleen.
Tinulungan na namin si Brianna na makatayo at dahil mas matangkad siya kaysa sa amin ni Koleen, medyo nahirapan pa kami kaunti.
"Hatid ko na kayo," offer ni Kell na nakatayo na pala sa tapat ng cr.
"Nakainom ka," saad naman ni Koleen.
"Let me drive you home. I didn't drink," biglang sabat ng isang Englisherong lalaki. Si Jale Enrico Atkinson.
"No, ako ang maghahatid sa inyo," pilit pa ni Kell.
Bumuntong-hininga ako. "Sorry, Kell, pero mahal ko ang buhay ko and i'm sure ganun din sina K at Bri."
"Fine, Drive them home safely," sabi ni Kell sa isang lalaki.
"I will. Don't worry," sagot ni Jale.
Matapos ang ilang minuto, nakarating rin kami sa apartment gamit ang kotse ni Batman. Tinulungan rin niya kaming buhatin si Brianna patungo sa loob.
Nagtungo na rin ako sa aking kwarto matapos kong mag-shower saglit. Bago ako matulog ng gabing iyon, naisipan kong i-message si Fike.
Miss na kita, bestfriend.
A/N: Yes po, opo, sa mga nakabasa sa 1st story ng Gen L Series, ang scenes sa chapter na ito ay nangyari sa chapter 6 ng The Lollipop Project kaya kung bet niyong malaman ang POV ni Koleen tungkol sa paghalik ni Jale sa kanya, basahin niyo na rin yun 😚
Anyway, sana nagustuhan niyo pa rin ang update ngayon. Thank you ulit sa pagbabasa lalo na sa tatlong laging nag-aabang ng updates ko 😭
Vote and comment kung gusto niyong malaman kung ano na ang nangyayari kay Fike 😇
Love you fsquad 🫶🏻
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro