Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Possibility

Paggising ko the next day, isang text message ang bumungad sa aking cellphone.


From BBF:

Morning Haly

Sorry about last night

I shouldn't have said that


Sa totoo lang, tama naman ang sinabi ni Fike sa akin. Kailangan ko itong marinig dahil kung hindi, patuloy lang akong aasa at masasaktan.


Bumangon ako sa kama at naghilamos ng mukha. Sinuot ko ang type B uniform naming white short-sleeved collared shirt at burgundy pencil skirt.


Inayos ko ang aking buhok habang nakatingin sa salamin. My dark hair had natural small curls, which I always hated, kaya lagi ko itong tinatali pataas. Sabi rin ni Trinity noon na mas bagay sa akin na nakatali ang buhok ko. But today, I wanted to be true to myself. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok.


Pero, teka, bakit ba ako nag-aayos? Normal na araw lang naman ito.


Umiling ako sabay nagmadaling lumabas ng dorm. Laking gulat ko nang makita ko si Fike na nakatayo na sa harap ng building.


"Haly." Kumaway siya sa akin nang makita niya ako.


Tumikhim ako bago ko siya nilapitan. "Bestfriend!"


"You look..." Napatigil siya saglit habang nakatitig sa akin. "Different."


Napakurap ako ng mata sabay hawak sa dulo ng aking kulot na buhok. "Ah, dahil ba sa buhok ko? Pangit ba?"


Umiling ang lalaki. "No. Bagay sa'yo. In fact, you look really beautiful."


Biglang nag-init ang pisngi ko. "A-Ah... salamat."


"Also, about last night... I'm really sorry-"


"Bat ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan. Tara na nga!"


Tumango naman siya at naglakad na kami patungo sa university.


Buong araw kong pinilit alisin sa isip ko ang nararamdaman ko para kay Fike. I tried to busy myself with our lectures. Kahit na gustung-gusto ko nang umuwi sa dorm matapos ang klase namin that day, nag-stay pa ako sa laboratory para mag-practice sa paggamit ng microscope para sa moving exams namin.


"So, kumusta ang family dinner kahapon?" Usisa ni Koleen sa akin na kasama ko ngayon dito sa lab. May ilan rin kaming classmates ngayon dito na busy rin sa pagpa-practice.


"Naka-survive naman ako," sagot ko.


Napatawa si Koleen. "Feeling ko may gusto na sa'yo si Kuya Fike."


Napalunok ako sa sinabi niya sabay iling. "Hindi pwede. We're just bestfriends."


"Paano kung oo? Pipigilan mo siya?"


Umiling ulit ako. "Wala akong pipigilan kasi hindi ako gusto nun."


"Eh ikaw? Gusto mo na ba?"


Napatingin ulit ako kay Koleen na nakasandal ang baba sa magkapulupot na kamay niya sa mesa.


"Silence means yes?"


"Hindi ah..." Napatigil ako saglit sabay tingin sa baba. Posible bang nagkakagusto na ako kay Fike? "Hindi ko alam."


"Oh my Go-" Tinakpan ko ang bibig niya para patahimikin siya.


"Sshhh." Binitawan ko na rin si Koleen kaya nakita ko ang ngiti sa kanyang labi.


"So, gusto mo na nga siya?"


"Hindi ko nga alam. Baka nadadala lang ako kasi lagi kaming magkasama. Gaya kami noon ni Tin..."


Tinapik ni Koleen ang balikat ko. "I know that feeling. But, believe me, kung gusto mo siya, sabihin mo na agad. Huwag mo nang hintayin na maunahan ka."


"Based ba yan sa experience mo?" Panunukso kong tanong.


Nagkibit-balikat lang si Koleen sabay balik sa upuan niya at hinarap ulit ang microscope.


Maya't maya pa ay umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa. Nakita ko ang isang chat mula kay mommy. Bihira lang kami magka-chat kaya alam kong importante ang message niya sa akin ngayon.


Kinuha ko ang cellphone at binasa ang chat niya.


"Hello, anak, sorry ngayon ko lang nabasa ito. Ok naman ako. Ikaw?"


Napatitig ako sa chat ni mommy. Ilang linggo na nung huling chat ko sa kanya, pero ngayon lang siya nag-reply. Naiintindihan ko naman kung bakit niya kailangang magtrabaho sa ibang bansa, pero minsan, gusto ko lang rin talagang maramdaman na may nanay ako.


"Hail."


Napatingin ako kay Koleen na tumawag ng aking pangalan. "Ha? Bakit?"


Tinignan niya ako saglit. "Okay ka lang?"


Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Okay lang ako. Bakit?"


Tumango si Koleen. "Nandiyan na sundo mo."


Pinanliitan ko siya ng mata. "Sundo?"


Ngumuso siya sabay turo sa direksiyon ng pintuan ng lab. Sinundan ko ito at nakita ang isang lalaking nakatayo at nakatingin sa akin. "Fike?"


"Sure kang bestfriend lang 'yan ha?" Panunukso pa ulit ni Koleen.


Umiling lang ako sabay ayos ng aking buhok. Kinuha ko ang makakapal na libro namin sa Chemistry at TFN, saka ko nilagay ang sling bag sa aking balikat at nagpaalam na kay Koleen.


"See you bukas!" Kumakaway na sabi ni Koleen habang naglalakad na ako palabas.


"Sorry, tapos ka na ba?" Tanong ni Fike nang marating ko siya.


"Nag-pa-practice lang ako, pero tapos na ang klase namin."


Tumango si Fike sabay lahad ng kanyang kamay. "Akin na 'yang mga libro mo."


"Kaya ko na 'to," saad ko.


"I know, but still, let me help you."


I let out a sigh, giving him my books. "Oh, sa'yo na. Mapilit ka eh."


The guy just smiled. "How was your day?" Tanong niya habang naglalakad na kami palabas ng campus.


"Same. Ikaw?"


"Boring. Lalo na ngayong hindi na ako nag-te-training."


Napatingin ako sa kanya. Halata namang malungkot siya simula noong naospital siya. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi na siya pwedeng tumakbo. Pero kung ito ang makakabuti sa kanya, hindi na rin ako tututol.


"Ah, kaya pala ang dami mo ng time para sa akin ngayon," I teased.


"Lagi naman akong maraming time para sa'yo."


I paused when I felt that sudden jolt in my heart again. May gusto na ba talaga ako sa lalaking ito?


"Haly, there's something I want to tell you..." he suddenly blurted out, making me anxious.


"W-Wait lang, pwede bang huwag muna ngayon?" Bat naman ako biglang kinabahan?


"Bakit?"


Napakurap ako. "B-Basta. Makakapaghintay naman 'yan, di ba?"


Napatigil si Fike saglit habang nakatingin sa akin.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Pero bakit hindi ako mapakali?


"Haly, I'm leaving soon," Fike blurted out.


Natulala ako bigla. "Aalis ka? Bakit? Saan ka pupunta?"


"I'm going to the States for my internship."


"Internship? Bakit? Hindi ka ba pwedeng mag-intern dito?"


"There's a... better opportunity there for me."


"O-Okay. Pero hindi ka naman matatagalan, di ba? 3 months? 6 months?"


"I'm not sure how long will I be there."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Not sure? Hindi ka na ba babalik dito?"


Tinaas ni Fike ang mga kamay niya at nilagay ito sa magkabilang gilid ng aking pisngi. "Haly, I will be back. Hindi ko lang alam kung kailan, but I promise you, I will be back."


Hindi ako nakapagsalita agad. Alam kong hindi dapat ako magalit sa kanya. Magandang opportunity nga naman ang makapag-internship sa ibang bansa. Pero, bakit hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng galit?


"Haly, I'm sorry..." Hawak pa rin niya ang mukha ko habang nakatitig sa akin.


Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Okay lang. Hindi ka dapat mag-sorry. Sabi mo naman babalik ka, di ba?"


"Whatever happens, I hope you will still be there for me, Haly."


"Oo naman. Basta siguraduhin mong babalik ka," sambit ko kahit na may lungkot sa aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro