Chapter 1
Rebound/Bestfriend
In a span of one summer, I was a changed person.
Or maybe, I'm still me.
Hindi ko lang alam kung talaga bang nagkagusto ako sa bestfriend ko. O dahil sobrang attached ko lang sa kanya dahil siya lang ang naging totoong kaibigan ko simula pagkabata.
But now, I think I regret why I even considered her as my bestfriend...
Simula noong araw na pinagtabuyan ako ni Trinity, hindi na kami nagkausap pa.
Hindi ko na rin gusto pang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya, lalo na noong mas pinili niya ang lalaking hindi naman siya kayang panindigan.
Ang tanging hiling ko lang ngayon para sa kanya ay sana nasa mabuting kalagayan siya...
"Just surrender everything to Him. He works miracles. You are here today because He wants you to be here..." saad ng pastor sa harap. Si Pastor Moses Cervantes ay isa sa mga founding leaders ng church kung saan ako kabilang. At siya rin ang tatay ni Trinity.
Hindi ko inasahang nandito siya ngayon sa Manila. Kinabahan ako bigla. Nilibot ko ang aking tingin para hanapin ang anino ni Trinity. Mukhang wala naman siya dito ngayon.
"His grace is all we need... His love is unconditional..." Sinabayan naming lahat sa pagkanta ang nasa harap namin habang tumutugtog ang musika.
I was sitting in the middle of the room, my usual spot here in the church. Lumaki akong laging pumupunta sa church dahil kina lolo at lola.
Extending my arm up in the air, I closed my eyes and felt each lyric of the worship song. I could probably sing this song even in my sleep.
"His death saved all of us... oohhh..."
I used to find singing in groups inside a church cringe-y. But, as time passed, I realized that singing your heart out, with words meant for Christ was so uplifting and powerful it could save your whole existence.
"Let go of the pain and let God in your heart..."
Habang sinasabayan ko ang kanta, there was one voice overpowering all the voices in this room right now.
Napatingin ako sa aking kanan at nakita ang isang matangkad na lalaking nakataas rin ang mga kamay habang kumakanta. He was doing it differently from everyone though. May bakas ng luha sa kanyang mga mata. I could tell that he was crying and he wasn't shy about it.
"Masaya akong i-share sa inyo ang aking experience kung paano ako sinagip ng Panginoon sa panahong nasa bingit ako ng kamatayan..."
That voice...
"Alam kong hindi na bago ang kwentong ito sa inyo. Marahil ay kayo mismo ang nakaranas rin nito. But today, as I stand here infront of you, I can say that I was saved because of Him..."
Unti-unting nabaling ang aking atensiyon sa boses ng nagsasalita ngayon sa harap namin. Sa tagal naming magkakilala ni Trinity, masasabi kong kabisado ko na ang timbre ng kanyang boses.
And I was right.
The moment my eyes laid upon the woman standing on stage with a microphone in her hand, all the emotions came surging back inside me... all the good and the bad.
"Tin..." I mumbled under my breath. This was the first time I was seeing her again after what happened few months ago.
Sa kabila ng mga attempts kong kalimutan siya, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko sa kanya. Not the obscure romantic feelings I had, but more so the friendship that we built.
As someone who grew up being bullied during primary and high school, she was the only person I could say who knew me from inside and out.
Thankful ako na pinasok ako ni mommy sa St. Mary's Catholic School dahil doon ko nakilala si Trinity. Pero, at the same time, galit ako sa sarili ko dahil hindi ko nakita ang totoong ugali ng aking kaibigan, which eventually led to where we were now.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita sa harap, but my mind was just hovering.
She was wearing a ruffled white blouse and long black skirt. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at walang bahid ng makeup sa mukha. I always admired her beauty even before. But that wasn't the exact reason why I liked her. I liked her because she led me to be closer to God, especially during those times I felt like I was alone.
"Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko for not leaving my side. I love you mom and dad. And to everyone here in this room, why don't you message your parents and say thank you and I love you?"
Parents?
Nagsilabasan ng cellphone ang mga katabi at mga nasa harapan ko. Pati ang katabi kong lalaki na umiiyak kanina ay nagtitipa na rin sa kanyang phone.
Nilabas ko na rin ang phone ko at hinanap ang huling convo namin ni mommy sa Messenger.
The truth was, I was never vocal about my love for my mom. Lumaki ako sa piling ng aking lola at lolo sa probinsiya. Sila na rin ang nagsilbing guro ko bilang dating teacher si lola. Si lolo naman ay may malawak na farm kaya nahilig ako sa mga hayop.
Meanwhile, bilang lang sa aking kamay ang mga pagkakataong nagkasama kami ni mommy dahil umalis na siya noong five years old lang ako. Hindi ko na rin nakilala ang tatay ko dahil namatay siya noong sanggol palang ako.
But even so, umaasa akong babalik rin si mommy dahil ito ang pinangako niya sa akin noon.
Nag-tipa ako sa aking cellphone ng isang maikling message para kay mommy.
Kumusta po kayo diyan?
Miss ko na...
Umiling ako sabay bura sa huling message ko. Hindi ko sigurado kung mababasa niya ito agad. Ilang oras lang naman ang time difference ng Pilipinas at Australia, pero minsan, pakiramdam ko ay nasa ibang planeta si mommy dahil sa tagal niyang mag-reply.
Nagpatuloy pa rin ang service ng ilang oras habang nakatitig ako sa likuran ni Trinity na nakaupo sa may front row.
Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Sa totoo lang, naisip kong huwag nang ituloy ang pagko-kolehiyo sa Manila para lang hindi ko na makita si Trinity. Pero, nasasayangan rin ako sa opportunity at bilang nakapasa naman ako, magtatago nalang ako kapag nakita ko siya sa campus.
Nang matapos ang church service, nagsimula nang magsilabasan ang mga tao. Bago ako tumalikod, napagawi ang tingin ko kay Trinity. Kausap na niya ngayon ang tatay niya. She seemed to be doing okay after everything that happened.
When her eyes suddenly looked my way, I panicked. Napahawak ako sa bead bracelets na suot ko sa aking kaliwang kamay. Dear God... Anong gagawin ko?
Napatingin ako sa katabi kong lalaki na nakatayo na ngayon. Hinablot ko ang kamay niya saka ko siya niyakap nang mahigpit. My heart was still racing as I hugged the man infront of me.
"Kuya, pahiram muna ng yakap mo ha," paalam ko sa lalaki.
"I don't hug strangers," biglang nagsalita ang lalaking yakap ko.
Pero nanatili ako sa aking posisyon. Hindi ako dapat makita ni Trinity dito. I wasn't ready to face her. I thought I was, but I still had a long way to go.
"I said I don't hug stran-" the guy protested, but I hugged him tighter around his waist. He was probably standing over six feet while I was only five feet and three inches.
"Hailey Annrose David. Birthday: October 10, Libra. ISFP. Favorite color: yellow. Favorite music: Jazz. Life motto: Find what you'd die for and then live for it."
"Haly."
"Haly? Teka, close ba tayo?" Nilayo ko ang aking mukha na nakadikit sa kanyang dibdib para tignan siya sa mata.
"May tinataguan ka ba ng anak?" The guy stared at me, judging my existence.
Ano raw? "Wala! Tumahimik ka nalang."
"So, I'm right then?"
"Pwede bang huwag kang nangingialam sa buhay ko?"
"Miss, ikaw ang unang nangialam sa private space ko."
Natahimik ako sa sinabi niya. May punto naman siya. Pero kahit na. "Babayaran naman kita pagkatapos nito."
"I don't accept cash."
Inangat ko ulit nang bahagya ang aking ulo para tignan siya. Seryoso ang mukha ng lalaking nakatingin sa akin ngayon.
"Or card," he continued.
Nagtiim-bagang ako sabay sabi, "Ano ba ang gusto mong kapalit?"
"Kuya Fike?" Si Trinity... Nandito na siya sa tabi namin.
Lumingon ako sa boses ng babae. Nakatayo na siya malapit sa amin. My eyes were fixated at her, while hers were all over the guy infront of me.
Teka, ex rin ba niya ang lalaking ito?
"Bakit kayo magkasama ng babaeng ito?" Patuloy na usisa ni Trinity.
Hindi naman sumagot ang lalaking katabi ko.
"Tin..." Ako na ang unang bumati sa kanya kaya napatingin na rin sa akin si Trinity.
"Don't talk to me," mariing sagot niya.
Humigit ako ng hangin. "Tin, ganun nalang ba talaga? Kakalimutan nalang natin ang friendship natin?"
"Nakipagkaibigan lang naman ako sa'yo kasi naawa ako sa'yo noon."
Kinuyom ko ang aking kamay. "Anong sabi mo?"
"Hindi mo ba alam na pinag-uusapan ka ng mga classmates natin noon? Alam naming lahat kung ano ka."
Kung ano ako... She couldn't even say it.
Biglang nag-flashback sa aking isipan ang mga panahong magkasama kami ni Trinity. Buong akala ko ay totoo ko siyang kaibigan. Siya lang ang tinuring kong kaibigan noon. Pero hindi ko alam na parehas rin siya ng mga schoolmates ko.
"Naiintindihan mo na ba ako? Kaya huwag ka nang umasa na magkakaayos pa tayo."
"Huwag kang mag-alala, Tin... hindi na rin naman kita gustong maging kaibigan..." Kahit na labag sa aking dibdib na sabihin ang mga salitang ito, kailangan kong patunayan sa kanya na kaya kong wala siya sa buhay ko.
"Tara na!" Hinila ko ang kamay ng lalaki.
Tahimik lang rin siya hanggang sa makarating kami sa labas patungo sa parking lot.
Nilingon ko ang lalaki. "May kotse ka?"
Nilabas niya ang susi mula sa kanyang bulsa at pinindot ito. Tumunog ang kotse niya kaya naglakad kami patungo sa isang puting Chevrolet sa may parking lot.
Akmang bubuksan ko ang pintuan ng kotse niya nang bigla niyang hinarang ito gamit ang kanyang katawan.
"Okay ka lang?" Malumanay na tanong ng lalaki sa akin.
"Okay lang ako..." Pinilit kong ngumiti, pero ang totoo niyan, umiiyak na ang aking puso.
"If you want to talk about it..." napatigil ang lalaki na parang hindi alam ang sunod na sasabihin.
Ako rin naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Magkahalong galit, lungkot, inis, poot... lahat na.
Sa higit sampung taon naming magkasama ni Trinity, hindi ko lubos maisip na peke lang lahat ng pinakita niya sa akin noon. Kung naawa siya sa akin, bakit kinailangan pa niyang maging plastic? Ano yun? Nagbabait-baitan lang para hindi siya magmukhang masama?
"Ang tanga-tanga ko! Bakit kasi ako nagpauto?" Pinukpok ko ang aking ulo gamit ang aking mga kamay.
"Tama na yan..." He spoke in a soft tone. Hinawakan ng lalaki ang isa kong kamay kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman niya akong binitawan sabay iwas sa aking tingin.
"Bakit mo ako tinutulungan?" tanong ko.
"Hindi kita tinutulungan. Ikaw ang humila sa akin at pumasok dito sa kotse ko."
Oo nga pala. "Siguro kung hindi ako ganito, hindi sana nagkagulo ang buhay ko."
"Everything happens for a reason."
Nilingon ko ang lalaki sabay tawa nang mahina. "Life motto mo ba yan?"
Umiling siya. "I'm just saying... you don't have to blame yourself for anything."
Tinapik ko ang balikat niya. "Wow. Ang dami mong words of wisdom ah."
Umiling lang ulit siya saka niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse. "Ihahatid na kita."
Tinikom ko ang aking bibig habang nakatitig sa lalaki. Mukha naman siyang mabait at hindi manyak.
"Gusto mo pa bang ihatid kita o maiiwan ka dito?" tanong ng lalaki habang hinihintay akong pumasok sa kotse niya.
Sungit naman neto. Tahimik nalang akong pumasok sa loob. Mukha naman siyang mabait at walang gagawing kamanyakan sa akin.
Nang makapasok na rin siya at makaupo sa driver's seat, tinignan ulit niya ako. His chestnut doe eyes stared at me for a few seconds before he spoke. "Seatbelt."
Kinuha ko ang seatbelt sa gilid at inayos ito. "So, pwede pala tayo?" Narinig kong napaubo ang lalaki kaya napatingin ako sa kanya.
"W-What?" Halatang kinakabahan ang lalaki dahil sa pagkurap ng mga mata niya. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya para matitigan siya. He had the typical features of a good-looking guy: flawless skin, high-bridged nose, natural pinkish lips, straight teeth, chiseled jaw.
But, I couldn't feel anything. There was no spark, no excitement. Siguro nga lesbian ako at hindi bisexual. I don't know. I'm still unsure myself.
"W-What are you saying?" sabi ulit ng lalaki sabay tulak sa aking balikat palayo.
Napatawa ako. "Virgin ka ba?"
"I just... don't kiss strangers." Inayos niya ang kanyang upo habang hindi makatingin sa akin.
Nilapag ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat. "Alam mo... gusto na talaga kita."
Napatigil ang lalaki sa pagpapaandar ng kotse.
"Kung gusto mo pwede naman tayong magsimula bilang magkaibigan," I explained. "Ikaw nalang kaya ang maging bagong bestfriend ko."
"I refuse to be a part of your game," he immediately answered.
"Anong game? Hindi 'to game ah. Tsaka, gusto ko lang rin talagang magkagusto ulit sa lalaki."
"So, you want to use me as rebound?" tanong niya.
"Rebound ba pag ganun?" I asked back dahil sa totoo lang, wala naman akong alam sa ganito dahil hindi pa naman ako nagka-relasyon.
The guy heaved a long sigh. "Will it make you feel better?"
Napatingin ako sa baba. "Siguro? Hindi ko alam."
"Fine. Pumapayag na ako... not to be your rebound, but as your new bestfriend," sagot ng lalaki.
Napatawa ako. "Sure, bestfriend! Teka, ano'ng number mo?" Nilabas ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa.
Hindi siya nagsalita.
"Dali na! Para ma-contact kita."
Kinuha niya ang cellphone ko at ni-type ang number niya rito. "Don't text or call me randomly."
"Bakit? May girlfriend ka?" I inquired, making him raise a brow at me.
"No, wala akong girlfriend."
"Oh, yun naman pala. Teka, magiging bestfriend na kita tapos hindi ko pa pala alam ang full name mo."
"Flynn Ikerson Villacristo."
"Birthday mo?"
He snapped his head at me. "Pati birthday?"
"Para alam ko kung kailan ako magpapalibre sa'yo," nakangising sambit ko.
"January 11."
"Life motto mo?" usisa ko ulit.
"For life and death are one, even as the river and sea are one," he answered in a serious tone.
Napaawang ako ng labi. "Life motto ba yan? O famous last words? Ang dark mo naman."
Tumahimik lang ulit ang lalaki kaya hindi ko na siya kinulit pa.
I may have lost my bestfriend...
But, in that same instance, I found a new one.
A/N: Hello fsquad! finally may update dahil ngayon ang birthday ni Fike! Eeyyy! Greet niyo na si birthday boi 🥳
Btw survey lang, mas gusto niyo ba yung double spacing in between sa paragraphs or single space? Sana may sumagot hehe 😅
Anyway, pag may sumagot update ko na agad chapter 2 lol pag wala naman pakihintay na muna. Baka bukas update ko pag sinipag haha
Happy weekend!
~f
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro