Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3


DALAWANG ARAW makalipas ang pagkamatay ng isang estudyante. Ang estudyanteng ito pala ay matagal na ring ginagambala at matagal ng pinaglalaruan ng mga masasamang nilalang. Siguro isa sa sobrang takot ng babae kaya siya pinaglalaruan kaya naglakas loob siyang umalis sa impyernong paaralan na iyon.

Sa burol ng babae wala ni isang kapwa kamag aral ni ang pumunta dahil sa mga kuro-kuro na kung sino man ang makilamay doon, tiyak na ikaw ang susunod dito.

Sa bahay ni Xana. Nag aalala pa rin ang babae sa nangyari sa kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit dalawang beses ito nawalan ng malay. Inihanda na ni Xana ang kanyang gamit dahil papasok na siya sa impyernong paaralan na iyon. Sino nga ba ang hindi papasok? Dahil kung hindi ka papasok tiyak na buhay mo agad ang kapalit.

Masyadong malakas ang kapangyarihan ng itim na espiritu na gumagambala sa buong paaralan. Hindi lang isang nilalang ano nandoon kundi samu't saring nilalang na hindi mo makikita. Isang malakas na nilalang ang nagkokontrol sa kanila.

"Nak, mag ingat ka ha?" Paalala ng ina sa kanyang anak. Tumango na lang ang babae bilang tugon sa ina. Nag-aalala din ang mga magulang nila dahil kahit sila takot sa mga nagyayari.

Lumabas na si Xana ng bahay. Napansin niyang may nakatayong lalaki sa harapan ng gate nila. Nang tinanaw na niya hindi niya mamukhaan dahil ito ay nakatalikod. Naglakad si Xana papunta sa gate at pinagbinuksan ito.

Nakilala agad ni Xana ang tindig nito. Si Jester. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaki sa labas ng gate nila? Susunduin ba siya? Hahawakan na sana ni Xana ang lalaki sa balikat pero bigla agad itong umiwas at nanlaki ang mga mata.

"Oh Jester! Di ako multo kaya wag ka magulat diyan, wag nga ako." Ani Xana na matawa-tawa pa.

Tulala lang nang kausapin ito ni Xana kaya ang tawa niya kanina ay napalitan ng ngiwi. Hindi ito kanya nakatingin. Lumingon sa patalikod si Xana para makita kung sino ang tinitingnan ni Jester at nang makita niya ito. Isang binata na kapareho ng kanilang uniporme sa paaralan ang naglalakad na may hawak hawak na bulaklak sa di kalayuan.

Agad naman binalik ni Xana ang tingin sa kausap niya. Pero paglingon niya dito, wala na ang taong nasa harap niya. Nagtaka agad si Xana kung saan nagpunta ang lalaki. Napakibit balikat na lamang ito at napag-isip isip na niloloko na naman siya nito.

Naglakad na lang ulit si Xana at hindi na pinansin ang pagkawala ng kaibigan. "Xana!" Agad siyang napalingon nang may tumawag sa pangalan niya.

Pero paglingon niya.

"Shit." Nakarinig siya ng dalawang putok ng baril. At ang mas kinatakot pa niya ay ang lalaking tinitignan kanina ni Jester ang winakasan ng buhay.

Hindi kinaya ni Xana ang nakitang pangyayari, pangalawa na ito. Bakit siya lagi ang nakakakita ng mga pangyayari. Senyales na ba ito na siya na ang susunod na papatayin? May paraan ba para ito ay mapigilan?

Bumilis ang tibok ng puso ni Xana dahil sa kaba niya. Pinanindigan siya nang bahalibo nang makita ang dumadaloy na dugo sa kalsada. Nang may dumaan na tricycle agad siyang pumara dito at sumakay sa loob. Puno na naman ng kaba si Xana dahil sa nakita niya. Lagi na lang siyang nakakasaksi ng mga bagay na hindi naman dapat at ano pa ang mas malala, iniwan pa siya ng kaibigan niya kaya lalong takot si Xana pero kailangan pigilan ang takot. Kailangan 'wag mong iparamdam na takot ka.

Hindi naman kalayuan ang paaralan sa bahay ng dalaga. Pero mas pinili niyang sumakay na lamanng dahil sa kaba. Ilang saglit lang din nang makarating na siya sa impyernong paaralan.

"Welcome to hell." Agad nitong bulong sa sarili niya. Papasok na sana siya ng pintuan ng paaralan ng may bumangga sa kanya.

Nang pansinin niya ito. Baguhan ang naturang estudyante. Makikita mo sa pagmumukha niya na may natataglay itong ibang enerhiya. May kakaiba na namang naramdaman si Xana, hindi sa paligid niya kundi sa lalaking bumunggo sa kanya.

Agad dumiretsyo sa silid si Xana. Nagpalingon lingon ito sa paligid at nang makita ang hinahanap na si Jester. Agad siyang lumapit dito sa kaibigan niya at binigyan ng batok.

"Jester, bakit mo ako iniwan!" Sabi nito sa kaibigan. Umupo sa katabing upuan si Xana. Nag iba ang ekspresyon ng muka ni Jester sa sinabi nito na may halong pagtataka.

"Ikaw iniwan ko? Saan?" Pagtataka nitong tanong sa babae. Naguluhan din bigla si Xana sa sinabi nito.

"Diba dumaan ka sa bahay kanina, kala ko pa naman sabay tayo, mang-iiwan ka rin pala?" mataray na sabi ni Xana sa kaibigan niya.

"Hindi kita maintindihan." Tumayo ang lalaki at nag unat ng katawan niya. "Hindi kita dinaanan 'no, kanina pa ako dito bago dito." Pagpapaliwanag nito.

Napaisip agad si Xana sa inani ni Jester. Tumitig si Xana kay Jester. Napakunot noo na lamang ang lalaki sa titig nito.

"Ibigsabihin..." Natauhan si Xana sa nangyari. Hindi nga si Jester ang nakita niya kanina kundi ang doppel ganger nito "May doppel ganger ka, Jester."

Agad napa atras si Jester sa sinabi ng babae.

"Nagbibiro ka lang Xana." Natatakot niyang sabi sa kaibigan at nang titigan naman si Xana at sinabi, "seryoso ka? Ako talaga nakita mo?" Pangangambang tanong ni Jester.

"Oo Jester! Kitang kita ng dalawang mata ko! May namatay na naman tayong kapwa estudyante kanina nang makita ko 'yon."

Pinangalibutan ng balahibo si Jester.

"Nabalitaan niyo ba may namatay na naman?" rinig ni Xana at Jester na usapan ng kanilang kaklase.

"Oo kanina lang daw, bibisitahin daw sana ang girlfriend na yumao."

"Diba Jester, may nagsabi na kapag binisita mo ang estudyante na namatay na galing rin dito sa paaralan natin. May posibilidad na mamatay ka rin diba?" Pagtatanong ni Xana.

Tango na lamang ang binigay ni Jester sa kaibigan.

"Iniisa isa na ba tayo?"

"Hindi 'no, wag ka assuming!"

"Naniniwala ka na?" Sabi ni Xana sa kaibigan. Tumango na lang ito bilang sagot sa kanya.

"May bago raw tayong kamag aral!" Naghiyawan ang mga estudyante sa inani ng bise president ng klase.

Agad naman kumalabog ang pintuan ng silid kaya natahimik ang lahat sa nangyari. Dahan dahan din naman itong bumukas at pumasok dito ang napaka-garang estudyante na nangangalang Metria Xaxon. Lalaki siya pero iba ang dating nang kanyang pangalan.

Mapuputi ang balat. May maninipis at mapupulang labi. May itim at pulang pinaghalong kulay ang buhok. Kinahuhumalingan ng mga babae. Isa ba siya sa mga gagawa ng paraan para mapigilan ang nangyayari sa impyernong paaralan?

Pumwesto ang binata sa harapan. Siya lang ang naka pwesto sa gitna. Ang madalas na doon nangyayari ang mga sinasaniban.

Nagsimula na muli ang klase. Lahat ng estudyanteng babae ay nakatitig sa gwapong binata. Kapag lagi siyang magsasalita ay makakaramdam ka nang sobrang lamig at sobrang init na pinagsama.

Hindi pinapansin ni Xana ang lalaki dahil sa ginawa nitong pagbubunggo sa kanya kanina. Hindi man lang humingi ng pansensya sa ginawa nito. Nagsimula na rin ang klase, nagsimula na rin magturo ang propesor na may kasamang dwendeng itim sa likuran nito na hanggang ngayon ay wala pa ring malay na kung anong meron sa kanya.

May biglang kumatok sa pintuan ng silid at pumasok ang isang guro.

"Ipapaalam ko lang sa inyo na, may darating na paranomalists sa paaralang ito ngayon. Maaga uuwi ang lahat." Pagkasabi ng guro. Nagdiwang ang lahat pero sa hindi ikinatuwa ng mga nilalang na may kakaibang enerhiya ay nagsarado ang buong silid ng paaralan.

Agad na may lumapit sa gurong nag-announce no'n an isang Janitor na nabali ang kasiyahan na kanilang pinagdidiwang.

"Sir, sarado ang ibang silid at ang exit!" Isang Janitor ang hiningal na lumapit sa isang guro at sinabi ang nangyari.

Tumayo si Metria na parang alam na ang gagawin. "Ako na ang bahala." Tuluyang lumabas ng silid si Metria at naiwang naka nganga ang ibang estudyante. Siya lang ang naglakas ng loob para mag boluntaryo doon.

Sa paglingon ni Xana sa upuan ng binata. May isang bagay siyang unang napansin. Agad niya naman itong nilapitan at kinuha niya ang kulay pulang bagay. Hinawakan niya ito at nang makapa niya ito ay may nakapa siya na kakaibang bagay sa loob pa nito. Agad itong ibinulsa ni Xana at inosenteng bumalik sa kinauupuan niya.

"Ano 'yong ginawa mo?" Pagtatanong ni Jester sa kaibigan ngunit hindi siya sinagot nito sa katanungan niya subalit sinagot ito ni Xana.

"Samahan mo ako sa templo mamayang uwian." Seryosong sabi ni Xana sa kaibigan. Tango na lamang din ang isinagot ni Jester dahil hindi alam ang isasagot.

"Ha? Templo?" napangiwi na lang din naman si Jester sa sinabi ng kanyang kaibigan. "S-sige, kung saan man 'yon." Pagsipol pa nito.         

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro