Chapter 19
Chapter 19
DINALA namin si Master Hanu sa silid niya at doon ko siya inihiga. Bago ko pa man siya buhatin ay may nakita akong viol na hawak niya at nilagay ko ito sa bulsa ko. Bakas sa mukha ni Master Hanu ang panghihinga nito at mabagal na circulation ng kanyang paghinga. Nangangalumata na rin ito dahil ilang saglit lamang ay papikit na ang kanyang mga mata.
Nanghihina si Master Hanu.
"Xana, bantayan mo muna si Master." Utos ko kay Xana at tumango naman ito sa akin.
Lumabas ako nang silid at kinuha ang maliit na viol na nasa bulsa ko na nakuha ko mula sa mga kamay ni Master. Tinitigan ko pa ang mga maliliit na viol na may mga papel na nakadikit sa labas para sa pangalan nito. Para saan ba ang mga ito? Noong bumisita ako dito sa templo ay abalang abala si Master sa pinag gagawa niya at ito ba ang pinagkaka-abalahan niya noon. Hindi ko na siya pinakelaman no'n kaya hindi ko nalaman kung ano 'yon. Pero sigurado akong ito yong ginawa niya.
Hindi naman ako nagbabalak na inumin ito dahil baka kung ano pang mangyari sa akin. Binuksan ko ito at ipinataka sa may dahon. Pagpatak na pagpatak pa lamang ng likido ay agad na namatay ang dahon. Hindi maaari. Lason ang isang ito at mapanganib masyado.
Bakit ininom ni Master Hanu ang bagay na ito?
Agad nama akong napaisip at dali dali akong bumalik sa silid kung nasaan sila Xana at Master Hanu. Una ko kaagad na nilapitan si Master Hanu at tinapat ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakiramdaman pero shit lang!
"Shit naman oh!"
Nagulat sa akin si Xana. "Bakit? Metria?"
"Wala na si Master!" Pagkasabi ko ay nagulat siya kaya napatayo bigla sa kinauupuan niya. "Patay na si Master... uminom siya ng lason."
"P-Paano?" nauutal nitong tugon sa akin. Itinaas ko ng viol at ipinakita sa kanya. "Ano yan?" kunot noo niyang tanong sa akin.
"Ang lason."
"T-Teka?" May kinuha siyang bagay sa bulsa ni Master Hanu kaya napasama ang tingin ko dito. "Edi ano ito?"
Dali dali akong lumapit sa kanya at hinablot ang kulay green na viol na hawak ni Xana. Tinitigan ko ito at binuksan, ipinatak ko ito sa may halamanan sa loob ng silid. Hinintay namin kung anong mangyayari pero wala. Hindi pwede! Nagkamali ng inom si Master Hanu! Ang isang siguro na ito ay pampatulog lamang.
"Lason ang nainom ni Master Hanu na dapat ay pampatulog lamang."
"B-Bakit naman niya gagawin magpakamatay?"
"Hindi ko alam. Pero isipin mo nadatnan natin na sumigaw si Master Hanu?" Tumango ito sa akin. "Hindi ko alam kung anong nangyari pero siguro may umatake sa kanya. Isa na sa hinala ko doon at ang Life Taker 'yon."
Bumalik sa pagkakaupo si Xana. "Metria! Tignan mo 'to!" Tawag sa akin ni Xana na nagmamadali at nakatingin siya kay Master Hanu.
Lumapit ako nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko napansin ito kanina ng buhatin ko siya. May mga marka ng kamay ang mukha niya sa may bandang bibig. Mukhang hindi si Master Hanun ang uminom kundi pinilit sa kanyang ipa-inom.
"Paano na tayo niyan? Anong gagawin natin?! Wala na si Master Hanu mo?" natatarantang tugon sa akin ni Xana. Tama nga siya, wala na si Master Hanu, wala na kaming magpakukuhaan ng mga impormasyon at babala mula sa kanya. Ngayon kailangan na talaga namin mag-isip ng sa sarili namin gayong hindi kami mapapahamak sa kamay ng Life Taker.
"May isa pa tayong mapagtatanungan at mahihingian ng tulong." Diretsyo akong tumingin sa kanya at nalipat ang tingin sa kwintas niya kaya hinawakan niya ito bigla.
"S-sino naman?"
"Ang nanay mo."
"Huh?" Naguhuluhang ekspresyon nito. "Bakit si mama?" tanong nito.
"Malalaman mo rin mamaya, magmadali na tayo."
"Pero paano si Master Hanu dito?"
"Mawawala din ang mga katawan niya maya maya lang." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at hinigit ko na siya palabas ng silid.
Paglabas ng templo ay gumawa agad ako nang portal patungo sa bahay nila. Kung si Xana ay may hindi natatanging lakas, ganun na rin siguro ang nanay nito. Hindi ko kilala mismo ang nanay niya. Pero narinig rinig ko na ang pangalan niya.
Prinsesa ng mga demonyo ang nanay niya.
Pero hindi pa rin ako naniniwala hangga't hindi ko nakikita kung totoo nga ba 'yon. Wala akong sapat na ebidensya upang patunayan ang isang naririnig ko lang.
Pagkapasok namin sa portal ay agad din kaming niluwa nito sa harap sa bahay nila. "Teka lang." Biglang hawak sa akin ni Xana. Inilalayan ko naman siya. "Nahihilo ako."
"Nandito na rin naman tayo sa bahay niyo, makakapagpahinga ka rin."
Inilalayan ko siyang makapasok sa loob ng bahay at bumungad sa amin ang isang napakaputing babae. Ang nanay ni Xana. Tila nagulat pa ito nang makita ako pero nakuha niya agad ang tingin kay Xana na ngayon ay nahihilo. Agad niyang kinuha sa akin si Xana at dali dali itong dinala sa may kwarto niya.
Tuluyan na rin naman akong pumasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa sa may sala. Hindi ko maramdaman ang paligid dito. Tila may malakas na enerhiya ang nakapaligid sa akin kaya mismong kapangyarihan ko hindi ko maramdaman. Nakita kong palapit sa akin ang nanay ni Xana. Ngumiti ako sa kanya, ganun din naman ang ginawa nito. Umupo ito sa kaharap na sofa ko.
"Maraming salamat sa paghahatid sa anak ko."
"Walang pong anuman, madalas na ring nahihilo si Xana. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero parang may iba sa kanya."
"Anong iba? Normal ang anak ko at noong nakaraan naman ay hindi siya ganyan." Napangisi ako sa sinabi niya. Tumayo ako naglakad sa pintuan. Hindi ko na siya hinarap.
"Wala akong sinabi na hindi normal ang anak mo at doon ka nagkakamali ka." Tumigil ako nang sandali. "Hindi normal ang anak mo at mas lalong hindi ka normal diba?"
Humarap ako sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?! Nasa pamamahay kita, kaya 'wag mo akong pagsasabihan ng ganyan." Banta naman nito sa akin.
Napangisi na lang din naman ako sa kanya. "Nandito ako para humingi nang tulong sayo, hindi gumawa ng gulo."
"A-anong tulong?"
"Paano namin matatalo ang Life Taker?" Tila nagulat ito sa sinabi ko. Nakita kong napayukom ang mga kamao nito. Napangisi na lang ako sa kanya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at sino 'yang Life Taker na sinasabi niyo. Wala akong alam." Tatalikod na sana siya.
"Hindi mo alam? Prinsesa?" Ngisi ko pa. Napaharap ito sa akin tila gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko.
"P-Paano?! Sino ka ba?!" Nauutal pa nitong sabi sa akin. Sabi ko na nga ba at lalabas at lalabas din ang katotohahanan.
"Ako si Metria."
"Ang anak na makapangyarihan na esperista?" Hindi pa ba maliwanag sa pangalan ko? Kilala ako dahil sa mga magulang ko.
"Hindi kita sasaktan, sabihin mo lang sa akin kung paano namin matatalo ang Life Taker."
Tila nag iisip pa ito bago sumagot sa tanong ko. Kaya napangisi ako. Bago siya magsalita ay nagbuntong hininga pa ito. Ang kuro kuro lang dati na hindi ko pinaniniwalaan ay pwede ko nang panghawakan ng habang buhay laban sa kanya kung hindi man niya ako matutulungan.
"Patayin niyo siya gamit ang isang sagradong kutsilyo, hindi niyo siya mapapatay kung may mga harang ang mukha nito. Isaksak niyo sa ulo niya at mababalik sa dati ang nagulong buhay ng mga estudyante. At isa pa, mag-iingat kayo hindi siya gano'n kadali matalo."
"Salamat, Annera." Pagpapasalamat ko sa prinsesa ng mga demonyo at kung bakit? Napangisi na lamang ako dahil malapit nang mawakasan ang lahat ng ito. Malapit.
Tumalikod na rin naman ako sa kanya at palabas na ng bahay nila ngunit pinigilan ako nito.
"Metria, 'wag ka ring makampante sa gagawin niyo, delikado kung hindi niyo pag-iisipan ng mabuti ang mga kilos niyo. Gaya ng sabi mo, prinsesa ako ng mga demonyo, kilala ko siya. Kilalang kilala."
"Akong bahala."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro