Chapter 17
Chapter 17
HINDI namin alam ni Metria kung saan hahagilapin ang matandang babae na 'yon na tinutukoy na ina ng kapatid naman ni Metria na ang pangalan daw ay Zessa Xaxon kaya ngayon kasama ko si Metria. Sabi ko hindi ko kailangan ng tulong niya pero dahil sa nalaman ko na kapatid din naman pala niya ang tumulong sa akin ay bukal na naman sa loob na tulungan niya dahil siya rin lang din naman ang way para mawakasan ang Mother Taker na iyon.
Nandito kaming dalawa ni Metria sa girls comfort room, hindi sa mismong loob medyo malapit lang dahil noong nakaraang araw din daw ay may nakita siya dito na siguro 'yon din ang tinutukoy ng kapatid niya na matandang babae. Naalala ko rin noon sa nangyari sa aming dalawa ni Jester. Iyon din ang dahilan kung bakit nahimatay si Jester dahil sinugod siya nito pero agad naman itong nawala noon. Ang nanay ng Life Taker. Hindi namin kung malaks ba ito o delikado dahil wala akong alam sa nilalang na ito.
Kung may Life Taker, may Mother Taker din.
Si Jester. Tiwala lang, mababalik ka rin namin, hindi ko alam kung paano pero may tiwala rin ako sa sarili ko at sa tulong ni Metria sa akin.
Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay Metria na seryosong minamatyagan ang pasilyong iyon. Nakatago kami ni Metria ngayon ngayon at nasa likod niya lang ako. Ako dapat itong lulusob eh pero siya itong nagsabi sa akin na kailangang mag-ingat sa gagawing hakbang kaya stay foot na lang din ako.
"Metria..." banggit ko sa pangalan nito at humarap naman sa akin ito. Nakatitig naman siya sa akin at ang mga mata namin ay nagtama. Tila nahihiwagaan parin ako sa isang tulad niya. Hindi ko alam kung anong tinataglay na lakas ni Metria. Kung anong klaseng nilalang ba ito. Minsan nakakapangduda lang ang mga kinikilos niya. Kakampi ba o kalaban?
"Ano 'yon?" tugon nito sa akin. Napailing na lang din naman ako sa kanya at narinig ko naman ang pag-ngisi nito sa akin. Napalunok laway na lang ako sa kanya. Pansin ko rin na hindi pa naaalis sa mukha niya ang pagiging seryoso nito.
"Paano natin mababalik si Jester dito? Bakit siya, hindi nakabalik tapos tayo nakabalik, paano nangyari 'yon?" tanong ko pa sa kanya.
Napahalukipkip naman ito at sumandal sa pader na pinagtataguan namin. "Walang kakayan ang isang normal na kaluluwa o pisikal man sa ibang dimensyon na makabalik sa normal na mundo natin dahil wala silang lakas na tinataglay gaya ng atin, Xana." Pagpaliwanag naman nito sa akin.
"Bakit? Paano? Saan nanggaling itong lakas na sinasabi mo?" kumukunot na ang mga noo ko sa mga tinatanong ko kay Metria.
Inilingan naman ako ni Metria, "hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yang kakaibang lakas na tinataglay mo pero baka sa mga magulang mo ito namana."
"Magulang?" tinaasan ko siya ng kilay. "Normal kaya kami, even my mom. Haler?" irap ko pa sa kanya.
"And what about your dad?" tanong naman nito sa akin.
I shrugged, "ewan ko pero normal naman kami eh, ngayon lang 'to lumabas sa akin simula ng mapunta ako sa dimensyon na 'yon."
Tinanguan naman ako ni Metria, "siguro, lumabas na talaga kung anong nasa loob mo." Hindi na naman ako nakasagot sa kanya. "Kaya binabalaan kita, kung hindi ka mag-iingat sa mga kinikilos mo 'wag kang magtataka kung buhay na ang kapalit nito."
Pinangalibutan naman ako sa sinabi ni Metria.
"Ano bang gusto nila?"
"Ikaw Xana. Ang mawala ng tuluyan, maging sa Dark World or Normal World."
"Ha? Ako mawala? Imposible bakit naman nila gagawin 'yon?"
"Hindi ko alam pero isa lang ang suspetya ko, ayaw nilang bumalik sa mundo nila."
Napanganga na lang din naman ako sa mga sinasabi sa akin ni Metria. Ako? Gusto nilang mawala nang tuluyan? Ano bang ginawa ko na mali o hindi maganda. Sabihin niyo sa akin dahil sa pagkakaalam ko wala pa akong pinapatay na tao at kahit anong mangyari, walang bahid ng kasamaan ang dugo ko.
Mananaig ang kabutihan, maniwala kayo.
"Pero teka nga pala, paano si Jester? Hindi ba tayo ang pwedeng magbalik sa kanya?"
"Wala. Wala tayong magagawa Xana, nakapaligid ang kadiliman kahit saan ka magpunta." Aniya.
Natahimik na rin naman ako sa pagtatanong sa kanya at binalik namin ang atensyon namin sa matandang babae ngayon.
Nakailang buntong hininga na rin ako pero walang matandang babae ang lumalabas o nagpapakita mula sa comfort room dito. Umupo ako at hinawakan ko ang kwintas ko. Minsan hindi tumatalab ang kapangyarihan nito pero sobrang lakas din pero walang laban sa Life Taker. Tumayo ako at gagawin ang pangyayari kung paano lumabas ang Life Taker.
"Saan ka pupunta?" takang tanong sa akin ni Metria.
"Ihanda mo na lang ang pulang punyal mo." Sabi ko sa kanya ng hindi man lang nililingon.
Sa harap ng comfort room ay agad akong umupo. Lumuhod at pumikit. Alam kong lalabas ang matandang babae. Makakaganti rin kami sa ginawa ng Life Taker. Simula pa lang ng misyon ko para patayin at patahimikin ang Life Taker na ito sa mga dinulot niya sa paaralan namin.
Umihip nang napakalakas na hangin. Nararamdaman ko na. Lalabas ka rin. Nagkunwari akong walang malay kaya bumagsak bigla ang katawan ko. Narinig kong tinawag ni Metria ang pangalan ko pero nag sign ako sa kanya na okay lang ako at maghanda siya. Siguro naintindihan naman niya 'yon kaya nanatili siyang nagtatago doon.
Ilang saglit lang nakaramdam ako ng mga haplos sa aking ulo. Tila pinapakiramdam din ako. Ilang ulit niyang ginawa ang paghaplos sa ulo nang dumampi ang kamay niya sa leeg ko ay hindi na agad ako nagpatumpik tumpik pa. Minulat ko na agad ang mga at bumangon. Agad hinawakan ng dalawang kamay ko ang leeg niya at nakipagtitigan ako rito.
Hindi ko ito makita ang mukha niya dahil sa belong nakaharang dito. Inaabot din niya ang leeg ko. Pero nilalayo ko ito. "METRIA!" Sinigaw ko ang pangalan nito.
Pinilit kong tanggalin ang belong nasa mukha niya. Nagawa ko naman. Hindi na ako magugulat sa mukha niya. Nakakadiri. Nakakasuka! Pero kailangan kong labanan ang isang ito. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa leeg niya at kinuha ko ang kwintas ko sa leeg ko at itinapat ito sa mukha niya. Tinitigan niya ito pero bigla siyang nagtakip nang kanyang mga mata. Tila nasilaw ang mga ito.
Nakita ko si Metria at nakita ko ring hawak hawak niya ang pulang punyal. Tila may sinabi pa siya sa punyal bago niya ito idikit sa noo nang matandang babae. Binitawan ko ang leeg ng matandang babae at hindi na ito mapakali.
Nagkakaroon ng usok sa buong katawan niya at tuluyan itong nalulusaw. Sumigaw pa ito na hindi kami mabubuhay hangga't hindi namamatay ang anak niya. Pwes dahil wala na siya. Madali na lang para sa amin mapatay ang Life Taker.
Unang misyon pa lang namin ito ay tapos agad. Ang Life Taker na lang.
Nalaglag sa sahig ang pulang punyal pagkatapos malusaw ng matandang babae at maglaho. "Magaling." Sabi ni Metria na agad namang kinuha ang punyal at inilgaya sa bulsa. "Hindi ko aakalain na itong punyal lang pala ang makakatalo dito."
Napakadali ng misyon namin. Hindi namin alam na gano'n pala kabilis ang magiging misyon namin dito sa Mother Taker na ito, ibigsabihin ba nito madali na rin naming matatalo ang Life Taker? Hindi ako nakakasigurado pero may tiwala ako sa kakayahan namin ni Metria.
Ngumiti siya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan napangiti rin ako sa kanya. Pero hindi pa dito natatapos ang lahat. May mas matindi pang darating.
Nagkaroon ng malakas na pagkalabog ang buong paaralan para magimbal ang lahat ng estudyante. Muling nagsara ang mga silid nito. Nagkahulo ang mga paligid. Tila umuga ang lupa sa pangyayaring iyon kaya napakapit na lang din ako kay Metria. Kakaiba iyon dahil sobrang tindi ng isang 'yon.
"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Metria.
"Hindi ko alam, pero senyales ata iyon na nawala na ang nanay ng Life Taker at umalog ang lupa siguro'y umabot na sa kanya ang mensaheng wala na ang kanyang magulang."
Napahawak ako sa ulo ko at ito na naman ang pakiramdam kong nahihilo. Agad akong sinalo ni Metria upang hindi ako bumagsak sa sahig.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot. Masakit ang ulo ko. Biglang huminga ako nang malalim, hindi ko alam pero ang sakit sa loob. "Teka?!" Nag iba ang paningin ko at tuluyan din itong pumikit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro