Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Letter

Bago ang lahat, gusto ko magpasalamat Kay Khrixxstories sa magandang cover na ginawa niya para sa kwentong ito. I appreciate your work, bb. Just continue your doing. Sa mga gustong magpagawa I'll recommend her. Thanks a lot ♥♥

Shaira's POV

Nasa paaralan ako ngayon at nakaupo lamang sa tabi ng bintana. Hindi pa dumarating ang susunod naming guro para sa umagang ito. Kukunin ko na sana ang aking earphone upang makinig na lamang ng musika ng may kumalabit sa akin.

"Shaira, may lesson ka ba sa filipino yung kahapon?" Tanong ng isang kaklase kong babae.

"Oo, mayro'n, kunin ko." Sabay halungkat ko sa aking bag ng mapansin kong may tumatawag sa cellphone. Nang nakita ko na 'yong notebook ko ay agad ko ring ibinigay ito sa kanya.

"Salamat, kopyahin ko lang." Tumango na lamang ako sa kanya at tinuon ang sarili sa aking cellphone na may 20 miss call na pala galing kay mama. Bigla ako nakaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayon.

Nakita ko sa screen na tumatawag na ulit si mama at sinagot ko kaagad ito.

"H-hello, ma?" May kung ano akong nararamdaman sa aking dibdib kaya naman napahawak ako roon.

"A-Anak, si S-sara ang kapa---" Hindi ko na agad pinatapos si mama dahil ramdam kong umiiyak ito.

"Nasa ospital po kayo, ma? Papunta na ko riyan." Sabay pinatay ko na ito at nagmadaling inayos ko ang mga gamit ko.

Ako si Shaira at may kakambal ako hindi maipagkakaila na magkamukhang magkamukha kami ng kapatid kong si Sara. Mas matanda ako sa kanya ng limang segundo at may sakit ang kapatid ko sa puso at palala ng palala na ito.

Nagmadali akong lumabas ng gate at pumara na rin ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nanginginig ang mga kamay ko habang pasakay dahil sa labis kong nararamdaman. Natatakot ako para kay Sara hindi ko kayang mawala ang kakambal ko.

"Miss, andito na tayo." Nagbayad agad ako at bumaba.

Dali dali akong pumunta sa loob ng ospital. Lakad at takbo ang ginawa ko hanggang sa makita ko si mama na nakaupo at inaalo ni papa. Lumapit ako sa kanila at napaangat si mama ng tingin sa akin at agad akong niyakap. Hindi ako makapagsalita dahil naiiyak na rin ako bigla ako napatingin na kung nasaan si Sara. Nasa OR ito at chinicheck ng mga doctor. Kinalas ni mama ang pagkayakap sa akin at umupo. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo.

"Anak, p-pagkaalis na pagkaalis mo ay b-bigla na lamang nahirapan huminga at na-nahimatay si Sa-Sara." Biglang iyak ni mama. Tumabi na ako kay mama at inalo na sakto naman lumabas na ang doktor.

"Pwede po ba kayo makausap sa opisina. Ililipat na rin ang pasyente sa isang kwarto." Sabi ng doctor pakiramdam ko hindi maganda ang sasabihin nito.

"Sige po, dok." Sagot ni mama at tumingin sa akin.

"Shaira, ikaw na muna magbantay sa kapatid mo." Tumango na lamang ako.

Maya't maya ay nailipat na sa isang kwarto ang kapatid ko. Naaawa at nasasaktan ako para sa kapatid ko. Payat na ito at namumutla ang mga labi. Hinawakan ko ang kamay nito.

"Sara, gumising kana nandito na si ate." Hindi ko mapigilang maluha.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mama na umiiyak at matamlay si papa.

"Ma? Pa? Anong sabi ng doktor?" Tanong ko agad sa kanila.

Lumapit sila kay Sara at hinalikan ni mama sa noo si Sara. Nakatitig lang ito sa kapatid ko kaya kay papa ako bumaling.

"Malala na ang sakit ng kapatid mo at maliit na lang ang tiyansa niyang mabuhay kaso hanggang ngayon wala pa kaming makita." Sagot ni papa.

"Anong ibig ninyong sabihin?" Takang tanong ko.

"Kailangan ng panibagong puso ngunit 50/50 din makasurvive ang kapatid mo."

"Bakit ngayon niyo lang nasabi ito?" Napatayo na ako.

"Anak, pasensya na ayaw sabihin ng kapatid mo at baka raw may gawin ka." Tingin sa akin ni mama.

"Ma, papayag ako ibigay ang lahat para sa kakambal ko kahit kapalit ang buhay ko." Handa kong ibigay ang puso ko para sa kapatid ko kung ito na lang ang paraan. Nagpaalam ako kina mama na uuwi muna ako sa bahay.

Noong nasa kwarto na ako ay napahiga na lamang ako at naiyak. Kaya ko isuko ang lahat para sa kapatid ko. Lagi siyang home study dahil sa kanyang kalagayan at hindi siya nakaranas na mag-aral sa isang public school. Wala siyang mga naging kaibigan dahil lagi lang ito naa bahay. Nais ko maranasan niya ang mga nararanasan ko sa labas. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Sara's POV

"Ito nga pong white roses isang balot." Bago ako pumunta sa puntod ay bumili muna ako ng paborito niyang bulaklak. Nang matanggap ko ito ay agad kong inamoy at napangiti. Agad akong dumiretso na sa puntod ni Ate.

Shaira Mae T. Cruz
March 12, 19**
June 1, 20**

Napaluhod na lamang ako at umiyak dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Ito ang unang pagkakataon na dumalaw ako sa puntod niya.

"Ate? Bakit? Bakit?" Naluluha kong tanong. Hindi ko kinaya namimiss ko na ang kakambal ko. Buong buhay ko siya lang ang naging bestfriend ko, kasama ko sa lahat.

Anim na buwan na ang nakalilipas ng muling nagising ako at hinanap si ate ng hindi ko siya makita. Sinabi nila mama na nagpaubaya ito kahit kapalit pa ang buhay niya. Hindi ko natanggap agad iyon at umiyak lang ako ng umiyak.

Dapat ako yung wala rito! Dapat ako ang nandiyan! Ako dapat. Ako. Labis ang pighati ng nararamdaman ko.
Binuksan ang aking bag at kinuha ang letter na iyon.

Basahin mo ito pag ok kana, Sara.

Iyon ang nakalagay sa likod ng sulat. Kahit hindi pa ako handa na basahin ito pero para sa kakambal ko gagawin ko.

Kambal,

Alam ko kapag nabasa mo ito ay wala na ako. Naaalala mo noon nung tumakas tayo? Para lang mamasyal ka? Nabangga ka ng isang batang babae at inaway ka bigla pero hindi ka lumaban alam ko na mabait ka at hindi mo kayang patulan yun. Simula nun sabi ko sa sarili ko na ipagtatanggol kita. Gagawin ko ang lahat para sayo kahit buhay ko Sara. Alam kong alam muna kong saan ito patutungo ibinigay ko sa iyo ang puso ko dahil mahal ka ni Ate ok? Huwag mo sayangin ang pagkakataon dahil gusto kita maging masaya mas lalong hindi ako magiging masaya pag nawala ka. Mas gusto ko pang ako na lang, masaya na ako Sara kaya naman alagaan mo puso ko, sila mama at papa alagaan mo ah? Wag matigas ang ulo sa kanila. Pakisabi sa rin na mahal na mahal ko sila kahit wala na ako andiyan pa rin ako. Andiyan ang puso ko para sayo. Paalam na kambal tandaan mo lagi akong nasa tabi mo gagabayan kita. Mahal na mahal kita, kambal.

Shaira,

--°--
N/A:
Bigla ako nakaramdam ng lungkot pagkatapos kong gawin ito. Sana nagustuhan niyo. Share your thoughts about my story! ♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro