Chapter 2
"Mahal ko, salamat! Napakaganda niya."
May naramdaman akong mainit na bagay na dumapo sa noo ko.
Nasaan ako? Ang huling naalala ko hinigop ako ng lumang libro! Nanghihina rin ang katawan ko. Gusto ko na lang matulog.
Tinangka kong imulat ang mata ko pero agad ko rin itong ipinikit dahil sa nakasisilaw na liwanag.
"Anong ipapangalan natin sa kanya?"
Sino ba itong dalawang ito? At bakit sa tabi ko pa talaga sila nag-uusap?
"Zevphera..." Teka, pangalan ko 'yon, ah! "...habang ipinagbubuntis ko siya. Lagi kong napapanaginipan ang pangalang 'yon."
Kahit nahihirapan muling minulat ko ang mga mata. Bumungad sa akin ang isang magandang babae. Para siyang isang diwata. Ang ganda rin ng outfit niya.
"Napagandang pangalan, Mahal ko! Bagay na bagay sa kanya!" Nalipat ang tingin ko sa isa pang nagsalita. Isang lalaking may matipunong pangangatawan at may suot na armor.
He looks like a warrior.
"Tinitigan ka niya, Mahal ko." Nakaramdam ako ng sandaling pagkahilo. Binuhat niya ako!
"Zevphera, ako ang iyong ama. Mamahalin kita at poprotektahan sa lahat. Walang makakanakit sa 'yo."
I eyed my body. Small hands, small fingers, my toes!
"Ah!" I want to shout but instead I heard a baby's cry.
"Tahan na. Tahan na..."
Damn, did I turned into a baby?
"Naglalakad ka na?" Napapikit ako nang maramdaman muli ang magaspang niyang balbas habang pinupuno ako ng halik.
Labis ang kasiyahan niya. Pero sana mag-ahit man lang siya! Magkaka-rashes pa ata ako sa tuwing uuwi siya at hahalikan ako.
I just accepted my fate here-that I turned into a baby in a world inside the ancient book, or whatever world I seem to be in right now.
Pagod na rin kasi akong gawin lahat para makabalik. Wala namang nangyayari.
"Mahal ko, tingnan mo! Naglalakad na si Zevphera!"
"Huh? Imposible!" Kita ko ang gulat ng aking ina.
Well, that's what you get for having a baby that's from a different dimension.
In this world. General Agnus Balantagi is my father. He is one of the most prominent and respected generals of Ancard, and currently guarding the border from enemies. While my mother is Princess Heram, the 4th daughter of the Emperor.
"Anim na buwan pa lang siya pero naglalakad na! Mahal ko, malakas siya! Namana niya ang lakas ko bilang isang heneral!" Napatakip ako sa tenga sa lakas ng halakhak niya.
You're taking the credits again! I want to shout at him. Sad is that I can't still talk.
Isang taon naman ako nang makaya ko nang magsalita ng diretso. Ganoon din na basahin ang mga aklat na nasa bahay.
I don't know what's happening too that I'm developing faster than my age.
Doon ko rin napansin na ang dating tuwang nararamdaman ng magulang ko tuwing may ipinapakita akong kahanga-hanga ay napalitan ng takot at pangamba.
"Mahal ko, natatakot ako. Ang anak natin kakaiba siya. Hindi siya ordinaryong bata gaya ng mga kaedaran niya. Paano kung malaman ito ng mga kapatid ko at kumalat ito sa palasyo? Siguradong kukunin siya sa atin o pwede ring ituring siyang malaking banta sa trono. Siguradong papatayin siya!"
What the! Is being intelligent and gifted a crime here?
"Huwag kang mag-alala, Mahal ko. Hindi ko hahayaang mangyari 'yan."
Nagpanggap akong tulog kanina dahil nakita kong may kakaiba sa kinikilos nila. Mukhang kailangan ko munang magpanggap at kumilos nang naaayon sa edad ko.
"Sasanayin ko siya para maprotektahan niya ang kanyang sarili."
Tinupad niya ang sinabi niya dahil pagdating ko ng edad na limang taon ay palihim na niya akong sinasanay humawak ng mga sandata.
"Hiyah!" sigaw ko habang ginagaya ang paghawak at pagwasiwas niya ng espada.
Maliit na gawa sa kahoy lamang ang sa akin dahil hindi ko pa mabuhat ang totoong espada.
Strikto siya sa pag-ensayo niya sa akin. Tila hindi niya ako anak kapag ini-ensayo niya ako. Na para rin akong isang sundalo.
"Oh siya! Tama na muna 'yan at basang-basa na siya ng pawis." Agad na lumapit sa akin ang napakaganda kong ina at pinunasahan ang pawis ko sa likod.
Tinitigan ko lamang siya habang pinupunasan ako.
Her gentle eyes and loving voice.
I never felt or experienced that in my world. I matured young because of how cruel my life is. I never grew up having parents who cared for me and loved me.
So now that I'm experiencing it, it seems surreal.
I'm just confused. I thought at first I was put in another baby's body in this world, but this is actually how I looked when I was a kid.
Did the book just let my body become a baby and experience the normal stages of life? Backing me into zero and not just putting me here as the 23-year-old woman that I am.
Tinuruan niya rin akong pumana at gumamit ng kalasag. Sa tuwing bumabalik siya sa border ay nag-iiwan siya ng mga bagay na gagamitin ko para mag-ensayo at ipapakita ko ito sa kanya pagbalik niya.
"Mahal, napakagaling ng anak natin. Gusto ko balang araw maging heneral din siya at siyang hahalili sa akin sa paghawak ng Hukbong Sikwat."
"Pero babae siya! Akala ko ba tinuturuan mo lamang siya para ma protektahan ang kanyang sarili? Hindi ako papayag na maging sundalo siya!"
"Paano kung gusto niyang maging sundalo? At ano naman kung babae siya? Kung ganoon, gagawin ko siyang kauna-unahang babaeng heneral!" The way he said it proudly while his eyes glow with happiness makes my heart soft.
My father thinks highly of me.
"Mahal ko, ang kanyang katawan at utak ay isang katangian ng isang magaling na heneral balang araw. Bata pa siya pero ang kanyang kakayahan ay kaya ng tumapat sa isang sundalo. Siya ang kailangan ng bansang ito na magpoprotekta sa kahit sinong gustong manakop."
"Kapag ginawa mo iyan mapapansin siya ng palasyo! Mapapahamak ang anak mo!"
"Hindi siya mapapahamak kung magiging tagapagmana ko siya. Dahil mapapasakanya ang katapatan ng Hukbong Sikwat. Mabibigyan din siya ng proteksyon at hindi basta-bastang mahahawakan ng palasyo."
Pitong taon ako nang regaluhan niya ako ng totoong espada na kayang-kaya ko nang buhatin. Ganoon din na tinuruan niya akong sumakay ng kabayo at
makipaglaban habang nakasakay nito.
"Mahusay, Zevphera!" Pumalakpak siya nang makitang lahat ng target ay natamaan ko.
When I was in the syndicate, and they trained me. I'm the best when it comes to shooting; that's why learning to shoot arrows has become an easy task for me. I've never missed a target and always bullseye.
"Kung may tatlong daang sundalong hawak ang kalaban at isang daang sundalo lamang ang hawak mo? Anong gagawin mo para protektahan ang border?"
"Hihingi ako ng backup." Ngumiti ako.
"Back up?"
"Ibig kong sabihin ay hihingi ako ng iba pang pangkat ng sundalo para tumulong."
"Paano kung walang tumulong?"
"Edi aatras na lang kami." Malakas siyang tumawa sa sagot ko at ginulo ang buhok ko.
"Maraming bagay ang kailangan mong isaalang-alang kapag gagawa ka ng desisyon. Hindi pwedeng ganoon na lang ay aatras ka na. Mawawalan ng respeto ang mga sundalo sa 'yo at iisiping ang kanilang heneral ay isa lamang duwag."
"Ama, ano rin ang gagawin ko? Kasi kulang kami siguradong matatalo kami."
"Hindi porket kaunti kayo ay siguradong matatalo na kayo. Dapat gagawa ka ng paraan para isipin ng kalaban na marami pa rin kayo. Unang-una, ay hindi mo ipapakita na dehado ka sa laban dahil kapag ganoon mas lalakas ang kumpyansa nilang sumugod. Maraming mga buhay ang nakasalalay sa 'yo kapag naging heneral ka kaya dapat ang bawat desisyon mo ay nakatutulong sa nasasakupan mo." Is he teaching me his knowledge for war?
"May ibibigay akong libro. Basahin mong mabuti." Kuryoso kong tiningnan ang binigay niyang maliit na libro.
Walong taong gulang ako nang sa wakas ay na master ko na ang paggamit ng mga iba't-ibang sandata sa pakikipaglaban. Ganoon din ang mga techniques sa pakikipaglaban.
"Magaling!" My father shouted with joy when I finally defeated him for the first time.
Nakaluhod siya habang ang talim ng espada ko ay nasa leeg niya. Alam kong hindi siya nagpatalo at totoong laban ang binigay niya sa akin dahil sa ilang ulit na naglaban kami itinuring niya akong kalaban.
He's so strong and ruthless that even with my small body, he fights me with all his force.
"Normal lang ang pagkatalo ang mahalaga ay may natutunan ka." Lagi niya iyong sinasabi sa akin.
I really trained hard. I observed and examined his techniques; how did I lose to him? What do I lack, and how will I counter his attack next time we fight?
Until I finally mastered his moves and knew how to counter him, that's the reason he lost today.
"Gustong-gusto mo talaga akong maging heneral?"
"Syempre! Gagawin kitang kauna-unahang babaeng heneral paglaki mo!" he said proudly.
"Matayog masyado ang iyong pangarap para sa akin."
"Dapat lang! Dahil anak kita!"
Before he trained me seriously, he asked me what I wanted to be in the future. I like that even though he wanted me to be a general like him, he still asked me.
"Kung ayaw mong maging heneral o sundalo. Isa ka namang prinsesa pwede kaming maghanap ng nababagay sa iyong lalaki para iyong pakasalan."
In this world, women don't get enough credit, importance, and respect compared to men. The beliefs here are much of a misogyny. What makes me genuinely happy is that he never belittles me and has never shown disappointment since I was born a woman.
"Ayaw kong ipakasal at manatili lamang sa bahay upang pagsilbihan ang asawa."
Hindi ko alam kung kailan ako makababalik sa mundo ko kaya kung tadhana ko rito ang maging isang mandirigma bakit hindi?
And this time, I'm killing in order to defend and protect my country. Not through an order and getting paid for the crime.
"Tinatangap mo rin ang hiling kong ikaw ang humalili sa akin balang araw at maging ganap na Heneral ng Ancard?" Tumango ako. Agad niya akong niyakap.
"Masayang-masaya ako, anak ko!"
But all my father's plans for me shattered into pieces that night.
Naalimpungatan akong buhat-buhat ng aking ina papasok sa isang sikretong kwarto.
"Ina, ano pong nangyayari?" Umiiyak ito at halata ang takot.
"Dito ka lang. Huwag na huwag kang lalabas."
"Patayin silang lahat! Walang ititira!" rinig kong sigaw kasabay nang mga malakas na mga yabag.
"Ina! Saan ka pupunta?" Napakapit ako sa damit niya para pigilan siya.
"Laban namin ito ng iyong ama. Sasamahan ko siya hangga't huling hininga ko."
"Kaya ko ring lumaban, Ina. Sasama rin ako!"
"Hindi pwede! Marami sila! Dito ka lang, Zevphera. Ipangako mong mabubuhay ka! Kailangang mabuhay ka!" At tuluyan na niya akong tinalikuran.
Rinig na rinig ko mula sa kwartong pinagtataguan ko ang mga sigaw at kalansing ng mga armas. Gustong-gusto ko nang lumabas pero ang dami nila. Hindi kakayanin ng musmos kong katawan ang ganito karaming kalaban.
May mga bantay din kaming sundalo rito sa bahay pero wala silang laban dahil iilan lang sila. Dahil simula nang mag-ensayo na ako tanging mapagkakatiwalaan lang ni Ama ang natirang nagbabantay sa amin. Ang iba ay ipinabalik niya sa border upang mapanatili ang lihim tungkol sa akin.
I felt so helpless. Yakap-yakap ko ang regalo sa aking espada.
Nang may makita akong butas sa silid ay sumilip ako mula rito. Napatakip ako sa bibig nang makita ang ama at ina kong kapwa nakaluhod.
"Heneral, alam mo naman siguro kung bakit kami nandito. Nasaan ang disenyo ng makabagong armas?"
I remember when my father was creating a new weapon for war, and I found it while playing. It's a little connected to a gun, so I taught him how to draw its parts.
I didn't know it would put our lives at risk.
"Wala akong alam sa pinagsasabi niyo!"
"Sinungaling! Nasaan na?"
"Wala kayong makukuha sa akin!"
"Patayin sila at halughulugin niyo ang buong lugar!"
I saw with my own eyes how they slashed my mother and father's bodies. They murdered them mercilessly. It broke my heart.
So, this is how it feels to lose someone you love and treasure. I know it now, and it's painful.
"Nasaan ang bata? Hanapin niyo!"
"Isang hamak na batang babae lang ang anak ni Heneral Balantagi. Wala iyong laban. Hayaan niyo na."
"Hindi pwede! Nahihibang ka ba? Ang utos sa atin ay patayin silang lahat. Baka may alam ang batang 'yon sa armas na inimbento ng ama niya. Kailangan mapasakamay natin iyon!" Ilang beses pa silang nag-ikot pero hindi nila nahanap ang pinagtataguan ko.
Nang sa wakas ay masigurado kong umalis na sila ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa mga magulang kong naliligo nang sarili nilang dugo.
"Ama! Ina!" Sa dami nang pinagdaanan ko. Kahit noong nasa sindikato ako at pinaparusahan, hindi ako kailanman umiyak dahil para sa akin pagpapakita iyon ng kahinaan.
Pero ngayon sa unang pagkakataon. Hinayaan ko ang walang tigil na pagtulo ng mga luha ko. Habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ng dalawang taong walang ibang ipinaramdam sa akin kundi pagmamahal.
Napakuyom ako sa kamao. "Igaganti ko kayo!"
Kapag nasa tamang edad na ako hahanapin ko ang mga taong gumawa sa kanila nito. Magbabayad sila sa ginawa nila.
Sinabi ng matandang iyon na may ibang mundong mas bagay sa akin. Ito na iyon! Pero bakit ang sakit?
"Tanda! Binigyan mo nga ako ng magulang sa mundong ito pero bakit namatay rin sila?"
Ano ba talaga ang purpose ko sa mundong ito? Bakit ako napunta rito?
Shels<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro