Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Year 2024

"Hey, sexy! Are you alone? Come dance with me!" Umiling lang ako at ininom ang order kong tequila.

Kararating ko lang kanina dito sa bar pero ang dami na agad nagtangkang lumapit sa akin. Hanggang makaupo ako at makapag-order ng drinks kinukulit pa rin ako.

Too bad, I can't play right now. I'm here for someone. I roamed my eyes. Mukhang nasa vip room pa siya.

With my charm tonight that old hag would definitely notice me.

Napangiti ako nang makita siyang palabas na sa vip room kasama ang ilang mga kaibigan niyang business man. Umupo sila malapit sa mga nagsasayawan.

Mr. Alfredo Chu is a prominent Filipino-Chinese businessman and active philanthropist who is hiding his real dirty business of human trafficking, sex exploitation, and drugs.

I'm monitoring his movements for days. His my last target before my break. Mahirap din kasi siyang lapitan. He's always surrounded by securities.

Dito lang sa bar na tingin ko ay mapapadali kong makuha ang atensyon niya.

Hindi na ako makapaghintay na matapos ito. Tila naaamoy ko na nga ang dagat sa sobrang excitement. Gustong-gusto ko nang magbakasyon.

Tumayo na ako. Sinadya kong dumaan sa harap nila papunta sa dance floor.

I danced sexily on the dance floor. I'm wearing a red body-skimming dress that molded my body perfectly.

The dress is definitely perfect for my seduction tactics tonight.

Napangiti ako nang makitang nakatingin na ang grupo nila sa pwesto ko. Sumayaw lang ako.

I let my body consumed me with the wildness of music. I sway my hips sensually while flexing my long legs.

Nang maramdaman kong sumisikip na ang pwesto ko sa dance floor ay naglakad na ako pabalik sa table ko. Naiinis na rin ako sa mga lalaking pasimpleng tsansing sa akin.

I crossed my legs and drank my tequila while pretending not to notice their heavy stares.

I saw him almost choke on his drink when I turned in their direction. I stared him and smiled sweetly.

Hindi nga siya nakatiis dahil hindi ko pa nauubos ang inumin ko ay nasa table ko na siya.

He immediately took the bait.

"Hi gorgeous! Wanna have another drink? It's my treat." Napatingin ako sa hawak niyang alak. Siguradong may nilagay siya doon.

"Ah, sorry, sir. Uuwi na kasi ako." Nagpanggap akong lasing na at muntik nang matumba pero agad naman niya akong inalalayan. Sinadya kong masubsob sa dibdib niya.

Tinawag niya ang isa sa mga bodyguard at sinabing uuwi na raw siya.

I smirk. It's time.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita."

Hindi ako sumagot.

"Oh, how about you come with me? I know a nice place," he whispered softly.

"Okay," pipikit-pikit kong sagot.

I could easily see the lust plastered on his ugly face while staring at my body.

"Huwag na kayo sumunod. Mauna na kayong umuwi sa bahay. May pupuntahan lang ako."

"Pero boss, sabi ni Ma'am-"

"No buts! At huwag niyo itong masabi-sabi sa kanya," matigas niyang utos. "Uuwi rin naman ako mamaya."

This ugly pig could even cheat on his gorgeous wife and target a woman who can even pass as his daughter.

Pagkapasok ko sa sasakyan niya ay nagpanggap akong tulog na. Isinandal naman niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Saan tayo diretso, boss?" rinig kong tanong ng driver niya.

His driver even looks at me with malice and desire.

"Sa hotel ko. Bilisan mo ang pagmamaneho at gigil na ako."

Hindi pwedeng makarating pa kami d'on. That will be too complicated. Kailangan dito palang sa sasakyan matapos ko na ang misyon ko.

He started caressing my back.

"Ang ganda-ganda mo. So sexy. Akin ka ngayon."

"Ahmm..." I moan. Sinadya kong ilapit iyon sa tenga niya.

That broke his control. He aggressively kissed my neck so I tilt my head for him to have easy access while I'm getting the gun that's tucked in my legs.

Lulong na lulong siya sa paghalik sa leeg ko. Tigang na tigang ang gago. Halos punitin na niya ang dress ko sa tindi ng gigil niya.

"Kissed me," he demanded. At pilit pang pinapaharap ang mukha ko sa kanya.

Iniwas ko ang mukha ko at bahagyang lumayo.

"What's the problem, baby?" Yuck!

Ngumisi ako. Namutla siya nang makita ang hawak ko.

"Kiss my gun," I said sweetly and shot him.

"Boss!" Bago pa ako mabaril din ng driver niya ay binaril ko na rin ito.

Agad akong tumalon sa driver seat para mahawakan ang manibela para hindi kami tuluyang mabangga.

Saktong nasa madilim na parte kami ng eskinita. Tinigil ko ang sasakyan at hinila siya palabas.

Buhay pa ang gago dahil sa tagiliran ko lang naman binaril.

"D-don't k-ill me! If you want m-money I c-can g-give y-ou!" Pagmamakaawa niya.

Walang emosyong tiningnan ko lamang siya.

"I don't need your money, Mr. Chu. What was ordered to me is take your life."

And I shot him again, and this time in the head.

Nanlalaki ang mata niyang bumagsak. Tumalsik pa ang dugo niya sa pisngi ko.
Pinunasan ko ito.

Sa dami na ng pinatay ko. Ni katiting na awa ay wala na akong maramdaman. Halos karamihan naman ng pinapatay ko ay masasamang tao na nagkukubli sa paggawa ng mabuti at malinis na pangalan.

Doon din naman ang punta nila. Pinaaga ko nga lamang ang meet up nila ni San Pedro.

Killing has been like a routine to me for years.

NAPANGITI ako nang makita ang asul na asul na dagat. This is my deserve break.
Napatigil ako sa pag-inom ng kape ko ng tumunog ang cellphone ko.

Cobra, the money is already deposited to your account. You can check it.

I smirk and check my account. Another 10 million pesos added to it.

10 million pesos ang katumbas ng ulo ng gagong iyon. Pakiramdam ko nga kulang pa, eh. Nakahalik ba naman ng todo sa leeg ko.

I'm in my private island right now. Pagkatapos na pagkatapos kong patayin si Mr. Chu ay agad na akong nagbyahe papunta rito.

I bought this island last year. It's so expensive that it almost cost me half of my savings.

Mula nang mabili ko ito. Once a month ay pumupunta ako dito para magpahinga.

This island is my escape to reality.

Kung ordinaryo lang sana ang trabaho ko ay pwede na akong magretire at dito manatili. Marami na akong pera pwedeng-pwede na akong mabuhay na hindi nagtatrabaho pero hindi ganoong basta-basta akong makakaalis.

I've been in the association for years; it started when I was only 13. I'm 23 already. Due to my skills, I rise up instantly as one of the most powerful assassin.

Dahil lahat ng napupunta sa aking target ay malinis kong napapatay. Wala pa akong naging palya sa mga misyon ko.

I also worked alone. That limits my interaction with other assassins in the association. They just know me by my codename, Cobra.

I am a treasured product of the association. They would protect me no matter what, but they definitely would not let me just leave and retire.

Inilabag ko ang kape ko sa sun lounger at naglakad na papunta sa dagat para makaligo.

Iniwan ko ang tsinelas ko sa pampang at lumusong na sa tubig.

Sumalubong sa akin ang malamig na tubig dagat. Lumangoy ako sa kailaliman at tiningnan ang mga magagandang corals.

Halos dalawang oras akong nagbabad sa dagat bago ako umahon at naglakad papunta sa malaking bato para doon muna maupo.

Pinagmasdan ko ang paligid ng isla. My paradise. How I wish this is my kind of life.

Nang mabagot ako ay bumaba na ako sa malaking bato para makabalik na sa bahay. Magluluto pa ako. Hinanap ko ang pinag-iwanan ko ng tsinelas ko.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko sa biglaang malakas na alon at tuluyang naabot ang pinag-iwanan ko.

"Shit!" Napakamahal ng bili ko no'n!

Hinahabol ko ang tsinelas ko nang matanaw ko ang isang maliit na bangkang inaanod.

Paano napunta ito rito?

Lumapit ako sa bangka. May nakita ako ritong matandang lalaking walang malay at duguan. May yakap-yakap din itong malaking lumang libro.

Tutulungan ko ba ito?

But as much as possible, I don't want to involve myself with other people.

Sinimulan ko nang itulak ang bangka para maanod ito sa ibang isla at may ibang taong makakita sa kanya.

"Hija..." Napatigil ako sa pagtulak.

Biglang nagmulat ng mata ang matanda. Damn! Nahuli ako!

Nagkatitigan kami.

May naramdaman akong kakaibang enerhiya na bumalot sa amin. Bigla ring sumakit ang ulo ko.

"Hija, tulungan mo ako," nanghihinang pakiusap niya.

Wala na akong nagawa at hinila na ang bangka sa pampang.

Muli siyang nawalan ng malay. Buong lakas ko siyang hinila papasok sa bahay para magamot.

Mabuti na lang may kaalaman ako sa ganitong bagay. Ginamot ko ang ilang pasa niya sa braso at binendahan ang sugat niya sa ulo. Pinalitan ko rin siya ng mas maayos na damit. Mabuti na lang at
may dala akong mga undercover shirts na panlalaki.

Mukhang malayo-layo ang nilakbay ng matandang ito. Halos durog-durog na ang damit niya.

Nagluto na rin ako para paggising niya ay makakain siya at kapag malakas na siya ay palalayasin ko na. Hindi siya pwedeng magtagal dito. Okay na siguro na tinulungan ko siya.

"Kumain na po kayo." I handed him the spoon and the hot soup.

"Salamat, hija. Ang bait mo. Swerte pa rin ako at nakatagpo ako ng taong napakabuti ng puso."

Mabait? Mabuti? Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na may magsasabi niyan sa akin.

I'm not kind. I've never been kind. Kindness has never been shown to me since I was born, so why would I be kind?

Natagpuan ako sa basurahan dahil itinapon ng sariling magulang. Inampon ng isang sindikato. Nabuwag ang sindikato. Napunta ako sa asosasyon ng mga mamatay tao.

That's how cruel my life is.

I kill. They pay me. In this world, money is the most important. Kindness would not make you live.

Kung mahina ka, mamatay ka.

Kung hindi nga siya nagising hindi ko naman siya ililigtas.

Hindi ko pa naman siya pinapalayas pero nagulat ako nang maubos niya ang sopas ay tumayo na siya at nagpapaalam na.

Tila wala na siyang iniindang sakit. Ang lakas-lakas na niya.

I offered him one of my boats since sira na nga ang bangka niya. Tinanggap niya naman ito.

"Salamat, hija. Napakabuti mo talaga. Nga pala, kunin mo ito bilang pasasalamat ko sa pagligtas mo sa akin."

He handed me the old book that he was hugging when I found him. It must be too precious for him.

Kaya hindi ko maintindihan bakit binibigay niya sa akin ngayon.

Umiling ako. "Huwag na po. Hindi niyo naman ako kailangang bigyan ng kahit ano."

"Pero matalino ka. Napakalakas at matapang din. Kaya nararapat na ikaw ang pagbigyan ko ng librong ito kaya tanggapin mo na."

What does he mean by that? And how would he know it?

Napakunot-noo ako. "Anong ibig niyong sabihin?"

Tumawa siya. "Matagal na akong naglalakbay. Marami na akong nakasalamuhang tao sa iba't-ibang panahon pero pili lamang ang mga taong katulad mo. Hindi ka nababagay sa mundong ito. May mas magandang mundo para sa 'yo."

I don't get it. May sira pa ata siya sa utak.

"Kunin mo ito. Ito ang magbabago sa kapalaran mo." Wala na akong nagawa at tinanggap ang libro.

Napangiwi ako. Ang bigat naman nito!

"Darating din ang araw magbabago ang mga pananaw mo sa buhay," makahulugang sabi niya at tuluyang sumakay sa bangka.

Nakangiting kumaway siya sa akin. Pinanood ko lamang siya habang papalayo ang sinasakyan niya.

That old man is weird and creepy.

Ano bang meron sa libro na 'to?

It looks like one of those ancient books found in museums.

Sabi niya, ito raw ang magbabago sa kapalaran ko. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. Baka dahil dito malasin pa ako.

Itapon ko na lang kaya ito sa dagat?

Kaso pwede ko pa itong ibenta sa mga collector at antiquarian. Pero bago ko gawin 'yon, titingnan ko muna syempre kung anong mga nakasulat dito.

Lumang-luma na ang libro at tila ang tigas-tigas pa ng mga pahina na parang ilang dekada nang hindi nabubuksan.

Napakahigpit ng taling nakapaikot sa libro. Buong lakas kong binaklas ito para tuluyang mabuksan.

Nang sa wakas ay nabuksan ko ito ay sinalubong ako nang nakabubulag na liwanag.

"What the!" Nabitiwan ko ito sa gulat.

The book floated in the air and flipped its own pages. I see drawings of different historical characters: warriors, slaves, princes, princesses, and emperors.

I don't believe in paranormal events but that's the only explanation of what's happening right now!

Ganoon na lang ang takot ko nang unti-unting papalapit sa akin ang libro. Tinangka kong tumakbo pero tila may malakas na pwersang nagkokontrol sa katawan ko. Hindi ako makagalaw!

"Ah!" Napasigaw na lamang ako nang tuluyan na ako nitong higupin.

Shels<3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro