Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XXVI | Fears

Cesia's POV

"Kung pwede lang sana, dito nalang ako manirahan..." sabi ko sa mga bulaklak na pinitas ko kaninang umaga at ngayo'y maingat nang nakalagay sa flower vase. "Ang ganda naman kasi dito..."

Napalibutan ng malalawak na hardin ang Arcadia, at ang bawat bahay at gusali rito ay hugis-templo na gawa sa maputi at makintab na marmol. Sa pagkakaalam ko, hindi rin umuulan dito. Laging maaliwalas, maliban na lang kung may bumibisitang may kakayahang magpaulan, gaya ni Trev.

"Mas maganda dito kapag walang masusungit," bulong ko sa sarili matapos kong maalalang sandaling nagdilim ang Arcadia dahil sa galit ni Trev. Ewan ko ba kung anong kinainisan niya kanina. Nakalimutan ko na, sa dami ba naman ng mga bagay na posibleng makakagalit sa kanya.

"Ria!" Umalingawngaw ang aking boses sa malawak na kwarto.

Apat na kwarto ang inihanda ni Ariethrusa para sa'ming Alphas, at si Ria ang roommate ko. Simula nang makarating kami rito, napansin kong sa CR na siya laging nagtatambay, ma-umaga, hapon, pati na sa gabi. Pero hindi ko siya masisisi, sobrang ganda kasi ng CR nila. May dalawang bathtubs, isang malaking jacuzzi, at sauna. May pader din na gawa sa salamin, kaya pwede kang mag-sightseeing sa tanawin ng Arcadia habang naliligo.

Syempre, bago kami maghubad at lahat, tinignan muna namin kung may makakakita ba sa'min, at nalamang normal na pader lang pala na gawa sa marmol ang itsura ng salamin kapag tiningnan mula sa labas.

Di kaya nakatulog 'yon? tanong ko sa sarili nang wala akong natamong sagot mula kay Ria. Magdadalawang oras na kasi siyang naliligo mula nang magising kami.

Tumayo ako at dumako sa pinto ng CR.

"Ria?" sambit ko sabay lapat ng aking tenga rito.

Ilang sandali pa'y kumatok ako, at dahil wala pa rin akong naririnig mula sa loob, napagdesisyunan ko nang pumasok.

Napangiti ako nang madatnan si Ria na nakababad ang katawan sa bathtub. Pinalibutan siya ng mga bula na kakaiba ang kulay—matingkad na orange. Nakasuot din siya ng face mask habang nakapikit, at bahagyang nakaawang ang kanyang bibig.

Nabahiran ng alala ang aking ngiti nang makita ko sa gilid ng tub ang umaapaw na tubig.

Nakalimutan niyang patayin 'yong gripo, kaya ako na ang gumawa nito.

"Ria?"

Saglit na kumunot ang kanyang noo bago siya lumingon pataliwas sa'kin. Naintindihan ko ito bilang senyas na ayaw niyang magpaistorbo.

Napangiti ulit ako at lumipat sa bakanteng bathtub. Binuksan ko ang gripo nito, at sa tabi, nakahanda sa isang maliit na mesa ang ilang gamit pangligo—sabon... shampoo... hair mask...

"Hmm..." Nakanguso ako habang namimili ng gagamitin.

Sa huli, nagpatak ako ng 'Lavender Essence' sa tubig at agad namangha nang magsimulang mamuo ang napakaraming bula. Unti-unti rin itong nagkakulay—lavender, isang malambot na purple na may kaunting blue.

Nilingon ko si Ria at nang mapagtantong tulog pa rin siya, dali-dali akong naghubad at humahagikgik na pumasok sa bathtub.

"Wah..." Para akong bata na manghang-mangha sa konsepto ng mga bula.

Nakangiti ko itong pinaglaruan—bumuo ako ng mga tower na hinipan ko rin para sirain. Natawa ako nang mahina habang inuulit-ulit ang ginagawa ko, at nagpigil ng halakhak nang damputin ko ang isang kumpol ng bula at ipinatong ito sa aking ulo.

"Citrus and lavender smell good together, don't they?"

Mabilis akong lumingon kay Ria na hindi ko namalayang gising na pala. Nakapatong ang kanyang magkabilang braso sa gilid ng tub habang nakamasid sa'kin, tila naaaliw dahil sa suot niyang ngiti.

"Nagising ba kita?" tanong ko.

Umiling siya.

Nginitian ko rin siya. "Ang bango nga kapag pinagsama 'yong dalawa..."

Pero hindi lang 'yan ang napansin ko, dahil pamilyar din sa'kin ang bangong ito.

Agad na sumagi sa isip ko ang hitsura ng lalaking'yon—'yong palaging nakasimangot.

Di kaya lavender 'yong perfume o cologne na gamit niya?

Bahagya akong napayuko ng ulo at napangiti nang maalala ang bawat sandaling malapit ako sa kanya... as in... sobrang lapit... katulad nalang no'ng magkatabi kami...

"I was wrong," biglang sabi ni Ria dahilan para mapatingin ako sa kanya. "You two seem to be closer than I thought..."

Kumisap-kisap ako, hindi alam kung anong tinutukoy niya. "Hmm?"

"You..." Pinaningkitan niya ako habang nakangisi, tila may masayang hinihinala. "You and Trev got along quicker than we expected."

"Got along ba ang tawag d'on?" tanong ko, takang-taka rin sa sarili kung bakit nagsimulang mang-init ang aking magkabilang pisngi.

Sinubukan kong pigilan ito pero—Shoot! May napapansin ba si Ria sa'kin?! Halata ba ako? Teka— napatigil ako. Halatang ano? Napatigil ulit ako. Ba't bigla akong kinabahan?

Napahawak ako sa aking mukha.

Oh, Gods. Anong nangyayari sa'kin?

Mahina akong tinawanan ni Ria. "Nevermind." Sumandal siya sa tub at magaang napangiti sa tanawin ng Arcadia. "I think this place is beautiful..."

Napaharap din ako rito. "Alas otso na ng umaga," sabi ko pagkatapos makita ang malaking sundial sa gitna ng isa sa mga hardin, at mayamaya'y mabagal na napabuga ng hangin, sabay sandal sa tub. "Andaming magagandang lugar sa realm na'to..."

"This is who you are now," paalala ni Ria. "Who we are."

Pumikit ako. "Pero 'yong totoo, masaya lang ako rito kasi kayo ang kasama ko..."

"Cesia..."

Muli akong napabukas ng mga mata dahil sa hina ng boses na ginamit ni Ria. Nakakapanibago ito.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Your mom is the goddess of love..." aniya. "And love, they say, will always overcome fear..."

Kumunot ang aking noo sa unti-unting pagbigat ng damdamin sa aking dibdib—damdaming hindi ko kayang maipaliwanag dahil hindi ko alam kung saan ito galing.

"What do you think of it? Fear?" tanong niya. "Do you think it's okay to have them? To be scared? Even if we don't want it?"

Matagal ko siyang tinitigan.

"Natanong mo ba 'yan kasi anak ka ni Ares?"

Bago pa man siya makasagot, umusog ako palapit sa kanya at inabot ang aking kamay. Sinenyasan ko siyang hawakan ito, at ginawa naman niya. Pero saglit lang, dahil muntik siyang napaigtad nang kumislap ang aming mga palad.

"Di ako nangunguryente," natatawa kong sabi.

"What—" Naguguluhan niya akong tinignan.

Sinenyasan ko ulit siya na hawakan ang kamay ko.

Halatang nag-alinlangan siya no'ng una, pero sa huli, ginawa niya ulit ito. Sa pangalawang pagkakataon, wala nang lumitaw na kislap sa aming mga palad, dahil pinaramdam ko ito sa kanya—ang kapangyarihan ko, ang kakayahang maghanap at bumuo ng koneksyon.

Malakas siyang bumuntong-hininga, at muntik nang mamuo ang isang namamanghang ngiti sa kanyang labi. "Paano?" Tinignan niya ako, kumikinang ang pangungusisa sa mga mata. "Paano mo nagagawa 'to?"

Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan upang pagaanin ang kanyang loob, dahil nalaman kong galing pala ito sa kanya—ang nararamdaman kong bigat sa dibdib.

Malumanay akong ngumiti nang bitawan siya. "Ang hirap kontrolin minsan nitong abilities ko..." sabi ko habang nakatingin sa aking mga kamay. "May panahon na hindi ko sinasadyang makarinig ng heartbeats, makaramdam ng takot... na hindi naman akin..."

Nilingon ko si Ria at naalala ang isang gabing hindi ako makatulog sa dorm, kahit anong gawin ko, hanggang sa kausapin ako ni Aphrodite sa aking isipan.

'I can feel the heaviness of your heart from here, my love, what is it?'

'Kinakabahan ako...'

'A panic attack?'

'Hindi rin...'

'You are overwhelmed? Yes?'

'Parang gano'n na nga... hindi ako makatulog... hindi ko alam kung bakit... ang daming—'

'There are times I feel the same. I have felt... complicated... and uncertain... and I believe I have yet to teach you, as your mother, how to navigate such... chaos... for everyone, no matter how ancient, no matter how grown, is still a child, Cesia...'

"Everyone is a child, Ria." Inulit ko ang sinabi ni Aphrodite sa'kin. "Hindi porke't anak ka ni Ares, hindi ka na dapat makaramdam ng panliliit, lalo na sa harap ng mga kinatatakutan natin..." Nginitian ko siya. "Kahit gaano ka pa kalakas o katatag, Ria, tandaan mo, sa kaloob-looban natin, lahat tayo ay may kahinaan at takot. Lahat tayo, sa isang paraan o iba pa, ay mga bata pa rin."

"What are you saying?" kunot-noo niyang tanong.

Kumibit-balikat ako. "Without fear, we wouldn't take risks." Humarap ako sa malawak na tanawin ng Arcadia. "Kaya hindi mo ito kailangang tanggalin mula sa sistema mo," natatawa kong sabi. "Hindi mo rin ito kailangang iwasan..."

'Feel it. All of it. The fear, the confusion, the despair. Grow, Cesia, and only then can you soar... only then will you have better control...'

"Hindi naman kasi ito kahinaan, eh." Unti-unting sumayad ang aking paningin. "Tanda ito ng lakas mo, kasi ibig sabihin, may mga bagay kang pinapahalagahan, at may mga tao kang gustong protektahan."

Kasunod kong naalala kung paano siya magalit—si Ria. Napag-alaman ko rin kasi sa Academy na muntik na siyang makabura ng isang buong sibilisasyon, sa pagitan ng borders ng mortal at mythological realms, dahil nakakita siya ng pugot na ulo ng isang batang babae habang nasa misyon.

Mabuti na lang at nagawa siyang pigilan ni Art... pero muntik din niyang napatay si Art sa sobrang galit...

Napalunok ako.

Ba't parang natatakot na rin ako sa kanya?

Tuluyan na nga akong kinabahan sa titig na binabato niya sa'kin. Sa sobrang talim nito, kumikirot ang mga baga ko sa bawat paghinga.

"Ria..." mahina kong tawag sa kanya.

Shoot... May nasabi ata ako na ikinagalit niya...

Napalunok ulit ako. "A-Ang—" Hindi ko na alam kung anong sasabihin, sa sobrang taranta. "Ang ibig kong sabihin—okay lang naman, eh, kung—"

"You..." malalim niyang buga, na may kasamang sarkastikong tawa. "You don't know what I've been through." Tumaas nang bahagya ang kanyang noo at puminta ang matinding pait sa kanyang mukha. "Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako kung anong dapat kong gawin!"

Hindi pwede. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi siya pwedeng magalit ngayon kasi nasa cr kami! Naliligo! Nakahubad!

Luminga-linga ako, naghahanap ng tuwalya, hanggang sa makarinig ako ng may sumiklab. Nanginginig ang aking mga labi nang lingunin ko siya, at nag-aalangang umangat ang mga mata ko sa kanya—sa espadang hawak niya.

"Ria..." pilit kong patahan sa kanya, lumuluhod sa bathtub, pero hindi ito tumalab, dahil wala pa ring ipinagbago ang nasasaktan niyang ekspresyon.

Pumikit ako sabay urong sa sandaling gumalaw ang kanyang kamay.

"Arianne!"

Biglang umalingawngaw ang mas galit na boses, at narinig ko ang pagtama ng bakal sa bakal. Bumungad sa'kin ang kinang ng isang gintong balahibo na agad kong nakilala kung kanino.

Chase.

Siya rin 'yong narinig kong sumigaw.

Mabilis akong lumingon sa nakabukas na pinto kung saan siya nakatayo, kasama si Trev na nakaunat pababa ang mga labi, halatang iritado habang nakatuon sa'min. Ngunit nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang namumuong galit sa kanyang mukha, at napalitan ito ng pilit na pag-unawa pagkatapos ko siyang padalhan ng tinging humihingi ng tawad.

Malalaking hakbang ang ginawa niya patungo sa'kin.

"Sorry..." mahina kong bulong nang abutan niya ako ng bathrobe.

"Ria!"

Pilit kong huwag lumingon sa aking likod, kung saan lumalala ang pagpipigil ni Chase kay Ria. Patuloy ang sanggan ng kanilang mga sandata, at lumalakas ang tunog nito.

"Quick," ani Trev.

Hinugot ko ang tali ng bathrobe na suot ko na. "Mmm."

Nanginginig ang aking mga binti nang alalayan niya akong lumabas mula sa tub. "I'm sorry..." sabi ko ulit, mas mahina. "Kasalanan ko—"

"I don't need your apology," seryoso niyang sabi.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napayuko ng ulo.

Sabay kaming lumabas ng CR, palayo sa ingay ng gulo, at nang tumigil kami sa kabilang dako ng pintuan, pabulong siyang sumigaw.

"What the hell were you thinking?!"

Hindi ko magawang iangat ang aking tingin sa kanya. "Hindi ko sinasadya..." sagot ko. "Hindi ko inakalang magagalit pala siya sa'kin—"

"You said too much, didn't you?" hinala niya na mahina kong tinanguan.

Tumigas ang panga niya, tila nagpipigil, bago siya lumihis, umiwas ng tingin. Bumuntong-hininga siya nang malakas pagkatapos, at muli akong hinarap.

Eh di dalawa na silang galit sa'kin...

"How do you think am I supposed to keep you safe?" tanong niya.

Napatigil ako, pero saglit lang, dahil sabay kaming napabaling sa loob nang makarinig kami ng malakas na pagkabasag.

"P*ta—Ria!"

"Move!"

"Ayoko—gago—ang ganda kaya ng view ko dito—t*ngina! Teka!"

Pumiling ang aking ulo upang masilip sa likod ng kumakapal na usok at mga bula si Ria, na alam kong nakahubad habang nilalabanan si Chase.

"Ba't ba—gag—sabing hindi ikaw 'to!"

Nasilayan ko ang paghawak ni Chase sa kanyang mga braso.

"Hindi na ikaw 'to! Kaya pwede ba?! Huminahon ka n—"

"Who the f*ck are you to tell me that?!"

"He's being too aggressive..." Narinig kong puna ni Trev. Lumingon ako sa kanya at sandaling nagulat, dahil imbes na mag-alala, isang namamanghang ngisi ang nasilayan ko sa kanyang mukha.

"Good," dagdag pa niya. "Finally."

"What the f*ck are you looking—"

Nang muli akong tumingin kay Ria, agad nanlaki ang aking mga mata. Suminghap ako at mabilis na ginamit ang bracelet ko para isara nang malakas ang pinto.

Nag... Nag-aaway sila, 'di ba?

Napatakip ako ng bibig.

Akala ko nagpapatayan sila...

Kumurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa nakita.

Paano nangyari 'yon?!

"Trev." Ibinaba ko ang aking kamay at tinignan siya. "O-Okay lang ba sila?"

Nakapamulsa si Trev nang harapin ako. "What do you think?" Gumilid nang kaunti ang kanyang ulo at ilang segundo niya akong tinitigan, bago unti-unting gumuhit ang isang mapilyong ngiti sa kanyang labi.

"They just kissed."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro