Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XVII | Numbed

Cesia's POV

"Glitters!" Lumulundag-lundag si Art patungo sa'min na komportable nang nakapalagay sa sala. "Tignan mo Cesia, oh!" Nakataas sa isang kamay niya ang isang maliit na paper bag.

Masigla siyang bumagsak sa silyong kaharap ng sofa. "Limited edition!" aniya habang hinalungkat ang laman ng paper bag. "At higit sa lahat, libre lang! Bwahaha!" Sinabayan pa niya ng pagtingala ng ulo ang malakas niyang tawa.

"Talaga?" usisa ko habang ngumunguya ng popcorn. "Bigay ni Cal?"

Tumigil sa paggalaw si Art at dumilat ang mga mata niyang nakatuon pa rin sa kisame. Suminghap siya sabay baba ng kanyang ulo, namimilog pati ang kanyang bibig.

Tinignan niya ako. "Hindi," bulong niya, at tila hindi pa nga kapani-paniwala para sa kanya ang kanyang sinabi. "May nagbigay lang kasi naiyak ako, eh..."

Tumango-tango ako.

"Huwag mong sabihin kay Cal," seryoso niyang utos pagkatapos.

Kumunot ang aking noo bilang reaksyon.

"Huwaaah!" Sa laking gulat ko, halos itapon niya ang kanyang sarili sa'kin.

Muntik ko nang mahulog ang popcorn na nakapatong sa magkabilang hita ko.

"Cesia!" Niyakap ni Art ang aking mga binti habang nakaupo sa sahig. "Huwag mong sabihin kay Cal na nagpabili ako ng stickers sa iba!"

"Art—" Mahina ko siyang tinulak pero humigpit lang ang pagkapulupot ng mga braso niya. "Wala naman talaga akong balak sabihin sa kanya—"

"Yay!" Itinaas niya ang kanyang mga kamay. "Thanks, Cesia!" aniya at gumulong palayo.

Napabuntong-hininga ako at napailing. Bumalik na rin ako sa pagkain ng popcorn.

"And what if that stranger wanted to lure you? To kidnap you?" tanong ni Ria, katabi ko. "Seriously, stop taking free stuff from strangers."

"Di naman ako kikidnapin no'n, eh!"

"Tsk." Lumukot ang mukha ni Ria sa irita. "Pa'no mo naman alam na wala siyang gagawing masama sa'yo?"

"Tinanong ko siya kung kikidnapin niya ba ako!"

Kumakain lang ako habang tinitignan si Ria na napasapak sa noo.

"You know what?" Tinanggal niya ang kanyang palad mula sa kanyang ulo at umaksyong ayaw na niya, sa kung ano mang pinag-alalahan niya. "I cannot be f*cking bothered with this. I'm already stressed enough."

Tinulak niya ang kanyang sarili patayo mula sa sofa at saka umalis.

Dumako ang aking tingin kay Art na nakahiga sa carpet at nakangiti sa mga stickers na taas-taas niya.

"Art?" sambit ko.

"Hmm?"

Marahan akong natawa dahil sa pagkislap-kislap ng kanyang mga mata.

"Ako nalang bibili ng stickers mo kapag wala si Cal," sabi ko sa kanya. "Di mo kailangan ng pera ng di natin kilala..."

'Tsaka may sariling pera din naman siya, ah?

Siguro may usapan sila ni Cal na siya lang bibili ng stickers niya?

"Okie..."

• • •

Nagutom ako pagkakita sa sandwich na kinakain ni Ria kaya gumawa na rin ako ng akin. Pagkatapos, umupo ako sa kabilang dako ng hapagkainan, sa tapat niya.

"Can't wait to give him a flying kick pagbalik natin sa Academy," bigla niyang sabi.

"Sino?" tanong ko.

"Sir Rio."

Pinigilan kong matawa. "Huwag. Baka hindi lang grades natin ang ibabagsak niya. Pati na rin mga katawan natin... sa Underworld."

Tinawanan niya ako at di kalauna'y, "You know, ikaw lang ang nakakausap ko nang maayos dito..."

Nagtaka ako sa sinabi niya.

"You know how frustrating it is to talk to Art sometimes," paliwanag niya. "And Kamille... she's fine, but sometimes she gets too... Athena-ish..."

Kamille?

Bumuntong-hininga si Ria. "Minsan napapatanong ako, kapag kausap ko siya, kausap ko ba talaga siya?" aniya. "It's like her mind is completely separated from the rest of her. Sure, she answers, but she answers like she's a ghost, na parang nagpaparamdam lang..."

"She is around but I have this gut feeling that she prefers to be absent... to be on her own..." Kumibit-balikat siya. "She feels so far away sometimes even when she's right in front of us... naiintindihan mo ba ako?"

Matagal-tagal kong pinag-isipan ang sinabi niya.

"Si Kamille... ay si Kara?" Gusto kong masigurado.

Tumango si Ria. "Kamille Raina."

"Ganyan na ba talaga siya? Bago..." Nagdalawang-isip ako sa idudugtong ko.

Si Ria ang tumuloy. "Bago siya napadpad sa Academy?"

Ako na naman ang tumango.

"Kamille Raina Nicastro," sabi niya. "Does that name ring a bell?"

Kumunot ang aking noo. "Parang narinig ko na nga 'yan dati..."

"The Nicastro Family? NIC Holdings? NIC Group of Companies?"

"Ah, oo..." Sa mga natatandaan ko, isa ang mga Nicastro sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas. Pero napag-alaman na nagmula sa kasakiman ang yaman nila. Binalita pa nga yata 'yon, no'ng ni-raid ng pulisya ang isa sa mga kompanya nila.

"Pamilya ni Kara?" agad kong tanong nang maliwanagan.

"She was their source of wealth, you know..."

Hinintay ko ang karugtong ng sinabi ni Ria.

"Her father's main business was killing people," kuwento niya. "The rich go to him when they want someone killed. Hitmen, assassins... it's whatever they called their employees..." Umunat ang magkabilang sulok ng kanyang labi sa pait. "Murderers."

"Kara's father knew about her special abilities..." Dahan-dahang napatingin si Ria sa malayo. "He trained her to kill."

"I don't know how he trained her but judging from her behavior now, may kutob na ako kung paano siya pinalaki..." Muli niya akong tinignan. "I know a lot about violence, Cesia, as a violent person myself, including how it affects a child."

"I know she was violently abused as a child. Raised to be a weapon. Trained to feel nothing." Walang kabuhay-buhay ang tinig ni Ria. "She was most likely punished to the brink of death, sa tuwing nagpapakita siya ng kahinaan... o awa... sa mga pinapatay nila."

Napahinga ako ng malalim.

"Sa tingin ko, sa unang sandali na nakahawak siya ng kutsilyo, 'yon na rin ang sandaling pinilit siyang gamitin ito upang makasakit sa iba... o makapatay," dagdag niya. "Do you know how messed up that is?"

"Naalala ko, nagpakamatay 'yong tatay niya?" usisa ko.

"Mmm." Tumango si Ria. "When Kara left to look for the Academy, their family business began to crumble because she was their best contract killer. Ang tuluyang nakapagtapos nito ay no'ng natagpuang patay 'yong tatay niya sa penthouse—"

"He was found dead after jumping off the second floor of his unit."

Napatigil kami nang marinig ang boses ni Kara. Sabay kaming lumingon sa kanya na mahinahong tumungo sa ref para kumuha ng tubig.

"Or at least that's what the news said." Sinulyapan niya kami bago uminom. "No one noticed the faint bruises around his neck."

Napalunok ako.

"Whoever killed him knew what she was doing," dagdag niya.

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko kay Ria na sa kasalukuya'y namimilog ang mga mata at bahagyang nakanganga.

"We should go." Ibinaba ni Kara ang baso sa lababo. "If we want to reach the huntre's camp by midnight," sabi niya bago umalis at iniwan kaming dalawa ni Ria na nakatulala.

At nang huminahon na ang lahat, nang nakapagbihis na kami, at handa na kaming umalis, hindi matanggal ang aking tingin mula kay Kara, nasa isip ang pinagdaanan niya.

Napakurap-kurap ako nang lapitan niya ako.

"Stop it," matigas niyang bulong.

"A-Ang alin?"

"Whatever you're doing now," aniya. "My power's being drawn to you."

Kumunot ang aking noo sa pagtataka.

"Just—" Bumuga siya ng pagod na hininga. "Just stop staring at me."

Hindi ako makasagot dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Please," mahina niyang tugon at naunang tumungo, nakababa nang kaunti ang noo.

Samantalang, hinatid ko siya ng tingin patungo sa pinto.

Kamille Raina...

"Kara," napagtanto ko sa sarili ang pinagmulan ng napili niyang pangalan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro