Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

VII | Charmed

Cesia's POV

Pagkatapos ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa misyon, mabigat akong umupo sa dulo ng higaan, nag-iisip kung may oras pa ba ako para maligo.

"Cesia?" sambit ni Ria sa labas ng pinto. Tatlong mahihinang katok ang sumunod dito. "You ready to go?"

Mukhang wala na...

Nakakabit ang knapsack sa isang balikat at hatak-hatak ang maliit na maleta, lumabas ako ng kwarto kung saan sinalubong ako ni Ria. Ilang segundo niyang sinuri ang mga dala ko, saka niya ako sinenyasan na sumunod sa kanya.

"Tangina, 'tol." Nakapameywang si Chase habang hawak ang strap ng backpack na suot niya. Umiling-iling siya, sabay lahad ng mga palad upang ipakita ang kanyang dismaya. "Akala ko talaga, magbabakasyon na lang tayo sa natitirang mga araw ng school year na 'to. Pagkatapos ba naman nating sumabak sa digmaan, bakit pa tayo bumalik sa eskwela?"

"Kung ayaw mong sumama, eh di huwag," sagot ni Ria sa kanya. "It's not going to be our fault if you have to stay here to take summer class kasi kulang 'yong contribution mo sa missions natin."

"Tama ka," sang-ayon ni Chase. "Si Trev lang 'yong masisisi kapag nagkulang ako sa mission contribution."

"Dio," tawag ni Art kay Dio na nakaupo sa silyon habang nakatulala sa harapan. "Anong sabi ni Doc tungkol kay Kara?"

"We have to leave now." Tumayo si Dio. "I learned she just woke up when I stopped by the clinic on the way here." Kinuha niya ang kanyang bag. "I asked Doc not to tell her about us leaving for a mission. Not at least while we're still here."

Napa-hmm ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. Kinutuban nga rin naman ako na kapag nalaman ni Kara na papaalis kami para sa misyon, sasama 'yon.

Si Ria ang nagbukas ng pinto. "Shall we?"

Isa-isa kaming lumabas ng dorm bitbit ang mga gamit namin. Kasabay ko sila sa paglalakad sa hallway nang maalala ko na naman ang sinabi ni Ria tungkol sa mga magulang namin.

'They never tried to understand us, and they never will...'

Hindi ko napansin ang pagbagal ng aking mga hakbang hanggang sa namalayan kong mag-isa na lang pala akong naglalakad sa gitna ng corridor.

Malalim na ang gabi. Mas lalong dumilim ang daanan, at sa sandaling napagdesisyunan kong habulin ang iba, napatigil ako nang makita ko ang isang matangkad na anyo, nakatalikod sa'kin, sa may unahan.

Bahagya akong pumiling nang makilala kung sino ito. Pagkatapos, napatikhim ako sa hiya at nagmamadaling tumungo kay Trev, na muling naglakad nang mapansin niyang papalapit na ako sa kanya.

Isang metro ang layo namin sa isa't isa habang nakasunod ako, at tanging ang mga gulong ng hinihila kong maleta ang pumupuno sa katahimikan.

"There you are!" bungad sa'kin ni Ria pagliko namin sa hallway, kung saan naghihintay pala sa'min 'yong iba.

Dumako siya sa'kin. "Did you forget something?"

Nginitian ko si Ria at saka umiling.

Malakas siyang bumuntong-hininga. "I have a favor to ask you." Tumabi siya sa'kin sa paglalakad.

Nilingon ko siya. "Ano 'yon?"

"Can you..." Hininaan niya ang kanyang boses. "Can you..." Tuluyan na nga siyang bumulong, "Can you command the boys to carry our bags?"

"Ria," tugon ko. "Hindi pwede."

"What?" Pabulong niyang sigaw. "Why?"

"Paano kung magalit sila?" tanong ko sa kanya. "Tsaka, di ba pwedeng tanungin nalang natin sila?"

"Tsk." Inirapan niya ako. "They're all too occupied."

Marahan akong natawa. "Pati si Chase?"

"Disappeared." Namilog ang kanyang mga mata. "Gone, like the wind."

Muli akong tumawa. "Ria-"

"Ngayon lang naman," aniya.

"Ria..." natatawa kong sambit.

"Just this once?" At sa hindi ko inaasahan, nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata. Hindi naman siya naluha. Sapat lang yung pamamasa para kuminang-kinang ang kanyang mga mata. 

"Please?" May kasama pang pagkisap-kisap ang kanyang pagtingin sa'kin. "Cesia?"

Pinigilan kong humalakhak pagkatapos kong mapansin ang pagkibot-kibot ng isang sulok ng kanyang labi na nagbabantang ngumuso.

"Hmm?" Binilisan niya ang pagkisap-kisap. "Pretty please?"

Namuo ang isang nag-aalangang ngiti sa aking mukha. "Ria-"

"Pretty please?" Humilig nang kaunti patagilid ang kanyang ulo. "'Cause you're pretty."

Pumikit ako, at huminga nang malalim. At sa aking pagmulat, bumulong ako, "Boys."

Nagsihintuan kaming lahat.

"Chase," sambit ko kasabay ang pagtawag ko sa kanya gamit ang aking isipan.

'Chase.'

"Dito," dugtong ko.

Sabay na lumingon sina Dio, Cal at Trev sa kinatatayuan ko, at pagkalipas ng ilang sandali, lumitaw rin si Chase sa aming harapan nang nakakunot ang noo.

Bago pa man mamalayan ni Chase ang pinanggagawa ko sa kanya, muli akong nagbitaw ng utos.

"Do us a favor..." tugon ko. "At bitbitin niyo 'yong bags namin."

Bahagya akong napangiti nang maramdaman ko ang mahihinang hatak mula sa tatlong lalaki na nasa likod ni Chase. Sinusubukan nilang magpumiglas, pero sumuko na rin sila nang isa-isa ko silang nginitian.

"Pakibitbit 'yong mga gamit namin?" suhestyon ko. "Nabibigatan kasi kami, eh."

Sabay silang tumuon sa bags namin.

Unang gumalaw si Chase. Lumipat siya sa likod ni Ria upang tanggalin ang suot na backpack nito. Sumunod si Dio na lumapit sa'kin at kinuha ang maleta ko. Dumiretso naman si Cal kay Art para kunin ang maleta at paper bag nito. Panghuling gumalaw si Trev. Tinitigan niya ako habang naglalakad paikot sa'min. Tumigil siya sa tabi ko, at inabot ko sa kanya ang suot kong backpack.

Nakangiti pa rin ako sa kanila, ngunit mabilis din itong nabura nang mahagilap ko ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Trev nang kunin niya 'yong bag ko.

Dumapo ang gulat at pagtataka sa aking mukha nang madiskubre kong hindi na nakakonekta ang kapangyarihan ko sa kanya. Napalunok ako at sinundan ng tingin si Trev na lumapit kila Dio, bitbit 'yong bag ko.

'Yong bag kong kinuha niya pa rin kahit hindi tumalab sa kanya 'yong kapangyarihan ko.

"I hope you get the hang of it," natatawang sabi ni Ria.

"'Y-Yong alin?" tanong ko.

"'Yong paggamit mo ng kapangyarihan mo," aniya. "I hope you know how cool your power is." Nginitian niya si Art na lumundag-lundag patungo sa'min. "Right, Art?"

"Mmm!" Lumiit ang mga mata ni Art nang malapad siyang ngumisi. "Amazing with a zee, Cesia! Sana ako rin may ganyan!"

Bumaba ang aking tingin sa tatlong stuffed toys na yakap-yakap niya. Dahil dito, napangiti na rin ako, at di kalauna'y sumunod na rin kami sa boys.

Pagkalabas namin ng Academy, malamig na titig ang sumalubong sa'min mula sa apat. Dalawang kotse ang nakaparada sa likod nila, nakabukas lang ang mga pinto nito pero hindi pa sila pumasok, halatang hinihintay kami.

Nakahalukipkip ang mga braso ni Dio sa kanyang dibdib. Maingay siyang bumuga ng hangin. "Might as well give you the honor to choose which car you want to bring." Tinignan niya ako. "No need to use your power on us again, Cesia."

Nakaupo naman si Chase sa maleta ni Ria. Nakapatong ang kanyang magkabilang braso sa hawakan nito, na kasalukuyang pinagpatungan din ng kanyang ulo. "Mmm." Mabagal niyang ibinukas-sara ang tila nababagot niyang mga mata. "T*ngina mo, Ria."

"What?" ani Ria.

Tumuwid ang likod ni Chase. "Alam naming ideya mo 'yon."

Bahagyang nakangisi si Ria nang tanggalin ang shades na nakasabit sa harapan ng kanyang damit at sinuot ito. "As if you can do anything about it." In-adjust niya ito.

Matagal-tagal na tinitigan ni Chase si Ria, bago siya naglabas ng sarili niyang shades na maingat din niyang sinuot. Samantalang, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Paanong hindi, eh, pareho silang nakasuot ng shades sa gabi.

Humilig si Art sa harapan ni Ria upang masuri ng maayos ang hitsura nito. "Huh?" Saka siya tumingin kay Chase. "Eh?"

Mabilis kong inilihis ang aking atensyon mula sa dalawa upang maiwasang matawa. Gano'n din ang ginawa ni Dio na napayuko ng ulo.

"Fuck you too, Chase," pabulong na tugon ni Ria, nakaangat ang magkabilang kilay at gamit ang nagbabantang tono na halatang nakasanayan na ni Chase dahil ngumisi lang ito.

"Ria, Ria, Ria..." ani Chase. "Di ka na totoong kaibigan n'yan kung ikakatuwa mo ang ipahiya kami."

"It's not that serious," sagot ni Ria. "We just made you carry our things against your will, anong meron do'n?"

Tapos, sabay akong tinignan ng apat na boys dahilan para mapakurap-kurap ako.

"Umm—" Panandalian kong sinulyapan si Ria sa tabi ko. "Inutusan ako ni Ria."

"Do you know how strange it is to wake up here and wonder how we ended up carrying all your stuff?" tanong ni Dio. "It's weird. I don't remember the moments before I came here. Don't do that again, Cesia."

Patago akong ngumuso. "Sorry, di na mauulit..."

"Please." Mahina namang tumawa si Ria. "Nakakatawa kaya."

Humagikgik din si Art na nasa tabi niya.

"So, which car do you want to use?" tanong ni Dio. "Ferrari or Porsche?"

"Ferrari," sagot ni Ria. "I'm driving."

Sinenyasan kami ni Dio na mauna sa kotseng pinili ni Ria. Bago pa kami makapasok, inayos ng boys ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan. Inabot na rin nila sa'min 'yong backpacks namin.

Tinignan ko si Trev na siyang nagbigay no'ng akin. "Thank you." Tinanggap ko ito.

"Is there anything else you need?" tanong niya.

Umiling ako.

"Your bigger luggage is in our car," sabi niya na tinanguan ko.

Mula sa aking mga mata, bumaba ang kanyang tingin sa bag na bitbit ko at pagkaraan ng ilang segundo, nilingon niya ang ibang Alphas na hindi ko namalayan ay kanina pa pala nakatitig sa'min. Sabay nilang iniwasan ang tingin ni Trev, hindi kasali si Art na nanatiling nakatuon sa'min suot ang namamanghang ekspresyon sa mukha.

"Woah," ani Art. "Ang aga kong narinig 'yong boses ni Tre-"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil kay Ria na tinulak siya papasok sa kotse dahilan para mauntog siya bago bumagsak sa upuan.

"Aray!" Hinagod-hagod ni Art 'yong ulo niya. "Ria naman, eh!"

Sa kabilang kotse, nakita ko si Dio na tinulak-tulak si Chase papasok sa sasakyan ngunit nagpipigil ito kaya sinipa na nga siya nang tuluyan ni Dio.

"Teka lang, bro!" Lumabas ang ulo ni Chase pero saglit lang dahil agad ding sinarado ni Cal 'yong pinto.

Napakunot ang aking noo sa inasta nilang lahat.

"Umm..." Muli akong humarap kay Trev. "Mag-ingat kayo?"


Ria's POV

"R-Ria, multo na ba ako?" tanong ni Art na nasa front seat.

Pagkatapos ibaba 'yong bintana, sumandal ako sa upuan at ibinaba nang kaunti ang suot kong shades para malinaw na mapagmasdan sina Cesia mula sa side mirror.

"No," sagot ko. "Totoo 'yong nakita't narinig mo."

"Eh di pusa na ako?" aniya. "M-Meow? Meow?"

I shushed Art before leaning towards the mirror and looked at Trev who was about to say something when he suddenly looked back at my reflection.

He didn't say anything and instead held the door for Cesia who turned around to get inside the car. When she was settled, he gave her one last glance before closing the door.

Tinanggal ko ang shades ko.

Trev also gave me one last glance, but it was very different from the one he gave to the daughter of Aphrodite. He looked at her to bid safety and farewell, but he looked at me with the weight of a threat. A silent warning of 'ayusin mo 'yang pagmamaneho mo kung ayaw mong mangisay-ngisay sa kuryente.'

"Huh." I scoffed. The f*ck?

"Ria?" sambit ni Cesia.

"Sorry." Umayos ako sa pagkakaupo at iniandar na ang makina. "Which way was it again? The shortcut to the mortal realms?"

"Sundan nalang natin 'yong boys-" Sandaling natahimik si Art. "Na nauna na..."

"It's the left road, right?" pagsisigurado ko. "Gods. I wish Kara was here."

"Left ata, tapos left ulit, tapos straight?" Napapadyak si Art. "Ih! Tumakbo na kasi tayo para maabutan natin 'yong kotse nila!"

"Kasalanan 'to ni Cesia," anunsyo ko at sa wakas ay pinatakbo na ang kotse.

"Huh?" ani Cesia sa likod.

"Thanks to you, I can't remember the way to the mortal realms," sabi ko.

"Huh?" Narinig ko ang paghilig niya papalapit sa'min. "B-Bakit?"

Palihim kaming nagpalit ni Art ng nanunudyong tingin.

"Ria?" sambit ni Cesia. "Hindi ko alam kung anong nangyari, kung anong ginawa ko-"

"Nothing, Cesia," tugon ko. "You did..." Umiling ako. "Absolutely nothing."

Namuo ang isang nananabik na ngiti sa aking labi.

I don't know. I think I just witnessed a ghost come back to life... because for whatever reason, she's the only one who's managed to let us see and hear him so clearly. Like I said, a ghost coming back to life—dahil hindi na lang siya nagpaparamdam. Nagsasalita na rin siya... at nagpapakita... nakikipag-usap pa nga...

"Don't worry about it," natatawa kong sabi kay Cesia. "Binibiro lang kita."

Sabi ko na nga ba, itong bagong dating lang ang makakapagbago rin sa kanya.

Masiglang umikot si Art paharap kay Cesia. "Gusto mong kumain, Cesia?" tanong niya rito. "May snacks ako!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro