Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V | Revered

Art's POV

Minasdan ko ang lalaking nakaupo sa pinakamadilim na sulok ng kulungan. Nakayuko ang kanyang ulo. Nakatuon siya sa matalim na batong pinaglalaruan niya kaya hindi ko makita nang maayos ang kanyang hitsura.

"Save him, Artemia. Pull your brother from the past. He is lost. Only you who truly knows him can find him. You are his only light..." Umalingawngaw ang boses ni Papa sa aking isipan. "Find him..."

Paano ko siya mahahanap kung hindi ko na matandaan pati 'yong pangalan niya?

Wala na akong maalala, pagkatapos kaming nahiwalay.

"I know you're awake." Narinig kong bulong ni Cal.

Kumunot ang aking noo habang nakapikit at nakahiga.

"Art," sambit niya.

"Cal naman, eh!" Napadilat na nga ako. "Sinusubukan ko lang naman tignan sa visions ko kung nasaan 'yong kapatid ko!"

"Visions?" nagtataka niyang tanong.

"Anong visions?" Kinisap-kisapan ko siya. "Sabi ko panaginip! Si Papa kasi, eh."

"What?" Lumapit siya sa'kin. "Why?"

"Pinapahanap niya sa'kin si twinny..."

"Your brother's alive?" ani Cal.

"Mmm," sagot ko. "Inutusan ako ni Papa na iligtas siya."

"How?"

"Nawawala daw siya ngayon..." sabi ko. "Pero ang mahalaga, Cal, buhay siya at kailangan ko siyang hanapin."

"He survived?" usisa ni Cal, halatang hindi makapaniwala. "He survived my father's army?" Namuo ang determinasyon sa kanyang boses. "Where is he now? Is he still in the Underworld?"

"Hindi pa ako sigurado," tugon ko. "Pero pakiramdam ko, wala na siya do'n, eh. Kasi kung nasa underworld pa siya, eh di sana hindi ako sinabihan ni Papa na nawawala siya ngayon."

"Cal, ano pa bang naaalala mo sa kapatid ko?" ako na naman ang napatanong sa kanya. "Kaunti lang ang natirang mga ala-ala ko tungkol sa kanya, eh."

"Have you seen what he looks like now?"

Umiling ako.

"That's okay. We can still recognize him, one way or another..." Sinabi niya ito sa paraang parang pinapangako niya ito, sa akin at sa sarili niya, kaya hindi ko napigilang mapangiti.

Ngumuso ako sa katabi kong cubicle. "Nasa kabila ba 'yong iba?"

Tumango siya.

"Hehe!" Masigla akong umupo sa higaan at nagtangkang bumaba.

Hinawakan ako ni Cal. "Careful."

Nang makatayo sa tabi niya, nginitian ko siya nang malapad. "Thank you!"

"Art," sambit niya pagkatapos dagliang sinulyapan ang nakakurba kong labi. "Are you going to tell me what happened?"

"Mmm!" sagot ko. "Nagising ako sa ingay ng clinic. Nalaman ko kung sino ang pinagkaguluhan nila, at ginamit ko 'yong ability ko para malaman kung anong nangyari kay Kara!"

Halatang ipinagtaka niya ang sinabi ko.

"Hmm?" Nagtaka rin ako. "Nakalimutan mo nang kaya kong mag-detect ng mga sugat at sakit sa katawan, Cal?"

"I didn't. I just didn't know you could do it with your eyes closed."

"Hehe." Ngumisi ako. "Galing-galing ko na, ano? Simula no'ng nag-SD ako?"

Tinitigan niya lang ako at imbes na sumaya, nabalot sa seryosong alala 'yong tinig niya nang muling banggitin ang aking pangalan.

"Artemia..."

"Cal, okie lang ako," pagpapanatag ko sa loob niya. "Oh?" Umikot-ikot pa nga ako sa harapan niya. "Oh, diba?"

Tahimik siyang bumuntong-hininga.

Pagtatawanan ko na sana si Cal nang bigla kong marinig ang boses niya sa aking isipan. Mahina ito, tila nanggagaling sa malayo.

'You should have taken me with you.'

Napatigil ako.

'I will die if I cannot find you.'

"Are you okay?" tanong niya.

"Oh my Greeks, Cal..." Unti-unting nanlaki ang aking mga mata. "Malapit na ata akong mabaliw... kinulang sa stickers..."

"So!" Masigla kong ipinagdaop ang aking mga kamay. "Saan? Hehehe." Sumilip-silip ako sa likod niya. "Sa'n 'yong pinabili kong stickers?"

May inilabas siyang isang pouch mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa'kin.

"Glitters lahat?" Tinanggap ko ito. "At sigurado kang ito 'yong complete set, ah?"

Kumibit-balikat siya.

"Nice," puna ko pagkatapos suriin ang laman. "Good items nga."

"What?"

"Huh?"

"Are you sure you saw these stickers in your visions? Or you just made me buy this..." Tinignan niya ang pouch sa kamay ko. "Crap..." Binulong niya ang huling kataga.

"Oo nga." Ngumuso ako. "Hindi ko pa lang alam kung para saan. Tsaka, 'wag mo ngang matawag-tawag na tae itong stickers ko, Cal!" Inilayo ko ito sa kanya. "Fruit scented kaya 'to!"

Hindi siya nag-react.

"Alam mo, Cal." Ibinulsa ko 'yong pouch. "Mabuti pa't samahan mo nalang ako sa principal's office. Manghihingi lang ako ng permission para lumabas ng Academy at hanapin si twinny ko."

"Huwag ka nang sumama sa misyon kong 'to, okie?" Humagikgik ako. "Sa akin lang ata 'to, eh, kasi ako lang din naman ang sinabihan ni Papa na hanapin siya."

Mabilis na kumulimlim ang kanyang mukha.

"Joke!" Itinapat ko ang isang peace sign sa kanyang mukha. "Syempre, kasama ka! Haha!" Saka ko kinurot ang kanyang pisngi dahilan para mapangiwi siya. "Isama na rin natin 'yong iba para mas masaya!"

Nag dalawang thumbs up ako sa kanya. "Okie?"

Marahan siyang napahagod sa kanyang pisngi. "Mmm..." Pagkatapos, hinawakan niya ang mga kamay ko at ibinaba ang mga ito. "You know I'd still go with you even if you don't want me to."

Dahil sa sinabi niya, lumambot ang nananabik kong ngiti.

Alam ko.

Ako ang unang bumitaw sa kanya. "Nga pala, nasa'n ba si Blobblebutt?"

"He's at the stables with the horses." Nakapamulsa si Cal. "The caretaker's assigned to take care of him too."

"Yay!" Lalabas na sana ako ng cubicle nang maalala ko ang huling usapan namin ni Apollo.

'Daddy naman! Kahit isang clue lang para mahanap ko si twinny?'

'No one else must hear me talking to you.'

'Kaya nga! Isang clue lang, please?'

'The other gods are coming. I shall go.'

'Hala!'

'Do not tell anyone of my divine interference, Artemia. We cannot be helping you, for the path you ought to take, is yours' alone.'

'Hindi ko sasabihin. Promise. Basta bigyan mo lang ako ng kahit isang word lang as clue.'

'Revered. His name, is Revered.'

'Huh? Parang di naman 'yan 'yong pangalan ni twinny, ah?'

'It is not.'

"Cal, may tanong ako..."

"What is it?"

"Ba't ba ang hirap intindihin ng gods? Tinanong ko si Papa kung anong pangalan ng kapatid ko. Sinagot niya nga ako pero hindi naman pangalan."

"The law does not allow a god to interfere with a mortal's life, Art, or someone else's destiny," sabi ni Cal. "They are not allowed to hold our hand and walk us along our paths. They can only send a breeze to guide us."

"Woah," namamangha kong puna. "Alam mo, Cal? Minsan nakakalimutan ko kung gaano ka katalino..."

Sinimangutan niya ako.

"Tinawag mong tae 'yong scented at glittered stickers ko, eh! Wala naman atang tae na gano'n?" Lumiwanag ang aking mukha. "Oh My Greeks! Meron ba?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro