Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tragic Sense

Cesia's POV

Napagdesisyunan namin na mag-order nalang ng pagkain since wala kaming class the whole day. May fieldtrip kasi yung Beta at Gamma.

Every year daw nagkakaroon ng field trip maliban nalang sa Alphas. Hindi daw kami pwedeng lumabas sa campus knowing na may naghuhunt sa'min na hybrids.

Tinatawag na namin 'tong 'Lazy Day'.

Hmm pero 'lazy day' naman talaga ang mga araw namin dito simula nung naging busy ang mga tao. Psh.

Ilang minuto ang lumipas at nakalahad na sa harap naming lahat ang maraming pagkain. Umupo kami habang naguusap-usap.

"No one told me Jamie was good at fighting." ani Dio habang si Jamie naman, nakataas lang yung isang kilay.

Napangiti ako kasi naalala ko yung nangyari sa training ni Jamie. Sinabihan lang ako ni Dio na samahan si Jamie sa clinic hanggang sa gumising siya.

Pagdating ko, alalang alala ko pa yung kalagayan niya. Nagalit nga ako saglit kay Dio.

Ang harsh naman niya kasi!

Bago pa nga si Jamie dito tas madadatnan ko nalang siya sa clinic na ganun yung kalagayan niya?

"why?" tanong ni Ria.

"I helped her train yesterday." pagkatapos masabi ni Dio ang phrase na yun, napatigil ako sa pag kain dahil may naramdaman ako.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang dalawa na nakayuko.

So sa kanila galing ang nararamdaman ko ngayon?

"She almost beat me. Almost." natatawa si Dio habang kumakain.

Tinignan ko ang katabi ko na mahigpit ang paghawak sa kutsara niya.

"Yun ba ang dahilan kung bakit umuwi si Jamie sa clinic at hindi sa dorm pagkatapos ng training niyo?" inis na tanong ni Ria.

Ako lang ba or kumikinang yung kutsara na nasa kamay ni Sebastian? Siya nga yung katabi ko and trust me, nakakawala ng gana ang nilalabas niya ngayong energy.

Lalo na 'tong babaeng katapat ko na tahimik lang na kumakain.

Umurog ako ng konti kay Sebastian. "Don't worry. Hindi lang ikaw ang nababad vibes dito." bulong ko sa kanya saka ngumuso kay Kara.

Napatingin siya kay Kara na binigyan kami ng matatalim na tingin. Then, nakita ko nalang na ngumiti siya saka tumango.

"Pero okay naman eh." tinignan ko sila.

"dahil sa ginawa ni Dio. Napag-alaman naming descendant pala si Jamie ni Iaso, goddess of recovery!" masaya kong sambit.

Narinig ko ang mga 'woahs' at 'wows' nila. Napangiti rin si Jamie saka tumango nang nasa kanya na ang mga mata naming lahat.

"really?" namamanghang tanong ni Sebastian. His voice with a hint of pride.

"Mmm... yun ang sabi ni Doc. Ang bilis kasing maghilom ng mga sugat niya." dagdag ko.

Biglang tumayo si Art kaya natahimik kami. Dumiretso siya papalabas ng dorm.

"where are you going?" tumayo si Kara.

"Namiss ko na kasi si blobblebutt eh... bibisitahin ko lang siya. Sama kayo?" nakangiti niyang sagot.

Although napansin ko, parang nag-iba na si Art ngayon. Lalong-lalo na yung ngiti niya. Hindi na kasing brilliant noon.

Hindi ko rin siya ma gets minsan. Bigla nalang siyang bubulong sa sarili niya.

"That would be cool!" tumayo si Chase at nawala na sa pwesto niya. Bumalik siya na nakabihis after a minute.

So yun nga. Nag agree kaming lahat na sumama sa training ni Blobblebutt.

"Kara, nga pala... wait." tumakbo ako sa kwarto ko saka kinuha ang libro na binigay ni prof.

"alam kong na memorize mo na lahat ng contents pero gusto ko lang ibigay sa'yo ito. Baka kasi may makita ka pang clues jan or what so ever." inabot ko sa kanya yung libro na agad naman niyang tinanggap. "you can do anything with it."

Sabay kaming pumunta sa field kung saan natagpuan namin si Art na umiiyak. May malaking cut siya sa braso niya.

"anong nangyari?" lumuhod si Ria para tulungan si Art.

Humagulgol pa siya ng iyak saka tinuro si Blobblebutt na nakatayo sa kabilang bahagi ng field. Susugurin na sana ni Cal yung griffin pero pinigilan ko siya.

Ako yung lumapit kay blobblebutt while busy sila kay Art.

"hey there..." sinubukan kong pakalmahin siya. Nakatalikod siya sa'kin na tila ayaw niya akong makita kaya nagtaka ako.

Or may tinatago siya mula sa'kin?

"naririnig mo ba ako?" alam kong naririnig niya ako. Kailangan ko lang ng sagot pero wala pa rin.

"bakit mo siya sinaktan?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling lang siya.

Sa pagkakatanda ko, pinoprotektahan niya si Art hindi sinasaktan.

"humarap ka dito..." yumuko siya saka umiling ulit.

Napasigh ako.

"I said face me." konting push lang ng ability ko at dahan-dahan na siyang humarap sa'kin.

"why-" napasinghap ako dahil bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya sa'kin saka yumuko.

"hey..." hinimas-himas ko yung ulo niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa paa ko kaya napatingin ako.

"umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Inangat niya ang kanyang ulo.

Umiiyak nga siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at sinubukang basahin ang mga mata niya.

Gumawa ako ng koneksyon sa weakness niya...

Ngunit nagtaka lamang ako dahil ang tanging nababasa ko lang, ay nasasaktan siya para kay Art. Hindi niya kayang harapin ang master niya.

"Bakit?" kumurap-kurap ako.

"sagutin mo'ko." nanghina ang aking boses.

Napaatras ako.

Kapag nagluluksa ang isang nilalang katulad niya..

Ibig sabihin may mangyayaring masama sa nagmamay-ari sa kanya...

"Imposible ang iniisip mo." lumapit ako sa kanya.

"Mali ang iniisip mo bloblebutt." binigyan ko siya ng malungkot na ngiti saka napailing. "hindi mawawala si Art."

Kaso... lumaki siya sa mga kamay ni Apollo. Pinanganak siya para magkaroon ng espesyal na connection kay Art.

"Hindi..." kumunot ang noo ko.

Pero umiling siya. Pinaninindigan niya ang nasa isip niya.

Natawa ako. Hindi naman siguro mawawala si Art kung walang...

dahilan.

"takot kang lumapit sa kanya kasi alam mong mawawala siya?" sinubukan kong isteady ang pag hinga ko.

Naiiyak ako. Kasi totoo ang sakit na dinaramdam niya.

Nararamdaman ko lahat.

At wala akong nahanap na pag-asa sa lungkot niya.

"kaya mo ba siya sinaktan kasi... nasasaktan ka rin sa tuwing nakikita mo siya?" kung anu-ano nang lumalabas sa isip ko.

Naguguluhan na ako. Unti-unti akong nadala sa matinding lungkot na nararamdaman niya.

Tinignan niya ako at napayuko.

The creature is already mourning as if may nawala na sa kanya.

Kahit anong gamit ko sa ability ko di ko pa rin napatahan si Blobblebutt kaya iniwan ko na siya at dumiretso sa kanila.

"Sa tingin ko... may sakit siya kaya ayaw niyang lumapit si Art sa kanya." sabi ko sa kanila.

"Hindi totoo 'yan." naiiyak na sagot ni Art.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

Alam niya ba ang mangyayari sa kanya?

"we'll just get bloblebutt checked... and you too." sambit ni Kara.

Hindi pa rin matanggal ang mga mata ko kay Art.

Ano bang hindi mo sinasabi sa'min Art...

"Una na'ko." tumalikod kaagad ako saka nagmamadaling naglakad pabalik sa dorm.

Nasa corridor ako nang nakaramdam akong may humila sa'kin.

"are you crying?" nag-aalala niyang tanong.

"tell me." humarap ako sa kanya. "What is the possibility na alam ng isang nilalang na mamamatay ang master niya?"

Kumunot ang kanyang noo bago siya sumagot. "it is possible... especially if that creature is born to serve that person until one of them meets death."

Napahawak ako sa dibdib ko.

Tuluyan na ngang bumigat ang pakiramdam ko.

"H-hey.. are you okay?" inalalayan niya ako.

Umiling ako.

Pagkatapos, natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak sa harap niya.

Ayokong may mawala sa'min...

"N-natatakot ako Trev..." tinignan ko siya na luhaan ang mga mata.

Napalunok ako. "Natatakot ako... na balang araw.. balang araw may mawawala sa'tin. Ayokong mangyari 'yon.."

Naging seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Tinignan niya ako sandali at sa laking gulat ko, niyakap niya ako.

"I'll do my best to protect you." bulong niya.

"To protect all of you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro