Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

To The Open Waters

Art's POV

Left... Right... Left... Right... Left... Right...

Sinusundan ko lang ng tingin sina Ria at Cesia na hanggang ngayon ay natataranta pa rin. Pabalik-balik lang sa paglalakad. Nakakunot ang mga noo at nakasayad ang mga mata sa sahig.

Eh si Kara, chill lang at nakayanan pang yumuko kahit may bandage na nga yung leeg niya.

Sasali din sana ako sa walk-a-thon nila pero may nakita kasi akong left-over fries kanina kaya heto.

om nom nom nom.

Napansin kong malapit nang maubos ang fries ko kaya napagdesisyunan kong ako na ang unang magsalita.

Syempre, concern din ako sa suliraning ito...

tumayo ako at tinignan silang tatlo.

"may extwa fwies pa ba?" tinaas ko ang walang laman na tray .

Narinig ko silang nagbuntong-hininga.

Ayan na naman yang mga reaksyon nila pagka may sasabihin ako ih!

"Art. Hindi pa umuuwi ang mga boys tas fries... Fries pa talaga ang hinahanap mo?" sinimangutan ako ni Ria.

Eh? Akala ko ba fries before guys?

"Alangan namang magtatanong ako kung nasaan yung boys. Bakit? May maisasagot ba kayo?" napaisip silang tatlo sa sinabi ko.

Oha. Sabi ko nga diba? Concern ako. PERO MAS CONCERN AKO SA FWENCH FWIES.

Kukuha na sana ako ng fwies dun sa ref nang nagsalita si Kara.

"You stand up and get your fries or sit down and help us think?"

Omg. This is a matter of life and death.

Biru lang.

Binelatan ko si Kara. Di nya ako maiintindihan kasi ang sawap ng fwies.

Pero dahil, dapat paninindigan ko ang pagiging responsableng Alpha, nilagay ko ang tray sa table

at...

At tumakbo papalayo sa kanila patungo sa ref.

Hinablot ko ang fries sa loob at kumaripas na naman ng takbo pabalik sa chair ko.

"okie, sasali na ako sa brainstorming. Hihi." binigyan ko na rin sila ng peace sign para no hard feelings. Inuna ko kasi yung fwies.

"Art? Hindi ka ba concerned sa kung ano nang nangyari kina Cal? Isang gabi na silang nawawala." tinanong ako ni Cesia.

Ewan ko pero habang nagtatagal, mas nagiging soft ang boses ni Cesia. Mas nagiging manipulative. Alam niya kaya yun?

Nakakatakot na kasi. Everytime na magsasalita siya para akong sinasapian ng force na pilit pinapakinggan ang boses niya. Huhuhu. Takot na talaga ako kay Cesia.

"Hindi. Alam kong okay naman siya eh. Marami nga lang gasgas. Pero sabi niya okay lang daw siya. Tatakas daw sila. Ewan ko kung paano at kailan." halatang 
nagulat sila sa sinabi ko.

Aahhh...

Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanila yung vision ko. Kung hindi lang sila nawawala ngayon, aakalain ko talagang panaginip lang yun.

"Ah.. Kasi ano..." nagkamot ako ng ulo. Iiihhh... Ba't ko ba kasi nakalimutan. "Nagkavision kasi ako. Nasa isang dungeon sila."

Padabog na umupo sina Ria.

Galit ba sila? Huhuhu.

"Ikaw Art ha. Pagka may alam ka sabihan mo kami kaagad." paalala ni Ria na problemado ang mukha.

Tumango ako.

Yes. Roger that.

Biglang nag ring yung doorbell. Si Cesia naman ang tumayo para buksan ang pinto.

Nakita kong pumasok si Heather.
Waaaahh!! Ang leader ng mga huntres ni Artemis!!

Alright. Kalma ka muna Art.

KYAAAAHHH!!!

Umupo si Heather sa harap namin.

"We are currently focused on doing lab research with an aurai that we caught." paninimula niya.

Tahimik lang kami. Base kasi sa mukha niya, parang interesting ang susunod nyang sasabihin.

"And one thing's for sure..." sumingkit ang mga mata niya. "they're not aurai's..."

Tumaas ang kilay ni Ria.

Kumunot ang noo ni Kara.

Bukas ang bibig ni Cesia.

"ANO?!" eh syempre hindi ako magpapatalo sa mga reaksyon nila. Halatang nagulat nga sila sa biglaang pagsigaw ko. Hehehe...

"what do you mean?" umusog ng onti si Kara sa harap.

Kulang nalang idikit ni Kara yung mukha niya kay Heather.

"well.. Maybe partly... They are hybrids. Part aurai and part daemon. Noon pa kami may kutob na hindi sila ordinaryong aurai's. They manifest the wings and the abilities from aurais. But their man-eating habit and their super strength... Are from their daemon side." sagot niya.

So may bagong species na pala ng monsters? Aurais and evil daemons combined? Ganun? Edi ibig sabihin mas mahihirapan kami ngayong talunin sila?

Napasinghap ako.

~~~dandandunnn!

Oh no.

"teka... Matanong ko lang bakit andito yung mga evil daemon hybrids na'yan... Nasa'n ba yung good daemons? Yung guardian spirits?" kumuha ako ng handful mg fwies at kinasya ito sa bunganga ko.

Akala ko ba na get rid off na yang mga mumu.

"That is one thing I am here for. We will need you at our camp next week." tumingin siya sa relo niya. Nagmamadali ata.

"Heather. May alam ka pa ba tungkol sa Wave Night Club?" tinignan ko si Ria na kanina pa siguro nangangating itanong yan kay Heather.

"Wala na. Bakit?" halatang nagtataka si Heather.

Sasagot na sana si Ria pero inunahan na siya ni Kara. "Nothing to worry about. You're in a hurry right?"

Tumango-tango si Heather saka tumayo para i-dismiss na ang pagkikita namin.

Sinabayan na siya ni Cesia para ihatid sa labas. Napailing nalang si Ria.

Bumalik na rin si Cesia sa upuan niya. Buo pa rin ang tensyon na pumapalibot sa room.

"Nakapagbook na ako sa cruise ship ng club. Mamayang 9 pm daw... Kararating lang ng tickets." inilapag ni Cesia sa mesa ang apat na tickets para mamayang gabi.

"I don't really get it. Nakuha nga nila ang apat na boys. Tayo pa kaya? What did the boys not do that we must?" bumalik na naman ang panic mania ni Ria.

Kinuha ni Kara ang isa sa mga tickets at sinuri ito ng maigi.

"Special sea view of the enchanting Seneries Islands..." binasa niya ang content na nakalagay sa loob dahilan na mapangiti siya.

"They forgot to read the ticket." natatawa niyang sabi na siyang ipinagtaka naming tatlo.

"Huh?" kumuha kami ng tig-iisang ticket.

Binasa ko ang nakalagay sa ticket.

Wave's Holiday Bonus: Free drinks for VIP's and a reserved videoke room. Our beloved members will also get to see a special sea view of the enchanting Seneries Islands!

May pagka weirdo din 'tong Wave Night Club. Wave... Tas yung club nasa cruise ship... Lahat nakaturo sa dagat. May special sea view pa sa Seneries Islands. Eh gawa lang naman sa putik at mga bato yung mga islands na yun eh.

"Enchanted..." narinig kong bulong ni Ria.

"Seneries Islands..." dugtong ni Kara.

"Sei...renes.. Seirenes is the plural form of the greek word Seiren or Siren." binalik ni Kara ang ticket sa table.

Ayun. Binaliktad na naman yung pangalan.

"Seirenes Islands can be called 'The Islands of the Sirens'." nakasandal si Kara sa upuan at nakatingin sa'ming tatlo.

"Those boys are too aggressive. Hindi tuloy napansin even the smallest of hints." natatawang sabi ni Ria saka pinatong ang ticket sa mesa.

Wahaha. Eh kasalanan naman pala yun nila eh.

Ayan tuloy. Di nakapaghanda ng maayos. Sila na yung nahulog as 'damsels in distress'.

Wihihi.

Wait lang kayo boys andito na ang knights in shining dresses ninyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro