Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Theosese

Jamie's POV

"Sige. Thank you po." nagpasalamat ako kay Bo, ang satyr na in charge ng mechanical department dito sa Academy.

Bumili kasi ako ng glass tas pina adjust ko yun dito sa maliit na workhouse nila. Hmm. Nasa likod lang naman pala ito ng mall.

"Para sa'n nga ba yan?" tanong niya.

"Umm.. project po." sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "By chance, are you a daughter of..."

Napangiti ako. "Opo. Pa'no nyo po nalaman?"

"You're the first Alpha to visit. Anyways, I expect to be working with you here. I can teach you a lot." nilingon niya ang workshop niya.

"Talaga? Maraming salamat po!" nagbow ulit ako.

Tumango siya kaya nagpaalam na ako saka dumiretso sa dorm. Nasa library ngayon sina Kara. Eh ako naman, may plano for the whole day. At ito ang pag-aralan ang libro na binigay sa'kin ni Kara.

Nagpatulong ako kay Bo na i-adjust yung glass sa partikular na lightwaves. Konting kembot lang sa blacksmith area at tapos na. Binigyan niya ng diamond-shape ang glass saka gold borders para daw hindi ako masugatan sa dulo.

Pumasok na ako sa dorm at dumiretso sa kwarto ko. Lumapit ako sa bitana para makakuha ng liwanag saka tinapat ang glass sa libro.

Tinignan ko ang imahe na unti-unting lumitaw sa cover. Ang noo'y puno ng Hesperides ay naging isang palasyo na.

Kumunot ang noo ko pagkatapos makita ang pamilyar na istraktura.

"Olympus Academy?"



Cesia's POV

Lumipat ako sa next page.

"about that woman though. I swear naririnig ko yung mga tawa niya paminsan-minsan." ani Ria habang binubuklat ang mga libro na nakalapag sa mesa.

Nasa library kami nag reresearch tungkol sa school. Nagpasama kasi si Kara. Of course, hindi talaga maiiwasan na sumali sa plano niya.

She actually has a point nung sinabi niya na walang nakakaalam sa history ng Academy. Ang sinabi lang, itinatag ito ng mga Gods.

"you think these things are connected with Art?" napahinto ako sa tanong ni Ria.

Alam kong may kinalaman si Art sa mga nangyayari. Pero sana naman... may balak siyang sabihin sa'min kung ano ang nasa isip niya.

Medyo nasasaktan ako para sa kanya kasi hindi na siya ang Art na kilala ko. She is spacing out. Halata naman.

"I feel like she is trying to avoid us." dagdag ni Ria.

"Ria. We are not here to talk about her." binigyan siya ni Kara ng warning look.

She just shrugged tas pinagpatuloy ang ginagawa niya.

Mayamaya, nakasandal na kaming tatlo at napapakit.

Grabe. 3/4 na ng libro na nasa History section ang nabasa namin pero wala talaga kaming nakuha.

"Weird. Ngayon ko lang narealize na wala tayong alam sa Academy. Binabalewala lang kasi natin 'to dati." narinig kong sabi ni Ria.

Napailing ako at umayos ng upo. Isang tower na ng mga libro ang nakatambad sa harap ko.

Aish. Ang sakit sa ulo.

Hmm. Ngayon lang siguro pumasok sa utak nila yung tungkol sa Academy since nalaman nila ang tatlong prophecies na tinatago ng school.

"Wala ba talaga kayong alam? Kahit konti?" nakakapagod na.

"You remember your professor?" tanong ni Kara.

I nodded.

"we saw him before the war right? Working with the Academy? He is therefore, a staff of this school." paalala niya.

Oo nga. Pero isang beses ko lang siyang nakita. Yung nagkaroon kami ng meeting. Nagulat nga ako.

"then I found out that it is not him that has something in relation with the Academy." dagdag niya.

"Theosese?" tanong ko.

Tumango siya.

Syempre. Ang ama niyang demigod.

Ano ba ang meron sa Theosese na'to at nasasali pa rin siya before and after the war.

Akala ko tapos na kami sa kanya.

"HE IS CONFUSING AS FUCK. Sino ba talaga siya?!" naiiritang tanong ni Ria.

Napailing ako.

May librong inilapag si Kara sa harap namin. "so far this is the only thing we got."

Binuksan niya yung libro. May mga sinaunang litrato ito. Parang timeline ng mga staffs at mga estudyante sa Academy.

Tumigil siya sa pahina kung saan may lalaking nakawheelchair. Kasama niya ang isang batang nakatayo.

"That boy is the professor."

"so are you saying that crippled guy is Theosese?" tanong ni Ria.

Hindi ko makita ng maayos ang hitsura ng mukha dahil sa vintage style nito. May white streak lang ng light na nakatabon sa mukha niya.

Binasa ko ang description sa baba.

'The founder with his son, Gregory Matteo Milan.'

Si Professor Gregory nga...

"founder?" kumunot ang noo ko.

"He is not just a random demigod. He actually helped the Gods establish this school." tinuro ni Kara ang lalaki.

Siningkit ko ang aking mga mata para makita ng maayo ang image sa papel na nakapatong sa mesa katabi ni Professor.

"Logo ba yan ng Academy?" tanong ko ulit.

Naka sketch lang ito.

Tumango si Kara. "He might actually be the one who created the logo too."

'Alis volat propriis' binasa ko ang nakalagay sa pins namin.

"She flies with her own wings..." puna ni Ria.

Yumuko siya para tignan rin yung logo na nasa photo.

"Hmm... hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung para saan 'tong pakpak. Although, alam ko ang mountain na yan is the mountain where the Academy is hidden." nagkibit-balikat siya.

"It might stand for independence or something..." sagot ni Kara.

Tumango si Ria. "pwede rin.."

Napasigh nalang ako habang nakikinig sa dalawa.

Kinuha ko yung libro at nagscan pa sa ilang pages. Para nga itong yearbook. Pero wala akong nababasa na may pagkafamiliar.

Saka sinaunang yearbook ata 'to eh. Siguro sa time na'to, wala pa silang na recruit ma Alphas kaya puro Beta at Gamma lang ang andito.

"This is the only book like this. I think this is a remembrance for the first batch of students and staffs." tumabi sa'kin si Kara.

So yearbook nga 'to. Pero sa first year ito ng Academy. Hindi naman gumagawa ng yearbooks ang school so pangremembrance lang talaga ito.

Patuloy lang ako sa ginagawa ko nang napatigil ako sa Beta Class.

40 lang pala sila sa Beta noon.

Pero hindi ako tumigil para tignan ang mga pictures ng first batch of the Beta Class. Dahil ito sa picture ng isang babae. Nakangiti siya.

'Senior Matilda Yvenne Reyes of the Beta Class, Daughter of Iaso.'

"kamukha nga niya si Jamie." puna ko habang nakatingin sa litrato.

"Yun ba yung grandma niya na nabanggit mo?" tanong ni Ria.

Tumango ako.

"looks like she was one of the first staffs of the school clinic too." tinuro niya ang nakasulat sa baba.

'Attendee of Medical Assistance'
'Secretary of the Medicine Committee'

Kaya pala kilala siya ni Doc Liv... tas sabi rin ni Doc na magkakilala sila Matilda at Theosese...

•••

'1:02 am'

bumangon ako saka lumabas ng kwarto. Sinigurado kong di magising si Jamie na katabi ko at si Galatea na natutulog sa nakabukas na cabinet.

Matindi rin yung whole day na research namin.

Napailing ako saka dumiretso sa kusina. Mag titimpla ulit ako ng tea.

Ewan pero nagigising nalang ako bigla tas kinakailangan ko pang uminom ng tsaa para makatulog ulit.

Biglang humina ang heartbeats ko na siyang ipinagtataka ko.

Hmm. Medyo mabigat yung beats kaya alam kong hindi si Trev 'to. Psh. Eh kung hindi siya... sino?

Lumabas ako ng veranda at nakita siya na nakatayo nakasandal sa ledge. Hindi umabot ang liwanag ng buwan dito dahil sa presensya niya. Kung saan siya pumupunta, dumidilim talaga.

"Cal? Anong ginagawa mo dito?" tinawag ko siya.

Nilingon niya lang ako.

Tumabi ako sa kanya. "Nag eemote ka ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya nagbuntong-hininga nalang ako.

"Art?" finally, nakuha ko na yung atensyon niya.

Napangiti ako. A son of Hades and a daughter of Apollo. Hanggang ngayon talaga gusto kong tanungin yung mga moirai kung bakit silang dalawa ang pinagtagpo sa isa't-isa. Wala lang. Curious lang ako kung bakit.

Or tanungin ko kaya si Eros?

Na i-intrigue talaga ako sa dalawang 'to. So much difference but the same feeling.

"Nag away ba kayo?" tanong ko ulit.

Tumango siya.

"So sino bang may kasalanan sa inyong dalawa?" madali lang naman talaga yan eh. Dapat may isa na magpapakumbaba.

He took time bago magsalita. "Me... she's mad at me.."

"why?"

"I didn't tell her about her past. She told me she deserved to know even before she regained her memories." sagot niya.

"umm.. Cal..."

"you want to know what happened to us a long time ago?" mukhang nabasa niya yung ekspresyon ko.

Sasabihin ko na sanang hindi ako makakarelate jan kasi wala akong alam sa pinagdaanan nila.

"H-hindi naman kita pinipi-"

"No no.. it's fine. I feel like you ought to know too then perhaps you can tell me what to do. You're a daughter of Aphrodite. You should know."

Uminom muna ako bago tumango.

"Artemia Blaire Sol..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro