Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Accident

Jamie's POV

Kahit anong lagay ko ng toothpick sa mata ko wala pa rin. Ang bigat bigat na kasi ng eyelids ko. Di kaya mga bes!

"Jamie! Kumain ka na ba?" nilingon ko ang kapatid kong pinaglalaruan ang buhok niya.

"Itanong mo sa pusang may bangs." sinara ko ang Chemistry book ko at kinuha ang printed copies ng homework namin.

"Ate naman eh! Patay ka ni mama pag nalaman niyang di ka pa kumakain!" ang bata bata pa nga eh ang spoiled na niya. Bawat kilos sumbong kay mama. Kulang nalang i-handcuff ko siya ni mama.

"okay lang ako... Dalhan mo nalang ako ng kape." utos ko sa kanya at sinenyasan na kunin nya ang tasa na wala ng laman na nakalapag sa desk ko.

"Ate! Panlimang kape mo na yan eh!" reklamo niya bago kinuha ang mug at padabog na lumabas sa kwarto ko.

Umiling nalang ako. Paglaki mo Arah makakarelate ka rin.

Maiintindihan mo kung paano makakasurvive ang isang estudyante ng walang pagkain. Kape lang.


Narinig ko ang pag buzz ng cellphone ko kaya napaurong ako.

Pilit kong wag pansinin ang cellphone ko na alam kong napupuno na ng messages sa messenger.

Temptasyon lang yan Jamie. Ano ba.

"THE ATOMS INTERACT BY A PARTICULAR METHOD." binasa ko ng malakas ang nakasulat sa copy para di ko masyadong marinig ang buzz ng phone.



Ilang minuto ang lumipas at nasa harap na ako ng desk nakaupo nagbabasa ng conversation ng group chat namin.

Wala. Hindi talaga nakaya.

Alam ko naman talagang sa harap ng screen ang hantungan ko pag nags-study ako.

Hays.

Mid-term pa naman namin bukas tas nagpapadala ako sa gossips ng barkada ko.

I shrugged. Wala eh. Dapat updated ako eh.

Pagkatapos magbasa ng iilang mga chismis tungkol sa mga classmate naming malalandi, ni-lock ko na ang phone.

Hindi pa ako nakailang hakbang papuntang kama kung saan nakahintay ang mga libro ko, nag ring agad yung phone.

Nagbuntong-hininga ako. Ano na naman 'to.

Bumalik ako at kinuha ang phone para makita na si mama ang tumatawag.

"Ma?" sagot ko pagkatapos pinindot ang green button.

Pero sa laking gulat ko, ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Kilala nyo po ba si Mrs. Adelphine Reyes?"

"uhh- opo. Anak nya po'to. Bakit ho?" nakakunot ang noo ko.

"kung pwede sana na pumunta muna kayo dito sa District. Naaksidente kasi si-" hindi ko na pinatapos ang lalaki at dali-dali ko nang kinuha ang jacket na nakasabit sa likod ng pinto.

Tumakbo ako papalabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan alam kong nandoon ang kapatid kong nagtitimpla ng kape.

"arah?" tawag ko sa kanya.

"ate?" bitbit niya ang mug na may laman ng kape. Kinuha ko ang mug mula sa kanya at pinatong ito sa counter saka ko siya binuhat.

"ate? San tayo pupunta?" tanong niya nang lumabas na kami sa inuupahan naming bahay.

"wag ka nalang magtanong Arah. Basta sumakay ka na." sumunod naman siya.

Kinuha ko ang helmet at pinasuot sa kanya bago i-andar at pahiritin ang motor.

Nanginginig na ang kamay ko.

Hindi dahil sa makina kundi dahil sa kaba.

Ano na namang kaguluhan 'to.

Nakakastress na.

May exam pa tas ngayon nalaman kong na aksidente si mama.

"a-ate..." hindi ko narinig masyado ang boses ni arah dahil sa bilis na pagtakbo ko.

"arah?" bahagi akong napasigaw para marinig niya ako.

"ate?! Sa'n tungo natin?!" sumigaw na rin siya.

"Hintay ka lang!" di naman siya sumagot pagkatapos kong sabihin yun.

Ang hirap pa namang makipagsigawan lalo na't ako ang nagd-drive dito.

Lumipas ang ilang minuto at huminto na kami sa may dilaw na bahagi ng aspalto.

Sa harap ng ospital.

Nakahawak ng mahigpit sa kamay ko si Arah, dumiretso kami sa may desk ng nurses.

"umm.. Reyes po.. Accident.." napalunok ako habang tinitignan ang isa sa nurse na may pininpindot-pindot sa computer.

ANO KA BA ATE. BILISAN MO!

"uhmm.. Under operation po siya ngayon. Nasa third floor po yung surgery room. May waiting area po doon." sabi niya saka tinuro kung saan nakabanda ang elevator.

Hindi na ako nagpasalamat at hinila si Arah para sumakay sa elevator.

Agad nag green yung button na may number 3 na nakaukit pagkatapos kong pindutin ito.

"ate? Ba't po ba tayo nasa ospital?" alam kong nangangati na si Arah sa tanong na yan kaya napabuntong hininga nalang ako.

"may tumawag kasi sa ate, Arah.. Si mama daw naaksidente" sagot ko.
Hindi na ako nag alanganing tignan ang reaksyon niya.


Mayamaya, tinawag kami ng isang lalaking naka lab gown.

Yung doktor ata.

"Hey are you-"


"Yes. I'm your girlfriend."

Sheeeet!! Ang gwapo niya! Di ko akalaing may ganito pa palang mga mukha.

Napadako ang mga mata ko sa biceps niya na nahagip ng matutulis kong mata. Oo bakat na bakat ang muscles.

OH MY. Para siyang isang greek god.

Pero wait... kadalasan kasi sa  greek statues ng mga lalaki ano eh...

Ang laki ng katawan tas ang liit ng ano...

Ano ba...

"Umm? Are you the daughter of the patient?"

ANO NA BA 'TONG INIISIP KO.

"ahyeah. Ako yung girlfr- anak. AKO YUNG ANAK." napahiss ako dahil sa epic failure ko sa harap ng isang gwapo.

"who's this?" lumuhod siya para magkalevel na sila ni Arah saka niya nginitian ang kapatid ko.

Sheeeet! Mas gwapo talaga siya pag nakangiti.

Tinkyu Lord. Grabe.

"your future sister-in-law" para namang wala sa kanya yung sinabi ko.

Syempre. Intentional yon. Ang landi ko tologo. Hehehe...

Eh kasi minsan lang kaya ako nabibigyan ng opportunity na makausap ang isang gwapong nilalang.

Sa mukha kong 'to.

Tumayo muna siya bago hinilamos ang mukha niya na para bang ang lalim ng problema.

"So doc? Ano? Kumusta na po yung mama natin? anong kondisyon niya ngayon?" tanong ko.

Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa napaka perfectly chiseled na jawline niya.

OH MY SIOMAI.

"She's gonna be fine..." kahit papano, napaluwag naman ang hininga ko.

Atleast alam kong okay si mama. Saka atleast nakausap ko ang nakalaglag panty na lalaking 'to.

Doctor pa.

OMG.

Siya na. Siya na talaga ang dreamguy ko.
Siya na nga si Mr. Right.
Siya na talaga ang icing sa ibabaw ng cupcake ko.

Napahawak siya sa likod ng leeg niya na para bang may gustong sabihin.

"the funny thing is.. I'm actually the one who brought her here.." sinundan niya ang  mga katagang yun ng awkward na tawa.

Hanudaw?

"ha? Eh salamat po talaga. Baka hindi na maagapan yung mama ko pag di nahatid dito ng maaga..." nag bow ako sa kanya.

"Uhh-no..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ako... Ako yung nakabangga sa kanya"

Nanlaki ang mga mata ko.

"ANO?!" siya?! Siya yung nakabangga ni mama?! Siya yung may kasalanan?! Ang gwapong 'to ang nakapahamak sa mama ko?!

"I'm really sorry miss.. I didn't mea-" hindi ko na siya pinatapos at hinayaang bigyan ng freedom ang kamay kong may hawak na helmet since nangangati na akong isapak ito sa kanya.

"WALANGHIYA KA! Putangina! Ikaw?! Ikaw pala huh? Huh?! HUH?!?!" pinagpatuloy ko lang ang paghahampas sa kanya hanggang sa nakaramdam ako ng paghila sa t-shirt ko.

"ate... Nasa ospital tayo.." narinig ko ang boses ni Arah.

"eh! Kahit na! Pagkatapos nya akong ngitian ng ganyan?! Hoy FYI. Ang pangit pangit mo!" hiyaw ko.

Dinig na dinig ko ang nag eecho na boses sa corridors kaya aware ako na nasa amin ang atensyon ng mga tao.

"what the hell are you talking about? Bakit pangit yang pinagsasabi mo?!" nakayuko pa rin siya.

Mas naganahan akong hampasin siya ng helmet dahil sa matigas niyang biceps. Grabe made of steel ba siya? Superman?

Namamangha pa rin talaga ako.

"could you stop?!" narinig kong sigaw niya. Infairness, ang laki ng boses niya kaya napatigil na rin ako.

"Hoy kumag. Maghanda ka na. Dahil isusumbong kita sa police!" pagbabanta ko sa kanya.

"She didn't cross on the pedestrian lane! The light was green!" depensa niya sa sarili.

Hmm...

"ahh.. Ganun ba?" curious kong tanong.

"yeah.. Ganun nga ang nangya-"

"ah basta! Kahit na! Magsasampa pa rin ako ng kaso!" hindi ko na naman siya pinatapos saka hinila si Arah papalayo sa kanya at nagsimulang maglakad patungong exit.


"Kukunin po ba natin yung mga gamit ni mama ate?" tanong ni Arah na pinabayaan akong hatakin siya.

Tumango ako.

Tsk sayang. Ang gwapo pa naman!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro