Returned
Cesia's POV
"Eh bawal ba yun?" tanong ni Art habang kumakain ng popcorn.
Nasa clinic kami ngayon nanonood ng movie.
Busy daw yung boys kaya napagdesisyunan nilang dito sa clinic magtambay, mag movie mara.
"Cesia... usog ka nga ng konti..." tumabi sa'kin si Ria.
Abnormal din ang babaeng 'to. Ako pa yung pina adjust niya eh ako nga tong naka confine sa clinic.
"Teka nga. Ba't ba kayo andito? Kung sa dorm kaya kayo manood?" tinignan nila ako na tila nairita sa sinabi ko.
Lah.
"No... we're fine..." ani Kara na umiinom ng soda.
Umupo ako. "pati ba naman ikaw Kara?" saka bumagsak ulit sa higaan.
Napahawak ako sa noo ko. Grabe.
Ang sabi ni doc okay na daw ako.
Aside na malapit na naman akong mamatay dahil sa power limit na yan.
This time, hindi brain yung nag lock down. Yung heart na mismo kaya nanghina kaagad ako.
Pagkatapos ang isang oras na lecture tungkol sa power limit na yan, biglang sumulpot ang mga babaeng 'to. Complete with foods and drinks.
Hays.
Wala na akong choice kundi makiisa sa kanila.
"Pakipasa nga yung fries.."
Habang kumakain, napaisip ako sa bato. Wala na akong alam kung saan napunta yun. Pero alam kong bumagsak nga siya.
Mamaya tatanungin ko si Doc kung may nakita ba siyang bato. Baka nasa kanya lang yun.
•••
"Mamaya niyo nalang ho sila gisingin." nag bow akong bilang thank you kay Doc.
Naaalimpungatan parin ako pero kinaya kong tumayo. Nakatulog kasi kami habang nanonood.
Tinignan ko sila na mahimbing na natutulog. Si Ria at Art na ang pumalit sa'kin sa bed ko. Habang si Kara nakaupo lang.
Ewan ko ba sa mga babaeng 'to. May excuse naman kaming maging abnormal kasi hindi naman talaga kami normal.
Napagod ako sa kakahiga kaya tumayo na ako.
I also decided na pumunta muna sa library.
Katatapos lang daw ng examinations ng Beta Class kaya di na gaano karami ang mga estudyante doon.
"Remember what I told you?" binuksan ni Doc Liv ang pinto.
Tumango ako. "Mmm... more training"
Nag nod siya saka ngumiti. Lalabas na sana ako nang may naalala ako "Umm.. doc.. wala ka bang napansin na bato na dala-dala ko papunta rito?"
Umiling siya.
Naghuhula muna ako kung saan yun napunta nang pumasok sa isip ko ang lalaking nagdala sa'kin rito.
Baka nasa kanya nga.
Nagpaalam na ako saka lumabas. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng ibang estudyante. Mukhang tama nga sila noon. Masasanay ka lang sa school na'to.
Dumaan ako sa office kung saan nakasalubong ko yung mga bagong Alphas.
Napangiti ako matapos makita ang pins sa uniform nila.
"May ID na ba kayo?" tanong ko.
Lumabas si Dio mula sa likuran nila na may dalang camera.
"Of course. I will lead them to the dorm. Gusto mo bang sumama?" alok sa'kin ni Dio.
Umiling ako. "Actually papunta ako sa library.."
Hinead-to-toe niya muna ako bago nag agree. Chineck ata kung okay na ba yung kalagayan ko which is sweet. Silang lahat talaga nag-aalala sa'kin.
Lalong-lalo na si Cal. Manghihingi sana siya ng sorry kaso wala pa akong malay pagbisita ng boys ayon kay Art.
Dumiretso na ako sa library.
Tulad ng sabi nila, iilan lang na mga estudyante ang nakikita kong nagbabasa. Mas kaunti nga sila ngayon kumpara sa dati.
Papasok palang ako, may sapatos na akong nakikita na tumatalon-talon. Walang nakasuot nito.
Napalingon ako sa grupo ng mga estudyante na nagtatawanan habang nakatingin sa sapatos.
'B' ang nakalagay sa pins nila.
Ang saya-saya nila.
Nanlaki ang mga mata ko nang napansing nakatingin rin pala sila sa'kin. Binigyan ko sila ng awkward na smile bago dumiretso sa aisle ng mga libro.
Nag sigh ako pagkatapos isandal ang noo ko sa wooden shelf.
"I heard you're in the clinic?" isang pamilyar na boses ang nanggaling sa likod dahilan na umikot ako para harapin siya.
Nakita ko siya na may nakabuklat na ibro sa kanang kamay niya. Nakatayo siya at ngayon ko lang napagtantong matanda na nga siya.
"Professor? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.
Siningkitan niya lang ako ng mata na siyang ipinagtataka ko.
Napunta ang mga mata ko sa pen na nakainsert sa pocket ng suit niya.
"Reading.." mahina niyang sagot.
"U-uhh... sige.. una na po ako." tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo.
"Abigail wait!" narinig kong tawag niya.
Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang tinawag niya ulit ang pangalan ko.
Hindi na 'Abigail' kaya huminto ako.
"Prof?" nakataas ang dalawa kong kilay.
Kinuha niya ang libro na nakapatong sa mesang katabi niya saka naghakbang papunta sa kinatatayuan ko.
Nalaman ko kaagad kung anong klaseng libro ito nang mahagip ng mga mata ko ang gintong kahoy sa cover.
Eto yung libro na binawi niya dati.
Nagalit pa nga siya sa'min kasi suicide daw yung gagawin naming pagpunta sa Garden of Hesperides.
Inabot niya sa akin ang libro.
Nagdalawang isip akong tanggapin ito pero sa huli, nasa kamay ko na ang libro.
"I am so sorry about what happened. Nadala lang ako sa takot." aniya.
"Naiintindihan ko naman po kayo. Saka kalimutan na po natin yun." binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Tumango siya at tinignan ako na para bang hindi pa siya tapos. Na may gusto pa siyang sabihin sa'kin.
Kaso huminga lang siya ng malalim at yumuko.
Nag iba ang facial expression niya nang umangat siya. Nginitian rin niya ako pabalik.
"Sweet girl..." bakas ang awa sa boses niya.
"Po?"
Umiling siya. "take good care of yourself... and the whole team." huli niyang sambit bago tuluyang mawala sa harap ko.
Napa atras ako.
Okay... ang weird naman...
Tinignan ko ang librong hawak-hawak ko.
Umupo ako sa desk na nasa sulok ng library. Para solo effect. Nag-iisa naman talaga ako eh.
Saka favorite spot ko rin ito since nasa harap ang malaking bintana. Kitang-kita ang nag nagtataas-taasang puno sa surrounding forest ng academy.
Binabasa ko lang yung mga pages na hindi ko pa nabasa dati. Hindi kasi ako katulad ni Kara noh. May mga topics na nga akong nakalimutan.
Ilang minuto ang nagdaan, inalis ko na ang mga mata ko sa libro at napatingin sa labas ng bintana.
May mga estudyante na nag t-training.
Napangiti ako nang may dalawang Gamma na sinubukang tumalon sa bar pero palpak kaya sa ground ang bagsak nila.
Paano kaya kapag... hindi ako myembro ng Alphas?
Or...
Di ako demigod?
Ang laki siguro ng kaibahan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmuni-muni nang biglang natanggal ang bahagi ng barrier.
Nanlaki ang mga mata ko. Kusang tumaas ang kamay ko at sinubukang kontrolin ang bagsak ng glass.
Napatayo ako dahil sa bigat.
Tinignan ko ang isang estudyante sa baba na nakatingin lang sa taas.
'watch out!'
Hindi ko kayang ipasteady ang glass ng ganito katagal. Shoot!
"I SAID WATCH OUT!" saktong nahulog ang barrier.
Humihingal ako habang nakatingin sa baba.
Nakita ko ang babae na nakayakap sa isa pang estudyante.
okay okay Cesia....
She's safe...
Kalma ka lang...
Hawak-hawak ko ang dibdib ko.
Tinignan ko ang iba pang estudtanye sa library na nagulat sa biglaan kong pag sigaw.
Binalewala ko nalang sila at dumiretso papalabas bitbit ang libro.
Nagmamadali akong pumunta sa field kung saan nalaglag yung nasirang bahagi ng barrier.
"Everyone calm down. We will fix this." narinig kong sabi ng isang staff.
"Fix?! Kung tuluyan na ngang nabagsakan yung estudyante then what?! You will fix that girl?!" lamang na lamang ang boses ko sa panic ng crowd kaya natahimik sila.
"I-I'm so sorry... it was an accident..." yumuko ang staff.
I heaved a sigh.
"why would an accident like that happen?" this time, back to normal na yung boses ko.
"it's just that.. all our mages... our workers that maintain our school barriers are busy. Pinadala sila sa bagong camp ng huntres.." sagot niya.
Tumango ako at napatingin sa direksyon ng babae na muntik nang mabagsakan.
"okay... just make sure it'll never happen again..."
"y-yes.."
I forced a smile tas naglakad na pabalik sa dorm. I've been stressing the whole day.
At dahil stressed ako...
Kakain ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro