Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Rain

Cesia's POV

"Chase! Yung bag ko." kinuha ni Chase ang pink bag saka hinagis kay Kara na inabot sa'kin.

"Nasa'n si Heather?" tanong ni Ria.

"City." maikling sagot ni Kara saka zinip yung bag niya.

"Aish. Ba't ba naman kasi nakatakas yung ahas na yun." bulong ko. Nabitin kasi ako sa stay namin dito.

Gusto ko pa sanang maligo sa hidden beach. Sa susunod, dapat talaga akong maging handa. Magdadala na ako palagi ng limang pair ng bikinis sa bag ko.

Sa ngayon, pupuntahan muna namin si Ariethrusa. Nakatanggap kasi kami ng mensahe galing sa mahiwagang ibon na kailangan daw kami sa Arcadia.

Saka baka magalit sa'min si Heather since di pa niya alam na lalabas kami sa camp. Ayaw niya kasing may lumabas unless pinahintulutan niya.

Medyo strict kaya sila dito.

Ni review ko na lahat ng mga gamit ko. Syempre may iniwan ako dito sa camp na mga damit just in case.

Tinignan ko si Trev na nakatulog habang hinihintay kaming makapack up na. May nakapatong na unan sa mukha niya kaya napangiti ako.

Bilang anak ni Aphrodite, alam kong may hidden agenda din itong mga lalaking mysterious at seryoso kuno.

Hindi nga lang nila alam kung paano ito ipakita sa iba o intensyon talaga nila ang mag poker face para masabing matapang sila. Walang pakialam. Walang kinatatakutan.

But we all have our own weaknesses...

Gigisingin ko na sana siya nang nakarinig ako ng tunog ng kidlat.

Napasimangot ako.

Okay lang sana kung ipaalam niyang gising pala siya.

Di niya kailangang gamitin ang kapangyarihan niya para ipaalam sa'kin.

Kinuha ko na yung mga kagamitan ko. Kanina pa naghihintay yung huntre sa kotse.

Una akong lumabas ng tent tas tumungo na sa nakaparadang van sa labas ng camp. Tinignan ko muna ang landscape ng camp bago pumwesto sa pinakalikuran.

Nakatitig lang ako sa huntre na nakaupo sa drivers seat nang may naalala ako.

"Nahanap na ba yung anak ng isa sa refugee?" tanong ko.

Tinanguan naman ako ng huntre. "Mm.. nalocate na. Si Heather na rin mismo ang pumunta para kunin si James." 

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos marinig ang sinabi ng huntre.

James pala yung pangalan niya.. mabuti naman..

Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at nag adjust para komportable ang pagkakaupo.

Saktong nakapikit na ako nang maramdaman kong may tumabi sa'kin.

"Bubblllleeeesss!" at di ko na kailangang dumilat para malaman kung sino...

Ilang minuto ang lumipas at pumasok na rin sila sa loob ng van.

Akala nga nilang lahat na natutulog ako.

Pinatahimik kasi ni Kara si Art habang naglalaro kasi nga, "Cesia is sleeping."

"Nakaka stress talaga ang ahas na yan.." reklamo ni Ria.

Sang ayon ako sa sinabi niya. Naging komportable na kasi kami sa camp.

Akala ko nga mas magtatagal pa kami doon.

Unfortunately, ayun, nakatakas si Mayethrusa. Hanggang ngayon, walang nakakaalam kung paano niya nagawang tumakas. Mahigpit naman daw yung pagbabantay ni Ariethrusa sa kakambal niya.

Narinig ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa labas kaya iminulat ko na ang mga mata ko para tumingin sa labas.

Nakailang buntong-hininga rin ako.

Malay ko ba kung trip ko lang mag emote pag umuulan... nakasakay sa isang sasakyan.. eto kasi yung madalas na nakkita ko sa mga music videos kaya sa tingin ko nakakatrigger ang ulan sa 'emote reactors' ng sistema ko.

Hindi ko nga lang gagalawin yung music ngayon kasi nakakatakot yung huntre.

Napansin kong mas lumakas ang ulan kaya napangiti ako.

"You like rain?" nagulat ako dahil sa boses mula sa tabi ko.

Binuksan ko ang aking mga mata at hinanap ko si Art na nasa harap pala katabi si Kara.

Hindi pala si Art yung naramdaman kong tumabi sa'kin kanina.

Syempre, hindi ako nag fret at nagpanggap na alam kong katabi ko siya...

at katabi niya ako...

at magkatabi kaming dalawa...

dito sa likod ng van..

kami lang dalawa...

Teka ba't kami lang dalawa ang andito?! Silang lahat kasi nasa harapan umupo.

Inassure kong stable ang ginhawa ko bago sumagot.

"Hindi-oo.. may pagka?" kung anu-anong mga sagot ang lumulutang sa utak ko.

Shoot. OO at HINDI lang naman yung choices. Ba't kinakabahan ako?

"A-ano.. feel ko kasing mag emote kung umuulan." sinundan ko ng awkward na tawa na agad kong pinagsisisihan.

Ilang beses na akong nag imaginary face palm.

Tinitigan niya lang ako.

"B-bakit?" tanong ko sa kanya.

"your eyes changed.." aniya. Kinakabahan ko sa titig niya.

"h-huh?" nanlalamig ang mga kamay ko.

Anong nangyayari sa'kin? Kinain na ba ng melodrama ang sistema ko?

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya kaya napaatras din ako...

Anong trip ng lalaking 'to?!

"Trev! nalagay mo ba sa bag ko yung gold?" tila isang biyaya ang boses ni Chase.

Bakas ang dismaya sa mukha, lumayo siya sa'kin at kinuha ang bag sa opposite side ng upuan para iabot ito kay Chase.

Ewan ko pero parang bumalik ang supply ng hangin sa pwesto ko.

Napapikit ako. 

Mabuhay ka Chase!

Dahil sa ginawa niya, naalala ko yung time na nasa dorm kami. Yung nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Pero kasi...

Ibang-iba siya para sa'kin..

Nanlaki ang mga mata ko sa iniisip ko at sinasampal-sampal ng mahina ang pisngi ko.

kasalanan ito ng dugong Aphrodite ko...

Hindi pwede 'to. Binilisan ko ang pag sampal.

Tila naririnig ko ang mahinang tawa ni Aphrodite mula sa kalayuan kaya mas nataranta ako.

Nakalagay ang palad sa pisngi, nilingon ko siya na nakapikit na at nakahalukipkip ang braso sa dibdib.

Huminga ako ng malalim at pilit iniba ang kung anong nasa isip ko para maiwasan ang mapahiya sa harap niya.

Mayamaya, nagulantang kaming lahat dahil sa magkasunod at magkasinglakas na kidlat.

"Trev!" sabay na nabanggit nila ang pangalan ni Trev. 

Naramdaman ko ang galit niya.

Gusto kong matawa.

Nainis ba talaga siya kay Chase kasi sinira niya yung moment namin?

Mayamaya, napansin ko ang isang van na kasalubong namin sa opposite lane. Hindi tinted glass ang harap kaya nakita ko ng malinaw si Heather na nakaupo sa tabi ng driver's seat at isang huntre na nagmamaneho ng sasakyan.

Tumango lang sina Heather sa direksyon namin.

Kung pwede lang sanang ipahinto yung sinasakyan namin para makapagpaalam kami ni Heather ng maayos...

kaso, may anak dito si Zeus na nababad trip kaya wag nalang.

Baka magreklamo 'to.

Ang haba naman ng pasensya niya. Manang-mana sa ama.

Napatingin ako sa bintana.

Mas lumakas ang ulan kaya napagtanto kong hindi ako makakapag-emote kung nagbabagyo sa labas.

"just for once-" narinig kong bulong niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Ginamit ko ang ability ko at napangiti pagkatapos malaman kung ano ang nararamdaman niya.

So ang atensyon ko pala ang gusto niya?

Natawa ako ng marahan.

Di naman nagsabi kaagad.

Nakalimutan niya sigurong empathy ang isa sa abilities ko kaya kahit hindi niya sabihin, alam ko pa rin ang tumatakbo sa isipan niya.

Umurog ako ng konti hanggang sa magkatabi na nga kami dahilan na magulat siya.

Pinatong ko ang aking ulo sa balikat niya at pumikit.

"just for once..." napahikab ako.

Narinig ko ang paghina ng ulan sa labas.

Son of Zeus...

Ano nalang ang gagawin namin pag hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro