Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III | Poisoned

Cesia's POV

Pinatawag kami ni Doc sa opisina nito kaya andito ako ngayon kasama sina Ria, Chase at Dio. Komportableng nakasandal si Chase sa couch habang nakade-kwatro ang mga paa. Sa tabi naman niya ay si Dio na kasalungat naman ang asta dahil nakayuko ito nang nakatukod ang mga siko sa magkabilang tuhod. Nakatapat sa kanyang bibig ang magkadaop niyang palad at halatang malalim ang kanyang iniisip ayon napakaseryoso niyang ekspresyon.

"Gods." Narinig kong bulong ni Ria na nasa tabi ko.

Umayos kaming lahat sa pagkakaupo pagkarating ni Doc Liv. Dumiretso ang doktor sa likod ng desk niya at nang maupo sa likod nito, naglapag siya ng makapal na folder.

"Aconite," panimula ni Doc. "Aconite is a poison that comes from a plant, used to hunt wolves in ancient times." Umusog siya papalapit sa mesa at binuksan 'yong folder. "It's also known as the Spittle of Kerberos. Heracles was sent to fetch Kerberos forth from the underworld as one of his twelve labors. The spittle of the beast dripped upon the earth, and from it sprang the first aconite plant."

"We could've known about it sooner..." dagdag pa niya.

"Then why didn't you?" tanong ni Ria.

"Because it wasn't just aconite that was used to poison Kara." Inayos ni Doc ang kanyang salamin habang binabasa ang laman ng folder. "It was mixed with ichor." Inangat niya ang kanyang tingin sa'min. "The golden blood of deities."

"Whoever made the poison meant to hurt a demigod," sabi niya.

"Who the hell would have a gods' blood just lying around the corner?" ani Dio.

"I don't know, either," sagot ni Doc. "The poison was mixed in the cake's icing."

"Pero teka lang, Doc, natamaan din naman ako ng cake na natapon kay Kara, ba't siya lang 'yong nalason?" tanong ni Chase.

"Well, whoever made the poison meant to hurt Kara, and Kara only," saad ni Doc.

Nag-abot ang magkabilang kilay ni Dio. "What do you mean?"

"The ichor we found mixed with the aconite wasn't just any deity's blood." Maingat na sinarado ni Doc ang folder sa kanyang harapan. "It was Athena's."

"Okay, now," ani Ria. "Who the hell would have Athena's blood just lying around the corner?"

Blangkong tinignan ni Doc si Ria bilang sagot.

"Ano na po 'yong kalagayan ni Kara ngayon?" tanong ko kay Doc. "Magiging okay lang ba siya?"

Huminga ng maluwag si Doc at malumanay na napangiti, na para bang ito ang katanungang gusto niyang marinig mula sa'min.

"She's one of the strongest fighters I know, so she should be," anunsyo niya. "We are doing our best, and stats show that she's also doing her best to recover. Her blood is starting to overpower the poison and we're helping her drain it completely from her system."

Pagkatapos no'n, narinig ko ang magkasabay na pagbitaw ng malalalim na buntonghininga ng aking mga kasama.

Kasunod akong nakarinig ng boses mula sa likod.

"What about the other one?"

Napalingon ako kay Trev na kararating lang ng opisina kasama si Cal. Sinundan ko sila ng tingin nang maglakad sila at huminto sa kabilang dulo ng upuan.

"Art's starting to recover on her own, too," pagbibigay-alam ni Doc.

"Any updates on her condition?" tanong ulit ni Trev.

Habang nag-uusap sila ni Doc, napansin ko ang unti-unting paglalim ng aking hininga. Nilunok ko ang namumuong tensyon sa aking lalamunan at napatikhim, dahil sa mabilis na pagbabago ng aking nararamdaman.

Nagsimulang manuyo ang aking bibig at nang maging pamilyar sa'kin ang emosyon na nagtatangkang balutin ang aking dibdib, dahan-dahan kong nilingon si Ria, at unang napansin ang namamahamak niyang mga mata.

"Ria," pabulong kong sambit.

Napansin ko ang sunod-sunod niyang paghugot ng hangin.

"Ria..." tawag ko ulit.

Nangangalit ang kanyang ngipin at saglit na kumislap ang pula sa kanyang mga mata.

'Ria!' sigaw ko sa aking isipan.

Mabilis na kumisap-kisap ang kanyang mga mata.

Saka siya tumingin kay Dio na siyang nagtanong, "Have you really tried everything?"

"I'm assigning a team of researchers to find possible explanations of Art's condition," sagot ni Doc. "It is possible that it's not a medical issue. She could be cursed, enchanted, or-"

"Excuse me." Biglang tumayo si Ria. "I'm going to look for the aurai that delivered the cake."

Bumaba ang tingin ni Trev mula kay Doc Liv. Dumako ito sa folder sa mesa na ilang segundo rin niyang tinitigan bago naiiritang nilingon si Ria.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin pero may namumuo atang pagtatalo sa katahimikang pumagitna kila Trev at Ria kaya kaya dali-dali akong tumayo.

"Sama ako," sabi ko.

Palihim akong napasinghap sa sandaling lumipat sa'kin ang atensyon ni Trev.

"Wala naman sigurong masama kung magtanong kami-" naputol ang paliwanag ko nang sitsitan ako ni Chase at sinenyasan akong umalis.

Marahan kong tinulak si Ria na inirapan silang lahat bago nagpatinag sa kinatatayuan niya. "Tsk," parinig niya pa nang makalabas kami ng opisina.

Ang hirap talaga kapag sinasabayan ni Trev 'yong galit ng iba, eh... Imbes siya dapat 'tong nagpapakalma ng mga kasama niya...

"Ria, sa tingin ko talaga walang alam 'yong aurai tungkol sa lason..." Binilisan ko ang aking mga hakbang ubang makahabol kay Ria. "Siya rin naman kasi palagi 'yong naghahatid ng ino-order natin, eh, pero kung ikakagaan ng pakiramdam mo ang makausap siya..."

"Really? After one of us betrayed and started a war in the Academy?" Mahina siyang tumawa. "You're still giving everyone the benefit of the doubt?"

"I would rather not, Cesia," seryoso niyang dugtong.

"Hindi ba pwedeng mamaya nalang natin siya kausapin? Baka kasi kapag ngayon, iisipin niyang inaakusahan natin siya."

"No, don't worry, I won't threaten her," saad niya. "I won't point a finger at her."

Nagdalawang-isip ako sa sinabi niya, lalo na nung binilisan niya pa ang kanyang paglalakad.

"Just a sword." Narinig kong mahina niyang sabi dahilan para manlaki ang aking mga mata.

Nagmamadali akong tumabi sa kanya. "Ria, huminahon ka muna."

Bigla siyang huminto at mabilis na umikot upang harapin ako.

"We're not done yet, are we?"

Nagtaka ako sa tanong niya. "H-Huh?"

"Pinaglalaruan ba nila tayo?" aniya. "Because I am starting to think that they really are."

Wala akong masabi.

"What do they want from us?" naninigas ang kanyang tono. "What do they want to see?"

Sa pagkakaintindi ko, sinisisi na naman niya ang mga magulang namin.

"What the f*ck do they want to happen?!"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Saka ako napatingin sa mga estudyanteng nabaling ang atensyon sa'min.

"And what the f*ck are you all looking at?" sigaw niya sa mga ito.

Dali-dali silang umiwas at nagpatuloy sa pinanggagawa nila.

"Look-" Mahinang napahawak si Ria sa kanyang noo at napahagod sa kanyang buhok. "I'm-"

"Okay lang." Minabuti kong ngitian siya sa halip ng ginawa niya. "Naiintindihan kita."

Pumikit si Ria, sabay buga ng hangin, at pagkababa ng kanyang kamay, tinignan niya ako nang namamagod ang mga mata.

"It was Art... and now, Kara..." nag-aalala niyang sabi. "Kara..." pag-uulit niya, na para bang hindi siya makapaniwala na may nagawang saktan si Kara.

Hindi na ako nagsalita pa at tumango-tango nalang upang ipaalam sa kanya na naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"I'm sorry, Cesia..." bulong niya. "Pwede mo ba akong samahan nalang sa dorm? Para magpahangin?"

Nginitian ko siya, masaya dahil nagawa ni Ria na pakalmahin ang sarili niya, isa sa mga katangiang gusto kong matutunan niya. "Tara," sang-ayon ko. "Sumigaw ulit tayo sa balcony."


Dio's POV

My head was slightly tilted while I observed from outside the curtains how three nurses were attending to her. Then I looked at trolley that contained all the bandages used to cover her wound, all soaked in blood.

"Bro..." Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa balikat ko. "Hindi ka ba nagugutom?"

Umiling ako.

"Bro naman!" reklamo ni Chase. "Hinding-hindi ka talaga magugutom kung tititigan mo pa nang matagal 'yang sugat ni Kara."

Sasamaan ko na sana ng tingin si Chase nang dumating ang isa pang presensya sa aking kabilang tabi.

"She's going to be fine, Dio," sabi ni Trev.

"I know," sagot ko.

"Why are you still here?"

"I don't know."

Those words immediately came out of nowhere. Hindi ko nga namalayan 'yong sinabi ko hanggang sa marinig ko si Chase na nagpipigil ng tawa kaya tuluyan ko na nga siyang nilingon suot ang nababagot na ekspresyon.

Kumibit-balikat siya na may kasamang pagtaas ng mga kamay.

"Let the aurai do their job," ani Trev. "And begin to do ours'."

"Anong ibig mong sabihin, 'tol?" tanong ni Chase.

"There is a rumor circling about the other classes," sagot ni Trev.

Humarap ako sa kanya. "About what?"

"Something disturbing the mortal realms."

"How true?" usisa ko. "And how bad is it?"

"We'll get our answers when we're called in to join in their missions."

Chase clasped his handsto get our attention. "Wala ba talagang may gustong kumain sa inyo bago tayosumabak na naman sa panibagong gulo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro