Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Open Forum

Ria's POV

I kicked the door.

Naramdaman ko ang kamay ni Kara sa balikat ko kaya binigyan ko nalang siya ng ngiti. "Oh no. I'm not mad. Sorry. Reflexes lang."

Inirapan ko sila saka pumasok sa loob. Giniba ko talaga yung pinto nila.

I am not mad you know.

I'm just furious.

Kung bakit ngayon lang kami may kaalaman sa mga nangyayari. We deserve to know the truth. Hell. Lumaban nga kami para protektahan ang school na'to and all they do is just keep secrets.

Wala naman talagang sekreto na hindi mabubulgar so here I am furiously walking towards the glass panels.

"Hello principal." pumasok kami sa office niya.

At first nagulat siya pero agad kumalma ang expression niya as if she expected this.

"sit down Ria." kusa akong napaupo.

Tsk. Just because she is a daughter of Aphrodite too doesn't mean she can command us like that.

Yes she is. The last member of the previous Alphas. They were six? But all of them died except her. Atleast that's what I heard.

"all of you.. sit down." following her command, natahimik kami habang naghihintay sa mga susunod niyang salita.

Tumayo siya crossing her arms while facing us. Para kaming isang gang ng students na papunta sa detention.

Huminga siya ng malalim. "what do you want to know?" tanong niya.

"The Prophecies." sagot ni Kara.

Nagbuntong-hininga siya. So she knew na ganito ang magiging reaction namin? The why the fuck didn't someone tell us.

Malapit na ang end of the world at wala kaming kaalam-alam.

Chill Ria.

"where did it come from?" dagdag na tanong ni Dio.

"From The Last Elysian Oracle herself. An oracle of the supremes. You know her?" tinignan niya kami isa-isa.

"She was the oracle that Kaye killed to obtain her powers. The oracle had been giving us prophecies until her death. That is why we are in chaos right now. Huli niyang prophecy ang ibinigay ni Rhea. She is dead and no one can explain what the mother of the Gods is telling us... no one knows what we are supposed to do." sagot niya.

Narinig ko na ang oracle na yan. An oracle from Elysium. Responsibilidad niya ang tulungan ang mga heroes or nobles laban sa kasamaan. She uses her abilities of light to prevent danger from happening.

And she is dead.

Naalala ko ang sinabi ni Kaye sa'min. The risks she took to become the elite. May sinabi siyang oracle na pinatay niya.

So it was her.

"Hindi ba ito alam ng ibang mga oracles?" tanong ko.

Umiling siya and gave us a disappointed look. "The Elysian Oracle is the highest ranking oracle. Even the council cannot reach half of her abilities. She is again, dead. No one can retrieve her."

Bumalik siya sa desk niya saka umupo. She massaged her temples and looked at us. Ngayon ko lang nahalata na pagod na siya. Her face looks... so off.

I was a little bit concerned but still, the fact remains na may tinago sila mula sa'min.

"Mmm... alam niyo po bang kasali kami sa prophecies na yan?" Art tilted her head.

Kumunot ang noo niya. "N-no..."

Ngumiti si Art "ngayon alam niyo na."

Natakot tuloy ako sa kanya. Alam kong may visions si Art na hindi niya sinasabi. Pati ang connection namin sa prophecies.

She changed. Nanatili yung pagiging PPG Addict niya pero may nagbago talaga.

Napailing ako.

"We will send you to face the council. Prepare yourselves Alphas." kinuha niya ang ilang files na nakapatong sa table at sinimulan na itong asikasuhin.

I heaved a sigh.

Lumabas na kami at umuwi sa dorm na tahimik. Alam kong iba-iba ang nasa isip namin ngayon. So no one dared to say a word.

We each went to our own rooms. Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko, kinalabit ako ni Cesia.

"Anak rin ni Aphrodite yung principal?" tanong niya.

"Yes. I'm sorry if it's late news to you." sagot ko.

Lumiwanag ang mga mata niya saka tumango. "Mm.. sabi ko na nga ba." she gave me a subtle smile pagkatapos ay pumasok na sa kwarto niya.

Hindi kaya descendant rin ni Apollo itong si Cesia? Everytime na may news sa kanya na supposed to be ay ikakagulat niya, ngumingiti lang siya tas tumatango na para bang may alam na siya or di kaya yun din ang kutob niyang mangyayari.

Can she foretell too? or characteristics na yan ng isang anak ni Aphrodite.

They indeed have accurate instincts.

I am still worried though.

She almost looked like crying nang matapos na ang encounter nila ni Blobblebutt.

Did Cesia see something?


I shrugged and proceeded to go inside.

Bumagsak ako sa higaan with my arms spread wide. Ang gulo-gulo na ng kwarto ko.

May naramdaman akong papel kaya kinuha ko ito.

Ito yung letter na binigay sa'kin ni Hermes na galing daw sa papa ko. Ito na siguro ang huling mensahe ni Ares para sa'kin dahil alam kong hindi na siya makakahanap ng oras para kausapin ako...

I took a deep breath bago binasa sa pangalawang pagkakataon ang nakasulat sa papel.

'...at 1 am, we lost a soldier, a mother, a daughter, and a friend.'

It was the same letter na binigay ng comrade ni mama kay lola sa araw na 'yun.

How can I move on dad? kung ito lang ang pinapaalala mo sa'kin. Are you really that heartless?

Do you want your daughter to hate you even more?

Natawa ako ng mahina tas tumayo. Kinuha ko ang nakaframe na military uniform at binuksan ito. I was going to insert the letter nang may nahulog mula sa frame na papel.

Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat.

'May pupuntahan lang ako Ria. Wag kang mag-alala. Babalikan ko kayo. Sa araw na lalakas kayo. Sa araw na iba na ang itatawag nila sa inyo. Babalik ako.'

Sino nama-

I paused when I remembered the only person who got a hold of this uniform. The person who cried because she tried to wash it.

It was a long time ago pero bakit ngayon ko lang nabasa ang sulat na ito? Does she still mean this?

May pupuntahan siya?

Napailing ako saka nilagay ang maliit na papel sa drawer.

Anong ibig niyang sabihin?


Lumabas ako at nadatnan si Cesia na nakikinig kay Kara sa kusina.

"Elysium is the place where heroes and the righteous stay to spend their afterlife." narinig kong sabi niya.

"Everyone there lives a happy and blessed life because that's what they deserve." sambit ko at umupo sa counter katabi si Cesia.

Kumuha ako ng grapes mula sa fruit salad nila.

"So wala na silang oracle dun?" tanong niya.

"Possibly." sagot niya.

"Hmm... Kaye really did mess things up." puna ko.

Hindi lang siya gumawa ng digmaan. Nakuha pa niyang guluhin ang natural flow ng mundo.

"Pero paano kung... may hidden agenda pala siya?" nagulat kami sa tanong ni Cesia.

"Paano kung intensyon niya talagang guluhin ang lahat?" tinignan niya kami.

I stared at her.

"Then why would she allow herself to get killed kung mas malaki pa naman ang plano niya?" tanong ko.

She just nodded and gave us an "oo nga." pero binawi naman niya kaagad ito.

"Hmm.. sino nga bang may sabi na plano niya yun? What if ginamit lang siya sa plano ng iba... ginawa siyang puppet?" tinignan niya ulit kami.

We just responded with confusing looks because we are confused. Seriously.

"Chill Cesia. Sa'n mo naman nakuha yan?" I gave her a nudge.

"May nagpakita sa'kin na anino ng babae. Madalas ko siyang naririnig. Ngayon ko lang sinasabi sa inyo 'to kasi akala ko naghahallucinate lang ako noon." sagot niya.

Nagtinginan kami ni Kara.

Kung totoo ang sinasabi niya.. then yung boses na naririnig ko... na biglang sumusulpot sa isipan ko...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro