Message Delivered
Ria's POV
Nasa veranda kami habang nanonood sa announcement of participants ng hunt.
Gabi na pero tila bituin yung mga weapons na dala-dala ng mga participants. Tatlong babae lang ang sumali sa hunt and the rest of them are men.
Of course, present ang limang lalaki ng Alphas. Sasali nga sana ako kaso napagdesisyunan naming mga girls na angkinin ang dorm habang busy yung boys.
Napatakip ako sa tenga ko dahil sa nakakabinging tili ng mga babae nang tawagin ang pangalan ng Alphas. Gods. Can't they cheer properly? Baka sila yung ipakain ko sa boar.
Lumiwanag ang invisible dome sa forest. Ginagamit ito para di makalayo yung boar.
"Do you think they will be okay?" nag-aalalang tanong ni Kara.
"Mananalo sila." Art answered, foretelling the outcome of the hunt.
She is being mysteriously silent today. And all she says are... serious. Yung hindi childlike. Nag-aalala tuloy ako sa kanya. Minsan nga pag kasama namin siya, bigla nalang siyang humihinto. Tas sasabihin niyang nagkaroon lang siya ng visions.
"oh well..." huminga ako ng malalim "mananalo naman pala sila so we don't have to worry."
Una akong pumasok sa dorm at dumiretso sa kwarto para magbihis. It feels so good to change into my casual attire. Actually, hindi ako magsusuot ng casual attire ngayon.
Mag papajama ako ngayong gabi since we're having a pajama party. Alam naman naming mauumagahan pa sa pag-uwi yung mga lalaki.
"where's Art?" tanong ko kay Kara paglabas ko sa room.
Nadatnan ko silang tatlo ni Cesia at Jamie na nakahiga sa mattress habang nag momovie marathon.
"she says she's not feeling well." tumabi ako sa kanya at kinuha ang bucket ng hot wings.
Nag order kami ng malaking mattress para sa gabing 'to. Nilipat rin namin yung table at sofa para makapwesto yung mattress.
Napangiti ako sa sarap ng wings. Bumili rin kami ng chips and salsa. And a couple of other foods.
This is literally the best thing that happened this week. Not really. I mean I hope Art gets better well soon.
Nag kukuwentuhan lang kami tungkol sa nangyari. Cesia told us she bought 3 chitons because she liked it. Nagulat nga ako pero saglit lang. She's becoming more Aphrodite-ish.
"Can I keep the chiton you bought for me too?" tanong ko sa kanya.
"Syempre naman. Para sa'nyo talaga yun." nakangiti niyang sagot.
And of course, girl's night 'to kaya di talaga maiwasan ang mag topic about boys. Expecially now that we're watching one of Zac Efron's movie.
"Mas gwapo pa rin si Sebastian." ani Jamie habang kumakain ng chips.
"Yeah. Seriously Jamie. What's with you and Sebastian?" tanong ko sa kanya dahilan na mapatigil siya.
"Idol ko sila." sambit ni Cesia. "kasi ang open nila sa isa't-isa. Huhu."
"Wala. Nung inatake kami ng mga daemons, sa bahay niya kami tumira. Long story." sagot niya.
Di ko tuloy maiwasang macurious. "Kwento mo na! We have the whole night." pinilit namin siyang magsalita.
Narinig namin ang pagbuntong-hininga niya. And before you know it, nakayakap na ako sa unan ko nakikinig sa adventures nila sa mortal realm.
"Wait. You mean. Sinipsip ni Sebastian yung lason ng ahas?" tanong ko. Nasa part na kami nung hinahanap nila yung tinutukoy na village witches tas bigla nalang may nagpakita na malaking ahas.
Tumango siya. "tas habang nasa ospital kami, inatake kami ng isa pang daemon."
So yun nga. I didn't know na marami-rami na rin pala silang pinagdaanan. Kaya pala close na close sila hanggang ngayon.
Or maybe there's more with the two of them?
"Bakit? Di ba kayo close ni Trev?" usisa ni Jamie.
Natawa si Cesia. "not as close as Chase and Ria." saka binigyan ako ng nangangahulugang ngiti.
"NOOOOOO!!" humiga ako saka ginamit ang unan para takpan yung mukha ko. "I do not want to talk about him."
Nagtawanan kami before we settled for the night. We exchanged stories and stuffs. I guess we were exhausted sa activities kaya knocked out kaagad kami.
•••
Nagising ako dahil sa paa na nakapatong sa noo ko.
I sighed.
"Wake up sleeping beauties. It's already lunch time." nakita ko si Kara na nakaupo sa counter umiinom ng kape.
Tatlo kaming bumangon at dumiretso sa counter ng kusina para kumain. Medyo haggard pa kami sa harap nila pero wala naman kaming pakialam. Except Cesia though. She's slaying that messy look.
"The boys brought us brunch." she waved her hand at the foods being displayed on the table.
"Nasa'n nga pala sila?" tumakam ako sa grilled sandwich.
"Cleaning the mess of the hunt." sagot niya.
Uminom ako sa pineapple orange juice with fresh cucumber slices. They really prepared a lot.
"but they won right?"
Tumango siya. "The four of them wounded the boar. The one who killed it was Trev actually."
Mayamaya, pumasok na rin yung boys. Sila yung pumalit sa'min sa sala at humiga. Pinagpapawisan silang lahat. Para silang bagong ligo.
"should we get you food over there?" lumingon ako sa kanila. Judging by their looks, wala na silang enerhiya na tumayo.
"no thanks." sagot nila.
If you say so.
I just rolled my eyes at binaon ang atensyon ko sa pagkain nang biglang pumasok ang malakas na hangin mula sa labas.
"Hello children." narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki kasabay nito ang pagkawala ng mansanas na nasa kamay ko.
"Dad. What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Chase.
"Iris and I got into a fight. She's taking over my office." umiling-iling siya.
To think that this youth in front of us is a God. Medyo nababaguhan pa rin ako.
"you're Hermes and you can't keep your office from a goddess like her." natatawa kong sambit.
Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti. Bigla tuloy akong kinabahan nang humakbang siya papunta sa'kin.
"what are you doing?" in a flash, nasa harap ko na si Chase, nakatalikod sa'kin.
Narinig namin ang halakhak ni Hermes. "can't I just talk to her, son?"
"hindi pwede unless you give me a valid reason." seryosong sagot ng anak niya.
Woah. I'm shocked.
"Now you're not willing to fight your father just for her right?" natatawang tanong ni Hermes
"what if I do?" naging seryoso ang mukha ni Hermes pagkatapos marinig ang sinabi ng anak niya.
Hermes sighed and placed his hands on Chase's shoulder trying to calm him down. "okay there young man. Just give us a minute to talk."
After an intense eye contact between the father and son, tumabi na rin si Chase.
"Ah yes. Ria..."
nag black out ako sandali at nakita ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa isang kahoy sinusubukang wag masuka sa ginawa niya.
"are you out of your mind?!" nakahawak ako sa ulo ko. Tila umiikot yung kapaligiran.
Dinala niya ako ewan kung saang bahagi ba'to ng kagubatan gamit ang super speed niya. AND IT WAS UNPLEASANT.
The headache he has given me is unbearable to the point na napaluhod ako habang siya, nakatayo at nakatingin sa'kin. Crossing his arms as if hindi siya ang may kapakanan nito.
"I really am interested with you." narinig kong sabi niya.
Nag effort akong tumayo para hindi ako magmukhang kaawa-awa sa harap niya.
"why?" naiinis kong tanong.
"because..." naging malungkot ang ngiti niya. "I want to be a good father."
"I want to know my son more... since he lived here, we haven't had quality time. We just talk telepathically." dagdag niya.
Natahimik ako. He wants to be a good father? Ano daw?
Nagsimula siyang maglakad kaya agad akong sumunod sa kanya. "then bakit ako yung kinuha mo? You could've went for Dio.. or Trev..."
"A father knows when his son... is... acting.. a little strange..." sumingkit ang mga mata niya.
"acting a little strange?" kumunot ang noo ko.
"Yes. Especially because of a... woman." ngumiti siya habang may inaalala "his mother was indeed like you. Fierce... and strong... she's too perfect to be a mortal to be honest."
"so? anong connect dun?"
"I want you to marry my son."
Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba yung narinig ko?
"Why are you telling me this?" marry? Like seriously? Is he crazy? Ikasal? Kami? Hahahahaha that's just not gonna happen.
Tumigil siya at humarap sa'kin. "I want to know that there's someone who will always stand by him."
I was speechless. He really loves Chase that much?
I'm jealous.
"I know my son could be a lil' bit annoying-"
"I will." nginitian ko siya pero nagulat ako sa sinabi ko "N-no.. I will not marry him but I will try to stand by him?"
Tumango siya and to my surprise, niyakap niya ako. Of course I backed up a bit dahilan na matawa siya ng marahan.
"yun lang ba ang pakay mo?"
Umiling siya saka may kinuha na letter mula sa bulsa niya. "I'm also here to deliver a letter from Ares."
Tinanggap ko kaagad ito at di maiwasang mapangiti ulit. He looked sad though, when he saw my reaction kaya tinanong ko siya kung bakit.
"we are trying our best to show you that we care... I hope you know that."
I will try to live with that.
Huminga siya ng malalim. "take care of yourselves. We might not be there when you need us the most."
Nag abot ang kilay ko. "anong ibig mong sabihin?"
"Something is threatening us. Today is my last day here on earth so tell my son I love him. I am not allowed to go back anymore. The deities and I decided it would be best to keep ourselves as prisoners in Olympus." nagtaka ako sa mga sinasabi niya.
"Farewell." boses lang niya ang naiwan. Nawala kaagad siya sa harap ko without even explaining anything.
"Ria! Shit! I'm sorry. Hindi ko alam na dadalhin ka niya dito.." narinig ko ang boses ni Chase.
"I love you."
Teka.
"N-no... I mean... he asked me... to tell you that." napaface palm ako para sa sarili ko.
Seriously Ria?! AM I OKAY?!
'I'm just pretending I didn't know about that kiss but...' narinig ko ang tawa ni Hermes sa isipan ko.
HERMES!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro