I | Spoiled
Get a glimpse of the revised version of the book by looking for the chapters with the following title format:
"Roman Numeral | Chapter Title"
Ria's POV
"Is she gonna be okay?" terribly worried, I asked, "I mean... anong nangyayari sa kanya? Panay na 'yong pagiging unconscious niya.." Humigpit ang aking pagkakakapit sa side rail ng medical bed kung saan nakahiga si Art na walang malay.
"We still have to wait for the lab results," sabi ni Doc Liv, ang physician ng Academy.
My eyes focused on the then rarely visible freckles on Art's cheeks, now a bit more darker and pigmented, like little sun spots. Kinutuban akong kaya luminaw ang mga ito dahil pumutla ang kanyang balat.
Her lashes gently fluttered while her eyes were still closed. Nilingon ko si Doc na napasulyap lang din sa akin, walang maibigay na sagot o paliwanag.
Galing kami ni Art sa mall at pabalik na sa dorm nang bigla siyang nawalan ng malay. But this isn't the first time this has happened. In fact, it's been a week since she started fainting. Bigla-bigla nalang siyang natutumba nang wala sa lugar at oras.
Mabagal kong sinuri si Art, mula ulo hanggang sa may tiyan nito. "She's not pregnant, is she?"
Wala akong narinig na sagot mula kay Doc kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
"Is she?" hindi ko makapaniwalang usisa.
Doc Liv returned a blank gaze. "No, she's not, Ria."
I let out an awkward laugh. "I know, right?" Palihim akong bumuntong-hininga. "That would never happen."
"I will pretend that I didn't hear what you just said." Lumapit si Doc sa monitor na nakapatong sa bedside table. "You know that level of intimacy is punishable in this school."
Kamuntikan na akong mapairap sa sinabi niya.
"It's not unless you get caught," bulong ko, dahilan na tignan niya ako nang nanliliit ang mga mata.
Napailing ako. "What?"
As if wala talaga siyang alam.
"Every day, every rule and regulation gets broken in this school. May ibang students lang na sadyang mas magaling kaya di nahuhuli," sabi ko.
"At may ibang estudyante rin na walang pakialam kung mahuhuli ba o hindi," dugtong ni Doc at saka hinarap ako. "You can go back to your dorm, as I still need to run more tests on the patient," aniya. "I'll send you a complete report once the results are in."
Napaisip ako sa mga eksenang mangyayari sa oras na bumalik ako sa dorm. "I need something to tell the others when they ask. Anong sasabihin ko?"
"Still the same," sagot ni Doc. "Maybe her body's still adjusting after her divination."
"Trev doesn't like maybe's..." mahina kong paalala. "And as far as I know, not one of us suffered from fainting spells after we divinated. Si Art lang."
Patagal nang patagal, kapansin-pansin ang pagbabago ni Art simula no'ng natapos ang digmaan.
At first, I didn't notice because it was subtle, but now, she's still bubbly but her eyes doesn't glow as bright as before when she smiles. And she spends most of her time staring at a distance. She used to be all over the place too, pero ngayon, hindi na gaano.
Kaya ko naitanong kung buntis ba siya kasi hindi lang siya ang napansin kong nagbago. Pati rin kasi si Cal, na alam ko'y pinakaapektado.
Sa tuwing nalalaman niyang nahimatay na naman si Art, titignan ka lang niya na parang kasalanan mo pa nga. I've also seen him storm out of the dorm a couple of times, and gods know where he goes to disappear when he gets frustrated.
"Ria."
Bumalik ang aking diwa nang tawagin ako ni Doc. Kasunod ko siyang pinadalhan ng nagtatanong na tingin.
"I don't know how to relieve all your worries," sabi niya. "But rest assured, that I am trying my best to be able to answer all your questions."
Umunat ang magkabilang sulok ng aking labi.
Clearly, I wasn't as sure as her.
Doc Liv sighed. "You're wearing that look of disappointment again, and I have nothing against it."
Umangat ang aking kilay, at panandaliang bumaba ang aking tingin upang masuri ang kanyang tindig, siguro pati na rin ang kanyang pangangatwiran, na hanggang ngayon ay nanatiling matuwid.
"I don't mean to pressure you," sabi ko.
"You do, Ria." She softly chuckled. "And I understand, because I know you're just worried."
Nanlambot nang kaunti ang seryoso kong ekspresyon.
"I promise to take care of her like how you want me to," saad niya. "So why don't you go about your day and let me do my job?"
"The thing is..." Tinignan ko si Art. "Marami nang nag-aalaga sa kanya at gustong alagaan siya."
"We're not worried if you don't take care of her." Nakatuon pa rin ang aking ulo sa pasyente habang dahan-dahang lumipat ang aking mga mata kay Doctor Liv.
"We're only worried if you don't prioritize her, Doc," I said, the moment my eyes bore on her.
Her pursed lips tightened. Umangat-baba ang kanyang lalamunan at saka niya inayos ang kanyang salamin.
"I will," she breathed out.
Huling beses kong sinulyapan si Art bago tuluyang hinarap si Doc upang mamaalam.
"Thank you," tugon ko.
Tinanguan niya ako, at ramdam ko ang paghatid niya sa'kin ng tingin habang papalabas ako mula sa isa sa mga nakakurtinang cubicles ng clinic.
I didn't bother giving her one last look when I closed the curtain. Instead, I gave it to the nurse na nakasalubong ko. Papasok pa lang siya sa cubicle bitbit ang isang silver tray, at tahimik ko siyang dinaanan, pati na ang ibang nurses at students na napatigil nang mapansin ang mabibigat kong hakbang patungo sa labas ng clinic.
Gods. Naiimagine ko na ang reaksyon ng Alphas pag nalaman nilang nasa clinic na naman si Art.
Papuntang dorm, hindi ko sinubukang itago ang malalim kong pag-iisip mula sa mga estudyante at staff na nakasalubong ko sa corridors.
The closer I got to the Alphas' dorm, the heavier my shoulders got, but I managed to keep my back as straight as a ruler that never had a history of bending, even the slightest.
I'd like to think that I never did, bend, the slightest. Pero tao pa rin naman ako, at ilang beses ko nang naranasang mapayuko.
At bahagya nga akong napayuko sa harap ng nakasaradong pinto ng dorm pagkatapos maalalang naiwan ko sa clinic ang pinamili namin ni Art.
"Shit," bulong ko.
"Oh, well," sabi ko kalaunan.
Pagpasok ko, nadatnan ko sina Dio at Chase na nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa, umiinom ng root beers habang nanonood ng TV. Sa silyon naman nakaupo si Cesia, at may nakapatong na salad bowl sa hita niya.
Sa kanilang tatlo, si Cesia lang ang nilingon ako.
"Ria?" Tila naghahanap ang kanyang mga mata. "Sa'n si Art?"
Saka lang akong pinansin nina Chase at Dio.
"Clinic." Inaantok akong kumurap. "She fainted..." Maingay akong bumuntong-hininga. "Again."
Biglang naglaho si Chase sa kinauupuan niya at sa kanyang pagbalik, lumitaw ang isang can ng root beer sa mesa.
"Anong sabi ni Doc?" tanong niya.
"Still, nothing."
Lumapit ako sa kanila. Kinuha ko ang root beer mula sa mesa at tumungo sa upuan ni Cesia. Hindi natuloy ang kanyang pag-alis mula sa silyon pagkatapos makitang paupo ako sa patungan ng braso nito.
I caught a glimpse of her confusion when she realized I didn't mean to take her seat, but only for a moment, because she was quick to shrug it off.
Binuksan ko ang can. "Has anyone had a good night's sleep lately?"
Because I certainly have not, pagpapatuloy ko sa aking isipan.
"Ayos," puna ni Chase. "Hindi pala talaga ako napaghahalataan kapag kulang ako sa-"
"Halatang kulang ka sa atensyon, Chase," tamad kong sabi.
Paanong hindi agad ako mapapagod sa pagiging delusional na naman niya kung maaga akong pinatawag sa office kanina para isarado ang kaso ni Mayethrusa, 'yong babaeng ahas na nakalaban namin sa digmaan.
She's still alive, unfortunately, and her twin sister, Ariethrusa, came to collect her and transfer her to the newly-built prison in Arcadia.
Doon na rin daw itutupad ang mga parusa ni Mayethrusa dahil sa ginawa niya. Though I don't remember what her punishments were. PE kasi namin 'yong iniisip ko, na nangyari pagkatapos akong pakawalan ng office.
At wala kaming ibang ginawa sa klase kundi ang mag-standby sa bingit ng kamatayan.
After that, nag-train na naman kami kasama si Sir Glen sa Semideus. We had to catch up to new lessons, after we skipped a few of his classes because we also had to catch up with new missions after we extended our stay at Rio de Janeiro.
Nabaling ang aking atensyon kay Kara na kapapasok lang.
"Where'd you come from?" tanong ko.
"I dropped by the clinic," sagot niya.
"From where?" tanong ko ulit.
"From the office," aniya.
I shifted on the armrest, nang makaharap ako sa kanya. "Pinatawag ka na naman?"
Humugot siya ng malalim na hininga, at inilibot niya sa'min ang kanyang paningin bago ako sagutin.
"Yes."
Si Dio ang kasunod na nagtanong, "What did they ask from you?"
Tinignan siya ni Kara.
"Organize the rest of the funeral services."
Sabay kaming napa-"oh" sa sinabi niya.
It's been two months since the war ended, around eight weeks since we barely survived, and more than five million seconds since some of us didn't.
Humarap ako kay Cesia. "Cesia, should we eat ice cream?"
Ilang sandali niya akong tinitigan at pagkatapos, mahina siyang natawa. "Pwede," sagot niya. "Mamaya, kasabay yung in-order naming snacks."
Tumunog nga naman 'yong doorbell pagkalipas ng ilang minuto. Nanatili pa rin kami sa sala habang lumabas naman ng balcony si Kara bitbit ang isang libro, at si Cesia ang siyang tumayo at bumukas ng pinto upang tanggapin ang dalawang malalaking paper bags na inabot ng aurai.
Aurai ang tawag sa mga babaeng may pakpak at matatagpuan na palutang-lutang sa Academy. Sila ang mga diwata ng hangin na naninilbihan bilang nurses sa clinic, saleswomen sa mall, servers sa cafeteria, housekeepers... and just overall attendants, para sa students at staff.
And while the Aurai take care of the creatures in the Academy, the satyrs take care of the Academy in terms of its structure and machineries.
Satyrs, the half-men, half-goat creatures of Greek mythology.
Nagpapakita lang sila sa tuwing may kailangang ayusin sa Academy. They were particularly busy after the war ended. Pinunan nila ng semento ang bawat butas sa bubong at pader, pinalitan ang bawat sirang poste, ilaw, pati salamin ng mga bintana, at pihitan ng mga pinto.
Wala sa sarili akong napangisi nang maalalang pangkaraniwang kasuotan nga pala ng satyrs ang damit ng mga construction workers.
They're always very interesting to watch. Lalo na no'ng matapos ang digmaan dahil palagi na namin silang nakikita... mga lalaking may mga paa ng kambing, nag-ooperate ng machines habang nakasuot ng neon vests at hard hats...
"Pakainin niyo na 'yan." Narinig kong sabi ni Chase. "Kita niyo, ngumingiti na nang mag-isa."
Mabagal ko siyang nilingon nang nangangalit ang aking mga ngipin.
Pumihit ang kamay kong nakatago mula sa kanya, at habang dinadama ang dagger na lumitaw sa aking palad, nanumbalik ang aking ngiti, para kay Chase na ginantihan ako ng isang nanghahamong ngisi.
Maybe, napaisip ako. The reason why he wasn't killed during the war was because he was never meant to die by the hands of an enemy. Maybe he was really meant to be killed by me.
Mabilis na naglaho ang aking ngiti. Dumilim ang aking paningin sa paligid ng lalaking babatuhan ko na sana ng dagger kung hindi kay Cesia na biglang pumalit sa kanya dahil tumigil ito sa harapan niya.
I was taken aback. Lalo na no'ng sumilip si Chase mula sa likod ni Cesia, suot ang mas malapad na ngiti.
Nanunuya kong pinagmasdan si Cesia na abala sa pagsalin ng pagkain sa kanyang plato. At ilang sandali pa'y napailing ako, dahil hindi niya napansin ang mariin kong pagtitig sa kanya.
Napansin ko kung saan dumiretso ang mga mata ni Chase pagkatapos niya akong patagong pinagtawanan. Dumako ito sa gitna ng mesa, sa isang kahon ng bento cake.
"Akin 'yong cake," tugon ko kay Cesia na aabutin sana ang sushi na katabi nito.
Nginitian ako ni Cesia saka tumango-tango. Ibinaba niya ang kanyang plato sa mesa at inangat 'yong kahon.
Masigla akong tumayo.
Chase looked hesitant as he watched Cesia hand the box to me. I was about to get it, when he stopped her arm from extending towards me and when he thought he was faster, mabilis kong kinuha mula kay Cesia 'yong box.
"Ria!" ani Chase. "Ako ang nag-order n'yan!"
"Ako ang nauna," sagot ko at maingat na inilabas ang cake mula sa kahon.
Nagtangkang lumapit si Chase kaya umikot ako sa kabilang dako ng mesa at umatras nang sinubukan niyang abutin ito.
Using the dagger that I was supposed to use to kill him, I sliced the cake that I found out was red velvet.
"Ria!" Umikot siya sa mesa at gano'n din ang ginawa ko papalayo sa kanya kaya nagpalit kami ng pwesto at ako na ang katabi ni Cesia na palinga-linga sa'ming dalawa.
"Cesia." Tinapat ko kay Cesia ang piraso ng cake na nakabaon sa dulo ng dagger ko. "Want some?"
Nagawang hablutin ni Chase 'yong cake mula sa kamay ko.
"Ano ba?" Nagawa ko rin namang agawin ito. "Akin nga 'to."
Tinalikuran ko siya at pilit nilayo 'yong cake sa kanya.
"Anak ng- custom order 'yan!"
Tinutulak ko siya sa sa tuwing inaabot niya ang mga kamay ko.
"Ria!" reklamo niya.
Naisipan kong umupo sa sofa at sipa-sipain siya habang natatakam sa pina-custom-made niyang cake.
Minabuti na rin nina Cesia at Dio na tumayo at layuan kami.
I've been holding the cake close to me this whole time, while I kept fending him off with my foot.
I was never told, na mas nakakatuwa palang magkait kesa manaksak.
Nasa pang-siyam na ako na piraso ng cake nang mahawakan ni Chase aking paa. Nagpapadyak-padyak ako upang makawala pero humigpit lang ang pagkakapalipot ng kanyang mga daliri dito.
Out of instinct, kusa kong inilayo ang pinoprotektahan ko mula sa nagbabanta nito.
It was the cake that I protected, from his hand that was the threat.
And one could only guess where his hand landed instead.
"Chase!" Binitawan ko ang cake at marahas na tinanggal ang kamay niyang ilang segundong nakadapo sa aking dibdib.
"Bro..." Narinig kong sambit ni Dio na mas lalo kong ikinainis.
Malakas kong sinipa si Chase na napaatras. "I'm going to fucking kill you—"
I've never thrown a dagger so hard in my entire life. And I've never been pissed off since he was able to avoid it.
"Gago." He muttered a curse after seeing the blade penetrate the wall and left a hole.
"Gago ka nga!" Out of rage, I threw at him whatever I could reach, including the entire cake that made a bloodlike stain on his shirt.
Napatigil ako nang mapatigil din siya.
Kinimkim niya ang mga piraso ng cake na nanatiling nakadikit sa kanyang damit. Tinignan niya ako, at di nag-aksaya ng segundo na ibato ito pabalik sa'kin.
Tumama ito sa aking pisngi.
I swiped the chunk of cake off of my face but instead of throwing it again at Chase, tinapon ko ito kay Dio na nakita kong ngumisi sa sandaling natamaan ako.
He was obviously caught off guard.
And from a distance, Chase snorted.
"Excuse me." Hinablot ni Dio ang chocolate pie mula sa plato ni Cesia at ibinato ito kay Chase na muling nadumihan, this time, sa may panga.
"Puta-" Panandaliang naglaho si Chase at bumalik na may dalang mga pagkain na agad niyang pinagbabato sa'min.
I've always loved making wars, even the type that does not involve blood, kaya di ko naiwasang mapangiti nang kunin ko ang tray ng sushi mula sa mesa, at tawang-tawang nagtago sa likod ng sofa.
"Chase! Yung damit ko!" nagtatampong sigaw ni Cesia.
I'm not sure if the gods will be pleased to watch their children waste food. They might even see us ungrateful for this kind of mess.
Mabuti nalang at sigurado akong, wala akong pakialam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro