Huntre's Camp
Cesia's POV
Tinuro ni Kara ang daan papunta sa camp ng mga huntres gamit ang relo niya.
Tinuturo nito ang direksyon kung saan may maraming mist. Sa ibang salita, kung saan malakas ang signal, dun kami.
"wala pa naman akong nakikitang signs ng civilization eh! Karaaa!" maktol ni Art.
Para kaming mga hitchhikers sa outfit namin. Nakailang liko na nga kami sa gubat.
Natatandaan ko tuloy yung mga horror movies na naka-set sa gubat.
Baka magkawrong turn kami at-
"we're here." anunsyo ni Kara.
nevermind.. Andito na pala kami.
Pagtingin ko sa harap, wala akong ibang nakita kundi mga kahoy lang.
Magsasalita na sana ako kung nasan yung camp kesyo naalala ko ang sinabi ni Heather na nakatago ito sa ilalim ng mist na blanket kaya medyo mahirap itong matuntunan.
Nakita ko kung paano naglaho si Kara sa harap namin kaya dali-dali an rin akong pumasok sa mist.
Pagpasok ko, lumitaw ang napakaraming tao at iba pang mga Huntres na nagpapakabusy sa kani-kanilang mga gawain.
"Alphas? Let me lead you to your camp." isang cute na bata ang bumati sa'min.
Naka huntre outfit siya kaya I'm sure na isa siya sa mga nakakabatang huntres.
Sinundan namin ang cute na cute na huntre. Hindi ko nga namalayan na nasa tent na pala kami kasi yung baby huntre at ang spear niya ang nasa isip ko.
Hihihi.
Hangkyuuut niya talaga.
But somehow, naaawa ako sa kanila. Di kasi pwede sa mga Huntres ang mga lalaki. Dapat mananatili silang virgins and NBSB whole throughout.
Okay naman eh kaso mga bata pa sila. Paano kung may magustuhan sila na lalaki pag lumaki na sila?
Once a Huntre, you can never go back.
At pag nilabag mo ang batas, tiyak na makakatikim ka sa galit ni Artemis.
Sabi nga nila, wag na wag mong galitin ang mga Gods kung gusto mo pang mabuhay.
"Thank you..." nginitian ko ang mini Heather. Magkamukha naman talaga sila.
Nilagay ko ang bag sa upuan. Lahat ata dito gawa sa kahoy. Pati yung bunk beds.
Umupo muna ako saglit. Ang haba naman pala ng nilakad namin.
"Just to check na andito kayo sa exact tent ninyo. My sister can get really confused with locations sometimes." pumasok si Heather na may dalang unan at kumot.
Sister... kaya pala magkahawig sila.
"confused?" tanong ni Kara.
Inabot sa'kin ni Heather ang isang unan na agad kong pinasa kay Art para malagay niya sa bunker.
"my sister is blind." sabi ni Heather na siyang ikinagulat namin.
Bulag pala yung mini Heather...
"Anyways, you should follow me to the laboratory." saad niya.
Tumayo kami at sinundan siya.
Habang naglalakad, napapansin ko ang mga taong may dala-dalang pagkain. Mga batang naglalaro sa putik. Dito pala nila pinoprotektahan ang may halong dugo ng Gods mula sa mga hybrids ng aurai at daemons.
Sa may di kalayuan, nakita ko ang mga boys na galing sa madilim na parte sa gubat.
Mukhang nag-enjoy sila ah... Sa'n kaya sila galing?
Pumasok kami sa loob ng tent.
Sa loob, may isa pang tent pero hindi na ito dirty white. Plastic ito kaya kitang-kita mula sa labas ang bangkay ng isang hybrid.
Napangiwi ako sa katawan.
Open na open kasi. Fresh pa nga yung mga lamang-loob niya. Nakaspread din ang wings.
May mga wires na nakakonekta sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
"ew..." tinakpan ni Art ang mga mata niya.
"Lalabas na kami.." ani Ria na halatang di rin nagustuhan ang view dito sa loob.
"Art will stay here.." nagsuot ng gloves si Kara.
"Ha? Bakit ako? Huhuhu... Pwede namang si Cesia ah.." nagtago si Art sa likod ko.
Di ko nga kayang malagpasan ang limang segundo dito.
"Sino ba ang anak ni Apollo dito?" nakapameywang si Ria.
Nagsigh of defeat si Art saka kumuha ng surgical mask at gloves.
Sinenyasan ako ni Ria kaya magkasabay na kaming lumabas ng tent bago pa kami madamay ni Art.
"I'm gonna check on updates about the mortal realm. You?" tanong ni Ria.
"Umm.. Mag se-self tour nalang ako." paalam ko sa kanya.
"okay. just remember not to go outside the mist." aniya saka tumakbo papunta sa isang grupo ng huntres.
Tumungo ako sa magkatabing tents kung saan naka settle ang mga biktima ng hybrids.
Pumasok ako sa isa sa tents at dumiretso sa huntre na nakaupo sa harap ng computer.
Naalala ko kasi yung babaeng demigod na natagpuan ko sa likod ng skwelahan. Napapalibutan ng maraming hybrids.
"Hi.. Umm.. may listahan ba kayo sa mga taong andito ngayon sa camp ? May hinahanap kasi ako."
Tumango ang huntre "yes. Matutulungan kita. He or She?"
"She." sagot ko "Isa siyang demigod."
Konting types and clicks saka lumabas sa monitor ang mga mukha at bio namin.
"Aside sa Alphas... Kayo lang ang nandito na demigods..." sabi niya.
"Diba may information kayo tungkol sa mga descendants na nasa mortal realm? In any cases, may demigod bang babae?" tumabi ako sa huntre.
Madali naman siyang nag respond sa sinabi ko at binuksan ang listahan nila.
"Demigods... Female.. Sa'n mo ba siya nakita?" kung sino-sino ang lumalabas sa screen.
"Sa isang elementary school.. Public.. Pero hindi siya estudyante... Brown hair.. May konting freckles din siya.." nakatitig ako sa screen. Wala akong nakikitang pamilyar na mukha.
Aish.
"I'm sorry pero wala talaga." tumigil siya sa pag scroll down.
"I'll alert the others. We will find her. She's a demigod afterall..." binigyan niya ako ng reassuring look.
I sighed. "sige..."
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalabas ng tent.
Ang sayang naman. Gusto ko sanang matignan kung okay na siya. Mukha kasing wala siyang alam sa nangyari.
Saka, isa siya sa main target ng mga hybrids. Baka kung napano na siya. Baka di na siya mahanap ng mga huntres kasi nakain na siya.
Wag naman sana...
Agad lumapit sa'kin ang isang babae na may dalang baby. "Isa ka ba sa tutulong sa'min? Pakisabi sa kaibigan mo na yung anak ko... Naiwan sa syudad. S-sige na.. Hanapin niyo siya.. Hindi pwedeng mag-isa lang siya.."
"Tumahan na po kayo.." tinignan ko ang baby at napangiti. "sigurado akong hinahanap na nila yung anak mo..."
Nagulat ang babae. Sinuri niya ako ng maigi.
"Isa kang anak ni Aphrodite.. Hindi ba?" mas nagulat ako sa tanong niya.
"Paano niyo po nalaman?"
Bumaba ang tingin niya sa baby na dala-dala niya kaya napatingin rin ako.
"Ganyan din ang boses ng ama niya... Bawat salitang binibitawan kusang pumapasok sa buong sistema ng isang katawan.." ngumiti siya habang inaalala ang asawa niya.
So demigod pala ang ama ng batang dala-dala niya...
"Bawat utos.. Masusunod..." naiiyak niyang sabi.
Di na ako magtatanong kung nasan ang ama niya. Obvious naman kasi mula sa reaksyon niya na masakit para sa kanya ang mga alaala nila.
"Kaya po pala ang ganda niya. Sana lumaki siyang matapang katulad mo. Ano po yung name niya?" hinipo ko ang chubby cheeks ng baby.
Ang ganda ng hugis ng ilong niya. Marami siguro ang magkakandarapa sa beauty ng batang 'to.
"Abigail. Abigail ang pangalan niya..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro