Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Galatea II

Jamie's POV

Finally. Nag ring na yung bell!

May free time na naman kami. Nag suggest si Cesia na gamitin ko yung spare time ko sa pag t-training. Inalok ko nga si Sebastian kaso busy daw siya eh.

Bumalik muna ako sa dorm para magpalit ng damit at kunin yung staff ko.

Weapon pala. Saka dumiretso na sa training room.

Napatigil ako nang makita ang isang anyo na naglalakad sa gitna ng room. Akala ko pa naman walang tao dito.

Sinigkit ko ang mga mata ko para makita kung sino ito. "Dio?" tinawag ko ang pangalan niya.

Pinapalibutan siya ng iilang bala ng baril. Lahat ng bala ay gawa sa ginto.

Tumigil naman siya tas nilingon ako pagkatapos marinig ang pangalan niya. Biglang nag disperse ang mga bala kaya naging gold liquid na ito.

Naglakad ako sa gitna pagkatapos niya akong sinenyasan na pumunta sa kanya.

Tinitignan ko lang siya habang ginagamit yung kumikinang na ginto.

Ginto...

"weapon mo?" tanong ko sa kanya.

"where's yours?" tumigil ang mga mata niya sa bitbit kong staff.

Hinagis ko yung staff sa taas. Agad lumitaw ang chain ng staff ko na nakakonekta sa kamay ko. Kasabay nito ang pagbagsak ng labrys sa ko.

"Niceeee.." tumatango-tango siya.

Alam ko na kung paano i-activate ang weapon ko. Noon, nagiging labrys lang ito pag may nasesense itong panganib.
Tinuruan ako ni Kara kung paano kontrolin yung labrys. Nakuha ko naman kaagad ang mga instructions niya.

Sabi pa nga niya dapat ako yung nagtuturo kung paano gamitin ang weapons nila. Hindi siya dahil ako daw yung anak ng Master of Weaponries dito.

Nagtaka ako kung bakit siya umatras.

Nakaramdam ako ng hapdi sa may balikat ko kaya napatingin ako at nakita ang t-shirt ko na may butas na. Sa ilalim nito ang balat kong napaso dahil sa weapon niya.

Hmm...

Inangat ko ang ulo ko para makita siyang nakangiti. Proud ata kasi nagawa niyang sugatan ako.

Hinahamon nga niya ako.

Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa labrys.

Nag anyong bala ulit yung weapon niya. Kaya napagod ako kakadepensa gamit ang weapon ko. May nahati nga akong ilan. Tas yung isang bala na di ko nabigyan ng atensyon.

Buti nalang, kusang gumalaw yung chain na siyang nag deflect ng bala.

"Akala ko ba wala ka pang training?" tanong niya.

"Wala nga. Mas worse pa sa training ang naranasan ko." sagot ko habang inaalala ang first encounter ko sa mga hybrids.

Napailing ako. Puta. Di ko nga alam kung paano ko naligtas ang sarili ko.

Di ako binigyan ng oras na makapag training... Akala ko mamamatay na ako.

Hinagis ko ang labrys sa kanya. Madali naman siyang nakailag saka siya ngumiti "it missed."

Napangiti rin ako "talaga?" umikot yung labrys sa paa niya saka ko hinila ang kadena dahilan na mapatumba siya. Bumagsak rin sa sahig ang weapon niya.

Bago pa ako makapunta sa kanya, nagawa niyang kumawala mula sa chains saka ginamit ang weapon niya para maibalik ako sa dating kinatatayuan ko.

Mayamaya, nag c-clash na yung weapon namin kasabay sa ritmo nito ang pisikal naming paglalaban.

Sinipa ko kasi yung kamay na ginagamit niya sa malatubig na ginto saka tinuhod ang sikmura niya.

Nakita ko ang dugo na lumalabas mula sa bibig niya kaya napatigil ako. "okay ka lang ba?"

Imbes na sumagot, sinikad niya ang paa ko. Narinig ko ang tunog na nanggaling dito kaya napasigaw ako.

Tumayo si Dio at pinunasan ang dugo na umabot sa pisngi niya. "looks like I broke your ankle."

Tinignan niya ako. "and your arm too."

Tangina. Namali yung bagsak ko kaya natukod ko yung kamay ko. Pinakalakas ang impact na natamo ng braso ko since nandito lahat ng bigat ko at ng labrys. Namamaga na nga ito.

Napangiwi ako sa sakit.

HAYOP KA TALAGA DIO.

•••

"One twisted ankle and a broken arm." ani Doc habang nagsusulat sa board niya.

"Grabe naman." napailing si Cesia habang nakikinig sa kanya.

"She should be good to go. Her body was able to heal itself quicker than I expected." nakangiting sambit ni Doc.

Nakahiga ako ngayon sa clinic. Dinala kasi ako ni Dio dito pagkatapos ng nangyari. Pero umalis rin siya kaagad kasi may nag summon sa kanya.

Nakatulog nga ako sandali pagkatapos inumin yung ambrosia. Nagising nalang ako sa boses ni Cesia.
Nawala na rin yung injuries ko. Saka, sabi ni Doc di ko na kailangang mag undergo ng surgery.

"Her body is so fast in recovering I actually took a blood sample and discovered that she is a descendant of Iaso, worshipped as the goddess of recovery." tinignan niya ako.

Descendant rin ako ng isang goddess? "pero imposible po yun. Mortal po yung nanay ko. Tatay ko lang yung God... I think.." kasi wala siyang sinabi sa'kin.

"your mother may have not known. It was your grandmother who is a daughter of the goddess. Iaso's blood is thicker in your veins since you're a demigod." sagot niya.

Si Lola... Binibisita namin siya dati sa dating bahay nila mama. Ang healthy pa nga niyang tignan.

Ewan ko kung anong nangyari pero paglipas ng ilang linggo, narinig nalang namin na natagpuan siyang patay sa bahay. Inatake daw sa puso.

Naalala ko ang pagkamatay ni mama. Di kaya pinatay rin siya?

Nakaramdam ako ng lungkot.

"Your grandmother is actually... a friend of Theosese."

At magkakilala rin pala sila.

•••

"So anong pakiramdam?" biglaang tanong ni Cesia. Magkatabi kami dito sa higaan niya.

Yeps. Dito ako sa kwarto niya matutulog. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ni Cesia na lumipat ako sa ibang room. Wala raw siyang kasama pag may akyat-kwarto gang.

"Di naman masakit eh-"

"No. Ano yung naramdaman mo nung sinabi ni Doc na descendant ka rin ng isang goddess?" nagulat ako sa tanong niya.

"A-ano..." umupo ako. "Masaya... obvious naman siguro yung reasons. Na nadagdagan pa yung abilities ko kahit minor lang... etc."

Umupo rin siya. Nakasubsob ang mukha sa tuhod niya.

"pero malungkot..." dagdag ko.

"Why?" tinignan niya ako.

"Namatay silang dalawa. Feel ko ako yung susunod. Yung para bang sinusumpa ako. Hula ko may pumatay sa lola ko... tas nanay ko rin... kahit descendants sila ng goddess of recovery, di pa rin nila kinayang irecover ang sarili nila mula sa kapahamakan." sagot ko. "baka ako rin..."

Napadako ang mga mata ko sa maliit na statue na nakatayo sa vanity table ni Cesia. Tinuro ko ito at tinanong kung saan galing 'yan.

Kinuha niya ito para suriin naming dalawa.

"Galing daw sa mama ko. Hindi ko alam kung anong nagagawa ng statue na'to." inabot niya sa'kin ito.

Hmm. May butas ang tenga, ilong at bibig ng babae. Tahimik lang ako habang tinitignan bawat sulok ng sculpture.

"So ano sa tingin mo?"

Carved pati ang mga ugat sa kamay... yung iris din ng mga mata niya.

"Magsalita ka naman jan." kinuha niya yung statue mula sa kamay ko.

"Hmmm... may print yung balat niya. Para siyang totoong tao na pinaliit at ginawang sculpture." natatawa kong sabi.

Nagulat nalang ako ng tinapon ni Cesia yung sculpture ng babae.

"ba't mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako ang may gawa nun..."

Nagtinginan kami. Sabay naming sinilip ang statue sa baba ng kama niya at napasinghap nang nakita namin ang maliit na babae habang pinapagpag ang sarili niya. Umakyat rin siya at pumatong sa unan ni Cesia.

"S-sino ka?" nangangambang tanong ni Cesia.

"I'm Galatea. Galatea the second. A statue made alive by Aphrodite." sagot niya. "You ordered me to speak right?"

Akala niya siguro siya yung inutusan ni Cesia na magsalita.

Naglakad siya papalapit sa'min. Okay. Nagsasalita nga siya. Syempre eh lahat ata ng imposible sa mundong 'to pwedeng mangyayari. Ba't naman ako magugulat?

"Do you even know the story of Galatea right? A statue given life because the goddess of love took pity on the sculptor who fell inlove with his own sculpture?" nakapameywang niyang tanong.

Umiling kami.

Mayamaya, nakita ko nalang ang sarili ko na napahikab nang natapos na ang kwento ni Galatea.

"so that is the myth of Pygmalion and Gala...zzzzz...." hindi na natapos ni Galatea the second ang finale line niya.

Napangiti nalang kaming dalawa ni Cesia. Aaka namin ginawan ng maliit na higaan sa Galatea sa mesang katabi ng kama.

"Hmm.. ang galing pala ng nanay mo." puna ko habang naghahanap ng komportableng posisyon para tuluyan na ngang makaidlip.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula kay Cesia kaya natulog na rin ako.

Yung kwento nila... ay imposible. Pero naging posible dahil sa matinding pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea.

May mga love stories rin kayang ganyan hanggang ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro