Fears
Cesia's POV
Apat na kwarto ang inihanda ni Ariethrusa para naming mga Alphas. Kaya ngayon, nakahiga lang ako sa king size bed at nakatingin sa kisame.
Kakagising lang namin. Hinihintay ko ngayon na matapos si Ria.
Sa cr na siya nagtatambay tuwing umaga kasi ang laki ng cr nila dito. Saan ka ba makakahanap ng malinis na cr na gawa sa marble. May jacuzzi at sauna pa.
Syempre, may pader rin na gawa sa glass kung saan maaari mong makita ang kabuuan ng Arcadian Golden Gardens.
Wala kang makikitang kulay itim dito sa Arcadia. Ang darkest shade siguro dito eh yung grayish-white saka violet.
Para ka ngang nasa paraiso.
"Riaaaa!!" nag echo ang boses ko sa buong kwarto.
Hindi ko nakayanan. Halos dalawang oras na siyang nasa CR.
At kinakailangan ko na talagang maligo kasi dalawang araw na rin akong hindi naliligo.
Tumayo ako at dumiretso sa malaking pinto na gawa sa sapphire.
"Ria?"
Wala akong narinig na sagot mula sa loob kaya tinulak ko ang pinto at pumasok para lang makita si Ria na natutulog sa isa sa dalawang bathtubs.
Nakasuot siya ng face mask at nakasandal ang ulo sa dulo ng tub.
Puno pa ng orange bubbles yung tub niya kahit umaapaw na yung tubig dahil nakalimutan niyang i-off yung faucet.
Ako na mismo ang nag abalang isarado yung gripo.
"Ria talaga..." napabuntong-hininga ako.
Naglagay ako ng sapat na tubig sa katapat na tub saka kumuha ng pampabula.
Pinili ko yung may Lavender essence at namangha pagkatapos makita ang pag-iba ng kulay ng tubig, naging royal purple ito na may halo pang glitters.
Agad agad, nagsimula na ring bumuo ang purple bubbles.
Naghubad ako at dali-daling ibinabad ang katawan sa tub.
Nilagay ko ang bottle ng essence sa baba katabi ang orange essence na ginamit ni Ria.
Napangiti ako habang nag hu-hum...
Nakatuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Ang garden kung saan nakita kong umiyak si Kara sa unang pagkakataon...
"I like the smell of lavender and orange combined.." narinig ko ang boses ni Ria.
"me too.." sabi ko habang pinuputok ang bubbles na lumulutang sa harap ko.
Tuwing pumuputok sila, may nirerelease silang bango na pamilyar para sa'kin.
Di kaya Lavender yung perfume niya?
Napaisip ako at napangiti nang maalala ang mga panahong malapit siya sa'kin kaya naaamoy ko siya palagi.
"The bond between you two is stronger than I thought..." narinig kong bulong ni Ria.
"Ano yun?" tanong ko.
Binuksan niya ang kanyang mga mata saka inangat ang ulo.
"you and Trev got closer quicker than we expected.." puna niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Siya nga pala yung gumising sa'min nang nakatulog kaming dalawa sa van...
"nevermind" sabi niya nang matantong wala akong masasabi tungkol sa'ming dalawa.
Napag-alaman kong 7 pa ng umaga dahil sa malaking sundial na nakapwesto sa gitna ng garden.
Traditional ang mga gamit nila... Limitado lang ang modern widgets.
Sa bagay, malayo naman talaga ang Arcady sa mortal realms. Wala pang pure mortal na nakapunta dito.
"Beautiful right?" mukhang nakita niya ang pagkamangha sa mukha ko.
Tumango ako.
"This is who we are now.." ani Ria na pinabubula ang tub niya gamit ang mga kamay.
"Masaya lang ako na kayo ang kasama ko ngayon..." pumikit ako.
Ang dali naman kasi ng panahon.
"Cesia.." narinig kong ibinulong ni Ria ang pangalan ko kaya lumingon ako sa kanya.
"Your mom is the goddess of love... Do you think it is okay to have fears? To be scared?" nagulat ako sa seryosong tanong niya.
Parang matagal na niyang gustong itanong yan kaso wala pa siyang nahahanap na sagot.
"Nasabi mo ba yun kasi anak ka ni Ares?"
Hindi ko siya pinasagot. Instead, nilahad ko ang isang kamay ko para mahawakan niya ito.
"here..."
Halatang nagtaka siya pero nagets naman niya ang pinapagawa ko sa kanya.
Unang hinawakan niya ang kamay ko, napabitaw siya agad dahil may bumuong spark sa mga kamay namin.
"di yan kuryente..." natawa ako.
Tinignan niya ako saka hinawakan ulit ang kamay ko.
Pumikit ako.
Nararamdaman ko ang daloy ng dugo mula sa puso niya.
Ngumiti ako.
Pagkatapos ng ilang minuto, binitawan ko na siya saka binalik ang kamay ko sa tub.
"Paano mo nagawa yun?" tanong niya.
"Hindi ko kayang ma control paminsan ang abilities ko... To the point na unintentionally, nag-aabsorb ako ng feelings... Heartbeats... At kasama na niyan ang fears nila... Everyone is a child, Ria. Kahit anak ka ng God of War, doesn't mean na wala sa vocabulary mo ang fear. Kailangan rin nating matakot.."
Pinaramdam ko sa kanya ang takot mula sa mga taong kilala at nakasalubong ko.
Para malaman niyang hindi siya nag-iisa.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtaka siya.
"Without fear, we wouldn't take risks." sagot ko.
Nakita ko kung paano nagbago ang kulay ng kanyang mga mata.
Kinabahan ako dahil naalala ko kung paano siya magalit.
Nalaman ko rin kung paano niya muntik mabura ang buong history ng civilization sa South Borders kasi nakita niya ang pugot na ulo ng isang batang babae habang naglalaban sila.
Ang unang pagkakataon na nag supreme divination siya.
Buti nalang nandoon si Art...
Pero muntik niya ring mapatay si Art...
Shoot.. Ano 'tong ginawa ko.
Nakatitig lamang siya sa'kin.
"R-Ria..."
Hindi pa rin siya umiimik kaya nakaramdam na ako ng matinding takot.
Hindi ngayon ang tamang panahon na magalit si Ria.
Lalo na't nakahubad kami sa cr!
What the actual fudge.
"You don't know what I've been through!" nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw..
Agad lumitaw ang nag aapoy niyang espada.
Itinaas niya ito at akmang saktan ako kaya kusa akong pumikit.
"Ria!" napahiyaw ako.
"Arianne!" narinig ko ang pagtama ng dalawang metal sa harap ko kasabay ang boses ni Chase.
Agad akong dumilat at nakita ang weapon ni Chase na siyang sumangga sa espada ni Ria.
Nakabukas ang pinto at doon nakatayo si Chase. Sa tabi niya ay si Trev na seryosong nakatingin sa gawi ko.
Makaking hakbang ang ginamit niya para puntahan ako at abutan ng bath robe na agad ko namang sinuot.
"I'm sorry..." bulong ko habang tinutulungan niya akong tumayo.
Inalalayan niya ako papalabas ng CR.
Naririnig ko pa rin ang pagsalubong ng dalawang weapons kaya mas tumindi ang kaba ko.
Galit na galit pa rin siya.
Hanggang dito sa labas nararamdaman ko ang galit ni Ria.
"What were you thinking?!" pilit niya akong harapin siya.
"eh kasi... Hindi ko naman inexpect na magagalit siya sa'kin.." nanginginig ang buong katawan ko.
I heard him growl.
Great. Dalawa na silang galit sa'kin.
Huminga siya ng malalim saka yumuko.
"How am I supposed to keep you safe?" mahina niyang tugon.
Tumingin ako sa nakabukas na pinto dahil sa mga tunog ng nababasag na kagamitan.
Nakita ko ang pag iwas ni Chase sa mga atake ni Ria habang ginagamit ang weapon niya bilang depensa.
"Stop it Arianne!" nawala si Chase sa kintatayuan niya.
Ginamit niya ang kanyang ability para lapitan si Ria.
"Hindi ikaw 'to..." naging malambot ang boses ni Chase saka...
Saka niya...
Nanlaki ang mga mata ko.
Napansin ni Trev ang reaksyon ko kaya napatingin rin siya sa dalawa.
"aggressive..." I saw him smirk.
Ginamit ko ang bracelet para isarado yung pinto.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nakita ko.
Nag-aaway sila pagkatapos... Ganun lang?
Ganun lang yon?!
Tinignan ko si Trev na nakangiti pa rin.
Ngiting may kahulugan.
"okay lang ba sila?" tanong ko sa kanya.
Unless totoo yung nakita ko?
"What do you think?" tinaasan niya ako ng kilay. "They just kissed."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro