Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Curiosity

Jamie's POV

Agad kong binaba ang kutsara matapos mapagtantong di na nga titigil sa panginginig ang kamay ko.

Di ko alam na ganito pala ako ka nerbyosa. Jusko.

"wala na akong appetite" nilapag ko ang napkin matapos itong gamitin bago tumayo.

Napapikit ako dahil umandar ulit yung migraine ko.

Ang healthy ko naman ah. Ba't kung saan-saan nalang ako nahihilo? Di pa rin tapos yung lagnat ko. Nakailang check-ups na ako pero wala talaga.

Hmmm...

Di kaya magkakaroon ako ng tumor pero hindi pa nga lang na identify? Tas mamamatay na ako within a month kasi grabe yung symptoms. Wala nang cure.

Or di kaya nabarang ako?

Tinignan ko si Sebastian na kumakain. Wala man lang pakialam sa mahigpit na kapit ko sa upuan.

Kahit mahimatay ako dito. Kahit doctor siya. Titignan niya lang siguro yung walang malay kong katawan pagkatapos ng ilang segundo lalagpasan ako.

Pero... actually, ang cute lang niyang tignan. Hehe. Ang laki laki ng biceps niya. Katawan na daig pa si Clark Kent. Pero kung nagtatampo parang bata.

Sa totoo lang, bata naman talaga siya eh. Ano nga bang klaseng doctor ang adik na adik sa Teenage Mutant Ninja Turtles?

Hindi naman siya vet as far as I know.


"I really don't get you." narinig kong bulong niya.

"Huh?" kumunot ang noo ko.

Tumigil siya sa pag kain at inangat ang ulo niya para tignan ako.

"We ignore each other for days and then.. You just stand there staring at me like that. Smiling."

Nagulat ako saglit saka binalik ang mukha ko sa neutral expression.

"seriously?" tumaas ang isang kilay niya.

"Oh bakit? Anong meron? Kung bumalik ka kaya sa ospital instead na sundan ako buong araw a.k.a. 'bantayan ako'?" I tilted my head. "Di naman ako nag request ng assistance. Much more a personal bodyguard."

Ngumiti siya saka umiling. "you can't even stand on your own feet." tinignan niya ang upuan na ginagawa kong support.

"Teka nga ha. Kailan ka ba naging concern sa kalagayan ko?"

Eh pati sa pamamalengke ko sinasamahan niya ako. Kulang nalang magmala caregiver siya.


"I'm not concerned. Never once."





"Huh?"

aray ko po.

"I'm just curious." gamit ang jet black eyes niya, tinitigan niya ako.

Huminga ako ng malalim.

Putangina. Pinaasa niya ang kagandahan ko. Shet.

"Curious sa alin?" kinalma ko ang sarili ko.

"When I went into your house and I found you amidst the big mess."

"Tsk. Yun lang?" sinamaan ko siya ng tingin.

"No." umiling siya.

May pagka pakialamero din pala 'to. Pagkatapos niya akong paasahin ng ganun.

Duh. Di ko kailangan ng mga taong paasa. Okay na sana yung curious eh. Pero concern never once?! Watdapak. WATDAPAK.


Yung feeling na hanggang assume ka na lang~~~ masakit.

"Diba sinabi ko na sa'yo-"

"I was curious because you lied."

Tumigil ako.

"I knew something very big happened. So big that it made you live here. Like heck. Nanginginig ka nga parati. Idagdag mo pa ang unscheduled panic attacks mo." tumayo siya at naglakad papunta sa'kin kaya umatras ako ng ilang hakbang.

"what do you know Jamie?" sumingkit ang mga mata niya tila ba binabantaan ako.

"Wala!" tinulak ko siya papalayo at kinuha ang sungkod ng tatay bago dumiretso sa labas.

Lumabas ako ng building at hinayaan ang paa ko na siyang magdala sa'kin kung saan.

Sa wakas, nakahanap na rin ako ng swing sa playground na may di kalayuan.

Nilibang ko muna yung sarili ko sa swing. Pagswing ko pababa, pabalik sa pwesto, di ko maiwasang sumigaw.

Wala namang tao dito eh. Ako lang.

"pa... Ano bang nangyayari sa'kin.." tumigil ako at sumandal sa chains ng swing.

"Putangina kaaaa!" sana nadinig niya yun. "Mamamatay ka lang naman pala tas mang-iiwan ka pa ng sungkod na nagiging murder weapon. Ano ka pa? Isang ancient warrior ganun? Isang God? Puta de Leche!" alam kong mali ang lumalabas sa bibig ko. Baka may mga batang nakikinig sa'kin ngayon.

Di ako good role model para sa kanila.

Hmm. Wala akong pake.

"Papa! Hoy! Ikaw lang makakatulong sa'kin ngayon. Pakiexplain naman please! Labyu." sigaw ko taas-taas ang sungkod niya.

"HAHAAAAAY!" napapaos na boses ko.

Pagkatapos mag emote sa swing, napagdesisyunan ko nang bumalik at kausapin si Sebastian.

Di kami pwedeng mag-away. Di dapat ako pagalitan ni crush. Turn-off yun.


Tumayo ako saka narinig ang sigaw ng bata mula sa playhouse.

Di na ako nagdalawang-isip na tumakbo papunta doon. Dahan-dahan akong sumilip sa likuran ng playground.

May umiiyak na bata. Puno ng pasa ang katawan niya. May black eye rin siya. Sa harap niya may nakatayo na lalaki.

Pipigilan ko na sana ang lalaki kesyo di ko kayang lumapit nang nag-iba ang anyo niya saka naging isang... Multo.

Ayun. Nagre-reproduce na pala sila

Mukhang nakuha ko ang atensyon ng nilalang na umatake sa'kin noon kaya lumingon ito sa direksyon ko.

Nagtago ulit ako.



Ibinaba ko ang tingin sa sungkod na hawak-hawak ko.

"Bwiset."

Pinaikot ko ang sungkod sa kamay ko and as expected, naging gintong axe ito.


"MAMATAY NA KAYOOO!!" hiyaw ko at sumugod sa likuran ng nilalang. Di ko pinalagpas ang dalawang segundo para hatiin ang katawan niya.

Halatang nagulat ang lalaki pero late reaction na siya kaya babush.


Medyo mabigat ang axe sa kamay. Buti nalang at nagbalik-sungkod ito pagkatapos.

"Hi.. pasensya na kung kailangan mong makita yun." nginitian ko ang bata kahit na nanlalambot yung tuhod ko.

Mas natakot ko ata siya kaya lumayo siya sa kinatatayuan ko.

"Ako nga pala si Jamie... ikaw?"

Natagalan rin siya sa pagsagot pero atleast nagsasalita na siya.

"J-james.." medyo audible naman yung mahinang boses niya.

"Ah James.. Nasan yung mga magulang mo? Sino kasama mo dito?" lumuhod ako para magkalevel na kami.

"wala na s-sila.. Naiwan ako" nagsimula nang pumatak ang mga luha niya.

Tumayo ako at isa-isang tinignan ang mga sugat na natamo niya.

Dapat mapagamot agad ito.

"Sama ka sa'kin? Aayusin natin yang mga sugat mo saka hahanapin natin yung mga magulang mo." ngumiti ako. "wag kang mag-aalala. Di ako kidnapper. At mas lalo nang hindi ako katulad nung lalaki." iniabot ko ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

Tinanggap naman niya ito.

Hawak ko ngayon ang kamay niya habang naglalakad.

Ang tahimik niya kaya nakarating nalang kami sa condo ni Sebastian ng walang imik. Di ko rin kayang magsalita kasi wala rin akong alam sa nangyari.

"You're... back?" tinignan niya ang bata.

"James umupo ka muna jan." tinuro ko ang sofa. Sinunod naman niya ito.

Hinila ko si Sebastian patungong kusina.

"Ano na naman?" tanong niya.

"Gusto mong malaman kung ano talaga yung nangyari?"

At dun ko sinabi sa kanya lahat ng mga weirdong events na nangyayari sa buhay ko simula nung naaksidente si mama hanggang sa kung paano ko natagpuan si James.

"Nasa'yo na yan kung maniniwala ka ba o hindi." uminom ako ng tubig. Ang haba naman kasi ng story-telling namin.

"I believe you." kinuha niya ang baso mula sa kamay ko at nilagyan ito ng tubig.

Uminom muna siya bago magsalita. "I'm really not from this world. Or at least that's what I think."

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Alien siya?

"One day.. I just woke up here and learned that I'm a doctor and my name is Sebastian Kent Sol with no childhood memories or anything from the past. I can't find my family background either..." nagkibit-balikat siya.

"Hindi mo alam kung sino ka?"

Tinanguan niya ang tanong ko.

Di naman pala ako nag-iisa.

Lumabas sa isip ko ang isang idea.

"Hahanapin natin sila... yung mga babaeng nagligtas sa'kin..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro