A Visitor
Jamie's POV
"Hey..." kumunot ang noo ko. Hinila ko ang blanket para matakpan pati mukha ko.
"Hey... miss?" wow ha. Ang aga aga. May natutulog!
Naramdaman ko ang ilang pindot sa may tagiliran ko. Pero binalewala ko nalang kasi nga ang sarap ng tulog ko.
"Miss... the operation is done..."
Operation?! Anong operation?!
"wala akong pakialam." Umurog ako ng konti para mapalayo sa sino mang may masamang balak na gisingin ako.
"Ate... Yung operasyon ni mama.." narinig ko ang boses ni Arah.
Operasyon...
Ni...
Mama....
"H-HA?!" Agad akong napabangon dahilan na mabunggo ang ulo ko ng may pagkalakas.
"Ow!"
"Aray!" hinawakan ko ang ulo ko.
Napaangat ako para makita ang nilalang na nakabangga sa mama ko nakahawak rin sa noo niya.
"Ano ba?! Pinahamak mo na nga mama ko tas ngayon ako na naman!" sinigawan ko siya. Hindi maganda ang araw ko simula nang magising ako.
Dagdagan mo pa ng sakit sa ulo. Ang lalaking 'to ang may kapakana!
Tsk.
"Look. I said I was sorry..." hinihimas himas niya ang noo niya nang nakapikit.
"bakit? Sorry ba ang makakabayad sa ospital?! Sorry ba ang makakaligtas sa mama ko?!" sinigurado kong bakas na bakas ang inis at galit sa boses ko.
Just to make sure na alam niya kung gaano kalaki ang naidulot niyang problema sa pamilya namin.
Hinatak naman ni Arah ang t-shirt ko kaya napatingin ako sa kanya.
"oh?!" nakaabot pa rin ang dalawang kilay ko.
"Ate... Wag kang OA. Hinaan mo boses mo. Nasa waiting area pa rin tayo."
Kusang napatingin ako sa iilang mga tao na dinadaanan kami at nakatingin sa gawi ko.
"saka... Siya na daw ang magbabayad sa ospital. At baka nakalimutan mo ate, siya mismo ang nag opera kay mama.." ngumuso siya sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Iniangat ko ang ulo ko at tinaasan siya ng kilay.
"Mag c-cr lang ako." kinuha ko ang bag ko saka tumayo at nagsimulang maglakad papuntang CR.
"miss?"
"ano na naman?" napahinto ako nang narinig ko ang pagtawag niya.
"you're going the wrong way."
Bumalik ako sa dinaanan ko at nilagpasan silang dalawa.
"ge" maikli kong sagot.
Habang naglalakad, naririnig ko ang pag e-echo ng boses nila.
"Ganyan ba talaga yang ate mo?" tanong niya kay Arah.
"mmhmm... Sorry po pag ganun siya kuya Seb ah?"
Seb...
Seb ang pangalan niya.
Lumiko ako pagkatapos makita ang signage ng comfort room na may arrow.
Mayamaya, nakapasok na rin ako. Pinatong ko ang bag sa marbled sink saka humarap sa malaking salamin.
Ang haggard haggard ko na.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na.
2:45 am...
Binalik ko sa bag ang phone ko.
Pinihit ko na yung handle ng gripo nang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang isang babae at dumiretso sa katabi kong sink.
Binasa ko yung mga kamay ko at nagsimulang maghilamos para mahimasmasan.
Pagkatapos, kinapa-kapa ko ang bag ko habang nakapikit.
Nasa'n ba kasi yung panyo ko...
"here..." narinig kong sambit ng babae sa tabi ko.
Binuksan ko ang isa kong mata at nakita sa salamin na may inabot siyang panyo.
Kinuha ko naman ito at ginamit para mapunasan ang basa kong mukha.
"salamat..." nagdadalawang isip akong ibalik sa kanya ang panyo niya kasi basang basa na ito.
Pero nasagot naman yun nang kinuha niya ang panyo mula sa'kin nang nakangiti.
Isang huling tingin sa salamin bago ko kinuha yung bag at dali-daling naglakad papalabas.
Sino bang hindi magmamadali eh ang weird lang ng tingin ng babae sa'kin.
Nakangiti pa.
Posible kayang multo siya?
Ospital naman to eh...
Habang naglalakad, sinantabi ko nalang ang nakakakilabot na babae at inisip ang kalagayan ni mama ngayong tapos na ang operasyon niya.
Tumigil ako sa harap ng operation room. Saktong lumabas ang isang nurse kaya tinawag ko siya.
"Nurse! Sa'n po yung babaeng naaksidente na inoperahan niyo kanina?"
Hindi ko na kasi nakikita si Arah saka yung doctor sa blue seats ng waiting area. Nawala na rin yung bags ng mga gamit ni mama kaya hula ko nasa room sila.
"nasa room A214 po siya naka assign." tumango ako at nagpasalamat sa nurse.
Tinignan ko muna ang mga upuan. Baka kasi may nakalimutan sila.
At tama nga ang hinala ko.
Kaso di ko maalala kung may dala ba kaming kumot. Nasa dulo kasi ng huling upuan nakasabit ang isang green na kumot.
Eto ata yung ginamit ko habang natutulog.
Oh well. Baka kay Arah to.
Kinuha ko na yung kumot at tuluyang hinanap ang nasabing room.
Nagtatanong tanong lang naman ako sa mga staffs hanggang sa nakita ko na finally ang pinto na may nakalagayng letrang A at mga numerong 214.
Pumasok ako sa loob saka ako sinalubong ng malamig na kwarto.
Ngayon ko lang rin napagtantong malaki rin ang room na 'to. May maliit na sala set at may sariling kitchen na rin.
May dalawang pinto rin.
Lumabas mula sa mas malaking pinto yung Seb. Napatigil naman siya nang nakita niya akong nakatayo.
"Your mother will be fine... And uh..." bumaba yung tingin niya sa dala-dala kong kumot.
"sayo ba'to? Eto..." naglakad ako papunta sa kanya saka inabot ang kumot.
"thank you... Babalik ako mamaya to check her condition." casual niyang sabi bago tumungo.
"T-thank you rin Doc..." naguiguilty ako sa ginawa ko kanina. Malaki rin naman ang tulong niya.
"Just call me Sebastian... Nice to meet you Jamie." narinig ko ang pagsara ng pinto.
Sebastian...
Kaya pala Seb....
Napangiti ako. Alam niya pangalan ko.
Agad akong pumasok sa loob at kinuha ang unang unan na nakita ko para ihampas ito kay Arah na nagbabasa ng libro.
"Walanghiya kang bata kaaaa!!!"
Kinuha naman ni Arah yung unan it tinapon ito sa dulo.
"Bakit ba?!" nakadepensa ang dalawa niyang braso.
"Hindi mo sinabing close pala kayo sa lalaking yon!" padabog akong umupo at kumuha ng isang unan. Niyakap ko ito at sinubsob ang mukha ko.
"Nakakahiya yung ginawa ko kaninaaaaaa!"
Sinigawan ko pa siya sa isang public area.
"syempre magiging friends kami ni Kuya Seb. Siya lang kaya yung kausap ko nung nakatulog ka."
Naramdaman ko ang unti-unting pag iinit ng mukha ko.
"Walangyaaa! Ba't di mo'ko ginising?!"
Nakakahiya na talaga! Tulo laway pa naman ako matutulog! Hindi ko na kayang humarap sa lalaking 'yon....
"sabi niya baka pagod ka daw eh kaya gisingin ka nalang daw pag nailipat na si mama sa room. Dinalhan ka pa nga niya ng kumot! Yieeeeeeee" tinutulak niya ng mahina ang balikat ko.
"che!" tumayo ako.
"Sa'n ka pupunta ate?" tanong niya.
"sa bahay. May exam pa kami mamayang umaga. Babalik nalang ako pagkatapos." napako ang mga mata ko kay mama na mahimbing na natutulog.
"saka sabi rin ni Sebastian na magiging okay rin siya...." ginulo ko ang buhok ni Arah.
"Basta diretso ka dito ate.." bumalik siya sa pagkaupo at kinuha ang libro niya.
Tumango ako.
•••
Nagpapatuyo ako ng buhok habang naghihintay na tumunog yung microwave.
Nag init nalang ako ng leftovers ng pagkain namin kagabi. Nagugutom kasi ako.
Tinignan ko ang nakasabit na orasan.
3: 51 am...
2 hours nalang at magbibihis na ako ng uniform.
At may 2 hours rin akong ituloy yung naputol kong pagreview.
Babalik na sana ako sa kwarto ko sa taas nang may kumatok sa pinto.
"sino po-" napatigil ako sa pagsalita nang nakatapat ko ang babae sa kanina.
Nasa kamay niya ang panyo na pinagamit niya.
Saka niya ito dinilaan.
Ew.
"Delicious..." biglang nag iba ang boses niya.
Isasarado ko na sana yung pinto nang itinulak niya ako kaya napatapon ako sa kabila.
Aray...
"S-sino ka?!" nakaluhod ako hawak hawak ang braso kong namamaga.
Nanlaki ang mga mata ko nang kumalahati ang katawan ng babae kasabay ng paglabas ng kaluluwa niya....
SABI KO NA NGA BANG MULTO 'TO EH!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro