A New Fire
Ria's POV
Para akong bata na nakangisi sa bonfire kasama ang mga Huntres. Sumali na rin ang Alphas maliban nalang sa boys. Ewan ko kung nasan na yun nagpunta. Baka nakidnap na naman ulit.
Tsk. I won't waste any effort saving them for the second time around.. in other words, bahala na sila.
Nakita ko si Heather na may kasamang mga Huntres na by the looks of it, ay ka age ko lang. Sinenyasan nila akong pumunta sa circle nila.
Without hesitation, tumayo ako at nag transfer sa kanilang pwesto.
"It's been a while since we hanged out like this..." Heather, with a proud face, proceeded to add more drink on my glass.
She looks drunk.
But I know, without a doubt, na kayang kaya pa rin niyang dalhin ang kanyang sarili kahit nakainom siya.
"I know... we should do this more often" ininom ko ang sinerve niyang drink. Hindi ko gusto ang lasa ng alak nila pero nagulat nalang ako matapos masarapan sa matamis na aftertaste nito.
Rough and Sweet. My style.
"Heather? You seem close with this Alpha. Paano ba kayo nagkakilala?" tinignan ko ang unfamiliar na huntre. Mukhang ngayon ko lang siya napansin ever since.
And I think they're close too.
"Mm.. That.." uminom muna si Heather bago pinatuloy ang pagsagot "we started as enemies..."
Lumapad ang ngiti ko habang inaalala ang unang pagkikita namin.
Sinalubong ako ng isang Art na namamaga ang mga mata at namumula ang ilong sa corridors.
Inabot ko sa kanya ang handkerchief ko.
"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.
"Eh k-kasi... yung babae.. Inaway niya ako.." tinuro niya ang direksyon sa dating grounds namin.
I squinted my eyes just to see kung anong meron sa labas. Isang grupo ng mga babae ang naglalaban gamit ang mga spears nila.
Oohh.. that looks fun...
"Sino sila?" tanong ko kay Art as I almost forgot about her swollen face.
"yung mga followers ng kambal ni papa... S-si Artemis..." nangingiyak niyang sagot.
I put a hand on her shoulders para pakalmahin siya nang napangiwi siya sa sakit.
Naramdaman kong may dumaloy na kung ano sa kamay ko kaya agad ko itong tinignan.
I sighed.
"Siya ba ang may gawa nito?" ngayon ko lang napansin ang sugat sa kanang balikat niya.
Tumango siya.
Hinatak ko kaagad siya pagkatapos.
"R-ria... Araaay naman ehh!!" reklamo niya.
Alam kong nasasaktan siya pero di ko kayang mahinahon pagkatapos makita ang duguan niyang balikat.
Who does that girl think she is?
"Is that her?" tinuro ko ang babae na nasa gitna ng circle of friends niya. Nagtatawanan pa nga sila.
"Ria..." pilit akong pinabalik ni Art sa loob ng building.
"Hey!" kinuha ko ang atensyon nilang lahat.
"Sinong may gawa nito?!" ang ganda lang ng greetings ko diba? Well let's see kung ikakaganda ba talaga nila ang ginawa nilang pananakit kay Art.
"Me.." confident niyang sagot.
Her other friends made way for me.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" nagsimula akong maglakad para harapin siya.
"Yeah. Why? Will Apollo make me regret that I hurt his daughter?" she stepped forward. Hinahamon ba ako ng babaeng 'to?
"No. I'm gonna make you regret because of what you did." nag summon ako ng spear.
And after a millisecond, tunog ng magkasangga na blades ang maririnig sa grounds.
"Seriously though, I got scolded. And I also got punished..." she sipped from her cup and looked at me just to make sure that I'm still listening.
"By Apollo?" tanong ko.
Umiling siya.
"Artemis herself.." she corrected na siyang ikinagulat ko.
For all I know, hatest ni Artemis ang mga anak ni Apollo.
Nagseselos kasi siya sa mga babaeng iniibig ng kambal niya. Ayaw niya rawng mapalayo sa kanya si Apollo dahil sa mga babae.
Pero... wala akong alam na concern si Artemis kay Art...
Takot na takot nga si Art kay Artemis.
Magtatanong na sana ako kung ano ang ginawang punishment ni Artemis nang narinig kong may sumitsit.
Pumunta ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita si Chase kasama sina Cesia, Art at Kara.
"May problema..."
Napalitan ng kaba ang relax na mood ko.
Okay I admit. Sinabi ko kanina na wala na akong pakialam sa kanila kung may mangyari pero...
But...
Kasi...
Because?
Wait. Ba't nga ba ulit ako concern sa boys?
Damn. Anong meron sa iniinom ko? Lutang na lutang ako.
"Sa'n ba? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Cesia.
"Nag-uusap lang kami tas bigla silang dinakip ng-ahh basta! Sundan nyo nalang ako!" agad siyang tumakbo papalayo sa camp ng huntres.
Ilang minuto ang lumipas saka ko napagtantong kanina pa pala kami nakalabas sa forest.
Nilingon ko si Cesia na nakatingin sa taas kaya napatingin rin ako.
The stars are shining bright tonight.
Muntik na akong madapa dahil sa biglaang pag shift ng lupa..
Or...
Sand?
Napatingin kaming apat sa isa't-isa.
Hinanap namin si Chase na kanina'y nasa tabi ko lang pero ngayon, wala na.
I looked around the whole area.
"A BEACH?" I said in disbelief.
Tumigil ang mga mata ko sa apat na lalaking naka squat at nakapaligid sa bonfire.
"Seryoso sila?" natatawa kong sabi saka tumakbo sa bonfire.
"What's this?" ani Kara habang nakatingin sa barbecues at marshmallows na nakaprepare.
"Aweee... This actually melts my heart..." binigyan ko sila ng dramatic face at umupo sa buhangin.
Sumunod rin yung tatlo.
"Woooh! ong gondooo! Kayo ba nagplano nito?" hindi ko namalayang kumakain na pala si Art ng BBQ.
Habit niya talaga ang mang-entertain kahit puno ng pagkain ang bibig niya. Nakaka sorpresa din na kahit ni isang beses, di pa siya nabulunan with that habit of hers.
"Strangely... It was-" tumigil si Dio dahil sa matatalim na mga titig ni Trev.
"It was fun! Nung nagdecide kami na gawin ito."
Kumuha ako ng barbecue pinainit ito sa bonfire.
Nakailang BBQ rin ako when I stopped. Di ko gusto ang kumain ng marami tuwing gabi.
The whole time, nag-uusap lang kami habang umiinom. The liquor is the same as the Huntre's pero mas matamis ang aftertaste nito kumpara sa camp.
Hmm..
I wonder kung ano ang ginagamit nilang sweetener...
I felt myself giving up kaya humiga ako at ginawang unan ang as expected, very soft thighs ng anak ni Aphrodite.
Is it me or... umiikot ang mga bituin sa itaas?
"Chase. Anong nilagay mo sa- teka..." bumangon ako.
"Ano ba 'tong pinainom mo sa'min?" tanong ko. Buti nalang at di ako na knock-out.
"Huh? In-order ko kaya 'to mula sa mga Huntres.." sagot niya.
Nagkamot siya sa ulo. "Ah yeah.. Sinabi ko nga palang.. Extra ambrosia..."
Tsk.
Tinignan ko ang katabi kong nakapikit na.
Bigla akong tumayo kaya muntik na akong matumba. My head is weightless right now.
Sumigaw ako "Alright!!"
Sinadya ko talagang gulatin silang lahat.
Times like these are very rare to find lalo na't nagkakagulo ngayon sa mortal realm. Kaya sulitin!
Hinubad ko ang v-neck ko.
"R-ria? Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Cesia.
"Taking off my shirt? I'm still gonna wear my shorts though." kinindatan ko siya at tinanggal ang sapatos ko.
It's not like fully naked ako. Duh. Eh dual use kaya yung bra ko. Pwede siyang maging underwear or bikini!
"I mean.. Let's have fun! Hindi naman pwedeng hanggang tingin lang tayo sa dagat." I suggested.
At enough na para sa'kin na tumayo si Cesia at sumang-ayon sa sinabi ko.
Tumango siya "Mmm! Let's have fun!"
Kusang tumaas ang energy ko at its full power.
Tumayo silang lahat and like what Cesia said, nabalutan ng hype ang buong atmosphere namin.
May ipinadalang malaking alon si Dio kaya hindi pa nga kami nakaaabot sa dagat, basang-basa na kaming lahat.
Namatay na rin ang apoy dahil dito.
After a moment of silence dahil sa ginawa ni Dio, I smiled.
"HAHAHAHAHA!" nagsitakbuhan kami patungo sa dagat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro