Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 9

"Maayos na ba ang lahat? Nailabas na ba ang mga lamesang gagamitin mamaya? Sapat ba ang bilang ng mga upuan na naroon sa labas?" natatarantang tanong ni Kharim Celia.

Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad. Halos nalibot na nga niya ang buong kusina pero ni isa, walang sumasagot sa sunod-sunod niyang tanong. Lahat kasi kaming narito ay abala sa kaniya-kaniyang gawaing nakatoka sa amin. Gustuhin ko mang sumagot, 'di ko naman alam ang isasagot ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ganap ngayon, e'. Matapos kong pagsilbihan ang limang Prinsipe sa agahan nila, hinigit na ako ni Ysabelle papunta rito sa kusina at ito na nga ang naabutan ko, busy ang lahat.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga ingredients na kakailanganin sa ilulutong putahe ni Mang Luisito, ang tagapag-luto rito sa palasyo. Nasa tapat ko naman si Ysabelle na abala rin sa paghihiwa ng mga gulay.

"Ang mga putaheng iluluto, ayos na ba? May kulang pa bang sangkap? Sabihin niyo lang nang magawan pa ng paraan. Hindi tayo maaaring pumalya rito," dagdag pa ni Kharim Celia.

Ano bang nangyayari? Hindi yata ako na-inform.

Napunta ang tingin ko sa isang taga-silbing malapit kay Kharim Celia. "Huminahon ka, Kharim Celia. Maayos na ang lahat. Nabalutan na rin ng magagarang tela ang lamesa na gagamitin mamaya. Ang lahat ay handa na."

"Mabuti naman." Nakahinga nang maluwag si Kharim Celia. Nawala sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Ano ba kasing ganap ngayon? Sa ilang araw na pamamalagi ko rito, ngayon ko lang sila nakitang ganito ka-busy. May okas'yon ba? May magbi-birthday ba?

Hindi naman nasabi sa akin ni Kharim Celia kagabi. Nauna na kasi itong natulog at nauna rin siyang nagising kanina kaya naman hindi na kami pa nagkausap.

"Psst," mahinang sitsit ko kay Ysabelle. Hinanap niya agad kung sino ang nagsitsit sa kaniya hanggang sa dumako ang paningin niya sa 'kin.

"Ikaw ba 'yon?" mahina niya ring tanong.

Tumango ako sa kaniya sabay palihim na nagtanong kung ano bang okasyon ang mayroon ngayon. "Anong ganap?"

Hindi na ako makatiis kaya nagtanong na ako. Parang ako lang naman kasi yata ang 'di pa nakaka-alam kung anong mayroon sa araw na ito. Halos lahat sila ay may nasabihan dahil abala ang lahat.

Tumayo si Ysabelle mula sa pagkakaupo at inayos ang mangkok na pinaglagyan niya ng mga hiniwang sangkap.

"Saglit, diyan ako uupo sa tabi mo."

Ang tinutukoy niya ay ang bakanteng space sa kinauupuan ko. Mahabang upuan na gawa sa kahoy ang inuupuan namin kaya nahirapan si Ysabelle na makaalis sa p'westo niya dahil kailangan niya pang mag-excuse sa mga katabi nito at dahil na rin sa mahabang saya na kaniyang suot.

Kinuha na muna niya ang mangkok at ang ilang gulay na hindi pa nahihiwa bago ito umikot papunta sa kinauupuan ko. Tuluyan na nga siyang nakaupo sa tabi ko.

"Hindi mo pa alam ang balita?" bungad niya agad sa 'kin nang makaupo na ito sa tabi ko. Mahina ang boses niya at 'di siya nagpahalata na nagchi-chismisan kami ngayon. Kunwari ay nakayuko kami sa mga gulay na nasa harapan namin para hindi kami mahuli.

Nanatili ang tingin ko sa mga gulay na hinihiwa ko. "Hindi pa."

Hindi naman ako magtatanong at hindi rin ako magte-take ng risk na makipag-chismisan kung alam ko na ang dahilan ng pagka-busy ng lahat. May parusa pa naman sa mga mahuhuling nagchi-chismisan sa oras ng trabaho kaya ingat na ingat kaming dalawa ni Ysabelle.

"Darating ngayon ang binibining papakasalan ni Prinsipe Ravi."

Nawala ang atensiyon ko sa aking hinihiwang gulay at nabaling ito kay Ysabelle.

Dahil nabigla ako sa ibinalita niya, 'di ko sinasadyang masugatan ang hintuturo ko sa kutsilyong ginagamit ko sa paghihiwa. Hindi ko napansing hindi sa gulay nakatutok ang kutsilyo kung 'di sa daliri ko na.

"Aray!" mahinang daing ko dahil sa sakit.

Narinig ni Ysabelle ang daing ko kaya agad siyang napalingon at nang makita ang nasugat kong daliri, natatarantang tumayo ito bigla.

"Dumudugo ang iyong daliri, Zariya!" sigaw nito kaya agad na napatingin ang lahat maging si Kharim Celia. Nakuha namin ang atensiyon ng lahat sa loob ng kusina.

"Anong nangyayari?" Sumingit si Kharim Celia sa mga taga-silbing nakapaligid sa 'kin. Napatakip ito ng bibig nang makita ang tumutulong dugo sa daliri ko. "Naku, prin-- Z-Zariya!"

Kamuntikan pa niyang masambit ang tunay na ngalan ko rito. Ang OA naman nila. Konting sugat lang naman ito, nadaplisan lang. Hindi pa naman ako naputulan ng daliri, e'. Madadaan pa ito sa gamot at ilang araw lang ay gagaling na. Nakailang beses nang nasugat ang daliri ko dahil sa kutsilyo sa modern world, buhay pa naman ako hanggang ngayon.

Inalis ko ang manipis na telang pinang-ribbon ko sa buhok ko. Agad kong pinaikot sa daliri ko ang tela na 'yon para matigil ang pagdudugo nito.

"Ayos ka lang ba, Zariya? Masakit ba? Gusto mo bang ipakita ko 'yan sa ating taga-gamot dito sa palasyo?" Marahang hinawakan ni Kharim Celia ang may sugat kong kamay. Ipinaikot pa nito ang kamay ko para matiyak na wala nang ibang sugat.

Alam ko kung bakit ganito siya ka-worried sa 'kin. In case na may mangyari sa 'kin, malalagot siya sa 'king Inang Reyna dahil kasama ko siya at kargo niya ako kapag may hindi magandang mangyari sa akin. Pero sa kaniyang ikinikilos, baka makahalata ang iba na labis ang pag-aalala niya.

"Ayos lang po ako, Kharim Celia," mahinahong ani ko. Binigyan ko pa sila ng tipid na ngiti para mapanatag ang loob nila at mapatunayan na ayos lang talaga ako at wala silang dapat ikabahala.

"Sa susunod ay mag-ingat ka." Diretsong tumingin si Kharim Celia sa 'king mata kaya automatic na napatango ako. "Dahil sa sugat na iyong inabot, mas mabuting 'wag mo na lang ipagpatuloy ang iyong ginagawa ngayon. Tutal naman ay hindi mo talaga trabaho ang ginagawa mo ngayon."

Tumanggi ako. Kaya ko pa naman maghiwa at tumulong sa iba pang gawain. Isang daliri lang ang nasugat sa 'kin, 'di naman ang dalawang kamay ko.

Kung 'di naman kasi akong engot, e'. Ba't ba kasi ako nagulat sa binalita ni Ysabelle? Ano naman kung darating ngayon ang fiancé ni Prinsipe Ravi? Anong pakialam ko ro'n?

Nawala pa ang focus ko sa ginagawa ko dahil roon.

"May ibang utos na lamang akong ipapagawa sa 'yo... sa inyo ni Ysabelle."

Sumabat agad si Ysabelle. "Ano 'yon, Kharim Celia? Ano pong iuutos niyo sa amin? Amin po itong susundin ngayon din." Ganadong-ganado si Ysabelle.

"Hanapin niyo si Prinsipe Arsh at bantayan ito hanggang sa makaalis ang ating panauhin."

Ha?

Seryoso ba si Kharim Celia sa inuutos niya? Hindi naman batang paslit si Prinsipe Arsh para bantayan namin. Isa pa, mas kailangan kami rito. May mga gawain pang 'di pa natatapos. Mas mahalaga iyon kaysa bantayan ang Prinsipe.

"Masusunod po, Kharim Celia," pagsunod ni Ysabelle.

Agad na yumuko si Ysabelle sa harap ni Kharim Celia. Tatanggi pa sana ako pero hinila niya agad ang kaliwang kamay ko. Wala akong nagawa kung 'di mag-bow kay Kharim Celia kahit hila-hila na ako ni Ysabelle palabas ng kusina. Halata na gusto niya ang inuutos ni Kharim Celia dahil tumakas ito agad sa kusina.

Saka niya lang binitawan ang kamay ko nang nasa hardin na kami.

"Dapat ay 'di ka pumayag," ani ko.

"Ayaw mo ba 'yon? Makakatakas tayo sa gawaing-kusina. Mas malayong 'di mabigat ang inuutos ni Kharim Celia na hanapin si Prinsipe Arsh kaysa mamalagi sa kusina maghapon," sumbat naman niya sabay ngiting malapad, ngiting nakatakas sa mga gawain. "Nakakabagot kaya 'yon at lalong nakakapagod."

Nangunguna sa paglalakad si Ysabelle. Nasa likuran naman niya akong nakasunod sa kaniya.

Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit ba pinapahanap sa amin ang Prinsipe at kailangan pang bantayan?

"Pero ba't nga ba tayo inuutusan na hanapin si Prinsipe Arsh? Eh, ang laki na nu'n! Tapos babantayan pa natin?"

Nagtaka ako nang huminto ito. Tulala siya sa direksiyon kung saan nakahilera ang mahahabang lamesa sa malawak na space malapit sa gate. Tiningnan ko ang kaniyang tinitingnan. Naroon ang dalawang Prinsipe na malawak ang ngiting nakaupo, mukhang nag-aasaran ang dalawa, sina Prinsipe Nesh at Prinsipe Dern. Ang dalawang Prinsipe na panay ngisi lang ang makikita sa mukha, walang problemang iniinda.

Bumaling ang atensiyon ko kay Ysabelle. Hmm, hindi kaya si Prinsipe Dern ang tinititigan niya nang palihim ngayon? May napapansin talaga akong something kay Ysabelle pagdating kay Prinsipe Dern, eh. Tila may lihim siyang pagtingin sa kaibigan niya.

"May gusto ka kay Prinsipe Dern, 'no?" Bakas sa tono ko ang pang-aasar.

Naalala ko ang sinabi niya sa 'kin no'ng nasa batis kami. May isang lalaking lihim niya raw na iniibig. Tama ba ang hinala kong si Prinsipe Dern ang tinutukoy niya? Posible, dahil si Prinsipe Dern lang naman ang lalaking madalas niyang kasama at wala naman na itong nababanggit na ibang pangalan ng lalaki sa akin.

Bumalik sa wisyo si Ysabelle. Kumunot ang noo nito at 'di makatingin nang diretso sa 'kin. Naiilang siyang hinampas ako sa braso.

"A-Ano bang k-kahibangan ang iyong sinasabi, Zariya?"

Nagsimula na muli itong maglakad pero ako ay patuloy pa rin siyang inaasar.

"Ayie, crush mo eh... pero dine-deny mo lang. Ikaw ha," sinundot ko siya sa tagiliran nito.

"Hindi ko alam ang iyong mga sinasabi. Halika na, kailangan pa nating hanapin si Prinsipe Arsh bago makarating ang mga panauhin."

Napangiti ako nang palihim. Iniiba niya ang topic so it means, totoo nga na may gusto siya kay Prinsipe Dern. Napapangiti na lang ako. Ayoko naman na siyang kulitin pa kaya sumabay na ako sa paglalakad sa kaniya at tinigilan ang pang-aasar.

"Ano namang koneks'yon ni Prinsipe Arsh sa babaeng papakasalan ni Prinsipe Ravi? Bakit pa siya kailangang bantayan habang narito ang mga panauhin?" diretso kon tanong.

As if naman manggugulo siya? Ano naman pakialam niya sa fiancé ng kapatid niya?

Dapat nga ay makisali siya sa salo-salo nila mamaya dahil pamilya naman siya ng ikakasal. Hindi naman siya naiiba sa kanila.

"Malaki ang naging koneks'yon nilang dalawa," mariing sambit ni Ysabelle. Na-curious tuloy ako bigla. Mukhang another chismis na naman ito na manggagaling sa kaibigan ko.

"Ano naman 'yon?" usisa ko.

Mas lumapit si Ysabelle sa 'kin. Sabay kaming naglalakad ngayon sa hallway ng garden. Isinabit nito ang kamay niya sa bandang siko para hindi mahirapan na hinaan pa ang boses nito.

"Alam na ng buong palasyo na..." Humina ang boses niya indikasyon na chismis nga talaga ito. "Na may namagitan kay Prinsipe Arsh at Haya Kaira."

"Haya K-Kaira?"

"Ang binibining papakasalan ni Prinsipe Ravi," bulong niya.

Napanganga ako. So, mag-ex si Prinsipe Arsh at ang fiancé ni Prinsipe Ravi? Eh, paanong sinalo ni Prinsipe Ravi ang ex-girlfriend ng kapatid niya? Bakit niya ginawa 'yon? Ang awkward, ha!

Unti-unti, naiintindihan ko na kung bakit pinapahanap si Prinsipe Arsh. Hindi nga maganda na magsama ang tatlo sa hapag-kainan dahil sa tensiyon na magaganap. Baka ang isa sa kanila ay hindi pa naka-move on.

"B-Bakit pumayag si Prinsipe Ravi na pakasalan ang babaeng minsang inibig ng kaniyang kapatid?"

Napapa-solid ang pagta-tagalog ko kapag ganitong chismisan.

"Dahil iniibig rin ni Prinsipe Ravi si Haya Kaira noon pa man. Nagkasundo si Haring Valor at ang Ama ni Haya Kaira na ipag-isang dibdib ang kanilang mga Anak. Kaya gano'n na lamang ang galit ni Prinsipe Arsh kay Prinsipe Ravi lalo na't pumayag si Haya Kaira sa kasunduan. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng dalawang importanteng tao sa buhay niya, ang babaeng iniibig niya at ang mismong kapatid niya."

Hindi man ako si Prinsipe Arsh, nakaramdam pa rin ako ng kirot. Sobrang sakit 'yon sa part niya. Kaya pala napapansin kong 'di okay ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't-isa. Idagdag pa si Prinsipe Cozen. Si Prinsipe Ravi, Prinsipe Arsh at Prinsipe Cozen ang tatlong Prinsipe na 'di malapit sa isa't-isa. Tanging si Prinsipe Nesh at Prinsipe Dern lang ang may maayos na pakikitungo sa iba pa nilang kapatid.

"Kaya pinapahanap ni Kharim Celia si Prinsipe Arsh para maiwasan ang gulo. Mas mabuting 'di magkita ang dating magkasintahan," an'ya. "Nang maiwasan din ang iba pang masasabi ng mga taong makakakita sa kanila."

Paano 'yon? Edi sa mismong kasal ay hindi rin invited si Prinsipe Arsh? Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Pinagkaitan na nga siya na makita at makadalo sa importanteng araw sa buhay ng kaniyang kapatid.

Pero mas masakit kung magiging saksi siya sa kasal na babaeng minsan niyang inibig. Napakasakit na makitang ikinakasal siya mismo sa taong dahilan ng hiwalayan nila.

"Ysabelle!"

Sabay kaming napalingon sa taong nagtawag kay Ysabelle.

"Inay? Ano po ang ginagawa mo rito?"

Nasa harap namin ngayon ang isang matandang babae na sa wari ko, nasa 60's na. Kulubot na ang kaniyang balat at puti na ang kaniyang buhok. Bakas sa kaniyang suot ang kahirapan. Punit-punit ang blusa pero para sa kanila, normal lang 'yon. Hindi alintana ng matanda ang kaniyang hitsura. Ngayon ko lang nakita ang Ina ni Ysabelle.

"Ang iyong kapatid..." garalgal niyang wika.

"Anong nangyari kay Isabela?" Bakas sa tono nito ang labis na pag-aalala.

Maging ako ay nabahala. Mas lumapit ako sa kanilang dalawa. Chismosa na kung chismosa pero gusto kong malaman ang nangyari sa kapatid ni Ysabelle.

"Nahihirapan na namang huminga ang iyong kapatid, Ysabelle," wika ng kaniyang Ina. "Kailangan namin ng iyong tulong para madala siya sa taga-gamot na nasa bayan pa."

"Pero Inay, sa makalawa pa ang araw na makakauwi ako. Hindi ako maaaring pumuslit ngayon lalo pa't may mahalagang panauhin ang palasyo na darating maya-maya lang," paliwanag ni Ysabelle. Hindi niya na rin alam kung anong uunahin niya.

Alam ko namang gusto niyang puntahan ang kapatid niya pero nagdadalawang-isip ito dahil sa kaniyang trabaho. Hindi madaling makaalis sa palasyo na walang paalam mula sa itaas.

Sumingit na ako sa usapan nila. "Ysabelle, puntahan mo na ang kapatid mo. Ako na ang bahalang maghanap kay Prinsipe Arsh at ipapaalam na lamang kita kay Kharim Celia. Ipapaintindi ko sa kanila ang tungkol sa nangyari sa iyong kapatid kaya 'wag kang mag-alala."

Maiintindihan naman siguro nila. Buhay na ng kapatid niya ang nakasalalay ngayon. Ang trabaho, nababalikan ngunit ang buhay ay hindi kailan man, mababawi.

"Sigurado ka ba, Zariya?"

Tumango ako sa kaniya.

"Kung gayon, maraming salamat." Hinawakan pa nito ang dalawang kamay ko upang iabot ang pasasalamat.

Bago pa sila makaalis, pinasadahan ko ng tingin ang Ina ni Ysabelle. Nakangiti ito sa 'kin kaya ngumiti rin ako sa kaniya. Na-miss ko tuloy si Mama. Gagawin talaga ng isang Ina ang lahat, mailigtas lamang ang kaniyang Anak.

Umalis na sila at naiwan akong mag-isa. Kailangan ko na gawin ang inuutos ni Kharim Celia para maipagpaalam na rin si Ysabelle na hindi muna siya makakapasok sa trabaho ngayon. Pero saan ko naman kaya hahanapin si Prinsipe Arsh?

"Bakit mo ako hinahanap?"

Halos lumundag ang puso ko sa gulat nang may nagsalita mula sa likuran ko. Pagkalingon ko, tumambad sa 'kin ang walang emosyon na mukha ni Prinsipe Arsh. Kinuha agad nito ang tingin ko.

"Kanina ka pa r'yan?"

"Oo," tipid niyang wika gamit ang malamig na boses.

Nasa lilim siya ng puno kung saan ko unang nakita si Prinsipe Nesh. Nakasandal ito ro'n habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa sa suot niyang hanbok. Hindi ko alam na may bulsa pala 'yon.

Papunta na sana ako direksyon niya nang biglang tumunog ang trumpeta ng mga kawal. Napahinto ako at tiningnan ang malaking gate na nakabukas na ngayon. Malalakas na tambol ang namayani sa buong palasyo. Tanaw na tanaw mula rito ang pagpasok ng isang napalamutiang kalesa. Mabilis na umayos ang mga kawal na nakapaligid.

Nakita ko si Prinsipe Ravi kasama si Haring Valor at nakasunod naman sa kanila sila Prinsipe Cozen, Prinsipe Dern at Prinsipe Nesh na naglakad papunta sa gilid ng kalesa. Tanging si Prinsipe Arsh lang ang wala roon.

May isang babaeng kasalukuyang inaalalayan ni Prinsipe Ravi sa pagbaba sa sinakyang kalesa. Nang tuluyan na itong makababa, napamangha ako sa labis na ganda ng suot niyang hanbok. Kulay pula at mukhang mamahalin talaga ang pagkakagawa. Napakarami niyang suot na alahas, bakas talaga ang karangyaan. Kahit malayo, kita ko pa rin ang napakaganda niyang mukha. Siya si Haya Kaira. Hindi na ako magtataka na may dalawang Prinsipe ang umibig sa kaniya.

Nagsimula nang maglakad si Prinsipe Ravi at si Haya Kaira. Nakaramdam ako ng kirot nang makitang magkahawak-kamay sila. Idagdag pa ang abot taingang ngiti ni Prinsipe Ravi. In love na in love talaga siya sa binibining kasama niya ngayon. Ang bawat tingin na ipinupukol niya sa binibin ay ang siya namang kirot ang hatid sa akin.

Crush ko lang naman siya kaya bakit ako makakaramdama ng selos? No, Zariya. Nababaliw ka na, 'di p'wede 'yan. Crush lang, 'di ba? Kapag crush, crush lang, walang selosan! Hinahangaan ko lang si Prinsipe Ravi. Kailangan na maging masaya na lang ako sa nalalapit na kasal niya. Hindi na ako maaaring makaramdam ng iba pa. Hanggang doon na lang iyon.

"May gusto ka kay Ravi, tama?"

Hindi ko man lingunin ito, alam kong si Prinsipe Arsh ang nagsalita. Siya lang naman ang kasama ko ngayon dito.

Kung nakakaramdam ako ng selos, what more pa sa kaniya, 'di ba? Nakikita niya ngayon ang babaeng iniibig niya at ang kapatid niya na parehong masaya at 'di alintana na may nasasaktan sila ngayon.

"Tama nga ako, may gusto ka kay Ravi."

Nilingon ko na ito. "Ha? W-Wala, ah! Alam mo, masasaktan ka lang kung itutuloy mo ang panonood mo sa kanila. Halika na, pumasok na lang tayo sa loob."

Mas mabuti nga na pumasok na siya sa loob at susunod na lang din ako sa kaniya. Ayoko nang mamalagi pa rito at pinapanood sila.

Pinilit ko siyang pumasok na pero 'di niya ako pinapakinggan. Nakatitig pa rin ito sa direksiyon nila Prinsipe Ravi at Haya Kaira.

"Ako nga lang ba ang nasasaktan ngayon?"

Tiningnan ko siya. Diretso lang ang tingin niya at 'di nag-aksayang tumingin sa 'kin.

"Hayaan mo at tutulungan kita... tutulungan kita kay Ravi," an'ya at ilang saglit lang ay inayos na niya ang kaniyang sarili bago ako tinalikuran.

Saan siya pupunta? Hahabulin ko pa sana siya kaso bigla na itong naglaho habang naglalakad. Wow, nawala siya nang basta-basta!

Naiwan akong mag-isa at nalilito sa huling sinabi niya.

Tutulungan niya raw ako kay Prinsipe Ravi? Ano ang ibig sabihin niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro