KABANATA 5
Matapos kumain ni Haring Valor at ang kaniyang limang Anak na Prinsipe, tumulong na rin ako sa pagligpit ng mga pinag-kainan. Pinagpatong-patong ko ang mga platong ginamit ng limang Prinsipe para minsanan na lang ang pagdala ko sa mga ito papunta sa kusina. May isang taga-silbi na inatasang maghuhugas sa mga kagamitan pang-kusina. Buti na lang at 'di ako 'yon dahil sawa na akong maghugas ng mga plato sa modern world, ako kasi ang taga-hugas sa bahay namin. Wala pa namang sponge sa panahong ito kaya hindi nakakamotivate maghugas.
Nang maipatong ko na ang limang plato, naglakad na ako para dalhin ang mga ito sa loob ng kusina. Konti na lang din naman ang natirang kalat sa lamesa at kaya na 'yong ligpitin ng mga kapwa ko taga-silbi. Matapos kong ilagay sa malaking palanggana ang mga plato, tinawag ako ni Kharim Celia para kumain na.
"Maupo ka na riyan dahil ipaghahain na kita. Ganito talaga rito, matapos kumain ng Hari at ng mga Prinsipe, saka lamang tayo p'wedeng kumain," wika nito sa 'kin sabay hila ng isang upuan at inalalayan niya akong umupo.
Inilapag ni Kharim Celia ang plato sa harap ko at naglagay ng tinapay. Pinagtimpla niya rin ako ng kapeng barako. Ngayon lang ako makakatikim nito at sa amoy pa lang, mukhang mapapalaban na ako. Baka nga pati ang maling tao ay maipaglaban ko dahil sa sobrang tapang!
Naupo na rin ang iba pang mga taga-silbi at sabay-sabay kaming nagsalo ng pang-agahan.
"Gusto kong tikman ang niluto ni Zariya. Pakiramdam ko ay humanga talaga si Prinsipe Ravi sa kaniya," wika ng isang babaeng may singkit na mata, matangos na ilong at maputing kutis. Napakanatural ang kaniyang kagandahan. Siya ang taga-silbi na kasama ni Prinsipe Nesh noong nahulog ako sa puno. Ang ganda niya. Hindi mo aakalain na isa siyang taga-silbi sa palasyo.
Agad siyang nagsandok ng adobo. Nakapila na rin ang iba pang taga-silbi habang hawak ang kaniya-kaniyang plato. Bakas ang pagkasabik na matikman din ang niluto ko.
"Anong masasabi mo, Ysabelle?" tanong ni Kharim Celia sa babaeng singkit na tinutukoy ko kanina matapos nitong tikman ang niluto ko.
Inaabangan ko ang isasagot nito. Oo, marunong akong magluto pero 'di ko naman in-expect na aabot sa puntong mamamangha sila lalo na si Prinsipe Ravi.
"Isa lang ang masasabi ko, Kharim Celia..." Huminto ito at saka bumaling sa 'kin, "Nawa'y lahat!"
Napangiti naman agad ako. Pati pala rito ay uso rin ang salitang 'sana all' ngunit sa Filipino na leng'wahe nga lang.
Maging ang mga sumunod na taga-silbng tumikim sa adobo ko, iisa lang ang sinasabi. Masarap nga raw talaga ang luto ko. Aaraw-arawin ko na yata ang pagluluto. P'wede ring magtayo na amang ako ng restaurant dito at pagkakitaan ko. Umaatake na naman ang pagiging business minded ko.
Nag-focus na lang ulit ako sa pagkaing nasa harap ko hanggang sa naubos ko na ito. Tatayo na sana ako para iligpit ang pinagkainan ko nang may biglang lumitaw sa gilid ko. Muntikan na akong mapatalon dahil sa gulat.
Paanong may isang Prinsipe ang susulpot nang biglaan? Hindi ko alam kung saan ito nanggaling.
"Magandang umaga, Prinsipe Dern!" Nagsitayuan ang mga taga-silbi at maging si Kharim Celia nang makita kung sino ang bagong dating.
Matapos nilang batiin ang bagong sulpot na Prinsipe, sabay-sabay silang yumuko upang magbigay respeto maliban sa 'kin.
"Zariya, magbigay galang ka sa Mahal na Prinsipe," utos sa 'kin ni Kharim Celia na kinurot pa ang tagiliran ko.
Matapos niya akong gulatin dahil sa biglaang paglitaw niya ay babatiin ko siya? Aba!
"Magandang umaga, Prinsipe Dern." Pilit ang aking pagngiti kasabay nang aking pagyuko sa harap nito.
Nang tumingala akong muli ay tumambad sa 'kin ang nakakaloko niyang ngiti.
"Mas maganda ka pa sa umaga, Zariya."
Napangiwi lamang ako. Hindi niya ako madadaan sa mga ganiyang galawan niya. Mas susungitan ko lamang siya.
"Alam ko," kampante kong saad at saka ito tinalikuran.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya pero 'di ko 'to pinansin. Inayos ko na ang pinagkainan ko at dinala sa malaking palanggana kung nasaan ang mga huhugasin. Ramdam kong nakasunod si Prinsipe Dern sa likod ko.
"Hindi ba maganda ang bungad ng iyong umaga kaya mo ako sinusungitan ngayon?" Mula sa likuran ay pumaharap ito ngayon sa 'kin ngunit hindi ko pa rin ito tinatapunan ng tingin. Nagkunwari akong hindi ko nakikita ang presensiya niya. "Hayaan mong ako ang maging rason para makompleto ang araw mo," nakangising dagdag pa niya.
This time, tumingin na ako sa kaniya na bakas sa aking mukha ang pagkairita.
"Paano mo mako-kompleto ang araw ko kung ikaw ang rason kung bakit ako bad mood ngayon?"
Hindi naman ako naiinis sa kaniya. Naiirita lang ako dahil na rin sa pagkindat niya sa 'kin kanina bago sila kumain. Ewan ko ba, ayoko talaga sa tipo ng lalaking katulad niya. May allergy yata ako sa mga playboy.
"B-Bad m-mud?"
Napa-face palm na lamang ako. Hindi rin pala ito nakakaintindi ng English words gaya ni Prinsipe Nesh.
"W-Wala," pagde-deny ko bago tumalikod muli sa kaniya.
Bumalik ako sa inuupuan ko kanina na habang buntot ko pa rin si Prinsipe Dern. Si Ysabelle na lang ang natirang kumakain hanggang ngayon. Balak niya yatang papakin ang adobong niluto ko.
Umupo ang Prinsipe sa tapat ni Ysabelle.
"Ysabelle, ba't mo inuubos ang adobong niluto ni Zariya? Tirahan mo ako r'yan!" Tila isang batang paslit na inagawan ng lollipop na pagrereklamo ni Prinsipe Dern.
"Pasens'ya ka na pero 'di kita titir'han dahil gutom ako!" Nagulat ako sa sinagot at inasta ni Ysabelle. Tama ba ang narinig ko? Hindi siya nagbigay galang sa Prinsipe. Tila kaibigan niya lang ito kung sagut-sagutin.
"Aba, sumasagot ka na, ha!" Kumuha si Prinsipe Dern ng isang pirasong mansanas sa lamesa at walang alinlangang binato ito kay Ysabelle. Mabuti na lang dahil nasalo ni Ysabelle agad bago tumama sa kaniyang mukha. "Matuto kang gumalang sa g'wapong Prinsipeng tulad ko kahit na kaibigan pa kita!"
"Masusunod, aking Prinsipeng kaibigan," sarcastic niyang wika bago kami tinalikuran ni Prinsipe Dern.
Magkaibigan sila? Paano? Okay lang ba na maging magkaibigan ang isang taga-silbi at isang Prinsipe sa mundong ito? Sa mga nababasa at napapanood ko kasi, mukhang malabo dahil hindi sila pantay ng estado sa buhay. Pero wala namang imposible sa mundong ito. Natuwa tuloy ako kay Prinsipe Dern dahil hindi siya maarte sa pagpili ng kakaibiganin niya.
"Itong kaibigan ko talagang si Ysabelle, hindi na nagbago. Napakatapang pa rin kung sumagot sa 'kin," bulong niya na sapat lang para marinig ko.
Para sa 'kin, bagay silang dalawa. Isang babaeng kayang barahin at kontrahin ang isang mahangin na lalaking gaya ni Prinsipe Dern.
"Zariya, nandito lang naman ako para utusan ka." Nagpatuloy si Prinsipe Dern sa pangungulit. Naupo na siya ngayon sa tapat ko.
No choice pa yata ako ngayon dahil ako lang naman ang nag-iisang taga-silbi ng limang Prinsipe. Ang unfair kasi 'di ba, lima sila samantalang iisa lang ako? Isa pa, ang laki na nila para magkaroon pa ng yaya!
"Ano?" walang gana kong tanong matapos kong salinan ng tubig ang basong iinumin ko.
"Paliguan mo ako."
Halos masamid ako dahil sa narinig, naubo tuloy ako. Naramdaman ko na lang na may humagod sa likod ko at nang lingunin ko ito, si Ysabelle lang pala. Binigyan niya ako ng maliit na tela upang punasan ang bibig ko.
"W-What? Papaliguan kita? Seriously? Are you out of your mind?"
Kumunot ang noo niya. "Wala akong naintindihan sa ibang sinabi mo pero oo, papaliguan mo ako," maawtoriad niyang sambit.
Ano siya, bata? Napakalaki na niyang damulag! Sa nakikita ko, may kamay at paa naman siya para gawin 'yon. Marunong siyang maligo mag-isa.
"Isa sa gawain ng Kharim ang ihanda ang pangligo ng mga Prinsipe at sundin ang iba pang ibig nilang iutos sa 'yo." Napalingon ako kay Ysabelle na parang sumasang-ayon pa sa sinabi ni Prinsipe Dern.
Sundin ang iba pang ibig nilang iutos? Like, papaliguan ko ang isang ito?
Nahihibang na ba silang dalawa?
"Ayoko nga!" pagmamatigas ko.
Bahala siyang maligo mag-isa! Kung ihahanda ko lang ang pangligo niya ay magagawa ko pa pero ang paliguan siya? Oh no, ibang usapan na 'yan.
"Zariya." Lumingon ako sa nagtawag ng pangalan ko, si Kharim Celia. "Tumayo ka na r'yan at sundin ang utos ni Prinsipe Dern."
Pinandilatan ko siya ng mata. Seryoso rin ba siya?
Bago pa ako makareklamo kay Kharim Celia ay hinigit na ni Prinsipe Dern ang kamay ko at hila-hila niya na ako palabas ng kusina.
"Hoy, ano ba? Bitawan mo nga akong manyakis ka! Hindi kita papaliguan over my dead body." Patuloy ang pagsigaw ko sa kaniya pero umakto siyang walang naririnig.
Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas at ngayon ay hila-hila pa rin niya ako papunta sa hardin. Pinipilit ko namang makawala sa pagkakahawak niya.
Panay pa rin ang reklamo ko pero 'di pa rin niya ako binibitawan.
"Bibitawan mo ako ngayon o sisipain kita mamaya?" matapang kong pagbabanta sa kaniya. Dadaanin ko na lamang siya sa sindak kung hindi mabisa ang pagmamakaawa ko.
Tumigil ito sa paglalakad. "Bibitawan lang kita kung makakasiguro akong 'di mo ako tatakbuhan."
Inirapan ko lamang siya. "Ano pa nga bang magagawa ko kung 'di sundin ka? As if I have a choice. I won't run so please, bitawan mo na ang kamay ko."
Sa tingin ba niya ay may laban ako sa kaniya? Kahit gaano ako katapang o kahit ano pa ang pagsisindak na gawin ko sa kaniya, hindi pa rin ako mananalo. Ikumpara mo ba naman kaming dalawa. Siya ay may kapangyarihan samantalang ako, mga mayayabang na salita lang ang mailalaban ko. Lamang na lamang siya sa akin. Hindi ako makakatakas sa kaniya.
Tiningnan muna ako nitong nakangisi bago binitawan nang tuluyan ang kamay ko. Nagpatuloy siyang maglakad at ako naman ay nagmamaktol na nakasunod sa kaniya. Pinandilatan ko siya ng mata. Kung p'wede ko lang siya bawian, nasipa ko na siya kanina pa.
Papunta yata kami ngayon sa lawa na nasa hardin din lang.
"Ano ang mga salitang binitawan mo kanina? Hindi ko maintindihan pagkat sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang narinig ang mga 'yon. Maaari mo bang ipaliwanag kung anong klaseng wika ang iyong ginagamit?"
Patay ako ngayon nito. Kapag nagagalit pa naman ako ay 'di ko mapigilang mag-English. Kung 'di niya ako trine-triggered, edi sana hindi ko siya magagamitan ng English words na hindi niya maiintindihan.
Paano ko lulusutan ito? Baka isipin pa niyang nababaliw na ako dahil gumagawa ako ng lengwahe na ako lamang ang nakakaintindi.
Bahala na nga!
"Sariling wika ko, ba't ba?" pagsi-sinungaling ko.
Hindi naman siguro halatang galing ako sa ibang mundo dahil sa paggamit ko ng English words, 'di ba? Kasi normal lang na may kakaibang kakayahan ang bawat isa rito sa kakaibang mundo nila kaya posible ring magawa ko ang pagbuo ng sarili kong vocabulary.
"Gusto kong matutuhan," wika niya. Nginisian niya ako at bakas sa kaniyang mukha na interesado nga talaga siyang matuto.
Inirapan ko na naman siya. "Ayoko nga."
Tumigil ito sa paglalakad at nilingon ako. Napatigil din tuloy ako at hinarap siya.
"Sige na, turuan mo na ako." Nag-puppy eyes siya gamit ang mapupungay niyang mata.
Okay, I will admit it, he look so cute! Umiwas ako ng tingin dahil para akong nahi-hypnotize ng kulay yellow-orange nitong mata. Tila may sariling buhay ang kaniyang mga mata at kinakausap ako, nagsusumamo na aking sundin ang kaniyang nais.
"Tuturuan kita pero sa isang kondisyon," saad ko.
"Ano?"
"Hindi kita papaliguan."
Feeling ko ang talino ko ngayon dahil naisip ko ang kapalit ng pagturo ko sa kaniya ng English words. Akala niya ay ako lang ang mauutakan niya, ha.
"Ha? Iniisahan mo pa ako pero sige, masusunod. Kung iyon ang magiging kapalit ng pagturo mo sa akin ng iyong sariling wika, pagbibigyan ko ang iyong kagustuhan. Ako ay pumapayag."
Napangiti naman ako. Tumango ako at saka nagsimulang maglakad. Sinabayan naman niya ako. Hindi na ako bad mood sa kaniya dahil madali naman pala siyang kausap. Kung ganito siya lagi, baka magkakasundo kami.
"Ano ba ang salita ang nais mong malaman?"
Saglit itong nag-isip. "Ano ang salitang 'ako' sa iyong lengwahe?"
"Uhm... 'me' o kaya p'wede namang 'I'. Ang salitang ako ay me o I," pang-uulit ko.
Tumango tango ito at nag-isip ulit ng isusunod niyang itatanong.
"Ano naman ang salitang 'ikaw'?
"Simple lang, 'you'," sagot ko.
Feel ko ang talino ko dahil may tinuturuan ako. Napapasabak ang teaching skills ko dahil sa Prinsipeng ito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang hinihintay ang sunod na salita na kaniyang ipapa-translate.
"Ano naman ang 'magandang umaga'?"
"Good Morning."
Maaari na ba akong magtayo ng eskwelahan dito para sa mga gustong matuto ng wikang English? Tapos tatawagin nila akong 'Teacher Zariya'.
"Ito naman, 'sino ang taong hinahangaan mo'? Paano iyong bibigkasin sa iyong sariling lengwahe?"
Lumingon ako sa kaniya dahil hindi klaro sa 'kin. Isang sentence na ang pinapa-translate niya. "Ibig mo bang sabihin ay kung sino ang iyong iniidolo?"
"Hindi," mabilis niyang sagot. "Ang gusto kong malaman ay ang salitang 'paghanga'. Simpleng paghanga na maaaring humantong sa pagmamahal. Sino ang taong hinahangaan mo?"
Ah, gets. 'Sino ang crush mo?' siguro ang tinutukoy niya.
"Who is your crush?"
Tumigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil din ako. Nagtaka ako kung anong nangyari kaya nilingon ko ito. Seryoso siyang nakatitig sa 'kin.
Ngumiti ito nang pagtaasan ko siya ng kilay.
"Y-You," hindi niya inalis ang pagkakatitig sa 'king mata.
Nagsalubong agad ang kilay ko nang marealized ang sinabi niya. Nag-process pa saglit ang utak ko sa sinabi niya. Nadali niya ako sa banat niyang 'yon.
"Nababaliw ka ba?" pagsusungit ko pa rin. Umakto akong hindi apektado.
"Oo, sa 'yo."
'Di naalis ang ngisi sa kaniyang labi.
Naiirita na naman ako kaya ako na ang unang umiwas ng tingin. "Bahala ka nga r'yan!"
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ang lakas talaga ng trip nu'n! Iniwan ko siyang pangiti-ngiti roon.
"Sandali," habol niya sa 'kin dahil mas binilisan ko pa lalo ang paglalakad.
"Alam mo, tama si Kharim Celia, e'. Kayong mga lalaki, mga pa-fall! Once na-fall na 'yong babae, iiwan niyo na lang o 'di kaya, 'di na magpaparamdam." Huminto ako sa paglalakad at nilingon ito. "Ang lakas niyo humarot pero 'di niyo naman kayang sumalo!"
Narinig ko na naman ang mapang-asar nitong tawa. Sayang-saya pa siya ha? Iniinis niya talaga ako! Akala ko pa naman ay magkakasundo na kami kanina pero binabawi ko na ngayon.
"Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay at nagpameywang pa.
Ilang hakbang lang ang ginawa niya ay nasa tabi ko na ito.
"Huwag kang mag-alala Zariya, handa naman akong saluhin ka kung mahulog ka man sa akin."
Required ba talagang sa tuwing babanat siya, kalakip nu'n ay ang ngiti sa kaniyang labi? Lumalabas tuloy ang dimples niya na nagpapa-attract sa kaniya.
Inirapan ko na lamang siya at muli na namang naglakad. Hindi ko na lang siya papansinin dahil alam kung 'di 'to titigil sa pangungulit. Mas gaganahan lang siyang ipagpatuloy ang pang-aasar kung papatulan ko siya.
Pasipol-sipol pa siya habang nakasunod sa 'kin. Parang timang!
Ilang saglit lang ay nakarating kami sa maliit na lawa na nasa hardin. May tinayong mini-house sa tabi nito, gawa sa kawayan at dahon naman ng niyog ang bubong. Ang sabi ni Kharim Celia, doon nilalagay ang mga gamit pangligo at doon na rin nagbibihis ang mga Prinsipe.
"Zariya," wika ng katabi ko.
Nilingon ko naman ito na may inaabot na limang pirasong pulang rosas. Hindi ko 'yon kinuha. Ano 'yon? Panunuyo?
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan maging sa mga mabulaklak mong mga salita, Prinsipe Dern," usal ko.
"Binibigay ko ito dahil kailangan mo ito sa panghanda ng panligo ko. Dapat nga magpasalamat ka dahil ako na ang pumitas ng mga ito nang 'di ka matinikan," paliwanag niya. "Ano ba ang iniisip mo riyan?"
Namula ang pisngi ko. Hindi na ako sumagot bagkus, kinuha ko na lang ang mga rosas na 'di tumitingin sa kaniya dahil sa naramdamang hiya. "S-Salamat."
Akala ko pa naman ay kaya niya ako binibigyan ng bulaklak ay para suyuin. Nakakahiya talaga!
Iginaya niya ako sa loob ng mini house. Pumasok ako at nakita kong isang maliit na silid lamang ito. May limang cabinet na gawa sa kahoy na nakahilera ang naroon sa gilid, tig-iisang cabinet ang mga Prinsipe. Ang mas nakakaagaw ng pansin sa loob ay ang hindi kalakihang bilog na swimming pool sa gitna. Oo, may tubig ito at sa wari ko, nakakonekta ito sa lawa na narito sa hardin.
"Tititigan mo na lamang ba ang aming paliguan? Wala ka bang balak ilagay riyan ang mga pulang rosas na hawak mo?"
"Ito naman, tinititigan ko pa lang, e'. Ang galing, 'no? Naka-connect ito sa lawa na narito sa hardin," manghang saad ko.
Tumango naman siya. "Gusto mo bang maranasan? Maaari namang samahan mo ako sa aking pagligo. Sabay tayong maligo, ano sa tingin mo?"
Dinampot ko ang tela na nasa sahig at agad binato sa kaniya. "Manyakis ka!" sigaw ko.
Mabuti na lang nakailag siya.
Nagfocus na lang ako sa pagtanggal ng petals ng mga red roses at nilagay ito sa parang swimming pool na naroon. Ang sosyal nga eh, katulad lang ito sa mayayamang tao na nasa modernong mundo, bathtub with red roses.
Inihanda ko na rin ang towel at damit na isusuot niya mamaya. Ipinatong ko 'yon sa lamesang naroon sa gilid ng paliguan. Nakahanda na lahat ang kakailanganin niya sa pagligo. Maaari naman na siguro akong lumabas at iwan siya. Tapos na ang trabaho ko.
"Ayan, okay na!" Tumayo na ako at humarap sa kaniya. Pinagpag ko ang dalawang kamay ko upang maalis ang dumi roon.
"Ngayon, hubaran mo na ako," mariin niyang utos.
Nanlaki ang mata ko dahil naka-arms sideward na siya at tila naghihintay na lang na tanggalin ang damit niya.
Baliw siya!
Nag-usap na kami kanina, ah. Pumayag siyang hindi ko na siya papaliguan dahil tinuruan ko siya ng English words.
"Ay--"
"Dern, kaya mo na 'yang mag-isa. Hindi mo na kailangang magpatulong pa," sabat ng lalaking kapapasok lang.
Prinsipe Ravi.
"Zariya, maaari ka nang lumabas at hintayin na lamang kami ro'n."
Naligtas niya ako sa kamanyakan ng kapatid niya dahil sa pagdating niya.
"Masusunod po, Prinsipe Ravi." Yumuko ako at nang iangat ko ang aking ulo, matamis na ngiti mula sa kaniyang mapupulang labi ang aking nasilayan.
Bakit ka ganiyan, Prinsipe Ravi? Huwag kang ngumiti.
Lumingon muna ako kay Prinsipe Dern na bakas sa mukha ang pagkalugi. "Sa labas na lamang ako maghihintay, Mahal na Prinsipe."
Yumuko rin ako sa harap nito bago humakbang palabas ng silid. Sinara ko ang pinto at naupo sa bench na naroon sa tabi. Marami pang benches ang narito pero mas pinili kong umupo sa tabi lang ng bahay-paliguan nila.
Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ramdam kong nag-iinit ito. Napangiti ako sa kawalan nang maisip muli ang nakangiting mukha ni Prinsipe Ravi.
That genuine smile of him makes my heart beats fast.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro